Friday , April 26 2024

BeauteFinds by BeauteDerm, dinagsa ang Grand Opening

READ: Keanna, inasunto ng cyber libel ng Comikera Food Park owner na si Nancy Dimaranan

BINUKSAN na last week ang 24th branch ng BeauteDerm na tinawag na BeauteFinds by BeauteDerm. Ito ay matatagpuan sa Unit 307, TNA Building, #17 J. Abad Santos St., Brgy. Little Baguio, San Juan City. Ito ay owned and managed by Kathryn Ong, na since 2011 ay distributor na ng BeauteDerm.

Present sa naturang event para sa meet and greet at ribbon cutting ceremony ang Beaute­Derm ambassadors na sina Ms. Sylvia Sanchez, Arjo Atayde, Carlo Aquino, Alma Concepcion, at Shyr Valdez.

Siyempre pa, nandoon din ang masipag na CEO at owner ng BeauteDerm na si Ms. Rhea Tan na labis ang kagalakan sa matagumpay na event.

Sa panayam namin kay Ms. Kathryn, nalaman naming mata­gal na pala siyang reseller ng BeauteDerm. “Actually isa po ako sa pinakamatatagal nang reseller ng Beautederm, circa 2011 pa. Mula noon until recently, online lang po talaga kami. Pero noong dumating ang time na super daming clients na ang nagre-request at gustong makita and mahawakan iyong duma­daming products ng Beaute­derm, naisip kong it’s about time na.”

Matagal n’yo na po kilala si Ms. Rhea Tan? “Matagal na po akong tagahanga ni Ms. Rhea, 2010 pa lang bumibili na ako ng damit sa kanya at Beaute­derm. Sa online lang po talaga kami magkakilala and friends, first time namin magkita last month. Grabe!” Bulalas ni Ms. Kathryn.

Ipinahayag din niya ang pasasalamat sa endorsers/ambassadors ng BeauteDerm sa matgumpay nilang opening. ”Sobrang successful ng store opening sir. ‘Di ko po ine-expect na darating as surprise guests si Ms. Alma Concep­cion and Shyr Valdez! Ang gaganda nila and grabe ang skin, obvious na Beautederm babies kasi ang bata tingnan and nago-glow sila talaga.

“Sobrang daming clients po ang pumunta, halos ‘di po nagkasya sa store lahat kaya ‘yung iba sa labas na naghin­tay. Super thankful po ako kay Ate Rhea sa support n’ya sa store opening namin. Very thankful din po ako kina Sylvia Sanchez, Arjo Atayde, Carlo Aquino, Alma, and Shyr for attending our event.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Ma Dong-seok Chavit Singson

Ma Dong-seok ng Train to Busan dadalhin ni Chavit sa ‘Pinas 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TIYAK na maraming Pinoy ang mae-excite dahil bibisita sa Pilipinas …

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *