Thursday , April 25 2024
Bea Binene Alden Richards

Bea, secret GF ni Alden

HINDI pa rin tinatantanan ng mga basher si Bea Binene.

Ang dahilan? Si Alden Richards.

May mga nagbibigay kasi ng ibang kahulugan sa friendship ng dalawa.

May iba pa nga na nag-iisip na ang Victor Magtanggol star ang secret boyfriend ng Kapag Nahati Ang Puso female lead.

Heto ang ilan sa mga pamba-bash kay Bea…

“Grabe halang din ang bituka itong babaeng ito! Ano’ng klase kaya ang nanay nito? Nagsisimba kaya ito? Huwag ka ng magsimba baka masunog ka sa  kasinungalingan mo! Ito’ng taong ‘to napakasinungaling din, e. Hindi daw dyowa si Alden. Pakamatay ka, uy! Para naman mabawas-bawasan ang mga  sinungaling dito sa mundong ito!’

“Hoy, Binene ikaw ha, marami ka ng napapaniwala na hindi kayo ni Alden! ‘Tanong lang; hindi ka ba naniniwala sa karma? Huy, may isang tao dun sa itaas nagmamasid, hindi ka ba takot sa kanya? Hanggang ngayon ba bulaklak pa rin ang pino-post mo? Napakaduwag mo naman girl! Hindi ka proud kay Alden.

“Mayaman yun, di ba? Buhay-reyna ka dun! Bayad lahat ng mga gastusin ng pamilya mo. Ha! Ha! Ha! Kunsabagay tagu-tago muna para hindi mabuking.

“Si Alden ba ang nagbabayad sa tuition mo at sa kapatid mo?”

“Block lang, block lang,” ang sagot naman ni Bea nang tanungin namin kung hindi ba siya nasasaktan sa mga ganitong pamba-bash sa kanya.

“Blocked lang sila.”

Sumagot na siya rati.

“Kasi sabi ko nga po kapag sumagot ako ngayon, kapag ganyan ‘yung utak nila, sarado na utak nila, so kapag sasagot ako sa kanila, ang sasabihin lang nila pumapatol ako sa isyu.

“Kapag hindi ako sumagot ang sasabihin nila, pinapahaba ko ‘yung isyu para mapag-usapan ako.”

Kaya ngayon ay hindi na siya sumasagot, bina-block na lang niya ang bashers.

Pero kapag binlock niya ay nare-realize naman ni Bea na pareho lang ang pangalan ng mga ito, na nagpapalit lang ng pangalan ang mga basher.

“Tapos wala naman silang profile picture. Walang follow, walang post.”

Hindi naman umabot si Bea sa punto na gusto na niyang i-deactivate ang kanyang social media accounts, nanghihinayang lang siya sa oras ng mga basher.

“Kasi ang dami nilang time. Wala silang ginagawa sa buhay.”

Na sa halip ayusin nila ang mga buhay nila at magtrabaho ay inuubos ang oras sa pamba-bash ng celebrities.

“Suportahan nila ‘yung idol nila ng walang halong negativity sa buhay, ‘di ba?”

Never pang umiyak si Bea sa sinumang basher, napipikon lang siya minsan kapag idinaramay ang pamilya niya.

“Kasi unang-una alam ko naman kung ano ang totoo.”

Matalik na magkaibigan lamang talaga sila ni Alden, sa pelikula pa lamang na Tween Academy: Class of 2012 ay magkaibigan na sila, si Jake Vargas pa ang ka-loveteam noon ni Bea.

Isang grupo silang magkakaibigan nina Alden, Kristoffer Martin, at Rodjun Cruz, among others, na ang kalimitang bonding ay kumain sa labas at umakyat sa bundok.

“Tapos binibigyan nila ng malisya kasi ako lang yata ‘yung babae.”

Sana ay hindi na lagyan ng malisya ang friendship nila.

Pinayuhan siya ni Alden na huwag na lang pansinin ang mga pamba-bash sa kanya.

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Check Also

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nagsisi nang magpagupit ng buhok sa ibang bansa

MATABILni John Fontanilla MUKHANG pinagsisihan ni Maine Mendoza ang ginawang pagpapagupit ng buhok na maiksi sa ibang …

GMA The Boys of Summer

Boys of Summer palaban sa ganda ng katawan at sex appeal

KUNG mayroong Sparkle 10 ladies na super display ng kanilang magaganda at seksing mga katawan, matindi rin …

Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Jerome af Krissha nag-level up ang relasyon

SA pagsisimula ng Sem Break series sa Viva TV, masusubukan ang sinasabi ni Jerome Ponce na nag-level up na nga …

Kim Chiu Paulo Avelino Kylie Verzosa 2

Halikan nina Paulo at Kylie ikaseselos ni Kim

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAY kemistri naman sina Paulo Avelino at Kylie Verzosa as proven by their latest starrer …

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *