Wednesday , September 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Robert B. Roque, Jr.

Author Archives: Robert B. Roque, Jr.

Feed Subscription

Palakpakan

SA pagkakataong ito ay hayaan ninyong purihin natin ang dapat purihin at ito ay walang iba kundi si President Duter­te, ang kanyang Gabi­nete at lahat ng mga nagtulung-tulong upang harapin ang kinatata­kutang super-lakas na bagyong Ompong. Ang naturang bagyo ay may lakas na 205 kilometers at bugso na 255 kilometers per hour at malawak ang sinasakop. Kung titingnan sa mapa ... Read More »

Krisis sa bigas

ANG krisis sa bigas sa lungsod ng Zamboanga at sa mga lalawigan ng Basilan, Sulu at Tawi­tawi (Zambasulta) ay matinding babala sa kapalaran na maaari nating sapitin kung magtatagumpay ang mga economic manager sa kanilang mungkahi na umasa sa inangkat na bigas at bawasan ang paggasta sa programa ng gobyerno sa bigas sa Filipinas. Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, ... Read More »

Problemang shabu tuldukan

PATULOY ang masin­sinang pagtutok at pag­tugis ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) laban sa ipinag­babawal na drogang shabu at sa mga de­mon­yong nagpapa­kalat nito. Akalain ninyong kama­kailan lang ay natuklasan ng PDEA ang 500 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P4.3 bilyon na itinago sa dalawang magnetic scrap lifters sa loob ng isang container sa Manila International ... Read More »

Anino ng terorismo

HINDI maitatanggi na hanggang ngayon ay may mga pagkakataon na nalililiman pa rin tayo ng anino ng terorismo na kahit paunti-unti ay biglaang nagpa­param­dam ng kalupitan sa ating kawawa at wa­lang kamalay-malay na mga mamamayan. Kamakailan nga lang ay muli itong naganap nang makalusot na naman ang mga terorista sa dapat sana’y mahigpit, tuloy-tuloy at walang puknat na pagbabantay ng ... Read More »

Plantsadong balakin?

KUNG ikokompara sa sport na boxing ay ma­s­asabing nagwagi na si dating President Gloria Ma­capagal-Arroyo da­hil naagaw na niya ang pinakamimithing titulo sa House of Represen­ta­tives mula kay Con­gress­man Pantaleon Alvarez bilang Speaker of the House. Gayonman ay marami ang nagtaka kung bakit lumalabas na minadali ito at itinaon pa sa araw mismo ng pagbibigay ng State of the Nation ... Read More »

Modelong opisyal

SA gitna ng santambak na intriga at kontro­bersiya na kinakaharap ng Philippine National Police (PNP) bunga ng katiwalian at kabalbalan ng ilang bugok nilang kasapi ay nakatutu­wang malaman na may mga opisyal pa rin na tunay na may malasakit sa organisasyon at tumutupad sa kanyang sinumpaang tungkulin na magpatupad ng batas, kahit may kabaro siyang masasagasaan. Halimbawa na rito ang ... Read More »

Duterte mananahimik?

PUMAYAG umano si President Rodrigo Du­ter­te na tumigil sa pagl­alabas ng mga paha­yag tungkol sa simba­han matapos makipag­pulong nang one-on-one sa pangulo ng Catholic Bishops Con­ference of the Philip­pines (CBCP) na si Archbishop Romulo Valles. Maaalalang naging kontrobersiyal ang sunod-sunod na pagbatikos ni Duterte laban sa simbahan na humantong sa pagtawag niya na estupido raw ang Diyos at pagkuwestiyon sa ... Read More »

Ipit sa sitwasyon

BATID ng lahat na halos nakabaon pa rin ang puwersa ng buong Philippine National Police (PNP) sa kontrobersiya at kahihiyan bunga ng kapalpakan na nagawa ng ilang bugok nilang kabaro. Halos araw-araw ay may nauulat na pulis o kanilang opisyal na sangkot sa krimen tulad ng pagkakadawit sa ilegal na droga, pangongotong, panggagahasa o paggawa ng kalaswaan at iba pa. ... Read More »

Mapagsamantala

MAPAGSAMANTALA. Ma­pang-abuso. Ma­pang-api. Ganid. Su­wa­pang. Ito ay ilan sa mga salita na makapaglala­rawan sa kahayupang inaasal at ipinakikita ng mga coast guard ng China sa sarili nating mga kababayan sa West Philippine Sea. Kamakailan lang ay tinalakay natin ang note verbale ng Filipinas laban sa China na naglalaman ng mga insidenteng naganap sa ating karagatan tulad ng instalasyon ng mga ... Read More »

Isapubliko

HINIHIMOK ng ilang eksperto na isapubliko ng Filipinas ang diplo­matic protests laban sa mga pinaggagawa ng China sa West Philippine Sea dahil hindi umano sapat ang pag-file ng Maynila ng note verbale laban sa Beijing. Naulat na tinukoy raw ni Asia Maritime Transparency Initiative (AMTI) director Gregory Poling na ang tanging paraan para  makumbinsi ang China na ituring ang ating claims ... Read More »

Umiiwas sa digmaan

BAGAMAN maliwanag na may katuwiran si President Duterte sa pag-iwas na makaga­wa ng hakbang na pu­wedeng ikagalit ng China para makipag­digmaan sa ating ban­sa, sa pananaw ng marami ay nagpapakita ang Pangulo ng labis na kahinaan sa kanyang ginagawa. Ayon sa Pangulo ay hindi niya kakayaning pumasok sa digmaan kung hindi siya magwawagi at magreresulta sa pagbubuwis ng buhay ng ... Read More »

Impeachment, Quo Warranto

HINDI maitatanggi na naging kontrobersiyal ang pagpapatalsik ng Supreme Court kay Chief Justice Lourdes Sereno. Hindi ito naaayon sa Konstitusyon na nag­sasaad na ang Pangu­lo, Bise Presidente, mga mahistrado ng Supreme Court, mga commissioner ng Civil Service Commission, Commission on Elections, Commission on Audit at ang Ombudsman ay maaari lang alisin sa puwesto sa pamamagitan ng impeachment. Ang impeachment ang ... Read More »

Tagumpay

SA wakas ay nagtagumpay ang mga pagsisikap ng mga opisyal ng Filipinas upang maprotektahan ang mga overseas Filipino worker (OFW) sa Kuwait. Nakahinga nang maluwag ang mga OFW nang lagdaan ng Filipinas at Kuwait ang memorandum of agreement nitong nagdaang Biyernes na nagbibigay ng karagdagang proteksyon sa mga OFW. Dapat purihin si President Duterte, Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary ... Read More »

Nakalilito, nakaliligalig

NAKALILIGALIG na ang ginagawa ng go­b-yerno ng Kuwait sa mga Filipino, pati na sa mga opisyal ng embahada na ang tanging hangarin ay matulungan ang mga kababayan natin na inaapi sa naturang lugar. Maituturing na hayagang pambabastos ang pag-isyu ng Kuwait ng arrest warrants sa tatlong diplomat na Filipino habang nakapiit ang apat pang Filipino na naglilingkod sa embahada. Bukod ... Read More »

Planong casino mga patakaran sa Boracay

MUKHANG hindi na matutuloy ang planong pagtatayo ng higanteng casino sa Boracay. Tahimik na ipinagbunyi ng marami ang pahayag ng Department of Tourism (DOT) na umatras na ang Galaxy Entertainment Group na nakabase sa Macau sa pagtatayo ng casino na nagkakahalaga ng $500 milyon sa 23 ektarya ng lupa sa Boracay. Pero itinanggi ng Leisure and Resorts World Corporation, ang ... Read More »

Resort-casino kailangan ba?

MAINIT pa rin ang talakayan hanggang ngayon kung dapat ba talagang magtayo ang China ng isang resort-casino sa Boracay. Maging ang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na si Roy Cimatu ay umamin na ang pagsisikap u­pang mapaluwag ang Boracay ay hindi tumutugma sa plano ng Galaxy Entertainment Group na nakabase sa Macau na magtayo ng casino ... Read More »

Ibawal ang political dynasty

SA kabila ng katotohanang mandato ng Kongreso batay sa 1987 Constitution na magpasa ng batas sa anti-political dynasty upang mapigilan ang pananatili sa kapangyarihan ng ilang angkang politikal ay patuloy pa rin silang namamayagpag. Ayon sa Article II Section 26 ng ating 1987 Constitution, “The state shall guarantee equal access to opportunities for public service, and prohibit political dynasties as ... Read More »

Ilegal na sugal hindi matuldukan

NAKALULUNGKOT isipin, sa kabila ng masinsinang kampanya ni President Duterte laban sa lumalabag sa batas ay hindi matuldukan ang pamamayagpag ng ilegal na sugal. At lalong nakagu­gulat na may maliliit na perya na binansagang ‘pergalan’ na naghahandog ng bawal na sugal na tulad ng “color games” at “drop ball” na garapalang tumatakbo kahit malapit sa mga himpilan ng pulisya na ... Read More »

Tuloy ang laban

SA tingin ng iba ay nagiging desperado ang ilang mambabatas, lalo nang hilingin ng ilang miyembro ng oposi­syon ng Kongreso na makialam si President Duterte sa pagsisikap ng gobyerno na imbestigahan ang pagkasawi ng mga bata na naturukan ng kontrobersiyal na bakuna na Dengvaxia. Sa tingin nila ang Pangulo ang dapat magresolba sa isyu at utusan si Public Attorney’s Office ... Read More »

Problemang STL

MASALIMUOT ang sitwasyon na kinalalagyan ngayon ng Happy Cool Gaming Inc., dahil maaari umanong ma-revoke ang lisensiya nito dahil sa hindi pagbabayad nang husto sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).  Ang Happy Cool Gaming ang may hawak ng prangkisa ng small town lottery (STL) sa southern Metro Manila kaya natural lang na may obligasyon silang bayaran ang Presumptive Monthly Revenue ... Read More »

Pagbabalik ng drug war sa PNP

KUNG may natutuwa man ay marami ang nababahala sa balita na balak ibalik ni President Duterte sa Philippine National Police (PNP) ang pangangasiwa sa kanyang kampanya laban sa droga. Nangangamba sila dahil mula nang masi­mulan ang giyera ng Pangulo sa ilegal na droga nitong nakalipas na taon ay naging kontrober­siyal ito sa dami ng mga nasawing suspek. May mga nagsasabi ... Read More »

Bayaning pulis

MAY mga pulis man na dapat kainisan dahil sa pang-aabuso sa kapangyarihan at paggawa ng katiwalian ay may mga kabaro rin sila na tunay na maipagmamalaki ng sambayanan. Patunay na rito ang kabayanihan na ipinakita nina PO3 Cyril Gobis ng Sta. Cruz Municipal Police Station ng Laguna Police Provincial Office at PO2 Joselito Lantano ng Police Security and Protection Group ... Read More »

Walang puknat ang ilegal na sugal

SA wakas ay umaksiyon ang National Capital Region Police Office (NCRPO) at hinuli ang saklaan sa Malibay, Pasay City na pinatatakbo ni Rom Bakla noong nakaraang Miyerkoles. Gayonman, sa Pasay ay patok na patok ang ilegal na sugal sa Pilapil Street, Humildad Street, Maricaban area, Malibay area, Santo Niño area, Pasay Boulevard, Muñoz Street, Estrella Street at Maginhawa Street. Bukod ... Read More »

Ilegal na sugal namamayagpag

PATULOY nga ba na kumakalat ang ilegal na sugal nang hindi man lang nalalaman ng matatapang at magigiting nating pulis? Mahirap yata itong paniwalaan dahil batid naman ng lahat na matindi ang pang-amoy ng mga pulis kapag may ilegal na aktibidad na nagaganap sa kanilang nasasakupan. Dito nga lang sa Pasay ay patok na patok ang ilegal na sugal sa ... Read More »

Pagbangon

HALOS isang linggo matapos ideklara ni President Duterte na malaya na ang Marawi sa terorismo ay nagpahayag si Defense Secretary Delfin Lorenzana na nagwakas na ang 154 araw ng pananakop ng Maute group na sinuportahan ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS). Ayon sa militar ay nasawi sa digmaan ang 920 terorista bukod pa sa mga bangkay na hindi ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved