Wednesday , September 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Rommel Sales

Author Archives: Rommel Sales

Feed Subscription

Estudyanteng dalagita sugatan sa ‘saksak tripper’ sa loob ng bus

SUGATAN ang 16-anyos estudyante makaraan saksakin ng hindi kilalang lalaki sa loob ng pampasaherong bus sa Malabon City, kamakalawa ng umaga. Ginagamot sa Fatima University Medical Center sanhi ng saksak sa kanang bahagi ng katawan ang biktimang itinago sa pangalang Joysel, Grade 11 student, at residente sa Banana Road, Brgy. Potrero, Malabon City. Mabilis na tumakas ang suspek makaraan ang ... Read More »

Sa Caloocan: Putol na binti ng tao itinapon sa basurahan

ISANG putol na binti ng tao na nakalagay sa isang timba ang iniwan sa tumpok ng mga basura ng isang lalaking naka­suot ng face mask sa Caloocan City, kamaka­lawa ng hapon. Inihayag ng street sweeper na si Inoy Abis, 28, kay  PO2 Aldrin Mati­ning, dakong 1:00 pm, habang siya ay nagwa­walis sa C-3 Road, humin­to ang isang lumang modelo ng ... Read More »

Lady welder ginahasa ng laborer

NILASING muna bago pinagsamantalahan ang isang babaeng welder ng isa sa itinuring niyang mga kaibigan sa Navotas City, kahapon ng mada­ling-araw. Nakapiit sa Navotas police detention cell ang suspek na kinilalang si John Robert Neosana, 21, construction worker, residente sa Block 6, Lot 18, Ignacio St., Bacog, Brgy. Daanghari, ng nasabing lungsod, na naha­harap sa kasong paglabag sa RA 8353 o Anti-Rape ... Read More »

4 tiklo sa buy-bust

ARESTADO ang apat hinihina­lang drug personalities sa isina­gawang buy-bust operation ng mga pulis sa Caloocan City, ka­ma­kalawa ng gabi. Kinilala ni Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief, S/Insp. John David Chua, ang mga suspek na sina Jacinto Dionisio, 36; Felizardo Bautista, 42; at Richard Tolentino, at Noriel Figueroa, 38-anyos. Sa imbestigasyon ni PO1 Donn Herrera, dakong 8:30 pm nang ikasa ... Read More »

3 arestado sa ‘rent-a-car’ carnapping

ARESTADO ang tatlong lalaking sangkot sa rent-a-car carnapping habang dalawang carnap vehicle ang narekober ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD), iniulat kahapon. Sa ulat ni QCPD director, C/Supt. Joselito Esquivel, Jr., kay National Capital Region Police Office (NCRPO) director, C/Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, kinilala ang mga suspek na sina Manchester Uy, 42, broker; Omar Clores, 34, trailer ... Read More »

Bebot patay sa saksak ng live-in partner

PATAY ang isang gi­nang nang pagsasak­sakin ng kanyang live-in partner sa loob ng kani­lang bahay sa Malabon City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ang bikti­mang si Maria Rosa Jatulan, 53, vendor sa Con­­cepcion Market, at residente sa E. De Jesus St., Brgy. Concepcion, habang pinaghahanap ng mga pulis ang kan­yang live-in partner na si Danilo Manalastas, nasa hustong gulang. Batay sa ... Read More »

Pulis binugbog 3 bebot timbog

ARESTADO ang tatlong babaeng lasing makaraan pagtulungang gulpihin ang isang pulis habang hinuhuli ang dalawang lalaking ayaw magbayad ng kanilang nainom sa Navotas City, kahapon ng umaga. Kulong ang mga suspek na sina Roby Rose Cinca, 26; Junnacel Sa­pian­dante, 27, at Meldi Silva, 27, pawang resi­dente sa Brgy. Tonsuya, Malabon City, at mga waitress sa Erica’s Res­tobar, nahaharap sa ka­song ... Read More »

12-anyos estudyante nakoryente sa ilog

PATAY ang isang 12-anyos batang lalaki makaraang makor­yente habang lumalangoy sa isang ilog sa Malabon City, kama­kalawa ng hapon. Hindi umabot nang buhay sa Ospital ng Malabon ang biktimang kinilalang si Mart Elmer Yanga, Grade 2, residente sa Tambak Uno, Brgy. Tanza Dos, Navotas City, sanhi ng pagkasunog ng katawan. Batay sa ulat ni Malabon Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ... Read More »

Ex-chairman na lider ng drug syndicate arestado

MAKARAAN ang mahi­git apat na taong pagtata­go, ang 72-anyos lolo na dating barangay chair­man at tinaguriang lider ng bigtime drug syndicate sa Region 1, ay nadakip sa Caloocan City, kama­kalawa ng gabi. Nasakote nang pinag­sanib na puwersa ng mga tauhan ng Caloocan Police Intelligence Unit, Police Regional Office (PRO) 1 Intelligence Division, Provincial Drug Enforcement Unit ng Ilocos Sur, at ... Read More »

P.7-M shabu kompiskado sa buy-bust vs 5 tulak

MAHIGIT P700,000 halaga ng shabu ang nakompiska ng mga operatiba ng Northern Police District (NPD) sa limang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa buy-bust operation sa Tondo, Maynila, kamakalawa. Kinilala ni NPD direct­or, C/Supt. Gregorio Lim ang mga suspek na magkapatid na sina Charlie Alvear, 34, at Jessie Alvear, 27; Allan Silva, 42; Maffie Rose Marquez, 28, at Richard Morales, ... Read More »

Sa Navotas City: Pulis, 12 pa tiklo sa pot session

ARESTADO ang isang pulis at 12 drug personalities  sa ikinasang anti-illegal drug operation ng mga operatiba ng Northern Police District (NPD) sa Navotas Fish Port Complex sa Navotas City. Ayon sa ulat ng pulisya, huli sa akto si PO2 Michael del Monte, 42, nakatalaga sa Caloocan City Police at residente Herbosa St., Tondo, Maynila, at walo pang drug personalities nang ... Read More »

Hindi makabuo ng sanggol: Misis iniwan ni mister, nagbigti

NAGBIGTI ang isang 36-anyos misis makaraan iwa­nan ng kanyang mister sa Malabon City, kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang biktimang si Lucila Genoso, residente sa Valenzuela City, natag­puang nakabigti sa bahay ng kan­yang kaibigan sa Bonifacio St., Brgy. Tugatog, Malabon City, 12:45 ng madaling-araw. Sa pahayag ng kaibigan ng biktima na si Geneflor Alabata, 35, sales super­visor, kay PO2 Alcee Clemente ... Read More »

6-anyos anak binugbog, Mister kalaboso

NANG hindi sundin ang iniuutos, binugbog ng isang lalaki ang kanyang 6-anyos anak sa Valen­zuela City, kamakalawa ng umaga. Agad inaresto ng mga tauhan ng Valenzuela Police Community Pre­cinct (PCP) 8 ang suspek na si Michael Fabul, 35, sa kanilang bahay sa Eugenio St., Sitio Sulok, Brgy. Ugong makaraang humingi ng tulong sa pulisya ang asawa niyang si Windylyn nang masak­sihan ... Read More »

Tambay todas sa boga

PATAY ang isang lalaking ‘pasaway’ sa kanilang lugar makaraan pagbabarilin ng hindi kilalang suspek habang sugatan ang 63-anyos tricycle driver na tinamaan ng ligaw na bala sa Malabon City, kamaka­lawa ng hapon. Kinilala ni Malabon police chief, S/Supt. Harry Espela ang biktimang si Anthony de Jose, 28, residente sa 1st St., Brgy. Tañong, habang ginagamot sa Tondo Medical Center  si Jesus Algunajonata, ... Read More »

Sa Caloocan: P3-M shabu kompiskado, 3 arestado

UMAABOT sa P3 milyong halaga ng shabu ang nasabat sa tatlong hinihi­na­lang drug pushers ma­k­araan arestohin sa buy-bust operation sa Calooc­an City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Northern Police District director, si C/Supt. Gregorio Lim ang arestadong mga sus­pek na sina Jonalyn Ta­yao, 28, Roman Mariano, 28, top 1 at top 2 sa drug watchlist ng Brgy. 59, at Noraisa ... Read More »

Kelot tigbak sa tarak

PATAY ang 20-anyos lalaki makaraan sak­sakin ng isang cons­truction worker habang naglalakad ang biktima kasama ang kaibigan upang sunduin ang kanyang girlfriend sa Caloocan City, kama­kalawa. Agad binawian ng buhay sa insidente ang biktimang si kinilalang si Paulo Dela Torre, residente sa Robes 1, Area 1, Camarin, Brgy. 175, sanhi ng saksak sa likod. Habang pinag­ha­hanap ang suspek na kinilalang ... Read More »

Sa Caloocan: Ika-120 taon ng araw ng kalayaan ginunita

GINUNITA ang ika-120 anibersaryo ng Kalayaan na may temang “Pag­ba­bagong Ipinaglaban, Alay sa Masaganang Kinabu­kasan” sa bantayog ni Gat Andres Bonifacio sa Monumento Circle, Calo­o­can City, kahapon ng umaga. Pinangunahan nina Mayor Oscar Malapitan, 1st District Cong. Along Malapitan, 2nd District Cong. Egay Erece, Vice Mayor Maca Asistio III, Caloocan Police chief, S/Supt. Restituto Arcanghel at Danny Lim, chairman ng Metro Manila ... Read More »

P1.3-M cash etc., tinangay sa mag-amang Taiwanese (Gapos gang sumalakay)

PINASOK ng hinihinalang mga armadong miyembro ng Gapos gang ang bahay ng mag-amang Taiwanese national na iginapos at tinakpan ng masking tape ang mga bibig saka tinangay ang cash, alahas at gadgets ng sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Ayon kay Valenzuela acting police chief, S/Supt. David Nicolas Poklay, naganap ang insidente dakong 12:00 am sa bahay ni Hsieh Te Yuan, ... Read More »

Lola, 3 drug user tiklo sa buy-bust

SWAK sa kulungan ang tatlong hinihinalang sangkot sa ilegal na droga, kabilang ang 63-anyos lola at 17-anyos binatilyo sa ikinasang buy-bust operation ng mga pulis sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Caloocan police deputy chief for administration, Supt. Ferdinand Del Rosario ang arestadong mga suspek na sina Amie Hernandez, 63; Angelito Gracia, 20; Benson Tiron, 19, at ang isang ... Read More »

‘Con artist’ timbog sa OLFU (Sa pekeng membership promo)

SWAK sa kulungan ang isang 31-anyos lalaki na nag-aalok ng mga bogus na membership promo para sa tatlong uri ng pampaganda at serbis­yong pangkalusugan sa mga estudyante, maka­raan arestohin nang bu­ma­lik sa paaralan upang maghanap muli ng iba pang bibiktimahin sa Valenzuela City, kama­kalawa. Kinilala ni Valenzuela police chief, S/Supt. Ronaldo Mendoza Ruel ang suspek na si Carlo Fianza, residente ... Read More »

Pugante arestado sa biyaheng CamNorte

ARESTADO sa mga tauhan ng Northern Police District (NPD) ang isang preso, may kasong pos­session of illegal drugs, na natakasan ang duty desk officer kamakailan. Balik-selda ang sus­pek na kinilalang si Leonardo Retiro, Jr., resi­dente sa Dulong Herrera St., Brgy. Ibaba, Malabon City, na nahaharap sa kasong paglabag sa pos­session of illegal drugs o  Section 11 ng R.A. 9165. Ayon ... Read More »

14-anyos binatilyo nagsaksak sa sarili (Baby ayaw ipakita ng GF)

KRITIKAL ang kalagayan ng isang 14-anyos binatilyo maka­raan magsaksak sa kanyang sarili nang tumanggi ang 16-anyos karelasyon na ipakita sa kanya ang kanilang anak na sanggol sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon. Inoobserbahan sa Valen­zuela City Medical Center sanhi ng saksak sa tiyan si Emmanuel Perez, out-of-school youth, residente sa Northville 1, Brgy. Bignay. Sa imbestigasyon ni PO3 Maria Luisa ... Read More »

Riding-in-trio sumemplang kritikal (Pulis tinakasan)

KRITIKAL ang kalagayan ng tatlo katao, kabilang ang 17-anyos estudyante, ma­ka­ra­an sumemplang ang kanilang sinasakyang mo­torsiklo nang takbohan ang mga pulis sa Malabon City, kamakalawa ng madaling-araw. Ginagamot sa MCU Hospital si Jassen Delemon, 20, service crew, habang kapwa inoobsebahan sa Jose Reyes Memorial Medi­cal Center ang kanyang back rider na sina Niko Sese, 19, at Raymond Ca­buenos, 17, estudyante, ... Read More »

Lasing na kasambahay nalunod sa pool

NALUNOD ang isang kasamba­hay sa swimming pool dahil sa matinding kalasingan habang naliligo kasama ang pamilya ng kanyang amo sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Hindi umabot nang buhay sa Manila Central University Hospital ang biktimang si Mailin Castillo, 24, stay-in housemaid sa Ca­dorniga St., Brgy. NBBS, Navotas City. Base sa imbestigasyon nina PO3 Julius Mabasa at PO2 Jose Romeo ... Read More »

Sariling bahay sinilaban ng adik (Gustong mamatay)

ARESTADO ang isang lalaking hinihinalang adik sa ilegal na droga makaraan silaban ang kanyang bahay ngunit nadamay ang bahay ng 24 pamilya sa Navotas City, kamakakalawa ng gabi. Kinilala ang suspek na si Vergel Valera, 34, residente sa Isda St., Brgy. North Bay Boulevard North, nahaharap sa kasong arson. Batay sa ulat ni arson investigator FO2 Arbie Locahin, dakong 6:30 pm ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved