Friday , February 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Tracy Cabrera (page 11)

Author Archives: Tracy Cabrera

Feed Subscription

Hostage ng ‘multo’ si Lady Gaya

Life’s greatest difficulties always happen right before life’s greatest breakthroughs. — Billy Cox PASAKALYE: Nag-react umano ang ‘multo’ ni LIGAYA, alyas LADY GAYA, dahil mukhang tumagos sa buto ang exposé natin sa kanya nitong nakaraang linggo. Ito’y ayon na rin sa ating mga source, na nakapaligid din kay Aleng JOY ngunit ang totoo’y dahil maliit lang naman ang ibinabalato ni ... Read More »

Ang Kakaibang mga Nude ni Dongwook Lee

KAILANGAN pang pagdebatehan kung ang mga eskultura ng Korean artist na si Dongwook Lee’s ay ‘thought-provoking’ o ‘titillatingly disturbing’ ayon sa mga nakatanaw rito? Ang maganda nga lang kasi sa sining ay mayroon itong malayang lisensiya para sa mga practitioner nito — abstract man o anong uri pa, maaaring ipakita ang damdamin sa alin mang paraan. Ang mga miniature sculpture ... Read More »

Who, where, what? Para kay Nietes

MARAHIL, liban lang sa petsa, ang lahat ay naiwang nakabitin para sa long-reigning Pinoy boxing champion Donnie ‘Ahas’ Nietes at ang susunod niyang laban. Sa pagkakaalam ni Nie-tes, minarkahan na ng kanyang mga promoter mula sa ALA Boxing na sina Tony at Michael Aldeguer and ka-lendaryo para sa Nobyembre 12 sa pagbabalik niya sa boxing ring. Ngunit kung sino ang ... Read More »

Second wind para kay Paul Artadi sa Blackwater

MUNTIK nang magretiro ni Paul Artadi sa pagwawakas ng huling season ng PBA campaign matapos gugulin ang halos lahat ng panahon na nakabangko sa laban ng Meralco. Ngayon ay nagpapasalamat si Artadi na ipinagpaliban niya muna ang planong magretiro para makakuha ng ‘second wind’ sa kanyang pro career. Sa pagkakahanap ng bagong tahanan sa expansion franchise na Blackwater, ine-enjoy ngayon ... Read More »

Hindi manunulat kundi manunulot

Those who don’t believe in magic will never find it. — Roald Dahl PASAKALYE: Sumbong sa atin, ang multo raw ni alias ma-LIGAYA ay dating reporter na si RICKY SUNGAY na nakasama sa southern Metro Manila beat ng inyong lingkod. Nasabi po nating dating reporter dahil mukhang hindi na siya ngayon kumo-cover ng beat at sa halip ay PR (public ... Read More »

Tatlong Pinay wagi sa ASBC Asian Women’s Boxing Championships

ITINATAK sa isip nina Josie Gabuco at Nesthy Petecio ang kanilang galing sa kani-kanilang kalabang taga-Uzbekistan para umabante sa ASBC Asian Women’s Boxing Championships sa Wulanchabu Sports Gymnasium sa Wulanchanbu, China nang nakaraang linggo. Kinailangan lamang ni Gabuco, ang 2012 AIBA world champion, ng tatlong round para idispatsa si Atakulova Gulasal sa kabila ng tangka ng Uzbek na bumawi sa ... Read More »

Beyonce bumili ng £200k na sapatos

BUMILI si Beyonce Knowles ng pares ng sapatos na nagkakahalaga ng £200k, o mahigit 14 milyong piso. Hindi pa lang makompirma kung kasama rin sa pagbili nito ang isang Range Rover. Ang napaulat na ‘outrageous purchase’ ay ginawa ng pop icon sa Birmingham—ang katapat ng American Rodeo Drive sa United Kingdom, na binilhan ni Bey bago magsimula ng kanyang video ... Read More »

Serena Williams babandera para sa Manila Mavericks (Sa IPTL sa susunod na taon)

PANGUNGUNAHAN ni world’s number one Serena Wil-liams ang Manila Mavericks sa pagbabalik sa Interna-tional Premier Tennis League (IPTL) sa Disyembre ngayong taon. Nagsagawa ang liga ng draft noong nakaraang Abril 12 na si Williams, na lumahok sa torneo para sa Singapore Slammers nitong nakaraang taon, ay napili para sa Manila team. Bukod kay Williams, lalahok para sa Mavericks sina Jo-Wilfried ... Read More »

2 bagong plant species nadiskubre sa Singapore

SA isang blog kamakailan lang, isinulat ni Singapore Minister of National Development Khaw Boon Wan ang pagkakadiskubre ng dalawang bagong plant species ng mga researcher ng Singapore Botanic Gardens. Binigyan ng scientific term bilang Hanguana rubinea at Hanguana triangulata, sinabi ni Khaw na “ang dalawang species ng halaman ay hindi lang bago sa siyensiya kundi matatagpuan lamang sa Singapore!” Nadiskubre ... Read More »

Dito dapat sa ‘Pinas ang FIBA World Cup —Chot Reyes

WALANG duda na ang Filipinas ang hari sa men’s basketball sa Southeast Asia, dahil napanalunan natin ang 17 sa 18 Southeast Asian Games gold medal, kabilang na ang pagwawagi sa Indonesia para mapanatili ang korona sa ika-28 edisyon ng SEA Games. Ngunit, binigyan-din ng matinding oposisyon ng Thailand ang Gilas Cadets sa semi-finals ng kompetis-yon, at nagtala ng iskor na ... Read More »

Pinakabatang saké master sa mundo

KAPAG ang pinag-usapan ay ukol sa isang master brewer, agad na maiisip ang imahe nito na edad 21-anyos pataas at hindi isang batang hindi pa nakatuntong sa pagiging isang teenager, pero sa Japan, isang batang 10-taong-gulang ang pinarangalan bilang youngest certified saké connoisseur sa buong mundo. Ang batang si Akane Niikura ay hindi nagsa-saké barhopping pero ang kanyang husay ay ... Read More »

Pacquaio kay Mayweather: ‘Huwag na natin patulan’

ITO ang naging reaksiyon ni Pinoy boxing icon Manny Pacquiao sa patutsada ni Floyd Mayweather Jr., kaugnay ng laban ng American pound-for-pound king kontra kay two-time welterweight champion Andre ‘The Beast’ Berto. “The difference between Berto and Pacquiao is you guys put all the hype in Manny. But this fight is a very intriguing matchup,” wika ni Mayweather. Iginiit ng ... Read More »

Reyna ng kotong sa Lawton

Truth never damages a cause that is just. —Mohandas K. Gandhi MATANDANG preso, nabasa mo ba (ang) column ni TRACY CABRERA na PANGIL? Basahin mo matandang BRUHA. Kaya nga (hu)wag ka na lang magsulat ‘balimbing’ dahil pinagtatawanan ka lang ng mga taumbayan na kilalang reyna ng kotong sa Lawton. Wala kang ‘K’ magsulat o maging journalist dahil sa pagiging kotongera ... Read More »

Chinese Erotica Art

MARAMING uri ng sining at isa rito ay kakaiba at kinahihiligan ngayon bagamat itinuturing na bastos o malaswa ng ilang mga art lover. Naka-exhibit sa Sotheby’s Gallery sa Hong Kong ang sinaunang Chinese erotica art, na koleksiyon ni Ferdinand Bertholet at ehemplo ng mga artwork mula sa Han Dynasty (206 BC-AD 220) hanggang Qing Dynasty (AD 1644-AD 1911) ng Tsina. ... Read More »

Bernabe Concepcion bagong WBO champion

MABILIS na tinapos ang laban ni two-time world title challenger Bernabe Concepcion kontra kay Juma Fundi para masungkit ang bakanteng WBO oriental super bantamweight title sa Cuneta Astrodome sa Pasay City nitong Hulyo 31, 2015. Matapos maki-pagsabayan sa unang round, pinainit ni Concepcion ang sagupaan sa sumunod na round sa pamamagitan ng malalakas na suntok sa ulo at katawan ng ... Read More »

Babaeng may pinakamahabang legs sa buong mundo

MALAKI ang pag-asa ng isang modelong Chinese na makamit ang titulong babaeng may pinakamahabang mga legs sa mundo. Nagpasya si Dong Lei, 20-anyos, na umalis sa eskuwelahan para makapag-aral at maging isang nursery school teacher. Sa taas niyang 1.82 metro (halos 6 talampakan), siya ang pinakamatangkad sa kanyang mga kamag-aral. At ang kakaiba niyang tangkad sa China ay bunga nang ... Read More »

Ruper Zaragoza pang-apat sa Junior World golf championships

NAPUWESTO lang sa ika-apat si Rupert Zaragosa sa kabila ng kanyang one-under-par 71 sa IMG Academy Junior World golf championships sa Torrey Pines south sa San Diego, California. Ito ang best finish ng Filipinas sa boys 15-17 years division sa loob ng 29 taon simula nang magwagi ng back-to-back si Carito Villaroman noong 1985-86. Nagtala ng kabu-uang 289 si Zaragosa, ... Read More »

Pekeng kolumnista si “Kupitana” Maligaya!?

Never continue in a job you don’t enjoy. If you’re happy in what you’re doing, you’ll like yourself, you’ll have inner peace. And if you have that . . . you will have had more success than you could possibly have imagined. — Johnny Carson NAKATUTUWA ang column ng isang nagmamalinis na barangay official sa Maynila. . . pinalabas dito ... Read More »

Bagong world record para sa ‘planking’

IILAN lamang ang makapagsasabing kaya nilang panghawakan ang isang ‘plank’ nang mahigit limang minuto, lalo na kung limang oras pa. Sadyang mahirap na gawin ito kahit pa magsanay nang araw-araw dahil ang tunay na kailangan dito ay endurance at lakas. Ngunit isang lalaki ang bumasag kamakailan ng Guinness World Records sa pamamagitan ng pagpa-planking nang mahigit sa limang oras. Sa ... Read More »

Pacman maaaring mapalaban na ngayon taon!

ABANGAN dahil mapapalaban nang mas maaga ang Pambansang Kamao Manny ‘Pacman’ Pacquiao, ayon kay Top Rank chief Bob Arum. Sa panayam, inihayag ng sikat na promoter na mabilis nang nakare-reco-ver si Pacman sa kanyang injury sa kanang balikat sanhi ng huling laban kontra kay Floyd Mayweather Jr., nitong nakaraang Mayo sa Las Vegas, Nevada. Binanggit ni Arum kay Joe Habeeb ... Read More »

8 bilangguan ipinasara sa Netherlands

IPASASARA ng Netherlands ang walong bilangguan sa kanilang bansa—dahil walang sapat na bilang ng mga kriminal para ikulong sa nasabing pasilidad Ayon sa justice ministry ng bansang ito, lubhang napakalaki ng espasyo sa kanilang prison system habang walang sa-pat na dami ng tao na maikukulong. May espasyong mailalaan para sa hindi kukulanging 14,000 katao sa kanilang mga kulungan, ngunit mayroon ... Read More »

Gendrauli-Diaz tandem nagwagi sa Superliga beach volley

PINATUNAYAN nina Danika Gendrauli at Norie Jane Diaz ng Gilligan’s kung bakit sila kinatatakutan sa paggapi sa dalawang alas ng Cignal HD Spikers A na sina Cha Cruz at Micmic Laborte, 21-15, 21-13, para simulan ang kanilang kampanya sa kampeonato sa PLDT Home DSL-Philippine Superliga Beach Volleyball Challenge Cup 2015 sa Sands By the Bay sa SM Mall of Asia. ... Read More »

Wanted: Paintball Target

BAHAGI ng trabaho ay barilin ng bawat bagong batch ng mga paint bullet para matiyak na ang lahat ng mga health at safety check ay nasa ayos bago ipagamit sa publiko at nagbabayad na mga kostumer, ayon sa advertisement. Ngunit ang nasabing trabaho, na may suweldong £40,000 kada taon (humigit-kumulang sa US$62,000), ay hindi para sa mga sissy o tanga: ... Read More »

Mga Look-Alike sa Kasaysayan ng Mundo

SABI nila “history repeats itself,” at kung makikita ninyo ang aming nakolektang mga larawan, masasabing totoo nga ito. Makapangyarihan ang puwersa ng genetics sa paghahayag ng ating mga sarili sa maraming paraan, kahit sa ating kani-kaniyang pamilya. Ngunit kung sa isip ninyo ang pagkakahawig ng pisikal na kaanyuan ay limitado sa pagitan ng magulang ang kanilang supling, mag-isip muli. Nagsagawa ... Read More »

Ang ‘Living Goddess’ ng Nepal

NANG tamaan ng malakas na lindol ang Nepal noong buwan ng Abril, napuwersa ang longest-serving ‘living goddess’ ng nasabing bansa na gawin ang ‘bawal’—maglakad sa kalsada sa kauna-unahang pagkakataon sa buong buhay niya, wika ng ‘diyosa’ sa panayam ng AFP. Sinusunod pa rin ang cloistered lifestyle na kanyang pinasukan noong edad 2-anyos pa lang, nagbukas ng saloobin si Dhana Kumari ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved