Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Percy Lapid (page 5)

Author Archives: Percy Lapid

Feed Subscription

Isko nag-resign dahil sa kampanya kontra katiwalian ni Digong?

NAGPAALAM na sa administrasyon ni Pang. Rodrigo “Digong” Duterte si dating Manila vice mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso kasabay ng kanyang pagbibitiw sa North Luzon Railways Corporation (Northrail) nitong Biyernes. Personal ang tinukoy na dahilan ni Iskolokoy, ‘este, Isko sa isinumite niyang “irevocable resignation” kay Pang. Digong na nagkamaling magtalaga sa kanya sa puwesto. Noon lamang nakaraang Hulyo naitalaga si Isko bilang ... Read More »

Paglusob ng MMDA sa Illegal terminal sa Lawton naitimbre sa Bgy. 659-A bago sinalakay

lawton illegal terminal Danny Lim MMDA

NAGDIWANG maging ang madudungis na bata sa harap ng Philpost building sa Ermita, Maynila na tuwang-tuwang nagsisipaglaro matapos galit na ipasara ni Manila Metropolitan Development Authority (MMDA) Chairman Danny Lim (insert) ang ilegal na terminal ng mga kolorum na UV Express at ang mga ilegal na vendor na nagtitinda sa paligid ng Philippine Postal Office. Habang ipinakikita ng isang UV ... Read More »

Giyera sa Marawi, tapos na; Mabuhay ang mga sundalo!

NATAPOS din sa wakas ang mapamuksang digmaan sa Marawi matapos ang limang-buwan na labanan sa pagitan ng mga sundalo ng ating pamahalaan at mga terorista. Nakamit ang hindi matatawarang tagumpay ng ating mga sundalo sa pagbawi ng Marawi mula sa kamay ng mga naghasik ng terorismo. Pero ang lawak ng pinsalang idinulot ng katatapos na giyera ay hindi biro para sa ... Read More »

Baron Geisler, matino kaysa mga politikong tulisan sa pamahalaan

SABIT na naman sa gulo si Baron Geisler matapos maaresto sa isang kilalang resto-bar sa Quezon City, kamakailan. Dahil daw sa kanyang ”unruly behaviour” kapag nalalango sa alak ay banned sa mga establisiyemento ng naturang resto-bar si Baron. Pero kahit banned ang aktor, siya ay pinahintulutan na makapasok sa resto-bar hanggang sigawan umano at murahin ni Baron ang dalawang lalaking customer nang walang kadahilanan. ... Read More »

P50-M kinupitan ng P1-K nina Argosino at Robles, inabsuwelto sa plunder

INABSUWELTO ng Office of the Ombudsman sa kasong plunder sina dating Bureau of Immigration (BI) deputy commissioners Michael Robles and Al Argosino na sumabit sa pangingikil ng P50 milyon mula sa dayuhang illegal online gambling operator na si Jack Lam. Pinababa ng Ombudsman sa “graft” at “direct bribery” ang kaso laban sa dalawang dating BI officials mula sa dapat sana ay plunder ... Read More »

Impeachment trial kay Bautista, binaril ni Pres. Rody Duterte

OPISYAL nang tinanggap ni Pang. Rodrigo “Digong” Duterte ang pagbibitiw ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista nitong nakaraang linggo. Naisahan ni Bautista ang mga mambabatas, hindi na nila siya maisasalang sa impeachment trial. Tiyak na ang hindi natuloy na impeachment trial kay Bautista ay ikinalungkot ng mga PR na umaasang malaki ang kikitain kapalit ng serbisyo sa mainstream media ... Read More »

Talupan si Bautista!

MATITINDING unos ang nakatakdang sagupain ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista matapos baliktarin ng Kamara ang naibasurang impeachment case laban sa kanya. Paniwala natin, taktikang-pusit ang pagsusumite ni Bautista ng resignation nang makatunog na patatalsikin siya ng Kamara, kamakalawa. Tiyak na nasabihan ng kanyang mga kaalyado sa Kamara si Bautista bago pa pagbotohan ang pagpapatalsik sa kanya kaya maaga ... Read More »

Mabilis na pagdami ng mga naghihirap

BUMULUSOK daw sa mahigit 15 porsiyento ang ibinagsak ng popularidad ni Pres. Rodrigo “Digong” Duterte sa pinakahuling survey na mukhang ikinataranta ng Palasyo at mga kaalyado ng administrasyon. Ayon sa survey, malaking porsiyento raw sa ibinagsak ng popularidad ni Pres. Digong ay mula sa “Class E” o hanay ng mga maralita na nawawalan ng bilib sa pangulo. Ang pagkadesmaya ng mga ... Read More »

Walang kuwentang rigodon sa Customs

MAAGA pa para husgahan ang liderato ni retired Gen. Isidro S. Lapeña bilang bagong commissioner ng Bureau of Customs (BOC). Pero gusto man natin magtagumpay ang pamahalaan sa pagsugpo ng katiwalian ay mukhang malabong matupad ni Gen. Lapeña ang misyon na malipol ang “tara system” sa Customs. Nagpalabas kamakailan ng Customs Personnel Order (CMO) si Gen. Lapeña para sa re-assignment ng ... Read More »

Kay Gen. Bato: Public service is a thankless job

SINUMBATAN ni Philippine National Police (PNP) chief Ronald “Bato” dela Rosa ang mga pumupuna sa kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga. Tinawag ni Gen. Bato na “ingrato” ang mga aniya’y kritiko na ayon sa kanya ay nakikinabang sa peace and order na idinulot ng war on drugs. Pero hindi kombinsido si Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III sa peace and ... Read More »

Disbarment at kasong perjury vs Carandang

DAPAT nang lumayas sa puwesto itong si Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang, sa lalong madaling panahon, matapos umamin sa kanyang mga kasinungalingan laban kay Pang. Rodrigo “Digong” Duterte. Maliwanag na imbento lang pala ng damuhong si Carandang ang bilyong pisong deposito sa banko ni Pangulong Digong matapos pabulaanan ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na galing sa kanila ang umano’y bank ... Read More »

‘Barker’ bawal na sa QC

BAWAL na sa Quezon City ang “barker” na nagtatawag ng pasahero sa mga illegal terminal at ”parking attendants” na nangonglekta ng bayad sa mga pampublikong lugar na pinaparadahan ng mga sasakyan. Ito ay matapos lagdaan ni Mayor Herbert Bautista noong nakaraang buwan ang City Ordinance No. SP-2612 laban sa mga barker at City Ordinance No. SP-2611 laban sa parking attendants, ayon sa pagkakasunod. Ang mga ... Read More »

Biktima ng palakasan sina Salalima at Diño?

BAKIT may magkaibang bersiyon sa pagbibitiw sa puwesto ni dating secretary Rodolfo Salalima bilang kauna-unahang secretary ng Department of Information and Communications Technology (DICT)? Ayon kay Salalima, dalawang bagay ang dahilan ng kanyang pagbibitiw na hindi niya matagalan: katiwalian at pakikialam. “The deal was ‘no interference, no corruption” ang naging kasunduan nila ni Pang. Rodrigo “Digong” Duterte bago niya tinanggap ang ... Read More »

Ipagbawal na ang fraternity

MINSAN pang napatunayan sa pagkamatay ng batam-batang law student sa University of Sto. Tomas (UST) na si Horacio Tomas “Atio” Castillo III na ang fraternity ay dapat ipagbawal. Ilang beses na rin napatunayan na hindi epektibo ang pagkakapasa ng Anti-Hazing Law of 1995 na ipinagmamalaki ni dating senador Joey Lina laban sa malulupit at nakamamatay na ‘initiations’ sa mga fraternity na maging sa ... Read More »

Kakaibang ‘bomba’ ng Viva Hot Babes sa Plaza Miranda

BASTA’T pera talaga o kapangyarihan ang nangibabaw, may mga nilalang na binibigyang katuwiran ang mali. Tulad na lamang sa nakadedesmayang National Day of Protest rally noong Huwebes sa Plaza Miranda, Quiapo na nauwi sa kabastusan. Sa saliw ng nakakikiliting “Basketbol,” bigay-todo ang ngayo’y matataba nang miyembro ng dating grupong Bibingka Hot Babes, ‘este, Viva Hot Babes na sumikat noong dekada ‘90. ... Read More »

Sino si Arvin Tan?

HABANG kinakapanayam ng mga reporter ang Uber driver na naghatid ng mga gamit ni Horacio Castillo III, ang first year law student na napatay sa hazing ng Aegis Juris Fraternity ng University of Santo Tomas (UST), sa kanilang bahay bago siya napatay sa hazing, biglang sumulpot ang isang alumnus ng UST sa headquarters ng Manila Police District (MPD). Kinilala ang dating estudyante ng UST na ... Read More »

Raket sa BOC gamit ang SPD

ISANG uri ng kawalanghiyaan na hindi pamilyar sa pandinig ng marami ang malaking panunuba sa cement importation para palusutan sa pagbabayad ng kaukulang storage fee ang Bureau of Customs (BOC). Bukod pala sa pandaraya ng freight cost o halaga ng timbang na ibinulgar ni dating Commissioner Nicanor Faeldon ay posibleng malaki rin ang lugi ng pamahalaan sa storage fee na ... Read More »

Lumaya na sa hawla si Jinggoy; mga kosa sa Plunder, next na!

NAGKATOTOO ang matagal nang umuugong na usap-usapan na makalalaya si dating senador Jinggoy Estrada sa hawla na nabilanggo sa no bail o walang piyansa na kasong pandarambong (plunder). Ibig sabihin ay susunod na ang mga classmate at kapwa akusado sa pork barrel scam na sina dating senador Bong Revilla, Janet Lim Napoles, Gigi Reyes at iba pa sa kaparehong dahilan. May nag-aalboroto na ... Read More »

Desentonadong investigation sa Senado in aid of destab

WALA na sa tono ang mga isinasagawang imbestigasyon ng Senado na nag-ugat sa P6.4-B shipment ng illegal drugs na ipinuslit sa Bureau of Customs (BoC) at nasabat noong Mayo sa Valenzuela City. Imbes paglikha ng batas ay tila ‘in aid of destabilization’ na ang pakay ng imbestigasyon ng Senado. Kaya naman nasa-sabotahe at naaantala ang pag-usad ng mga kasong dapat isampa ... Read More »

Pinag-iinitan si Mocha

BINOBOMBA si Presidential Communications and Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson dahil sa pagsasayaw niya sa Bar 360 ng Resorts World Manila (RWM) tuwing Martes. May batas kasi na ipinagbabawal sa sinomang opisyal at empleyado ng gobyerno ang pumasok sa mga casino na nakasaad sa Presidential Decree No. 1067-B (series of 1977), as amended by PD No. 1869 (series of ... Read More »

Ibalik si Erap sa kulungan!

SAKTONG sampung taon na sa Martes (Sept. 12) nang ibaba ang hatol kay ousted president at convicted plunderer Joseph ‘Erap’ Estrada matapos mapatunayang siya ay guilty sa kasong pandarambong ng Sandiganbayan. Noong September 12, 2007, si Erap ay pinatawan ng parusang reclusion perpetua, katumbas ng 40-taong pagkabilanggo. Bilang accessory penalty sa naging hatol kay Erap, ipinasasauli rin sa kanya ng ... Read More »

Ebidensiya sa DAP isinumite sa DOJ

NANAWAGAN ang grupo ni dating Manila Councilor Greco Belgica sa Department of Justice (DOJ) na imbestigahan ang maanomalyang proyekto na pinondohan sa ilalim ng Development Acceleration Program (DAP). Nagsumite ng mga ebidensiya si Belgica na nagamit sa nakaraang administrasyon ang ilang programa na pinondohan ng DAP na nauna nang naideklarang ilegal at unconstitutional ng Korte Suprema. Pinaiimbestigahan din ng grupo ... Read More »

Customs inialok na pero tinanggihan ni Fred Lim

HINDI marahil naging director ng National Bureau of Investigation (NBI), secretary ng Department of Interior and Local Government (DILG), senador at alkalde ng Lungsod ng Maynila si Mayor Alfredo Lim kung tinanggap niya noon ang alok na maging hepe ng Bureau of Customs (BOC). Walang kamalay-malay si Maj. Gen. Lim na nakatakda pala siyang italaga bilang hepe ng Customs kasunod ... Read More »

Anti-Graft Commission ipapalit sa Ombudsman

NAPAPANAHON ang plano ni Pang. Rodrigo “Digong” Duterte sa pagbuo ng Anti-Graft Commission na mag-iimbestiga sa mga reklamo ng katiwalian sa pamahalaan. Kaya hindi tayo nagtataka kung tinawag na “master of selective justice” ng pangulo ang Office of the Ombudsman dahil sa hindi patas na pagtrato sa mga kinakasuhan. Sabi ng pangulo, ”It seems that the Office of the Ombudsman ... Read More »

Beloved Pres. Digong: Reklamo vs Filinvest natetengga sa HLURB

LUMIHAM ang OFW na si G. Albert dela Rama tungkol sa problema na kanyang idinulog sa Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB) laban sa Filinvest Development Corp. Ayon kay G. Dela Rama, binawi sa kanya ng Filinvest ang house and lot sa Valle Dulce Subdivision sa Bgy. Bubu-yan, Calamba, Laguna na tatlong taon niyang hinuhulugan. Hanggang ngayon ay hindi ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved