Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Ruben III Manahan

Author Archives: Ruben III Manahan

Feed Subscription

Karera sa Senado sumisikip na

MALAYO pa ang eleksiyon pero ngayon pa lamang ay halos buo na ang kaisipan ng mga Pinoy kung sino ang mga iboboto nilang senador sa Mayo 2019. Kung paniniwalaan ang huling survey ng Pulse Asia, halos apat na porsiyento (3.6%) na lamang ng mga botanteng Pinoy ang hindi pa tiyak sa kanilang iboboto. Karamihan (96.4%) ay siguradong isusulat nilang pangalan ... Read More »

Kalamidad sa Filipinas, resbak ng kalikasan?

NGAYONG nakalayo na ang bagyong Ompong sa Filipinas, unti-unti nang pumapasok ang mga balita tungkol sa kabuuang pinsala na dala nito sa bansa. Dahil putol ang mga linya ng komunikasyon sa mga lugar na binayo ni Ompong, natagalan bago natin nalaman kung ilan ang namatay at nasugatan sanhi ng ulan at hangin na dala ng bagyo. Nito lamang nakaraang mga ... Read More »

Ilang pulis-Pritil walang modo

BATA pa lamang tayo, idolo na natin ang mga pulis. Sa elementarya nga noon, halos lahat ng kalalakihan sa klase natin ay pangarap maging pulis. Iginagalang kasi ang mga pulis noon at san­digan ng mga inaapi. Sa kinalakihan nating lugar sa ‘Tundo,’ mataas ang respeto sa uniporme ng pulis. Hindi lang kasi sila lumalaban sa mga kriminal; tagapamayapa rin sila ... Read More »

Politika at kasibaan sa likod ng rice crisis

AMININ man ng gobyerno o hindi, may krisis na tayo ngayon sa bigas. Wala nang mabiling murang bigas sa palengke. Sa ilang lugar na pinapalad pang makapagbenta ng murang bigas galing sa National Food Authority (NFA), metro-metrong pila naman ang kailangang bunuin ng mamimili. Sa Zamboanga City na lamang, napilitang mag-deklara ng ‘state of calamity’ ang lokal na pamahalaan dahil ... Read More »

Bawas-badyet sa 2019 kahit may dagdag-kita sa TRAIN

MATAPOS ang ilang linggong pagpapaliban, ipinag­patuloy na muli ng Kamara de Repre­sentante ang congressional hearing sa 2019 pambansang badyet na isinumite ng Mala­kanyang sa Kongreso. Kaiba sa pagtalakay ng badyet ng nakalipas na mga taon, inaaasahan na magiging madugo ngayon ang diskusyon sa nasabing usapin. Hindi kasi matanggap ng mga kongresista ang lalim ng mga ibinawas sa badyet ng ilang ... Read More »

FDA lubayan ninyo si Dr. Farrah!

HINDI gaanong pinansin ng national media ang napabalitang pag-raid ng mga ahente ng Food and Drug Administration (FDA) at Philippine National Police (PNP) sa isang medical center sa Victoria, Tarlac, noong isang Biyernes, 17 Agosto 2018. Hindi kasi gaanong sikat ang nasabing medical center at malayo sa atensiyon ng mga taga-Metro Manila. Hindi rin gaanong kilala ang may-ari nito, si ... Read More »

Census ng pulis sa barangay, naaayon ba sa batas?

NAPUKAW ang ating atensiyon sa mga tanong ng isang kaibigan na nai-post niya sa Facebook kamakailan lang. Legal bang magsagawa ng census ang mga lokal na pulis sa mga bahay-bahay sa barangay? May karapatan ka bang tumanggi na sagutin ang Census Form? Ayon sa kaibigan natin, nagbahay-bahay ang mga pulis sa kanilang barangay sa Cainta nitong Sabado. May dalang ‘barangay ... Read More »

4-araw na pasok solusyon sa trafik?

SABI nila, sa kamatayan lang daw nagkakaroon ng pagkakapantay-pantay ang mayayaman at mahihirap. The ‘great equalizer’ ‘ika nga. Bilyonaryo ka man o isang-kahig, isang tuka, sa libingan pa rin ang bagsak mo. Pero sa panahon ngayon, maituturing na rin ang trapik sa Metro Manila na ‘great equalizer.’ Magarang kotse man o karag-karag na jeep, tiyak na titirik sa kalye dahil ... Read More »

Warning system sa baha, palpak pa rin!

NITONG Sabado, nabulaga naman ang mga taga-Metro Manila nang biglang magtaasan ang baha sa lahat ng siyudad na nakapaloob dito. Bagamat may manaka-nakang pag-ulan sa umaga dala ng pinagsamang Habagat at bagyong Karding, kampante ang lahat at normal ang daloy ng buhay. Marami ang lumabas ng bahay nang walang inaalalang panganib. Pasado alas-dos ng tanghali nang makatang­gap tayo ng babala ... Read More »

264,000 bakanteng trabaho sa gobyerno, bakit ‘di punan?

OPO, mga katoto, tama ang nababasa ninyo. May 264,000 bakanteng trabaho sa gobyerno na may badyet na pero hindi pa rin napupunuan hang­gang ngayon. Hindi ito Job Order o kontraktuwal na trabaho, kundi plantilla o permanenteng trabaho. Maging si Secretary Benjamin Diokno ng Department of Budget and Management (DBM) ay nagtataka kung bakit singkupad ng pagong ang mga ahensiya ng ... Read More »

50,000 Pinoy sapol ng HIV

‘SILENT KILLER’ kung tawagin, isa ang HIV o Human Immunodeficiency Virus sa mga epidemya na kinatatakutan sa panahon ngayon. Hindi naman daw nakamamatay ang HIV, maliban na lamang kung humantong ito sa AIDS o Acquired Immune Deficiency Syndrome. Wala rin namamatay sa AIDS. Ang siste nga lamang, pinahihina ng nasabing sakit ang immune system ng isang tao kung kaya’t nawawalan ... Read More »

P150-bilyong ayuda sa purdoy, kasali ka ba?

PURDOY. Una kong narinig ang salitang iyan taong 1975 nang manirahan muli kami sa Davao City galing sa Maynila. “Pasensya ka na, Dong, purdoy lang tayo,” unang bati ng Lolo Paeng ko matapos akong makapagmano. Ilang buwan ang nakalipas bago ko tuluyang naintindihan kung ano ang ibig sabihin ng salitang “purdoy.” Iyon pala ang tawag sa pamilyang kumakain ng giniling ... Read More »

Baha, sagot ni Mayor o ni Digong?

ILANG araw mula nang tumila ang ulan dala ng bagyong Josie, napansin natin na apaw pa rin ang baha sa ilang bahagi ng Luzon. Hindi lang ito baha na lampas sakong kundi lampas tuhod o lampas balakang. Normal na para sa mga taga-Metro Manila ang lumusong sa baha. Prehuwisyo ito para sa mga pumapasok sa trabaho at sa paaralan pero ... Read More »

‘Ending’ ng Endo posible pa ba?

SA dami ng sinabi ng Pangulong Duterte sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA), isa ang mariing tumatak sa ating isipan. Inamin ng Pangulo na hindi niya kayang tapusin ang problema ng ‘endo’ sa bansa. Ayon sa Pangulo, imposibleng mabigyan ng solusyon ang problemang ito kung hindi siya tutulungan ng Kongreso. Hindi umano siya binigyan ng Konstitusyon ng ... Read More »

‘Like’ at ‘dislike’ sa gobyernong Duterte

IKATLONG State of the Nation Address o SONA ngayon ni Pangulong Duterte. Dalawang taon nang pinamumunuan ng dating Mayor ng Davao City ang pamamahala sa buong bansa. Sa araw na ito, asahan ang pagpapahayag ng mag­kakaibang pananaw kung nakabuti nga ba o nakasama sa bansa ang pagkakahahal kay Pangulong Duterte. Tiyak, sampu-singko ang debate ngayong araw kung guminhawa nga ba ... Read More »

Pera sa basura, diskarteng Pinoy

HINDI maikakaila, mahirap ang buhay ngayon. Patuloy sa pagtaas ang presyo ng mga bilihin. Pati galunggong na sagisag ng kahirapan noon, hindi na abot-kaya sa presyong P220 bawat kilo. Para makatipid, marami ang nagkakasya sa sinabawang sardinas bilang tanghalian o hapunan ng buong pamilya. Isang lata ng sardinas na pakukuluan sa tubig para mapagkasya sa limang katao. Pumula lang ang ... Read More »

Gera sa Mindanao tatapusin ng BBL?

HABANG abala ang lahat sa pakikipag-debate tungkol sa samot-saring isyung hinaharap ngayon ng bayan, isang napakahalagang isyu ang hindi masyadong napagtutuunan ng pansin: ang Bangsamoro Basic Law o BBL. Bakit nga naman pag-aaksayahan ito ng panahon ng mga taga-Luzon at Visayas, e, ‘di ba problema lang ito ng mga taga-Mindanao? Malayo sa bituka, ‘ika nga. Kaya nga tila walang pumapansin ... Read More »

Pisong dagdag-pasahe hudyat na ng kalbaryo

SIMULA noong Biyernes, pinayagan na ng LTFRB ang mga tsuper ng jeep na maningil ng dagdag-piso, mula P8 tungo sa P9, para sa pasahe sa Metro Manila, Central Luzon at CALABARZON. Dangan nga raw kasi, hindi na mapigil ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo tulad ng langis at diesel pati na rin ng spare parts ng mga sasakyan. ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved