Saturday , October 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Rose Novenario

Author Archives: Rose Novenario

Feed Subscription

CHED ‘walang alam’ sa recruitment ng ‘komunista’sa NCR universities

HINDI papayag ang mga opisyal ng Com­mission on Higher Education (CHED) na magamit sa maling paniniwala at mga ilegal na aktibidad  ang mga estudyante at mga unibersidad sa bansa. Sa press briefing sa Palasyo kahapon, sinabi ni Cinderella Jaro, OIC executive director ng CHED, na umaaksiyon sila base sa official  communications na kanilang natatanggap, ngunit hanggang ngayon ay wala namang ... Read More »

DDB kay Duterte: Narco-list ng politiko’t kandidato isapubliko

IGIGIIT ng Dangerus Drugs Board (DDB) kay Pangulong Rodrigo Du­terte na payagan ma­ispubliko ang listahan ng mga politiko o mga kan­didato na sangkot sa ilegal na droga para ma­ging gabay ng mga botante sa pagpili ng mga ilu­luklok sa pu­westo sa 2019 midterm elections. Ito ang pahayag ka­ha­pon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo. Ang posisyon aniya ng DDB, may karapatan ... Read More »

Gringo itatalaga sa cabinet post

ISANG posisyon sa kan­yang gabinete ang iaalok ni Pangulong Ro­drigo Duterte kay Sen. Gringo Honasan, ayon sa source sa Pala­syo. Sinabi ng source na napag-usapan na dati ang posibilidad na maging cabinet secretary ng administrasyong Duterte si Honasan na magtatapos ang termino bilang senador sa Hunyo 2019. Anomang araw ay magaganap aniya ang pulong nina Duterte at Honasan hinggil sa ... Read More »

Suspensiyon ng excise tax idinepensa ng Palasyo

Hataw Frontpage Suspensiyon ng excise tax idinepensa ng Palasyo

WALANG indikasyon na bababa  pa sa 80 dollars per barrel ang presyo ng langis sa world market hanggang Disyembre kaya imposibleng bawiin ang suspensiyon ng excise tax pagsapit ng Enero 2019. Ito ang pahayag ni  Finance Assistant Secretary Tony Lambino kaugnay sa obserbasyon na baka ginagamit ang maagang anunsiyo ng suspensiyon ng excise tax sa 2019 para bumango ang administrasyon, ... Read More »

Duterte sinamahan si Bong Go sa Comelec

Rodrigo Duterte Bong Go

SINAMAHAN ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte si Special Assistant to the President Christopher “ Bong” Go nang maghain ng certificate of candidacy bilang isa sa senatorial bets ng PDP-Laban, sa tanggapan ng Com­mis­sion on Elections sa Intra­muros, Maynila kaha­pon. Bago magtungo sa Comelec ay nagpunta muna si Go sa San Miguel Church sa Malacañang Complex upang magda­sal at napaluha dahil u­nang pagkakataon ... Read More »

Roque bumalik sa Palasyo para magpaalam

Duterte Roque

HUMARAP sa huling pagkakataon sa Mala­cañang Press Corps si dating Presidential spokes­person Harry Roque kahapon upang pormal na magpaalam sa administrasyong Duterte. Bukod sa pagpa­pa­salamat, inihayag ni  Roque ang kanyang pagtakbo hindi sa pagka-senador kundi bilang nominee sa Luntiang Pili­pinas environment party-list na kanyang ihahain ngayon sa COMELEC. Aminado si Roque na masikip ang kanyang tsansa sa Senado lalo’t bukod ... Read More »

Digong pursigido sa Senate bid ni SAP Bong

Rodrigo Dutete Bong Go

PURSIGIDO si Pangu­long Rodrigo Duterte na suportahan ang pagtakbo ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go sa 2019 sena­torial election. Sinabi ni Go, kahit tiyak ang ayuda ni Pa­ngu­long Duterte ay tinitimbang pa niya ang situwasyon kung itutuloy ang politikal na karera sa Senado. Ipinauubaya ni Go kay Pangulong Duterte kung sino ang itatalagang kapalit niya sakaling maghahain ... Read More »

Piñol ibinuking ni Dominguez (Rice smugglers pinaboran?)

NAKAAMBA ang palakol ni Pangu­long Rodrigo Duterte kay Agriculture Secretary Manny Piñol, ito ang nabatid kahapon. Ayon sa isang source, nagkaroon ng mainit na pagtatalo sina Finance Secretary Sonny Domi­nguez at Piñol sa cabinet meeting nitong 8 Oktubre sa Palasyo na humantong sa sigawan. Sa harap umano ni Pangulong Rodrigo Du­ter­te at lahat ng miyembro ng gabinete ay ibinisto umano ... Read More »

PDEA exec leader ng drug ring

Hataw Frontpage PDEA exec leader ng drug ring

LEADER ng isang malaking sindi­kato ng droga ang pangalawa sa pina­kamataas na opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at mga miyembro niyang anim na pulis at anti-drug officials. Ito ang isiniwalat ni Pangulong Rodrigo Duterte batay sa isinapu­bliko niyang bagong drug matrix kamakalawa. Batay sa bagong drug matrix, tumatayo bilang lider ng grupo si Director Ismael Gonzales Fajardo, deputy ... Read More »

Duterte naospital itinanggi ng Palasyo

WALANG katotohanan na na-confine sa isang pagamutan sa Metro Manila si Pangulong Rodrigo Duterte kaya hindi nakasipot sa isang opisyal na pagtitipon sa Palasyo kamakalawa ng hapon. Sinabi ni Special Asistant to the President Christopher “Bong” Go, napagod nang husto si Pangulong Duterte at gabi na nakauwi mula sa pagbisita sa Catarman, Samar kamakalawa ng gabi, kaya nagpasyang private meeting ... Read More »

23,000 sakong bigas naglahong tila bula Duterte nagalit (Sa Zamboanga)

GALIT si Pangulong Rodrigo Duterte sa pag­ka­wala ng mahigit sa 23,000 sako ng bigas na una nang nakompiska ng Bureau of Customs sa Zamboanga port. Sa press briefing sa Palasyo, sinabi ni Pre­sidential Spokesman Harry Roque, desma­yado ang Pangulo sa insidente na pina­nini­walaan nilang may sab­watan ang BoC at ang National Food Authority (NFA). Sinabi ni Roque, agad silang nakipag-ugnayan ... Read More »

P.8-B jackpot sa lotto gusto rin masungkit nina Digong, SAP Go

KINOMPIRMA ni  Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go na gaya ng pangkaraniwang Filipino ay tumaya rin silang dalawa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Ultra Lotto na mahigit P800 milyon ang jackpot. Ayon kay Go, 18 combination ang pina­tayaan nila ni Pangulong Duterte para sa 6/58 jackpot draw mamayang gabi. Sa pinakahuling lucky pot ng 6/58, naitala ito sa ... Read More »

Joel Maglunsod sinibak ni Digong (Crackdown sa KMU umpisa na)

Joel Maglunsod Rodrigo Duterte

SINIBAK ni Pangulong Rodrigo Duterte si Labor Underscretary Joel Mag­lunsod, ang huling opi­syal sa kanyang administrasyon na rekomen­dado ng National Demo­cratic Front (NDF). Hindi direktang ti­numbok ng Pangulo ang dahilan ng pagpapaalis niya kay Maglungsod ngunit hindi ikinubli ang pagkapikon sa patuloy na pagsasagawa ng strike ng mga obrero na nakaa­apekto aniya sa ekono­miya ng bansa. “Pero ang solusyon talaga ... Read More »

Resignation ni Mocha aprub kay Duterte

Hataw Frontpage Resignation ni Mocha aprub kay Duterte

KINOMPIRMA ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go na tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw ni Communications Assistant Secretary Mocha Uson. Sinabi ni Go, kama­kalawa ng hapon natang­gap ni Pangulong Duterte ang resignation letter ni Uson. Ayon kay Go, inire­respeto nila ang naging desisyon ni Uson at pinasasalamatan nila ang kanyang serbisyo. Magugunitang naging kontrobersiyal si Uson ... Read More »

Only Pinoy sa Central Sulawesi, ligtas

LIGTAS ang bukod tanging Filipino nang yanigin ng 7.5 magnitude earthquake at manalasa ang tsunami sa Central Sulawesi, Indonesia ni­tong Biyernes na ikina­matay nang mahigit 800 katao. Ito ang ulat ng Depart­ment of Foreign Affairs (DFA) sa Mala­cañang kahapon, ayon kay Presidential Spokes­man Harry Roque. Ayon kay Philippine Ambassador to Indonesia Leehiong T. Wee, kasalu­kuyang nasa Lapas Penitentiary ang Filipino ... Read More »

Inflation tututukan, federalismo ‘tabi muna

PAGLABAN sa pagtaas ng presyo ng bilihin ang prayo­ridad ng Palasyo kaya isinantabi muna ang ibang isinusulong na adbo­kasiya gaya ng federa­lismo. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kinikilala ng administrasyon na pangunahing dapat pagtuunan ng pansin ay bigyan solusyon ang pag­lo­­bo ng inflation kaysa fede­ralismo. “Well, of course, right now, the foremost priority of the administration is fighting inflation. ... Read More »

Jason Aquino wala na sa NFA (Palasyo sinopla si Piñol)

Manny Piñol Jason Aquino NFA rice

WALA na ni katiting na papel sa National Food Authority (NFA) at NFA Council si Jason Aquino taliwas sa paha­yag ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol na hanggang Oktu­bre pa siya mananatiling NFA administrator. Sa Palace press briefing kahapon, sinabi ni Presidential Spokes­man Harry Roque, ini­linaw ni Special As­sistant to the President Christopher “Bong” Go na hindi na konektado si Aquino ... Read More »

Korupsiyon sinukuan ni Digong (“Malala hindi ko kaya… I’m going home, I’m tired…”)

Hataw Frontpage Korupsiyon sinukuan ni Digong

INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang labis na pagkasihapyo dahil hindi niya kayang tuldukan ang korupsiyon sa pamahalaan taliwas sa ipinangako niya noong 2016 presidential elections. Sa kanyang talumpati sa Government Workers Awarding ceremony ka­hapon, sinabi ng Pa­ngulo na pagod na siya, gusto na lang niyang umuwi sa Davao City dahil kahit anong pagsusumikap niya’y patuloy pa rin ang katiwalian. ... Read More »

Proc 527 ‘political gift’ kay Trillanes — Palasyo

Antonio Trillanes IV mugshots

NANINIWALA ang Pa­lasyo na isang “political gift” para kay Sen. Anto­nio Trillanes IV ang Proclamation 572 dahil ginagamit ito ng senador para sa sariling publi­sidad. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, hindi maituturing na pinagdidiskitahan si Trillanes sa Proclamation 572 na nagpawalang-bisa sa kanyang amnestiya dahil todo itong nagiging behikulo para magpa­siklab ang senador. Kung tutuusin aniya ay 80% ng mga ... Read More »

Ex-NFA chief sinisi sa bumagsak na trust rating ng pangulo

Jason Aquino NFA rice National Food Authority

SINISI si dating Natio­nal Food Authority (NFA) administrator Jason Aquino at sina­bing utak sa krisis sa bigas na dinaranas ng bansa na nagresulta sa paglobo ng inflation at naging dahilan ng pag­bagsak ng trust at approval rating ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang inihayag kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque kaugnay sa pag­bagsak ng trust at approval rating ni Pa­ngulong ... Read More »

Pagtatalaga sa leftists sa gabinete pinagsisihan ni Duterte

PINAGSISIHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtalaga sa kanyang gabinete ng dalawang reko­mendado ng National Demo­cratic Front (NDF). Sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa send-off ceremony sa 250 transport vehicles ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Calamba, Laguna kahapon, walang ginawa ang mga komunista, partikular ang New People’s Army (NPA), kundi pumatay sa nakalipas na 52 ... Read More »

Ex-NFA chief isaswak sa hoyo ni Roque

Hataw Frontpage Ex-NFA chief isaswak sa hoyo ni Roque

NAKAHANDA si Presidential Spoke­s­man Harry Roque na tam­ba­kan ng kaso si dating National Food Authority (NFA) administrator Jason Aquino para mabulok siya sa kulu­ngan. Inihayag ni Roque, hindi lang kasong tech­nical malversation kundi graft and corruption ang nais niyang ihaing asunto kay Aquino dahil sa idinulot na pinsala sa publiko maging sa go­byerno. Paliwanag ni Roque, hindi ginastos ni Aquino ... Read More »

3 sa 5 Pinoy kombinsidong human rights violation (Pagdakip sa tambay)

TATLO sa limang Filipino ang naniniwalang paglabag sa karapatang pantao ang pagdakip ng mga pulis sa tambay, ayon sa survey ng Social Weather Station (SWS). Sa 1,200 respondents, 60% ang nagsabi na human rights violation ang pag-aresto sa mga tambay. Ikinaila ng Palasyo na utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdakip sa mga tambay dahil ang paggala ay hindi krimen. ... Read More »

Communist insurgency seryosong tapusin ni Duterte

Duterte CPP-NPA-NDF

PABOR ang Palasyo sa panukalang  magtatag ng isang task force na may layuning tuldukan ang halos kalahating siglong communist insurgency sa bansa. Iminungkahi ni Pres­idential Spokesman Harry Roque sa military na magsumite ng rekomen­dasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte upang makapaglabas ng isang executive order na mag-uutos ng pagbubuo ng Task Force to End Com­munist Insurgency. “We agree that end­ing the ... Read More »

Duterte ‘closet US stooge’ (Palasyo tameme sa pakikialam ni Uncle Sam)

Rodrigo Duterte Antonio Trillanes US Embassy Manila

KUNG dati’y umuusok ang ilong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ‘pa­ki­kialam’ ni Uncle Sam sa Filipinas, tameme si­ya ngayon sa lantarang panghihimasok ng Ame­rika sa politika ng bansa. Ipinagkibit-balikat lang ng Palasyo ang pagdalaw ni Josh Morris, chief ng Internal Political Unit ng US Embassy, kay Senator Antonio Trillanes IV sa Senado kamakalawa. “Yan naman po’y gawain talaga ng mga ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved