Friday , April 19 2024

Ronnie Carrasco III

Janno, ayaw magpakabog, may sex video ring kumakalat?

ISANG college friend ang nagpadala sa amin ng maikling video ukol sa isang bigotilyo’t may manipis na balbas na lalaki na sa umpisa’y nakapambahay ay isa-isang hinuhubad ang kanyang suot. Halatang kuha ‘yon sa loob ng isang silid-tulugan. May split-type aircon kasing makikita sa background. At quick glance ay kahawig ng lalaking ‘yon ang singer-actor na si Janno. Ang kaibahan …

Read More »

Calendar giveaways, may network competition din

SA kauna-unahang pagkakataon yata, ngayong taong ito lang nagkakapareho ang magkahiwalay na Christmas media party ng GMA at ABS-CBN in terms of giveaways. As in the previous years, naging tradisyon na that GMA is the first to hold the annual treat para sa press. Ilang araw pagkatapos ay ang ABS-CBN naman. This year, parehong desk calendar ang freebies ng magkatapat na estasyon. Not bad …

Read More »

GMA, ‘di imposibleng maglunsad ng sariling version ng studio tour

HINDI siyempre mawawala ang mga bossing ng Corporate Communications Department ng Kapamilya Network sa tuwing idaraos ang Christmas media party. Idinaos ‘yon nitong Miyerkoles (December 12) sa Studio Experience sa 4th level ng Trinoma. Ito ang bagong atraksiyon ng ABS-CBN para sa kanilang mga tagasuporta, na there are at least seven booths na maaaring subukan ng mga dadagsa roon. Ito’y mga programa ng network in “miniature form” yet …

Read More »

Kuya Ipe, may kinalaman sa mabilis na paglaya ni Bong?

USAP-USAPAN sa isang umpukan ng press, mayroon daw dapat ipagpasalamat si dating Senator Bong Revilla sa kanyang matalik na kaibigang si Phillip Salvador. Tulad ng alam ng lahat, acquitted si Bong sa kasong plunder sa desisyong ibinaba ng Sandiganbayan nitong December 7. Ito’y makaraan ng mahigit na apat na taong pagkakapiit sa PNP Custodial Center sa Camp Crame. But of course, mag-BFF sina …

Read More »

Vic, ‘di nadaan sa kantyaw ng press

Vic Sotto Maine Mendoza Coco Martin

TOTOO nga bang sa presscon ng pelikula nina Vic Sotto at Coco Martin ay nakahanda ang huli kung sakaling kantiyawan sila ng press na magpa-raffle, tutal naman ay Pasko? Ayon sa mga imbitadong miyembro ng press, walang raffle na naganap na pinakahihintay pa mandin nila towards the end of the event bilang karaniwang highlight nito. Hindi na bago sa kalakarang ito si Coco. Ilang …

Read More »

Lea, inalmahan, pagkakasali ng Rainbow’s Sunset sa MMFF

Lea Salonga

KILALA ang international singer na si Lea Salonga who speaks her mind lalo’t kung nasa katwiran siya. Of late ay may kuda si Lea sa kanyang social media account patungkol sa isa sa walong opisyal na entries sa MMFF. Ito ‘yung gay-themed movie na tampok sina Eddie Garcia at Gloria Romero, among others. Hindi man namin basahin ang kabuuan ng script, umiikot ang kuwento sa pagkakaroon …

Read More »

Lani, nanawagan: Irespeto natin ang desisyon ng korte

“LET’S just respect the decision of the courts (sic).” Ito ang reaksiyon ni Lani Mercado patungkol sa mga ‘di sang-ayon sa pagkaka-acquit sa kanyang mister na si Bong Revilla sa kasong graft sa ibinabang desisyon ng Sandiganbayan nitong Disyembre 7. Mabuti’t aware ang Bacoor City mayor na bagama’t marami ang nagbubunyi sa not-guilty decision sa dating senador ay marami rin …

Read More »

Mahusay na aktres, iba na ang sexual preferences

blind item woman

NAGBABAGO rin pala ang sexual preferences ng isang utaw. Ito ang na-realize mismo ng isang mahusay na aktres na kaya pala nawalan na ng gana sa pakikipagrelasyon sa boylet ay dahil ang bet na niya ngayon ay kapwa ko, mahal ko. “Trulili!” ang nagtutumiling bungad ng aming source. Kung dati-rati ay may appeal pa sa aktres na itey ang mga …

Read More »

Sikat na aktres, deadma sa mga reporter na nagsusulat sa kumareng big star

blind item woman

LALONG napatunayan ng isang showbiz reporter ang itinatagong ugali ng isang sikat na aktres. Noong una kasi, hindi ito naniniwala na minamasama ng hitad kung maisulat ng ibang miyembro ng press ang arch rival nitong aktres din. “May grupo kasi ang aktres na ito ng mga close reporter-friends. Feeling niya, walang ibang artista ang dapat isulat ng mga ito kundi …

Read More »

Eric, masaya kahit single pa rin

FIFTY one na pala si Eric Quizon, how time really flies. Hindi lang isang magaling na aktor si Eric, sumasaydlayn din kasi siya bilang direktor. Siya ang may-ari ng ‘di na masyadong aktibo sa pagpoprodyus na Kaizz Ventures. Mas active ngayon si Eric sa pagdidirehe ng movies. In fact, isa sa walong opisyal na entry sa Metro Manila Film Festival ay pinamahalaan niya. Time was …

Read More »

Komedyante, huling-huling namimik-ap ng boylet

SHOCKING Asia ang mga berdaderong walwalero nang ma-sight nila ang isang komedyante na hindi nila sukat akalaing isa palang beki. Yes, you read it right. Sa isang bar daw ‘yon sa Kyusi na naloka ang mga nakaistambay na kostumer sa labas nang makita nilang namimik-ap ng boylet ang sikat na payaso. “Siyempre, may name na siya kahit paano kaya pinagtitinginan siya ng …

Read More »

Pagtatagpo nina Vice Ganda at Calvin sa Bora, ‘wag nang gawing isyu

Vice Ganda Calvin Abueva

SA buhay, sabi nga ay walang tinatawag na coincidence o mga okasyong nagkataon. Wala kasing bumili sa paeklay ni Vice Ganda na coincidence lang daw na nagpang-abot sila ng basketbolistang nali-link sa kanya, si Calvin Abueva ng koponang Phoenix Fuel sa isla ng Boracay. Sey ni VG, bakasyon ang ipinunta niya sa tourist spot na para ibakasyon ang kanyang ina at makapagpahinga na rin. Kaya nasa …

Read More »

Starstruck alumna, limitado ang range ng acting

HANDA raw si Kris Bernal na ma-bash ng mga netizen dahil sa aminadong kaartehan niya tungkol sa mga limitasyon niya sa kanyang pelikula na katambal si Jake Cuenca. No-no o bawal sa kanya ang tatlong esksenang ipinagagawa ng direktor. Ang mga ito’y ang breast exposure, ang pumping scene, at paghalinghing sa akto ng pagtatalik. Ani Kris, kung hindi amenable ang …

Read More »

Bong at Jinggoy, pasok sa isinagawang survey ng DZRH

SA isinagawang poll survey ng DZRH sa hanay ng mga tumtakbong senador sa darating na halalan ay magkasunod ang ranggo nina dating Senators Bong Revilla at Jinggoy Estrada. Respectively, pang-anim at pampito ang sanggang-dikit na magkaibigang ito na kapwa nakulong sa PNP Custodial Center. Nahaharap sila sa kasong plunder kaugnay ng pork barrel sa ilalim noon ng PNoy administration. Sa …

Read More »

Nora, ‘di nga ba makadadalo sa kasal ni Lotlot?

lotlot de leon nora aunor

KULANG na lang ay isambulat ni Lotlot de Leon ang lahat ng sama ng loob niya sa kanyang inang si Nora Aunor. Tulad ng kanyang ibinalita, magiging ganap na siyang Mrs. Fadi El Soury sa December 17 (Lunes), araw ng pag-iisandibdib nila ng  Lebanese fiancé sa San Juan, Batangas. Kompirmado nang darating si Christopher de Leon, kaya ang automatic na tanong …

Read More »

Dennis at Dingdong, kinabog pa rin ni Coco

Coco Martin Dennis Trillo Dingdong Dantes

BAGO mag-pilot ang seryeng ipinantapat ng GMA sa FPJ’s Ang Probinsyano ay may dalawang kahilingan ang resident scriptwriter na si Suzette Doctolero. Aniya, sana ay bagong putahe naman ang tikman ng mga manonood kung nauumay na sila sa nakasanayan nang nakahain. Sana rin ay walang sabotaheng mangyari dahil karaniwang nagkakaaberya ang signal sa tuwing may bagong palabas na inilo-launch ang …

Read More »

Famale anchor, imbyerna kay male partner

AAKALAIN n‘yo bang may bangayan palang ganap off-air sa magka-tandem na itey sa isang teleradyo? Tsika ng aming source, imbiyerna raw ang female anchor sa male partner niya, ”Naku, sa araw-araw na lang na ginawa ni Lord, eh, walang time na hindi sila nagsisinghalang dalawa.” Kine-claim kasi ng girlash na hindi raw lagi o handa ang kanyang partner bago sila sumalang sa programa, samantalang siya …

Read More »

Regine, ‘di ‘jinky oda’ ng ASAP

Regine Velasquez

INAASAHAN nang sa paglundag ni Regine Velasquez sa ABS-CBN mula sa GMA ay susundan siya ng kanyang mga tagahanga. Expectedly, mahahatak dapat ng Asia’s Songbird ang kanyang mga viewer-fans sa ASAP, ang bale point of entry sa kanyang newfound home. Nakalulungkot isipin na base sa mga survey kamakailan, hindi ito ang kinalabasan. Kinabog ng katapat na show ang bagong-bihis na ASAP. Worse, isinisisi ang lagapak na ratings kay …

Read More »

Dabarkads, ‘di raw puwedeng tumuntong sa Pasig

INCUMBENT o kasalukuyang Konsehal ng Pasig City si Vico Sotto, anak nina Vic Sotto at Coney Reyes. Pero tumatakbong mayor si Vico na walang takot na babanggain ang isa sa mga Eusebio. Ang mga Eusebio ay batikang angkan sa local politics doon. The mere fact na pasalin-salin lang sa mga miyembro nito ang kapangyarihan speaks so much about the residents’ trust and confidence sa kanila. …

Read More »

Kakai, pumalag sa pagtuturo ng Korean language sa kolehiyo

Kakai Bautista

  BILANG isang dating guro, sasang-ayunan namin ang pananaw ni Kakai Bautista na pumalag sa pagtuturo ng Korean language sa kolehiyo pero ikokompromiso naman ng bagong program ng CHED ang pag-alis sa mga asignaturang Filipino at Panitikan (Philippine Literature) bilang core subjects. Ani Kakai, oo nga’t tinatangkilik natin ang mga Korean telenovela, K-pop, Korean food at kung ano-ano pa, pero ibang usapan kung edukasyon …

Read More »

Sharon, pipi sa banat ni Digong kay Kiko

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

MINSAN na naming naisulat na ramdam namin ang hirap ng kalooban ni Sharon Cuneta. Kung matagumpay siya sa kanyang propesyon bilang singer-actress, her indirect political involvement ay nagdudulot naman ng matinding sakit ng ulo sa kanya. Kamakailan ay binanatan na naman ni Pangulong Digong Duterte ang kanyang mister, si Senator Kiko Pangilinan. Tinawag na “pinakabobong abogado” ng Pangulo ang Dilawang …

Read More »

Tetay, galit sa magnanakaw

WAPAKELS as in walang pakialam si Kris Aquino kung maubos man ang kanyang yaman makamit lang niya ang kanyang hinihinging katarungan laban sa taong nanloko sa kanya sa pera. Sa wakas, natukoy na ang pagkakakilanlan ng taong ‘yon bilang si Nicko Falcis, na ipinuwesto ni Kris sa kanyang production company. Kaagad din namang to the rescue ang abogadong kapatid nito para itangging hindi ito sumibat sa bansa para …

Read More »

Mathay, aatras; Willie, tatandem kay Paulate

QC quezon city

PINAHIHINTULUTAN ng Comelec ang tinatawag na substitution o pagpalit ng kandidatong nauna nang nag-file ng kanyang certificate of candidacy o COC para bigyang-daan ang pinal na tumatakbo sa anumang puwesto. Itinakda ito hanggang November 29. Dahil anong petsa lang ngayon ay may panahon pa para sa nasabing pagpapalit, at isa nga sa mga inaabangan ay ang balitang pagba-back out ni …

Read More »

3 kandidata ng Miss Earth, pare-pareho ng reklamo

SA umano’y tatlong biktima ng sexual harassment, si Miss Earth Guam lang ang matapang na nagpangalan sa pageant sponsor na umano’y guilty sa nasabing paratang. Ang dalawa pang kandidata sa Miss Earth na nagreklamo ay sina Miss Earth Canada at Miss Earth England. May pagkakapareho sa kanilang complaint. Hiningi ang kanilang room number sa tinutuluyang hotel, at saka tinawagan sa …

Read More »

Kuya Boy, kinatatakutan sa mga beau-con; Juliana Segovia, nagtaas na ng TF

AWARE kaya ang Asia’s King of Talk na si Boy Abunda na may mga “beau-conera” (mga sumasali sa gay beauty pageant) na kinakabahan kung sakaling siya ang maatasang host o isa sa mga hurado? Tsika ito ni Jorgel, isang beking kapitbahay na tubong-Oriental Mindoro. For several months now ay roon muna sa Calapan City (kabisera ng naturang lalawigan) siya tumitigil dahil ipinapaayos ang …

Read More »