Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Rose Novenario (page 30)

Author Archives: Rose Novenario

Feed Subscription

BI employees pinuri ng Palasyo sa naarestong ISIS (OT pay kahit ayaw bayaran)

SA kabila nang pagkakait na bayaran ang overtime pay ng Bureau of Immigration (BI) employees, pinuri sila ng Palasyo dahil sa mabilis na aksiyon at maagap na pagdakip sa mag-asawag Kuwaiti at Syrian na hinihinalang miyembro ng Islamic State of Syria and Iraq (ISIS). “ We commend the Bureau of Immigration (BI), the Department of Justice (DOJ) and other agencies ... Read More »

Digong deadma sa absolute pardon (Sa hirit ni Jalosjos)

TAHIMIK si Pangulong Rodrigo Duterte sa hirit na absolute pardon ng kapwa taga-Mindanao na si convicted child rapist at dating Zamboanga del Norte Rep. Romeo Jalosjos. Si Jalosjos ay kasama sa 36 convicts sa isinumiteng listahan ng Bureau of Pardons and Parole (BPP) na humihiling na gawaran sila ng absolute pardon ni Pangulong Duterte. Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella ... Read More »

Kadamay tatapatan ng Bazooka, M-60 (Kapag nag-agaw-bahay pa)

ANARKIYA na ang ginagawa ng Kadamay. Ito ang inihayag ng Pangulo sa Western Command ng AFP sa Palawan, kahapon. Aniya, limang M60 at bazooka ang ipatitikim niya sa Kadamay sakaling lusubin muli ang panibagong pabahay na ipatatayo sa mga pulis at sundalo. Ayon sa Pangulo, dahil sa pagiging mahirap, pinagpasensiyahan na niya ang Kadamay nang agawin ang pabahay sa Pandi, ... Read More »

Occupy West PH Sea utos ni Duterte (Bandila ng PH ititindig)

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang militar na magtayo ng mga estruktura sa mga inaangking teritoryo ng Filipinas sa West Philippine Sea, bilang pagta-taguyod ng soberanya ng bansa. Sa Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12 ay maaaring magtungo si Pangulong Duterte sa Pag-asa Island upang itirik ang bandila ng Filipinas. “There’s so many islands I think 9 or 10, lagyan ... Read More »

ABS-CBN inonse si Duterte (Paid ads ‘di inilabas)

INONSE ng media outfit ABS-CBN si Pangulong Rodrigo Duterte noong panahon ng 2016 presidential election campaign. Imbes isahimpapawid ang political advertisement ni noo’y presidential candidate Duterte, tinanggap lang ng ABS-CBN ang bayad niya ngunit hindi ini-ere ang kanyang anunsiyo at hanggang ngayo’y hindi pa ibinabalik ang pera. Ito ang himutok ni Pangulong Duterte sa ABS-CBN network na pagmamay-ari ng pamilya ... Read More »

Tax evasion vs oligarchs isusulong ni Digong

NAWALAN nang bilyon-bilyong piso ang kaban ng bayan dahil hindi nagbabayad nang tamang buwis ang mga “oligarch” kasama ang pamilya Prieto, na inabsuwelto ng administrasyong Aquino sa pagbabayad ng buwis. Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, inayos ni dating Bureau of Internal Revenue (BIR) chief Kim Henares ang mga buwis na dapat bayaran ng mga Prieto, may-ari ng Philippine Daily Inquirer ... Read More »

Remnant ni Kiko sa Food Security Council sinibak (Sa isyu ng katiwalian)

SINIBAK ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naiwang tauhan ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan sa Food Security Council dahil sa isyu ng katiwalian. Pangalawa si Undersecretary Maia Chiara Halmen Valdez ng Office of the Cabinet Secretary at remnant ni Pangilinan sa Food Security Council, sa tinanggal ni Pangulong Duterte sa kanyang administrasyon sa nakalipas na dalawang araw. Bago magsimula ang cabinet ... Read More »

Digong kay Joma: Prop umuwi ka na

PROTEKTADO ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang propesor na si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison sa pagbabalik sa Filipinas kahit santambak ang kasong kriminal na inihain ng military at pulis. Sa fourth round ng peace talks sa The Netherlands kahapon ay inihayag ng government peace panel na tumawag si Pangulong Duterte sa kanila upang ... Read More »

Solusyon sa BI tumbok ni Evasco (Konteksto nasapol)

NATUMBOK ni Cabinet Secretary Leoncio “Jun” Evasco ang permanenteng solusyon sa isyu ng tinanggal na overtime pay ng mga nag-aalborotong empleyado ng Bureau of Immigration (BI) na kamakailan ay inabandona ang kanilang counters sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos maghain ng leave at/o resignasyon. Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre , ipinanukala ni Evasco na sertipikahan ni Pangulong Duterte ... Read More »

Sueno sinibak sa gabinete

“YOU’RE fired.” Ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Interior Secretary Ismael “Mike” Sueno nang magkaharap sila bago magsimula ang cabinet meeting kamakalawa ng gabi sa Palasyo. Sa kanyang talumpati sa okasyon sa MMDA kagabi, ikinuwento ng Pangulo na naubos ang pasensiya niya kay Sueno nang sagutin siya na hindi binasa ang legal opinion ng DILG legal officer tungkol ... Read More »

Agaw-bahay ng kadamay tagumpay (Digong bumigay)

PINAKIUSAPAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulis at sundalo, ipaubaya na lang sa mga miyembro ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY), ang mga inagaw sa kanilang pabahay ng gobyerno. “Meron lang po akong pakiusap. This ruckus in Bulacan e parang inagaw ng mga kapwa nating Fi-lipino na mahirap rin. I will look into the matter seriously and I will ... Read More »

Mandatory mil service ibabalik (Pumukaw ng nasyonalismo)

NAIS ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik ang mandatory military service sa Filipinas, u-pang ang bawat mamamayan ay magkaroon ng tsansang magsilbi sa Inang Bayan, at ipagtanggol laban sa manlulupig. Kapag obligado aniya sumailalim sa pagsasanay militar, nagkakaron ng disiplina ang mamamayan kasabay nang pagpukaw sa nasyonalismo o pagmamahal sa sariling bayan. “Dapat ibalik talaga ‘yung mandatory. I’ll make it ... Read More »

NDFP ‘pag kumalas air strike itatapat (‘Giving all’ sa peace talks kondisyon ni Duterte)

HINDI mangingimi si Pangulong Rodrigo Duterte na iutos sa militar na maglunsad ng air strikes sa mga kuta ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA), kapag mu-ling bumagsak ang usapang pangkapayapaan ng gobyerno at National Democratic Front of the Philippines (NDFP). “I will utilize the air assets. Before it was not really a popular, well, choice, option kasi… But this ... Read More »

Layas sa public plaza (Burikak, holdaper, adik, illegal terminal) — Duterte

PARA sa mga nilalang na may paggalang sa batas ang mga pampublikong liwasan o plaza kaya’t bilang na ang araw ng mga burikak, drug addicts, holdaper, snatcher  at protector ng illegal terminal na umiistambay sa nasabing pampublikong lugar. Ito ang sinabi ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte sa harap ng mga batang may edad 4-anyos pa-taas na mga miyembro ng Kids’ at Boys ... Read More »

Digong ‘di konsintidor sa kaliwete (Kahit siya’y chick boy)

HINDI kinokonsinti ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangangaliwa o pagtataksil sa asawa kahit maituturing ng publiko na siya ay chick boy. Pinatotohanan ni Justice Undersecretary Aimee Neri ang pagiging protektor sa karapatan ng kababaihan ni Pangulong Duterte, no-ong alkalde pa ng Davao City, siya mismo ang nagpursige na sampa-han ng kaso ang mga lalaking lumalabag sa Republic Act 9262 o ... Read More »

Noynoy arestohin (Sa war crimes, crimes against humanity, HRVs) — NDF

ARESTOHIN si dating Pangulong Benigno “Noy” Aquino III, at iba pang dating matataas na opisyal ng kanyang gobyerno sa mga kasong war crimes, crimes against humanity at mga seryosong paglabag sa international humanitarian law at human rights law. Ito ang naging hatol ng People’s Court ng National Democratic Front- Southern Mindanao Region (NDF-SMR) kina Aquino, North Cotabato Gov. Emmylou Taliño-Mendoza, ... Read More »

e-Passport printing sa APO-PU UGEC kanselahin

IPINATITIGIL ng Palasyo ang iregular na operasyon ng  nag-iimprenta ng mga pasaporte sa ilalim ng government-controlled APO-Productivity Unit Inc. – Production Unit (APO-PU) sa pribadong kompanyang United Graphic Expression Corp. (UGEC). Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, walang sapat na kakayahan ang UGEC para mag-imprenta ng electronic passport base sa pinasok nitong joint venture agreement (JVA) sa APO-PU. ... Read More »

Kulong ni Digong laya kay Leila (Sa palit-ulo ng EU)

SOCORRO, Mindoro Oriental – Tinawag na bulok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang liderato ng European Union (EU) dahil isinusulong na makulong siya bunsod ng umano’y extrajudicial killings (EJKs) sa drug war at palayain si Senator Leila de Lima na nahaharap sa kasong drug trafficking. “Itong mga puti, bulok talaga, ako pa ang i-pakukulong, gusto ipa-release si De Lima,” anang Pangulo ... Read More »

US sinisi ni Digong sa sigalot sa SCS

SOCORRO, Oriental Mindoro – Sinisi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kapabayaan ng Amerika kaya namihasa ang China sa pagtatayo ng estruktura sa mga pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea. Sa kanyang talumpati sa People’s Day sa Barangay Batong Dalig, ikinuwento ng Pangulo, nang mag-usap sila ni US Ambassador to the Philippines Kim Sung sa Davao City kamakailan ay sinabi niya ... Read More »

EJKs nasa tungki ng NYT — Palasyo

NASA tungki ng New York Times ang mga usapin na itinatambol nito laban sa Filipinas gaya ng extrajudicial killings (EJKs). Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, tambak ang problema sa Amerika na puwedeng unahing iulat ng New York Times kaysa pag-initan ang mga isyu sa Filipinas. “That particular magazine — newspaper for example would — if in normal course of ... Read More »

Best of health kay Digong — Joma, Bong Go (B-day wish ng prof at alalay)

BEST of health. Ito ang parehong hangad ng dalawang malapit sa puso at tunay na nakakakilala kay Pa-ngulong Rodrigo Duterte nang ipagdiwang ang kanyang ika-72 kaarawan kahapon. “I wish him the best of health so that he can serve the people as best as he can,” pagbati kahapon ni self-exiled Communist Party of the Philippines founding chairman Jose Maria Sison, ... Read More »

Pahayag ng Palasyo: Occupy na pabahay ibigay sa Kadamay

TIWALA ang Palasyo na mananatiling tapat ang militanteng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) sa kanilang “social contract” at iiwasan ang paggamit ng dahas upang igiit ito. Sa press briefing sa Palasyo kahapon, sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, naki-pagkasundo ang National Housing Authority (NHA) sa Kadamay hinggil sa isyu ng Occupy Bulacan, o ang puwersahang pag-okupa ng halos anim ... Read More »

Well-funded agit-prop vs Duterte kargado ng politicians

NAGMULA sa mga politiko at ilang personalidad ang unlimited funds na bumubuhos sa New York Times (NYT) para pabagsakin ang administrasyong Duterte. “One can only conclude that  certain personalities and politicians have mounted a well funded campaign utilizing hack writers and their ilk in their bid to oust President Rodrigo Roa Duterte,” ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella kaugnay sa ... Read More »

Digong puwedeng magtalaga ng barangay officials

SAKLAW ng kapangyarihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang magtalaga ng mga opisyal sa mga bakanteng posisyon sa gobyerno, batay sa Administrative Code of 1987. Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, kapag lumusot sa Kongreso ang panibagong batas na nagpapaliban sa barangay elections sa Oktubre, awtomatikong bakante ang lahat ng posis-yon sa barangay kaya maaaring maghirang si Pangulong Duterte ng mga ... Read More »

Digong no.1 most influential person (Global Pinoys pinasalamatan)

NAGPASALAMAT si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Filipino sa iba’t ibang parte ng bansa sa pangunguna niya sa listahan ng “Most Influential Persons in the World”  sa online vo-ting ng Time magazine. “We note that President Rodrigo Roa Duterte has been included in Time magazine’s annual list of the 100 most influential persons in the world. President Duterte is grateful ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved