Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Percy Lapid (page 4)

Author Archives: Percy Lapid

Feed Subscription

Abuso de kompiyansa ang mga mambabatas

SORI na lang sa mga tutol sa planong baguhin ang ating Saligang Batas. May tatlong pa­mamaraan sa pagbabago o pag-amiyenda na naaayon din mismo sa Saligang Batas, kung hindi ako nagkakamali ay sa pamamagitan ng: 1) Constituent Assembly (Con-Ass); 2) Constitutional Convention (Con-Con); at 3) Constitutional Commission (Con-Com). Kaya walang maaaring makatutol kung talagang desidido ang kasalukuyang administrasyon na isulong ang ... Read More »

Kahirapan lalaganap, patitindihin ng TRAIN

MUKHA yatang hindi maganda kung ‘di man malas ang pagsalubong sa taong 2018 para sa sambayanang Filipino. Ikalawang araw pa lang ng Enero ay sinalubong na tayo ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo. May dalawang linggo pa lang ang nakararaan nang huling nagmahal ang mga produktong petrolyo at simula kahapon ay P0.20 na naman ang itinaas ng gasolina kada ... Read More »

Imbestigasyon sa NCCC matutulad lang sa RWM

SABAY-SABAY na naman ang imbestigasyon sa nasunog na New City Commercial Center (NCCC) Mall sa Davao City na kumitil sa 37-katao. Paiimbestigahan daw ang trahedya para makasuhan kung sino man ang mapapatuna­yang may dapat panagutan sa batas. Bukod sa Department of Justice (DOJ), Department of Labor and Employment (DOLE) at National Bureau of Investigation (NBI), malamang na may iba pang ahensiya o ... Read More »

Paolo Duterte, dapat tularan ni GM Balutan

ANG ginawang pagbibitiw sa tungkulin ni Presidential son Paolo “Polong” Duterte bilang bise-alkalde ng Davao City ang wastong halimbawa at tunay na kahulugan ng salitang “delicadeza.” Isang mabuting katangian na bibihira na nating matagpuan sa mga nasa pamahalaan ngayon. Pagdating sa delicadeza, si Polong ang dapat magsilbing ehemplo na dapat tularan ng mga kapit-tuko sa puwesto, partikular ang mga opi­syal na ... Read More »

Nasaan ang “propriety” sa P6-M Christmas Party ng PCSO sa Shangri-La?

ENGRANDE sa ‘di lang maluho ang idinaos na Christmas Party ng Phi­lippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) habang binabayo ng bagsik ni bagyong “Urduja” ang ating mga kababayan sa Kabisa­yaan. Ibinulgar ni dating jueteng whistleblower at ngayo’y PCSO director Sandra Cam na mahigit sa P10-milyon ang halagang nawaldas mula sa pondo ng PCSO sa mala-bonanza at extravaganteng Christmas Party ng PCSO sa Isla ... Read More »

Nagpaparamdam si Cam sa mga ‘lord’ ng jueteng? 

KATATALAGA pa lang sa kanya ni Pang. Digong sa puwesto, intriga agad ang ipinasalubong ng dating “jueteng” whistblower na si Sandra Cam sa mga dinatnan niyang opisyal sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Kasunod ng pagkakatalaga kay Cam noong Dec. 13, ipinangalandakan ni Cam sa isang press conference na kanya raw lilinisin ang mga katiwalian sa PCSO. Paniwala pala ni Cam, siya ... Read More »

Pres. Digong at Mayor Lim parehong may delicadeza na ayaw sa “sipsip-buto”

MAY malaking pagkakahawig sina Pang. Rodrigo “Digong” Duterte at dating Manila Mayor Alfredo S. Lim kung kaya’t ang kapwa sila hangaan ay hindi maiiwasan. Noong Martes, nanawagan si Pang. Digong sa mga empleyado at opisyal ng pamahalaan na itigil ang pagsasabit ng kanyang mga larawan sa kanilang mga opisina para makapagsipsip sa kanya. Nakiusap din sa media si Pang. Digong na ... Read More »

VACC tinabla sa Kamara

WALA raw ni isang miyembro ng Kamara ang nag-endoso sa impeachment complaint laban kay Ombudswoman Conchita Carpio-Morales na inihain ng Vo­lunteers Against Crime and Corruption (VACC). Ang mga ginamit na basehan sa inihaing complaint ng VACC laban kay Carpio-Morales ay betrayal of public trust, graft and corruption, and culpable violation of the Constitution. Ilan sa mga binabanggit ng VACC sa kanilang complaint ... Read More »

Dengvaxia at Crime against humanity

TINAKOT daw si dating Department of Health (DOH) secretary Paulyn Ubial kaya’t napilitan si­yang ituloy ang pagpa­patupad ng maanomal­yang pagbakuna at pagturok ng Dengvaxia sa mga kabataan na ka­ramihan ay mag-aaral. Ayon kay Ubial, kabilang ang mga hindi niya pinangalanang mambabatas sa Kongerso na nagbantang siya ay mabibilanggo kapag hindi itinuloy ang konhtro­bersiyal na programa. “People, even in Congress, told me, ... Read More »

“Back to the future” ang MMDA sa Hi-way 54

NAPAGKASUNDUAN daw ng mga opisyal na walang sentido-kumon sa Metro Manila Deve­lopment Auhtority (MMDA) at local mayors na magpatupad ng bagong speed limit sa EDSA. Para saan ang kagaguhang ito na naisipang ipatupad ng MMDA? Mula sa dating 60 ay ibababa na sa 50/kph ang ipatutupad na speed limit sa mga bumibiyaheng sasakyan sa kahabaan ng EDSA upang maiwasan umano ... Read More »

Attn. PNP Chief Bato: Media ‘ipatotokhang’ ng MMDA top official

MAITUTURING na pa­nganib sa mga ma­mamahayag itong si Jojo Garcia, ang assistant general manager ni Chairman Danilo “Danny” Lim sa Metro Manila Development Authority (MMDA). Kamakalawa, sinabi umano ni Garcia na dapat ‘itokhang’ ang mga miyembro ng media na sumusulat ng balita na hindi pabor sa MMDA. Bago magsimula ang press briefing noong Miyerkoles sa tanggapan ni retired Army Gen. Lim, ... Read More »

‘Sinister plot’ cum impeachment at pagtarantado sa rule of law

BALEWALA na sanang sulatin at pag-aksaya­han ng espasyo ang walang kabuluhang impeachment complaint na pinagkakaabalahang busisiin ng House Committee on Justice sa Kamara sa impeachment complaint na inihain ng abogadong si Larry Gadon para makabuo ng Articles of Impeachment na gagamitin para patalsikin si Supreme Court (SC) Chief Justice Ma. Lourdes Sereno sa puwesto. Mula’t sapol naman ay maliwanag na ‘fishing ... Read More »

Presidential appointees  na ‘bogus’ ang diploma?

NAPALUSUTAN ba ng appointees na ‘bogus’ o walang bisa ang academic credential ang kasalukuyang administrasyon? Aba’y, dapat paim­bestigahan agad kung sino-sino sila na ‘bogus’ naman pala ang diploma pero nagawang maitalaga sa iba’t ibang puwesto ni Pang. Rodrigo “Digong” Duterte sa kanyang administra­syon. Ang mga sinasabing nakapasok at humahawak ng matataas na puwesto sa administrasyon ni Presidente Digong ay nagawa umanong ... Read More »

Pambabastos kay Bonifacio

GAMIT na gamit na naman ng mga nagmamaskarang makabayan ang bayaning si Gat Andres Bonifacio sa paggunita ng kanyang ika-154 na kaarawan. Kahapon (Nov. 30), muling nairaos ng iba’t ibang grupo ang palsi­pikadong pagdakila sa itinuturing na Ama ng Rebolusyon na itinaya ang sariling buhay para sa bayan. Taon-taon na lang ay iyon at ‘yun din ang mamamalas na tagpo tuwing ... Read More »

Walang batas sa nagugutom

MALUPIT ang batas para kay Almira Cartina matapos siyang maa­resto ng mga pulis dahil sa umano ay pagna­nakaw kamakalawa ng umaga sa Marikina City. Agad ikinulong si Cartina sa salang pagnanakaw ng 1 ½ kilong karne mula sa isang meat shop sa nabanggit na lungsod. Kulang kasi ang detalye ng ulat na lumabas sa pahayagan dahil hindi kasi nila marahil itinuturing na ... Read More »

Absuwelto si Faeldon; Napahiya ang Senado

MAKATARUNGAN  ang pagkakadismis ng kaso laban kay dating commissioner Nicanor Faeldon at iba pang opisyal ng Bureau of Customs (BOC) sa P6.4 billion shabu shipment kamakailan. Si Faeldon at iba pang dating Customs officials ay inabsuwelto ng Department of Justice (DOJ) panel of prosecutors dahil sa kawalan ng probable cause o sapat na kadahilanan para sampahan sila ng kaso sa ... Read More »

Gen. Danny Lim at MMDA pinagtatawanan, iniinsulto; Illegal terminal, balik na!

BALIK na ang raket na illegal terminal ng mga pampasaherong bus at van sa Bgy. 659-A na sakop ni sharewoman, ‘este, Chairwoman Ligaya V. Santos sa Plaza Lawton at Liwasang Bonifacio sa Maynila. Kumalat sa social media nitong Lunes (Nov. 21) at Martes (Nov. 22) ang mga kuhang larawan na makikitang mas dumami pa ang mga nakaparadang bus at van sa ... Read More »

Roque, hari ng sablay

MAY panibagong bersiyon si Presidential spokesperson Harry Roque sa media kamakalawa tungkol sa umano’y dahilan kung bakit sinibak sa puwesto si dating Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Gen. Dionisio Santiago bilang hepe ng Dangerous Drugs Board (DDB). Tahimik na sana ang isyu pero marami ang nagulat na biglang naungkat ang pagkakasibak kay Santiago sa DDB. Sa kanyang ... Read More »

Malaking eskandalo sa BIR kumakalat sa social media

HABANG isinusulat natin ang pitak na ito ay malapit nang umabot sa 700,000 ang views sa Facebook at nakapanood ng kumakalat na video  laban  sa ilang opisyal at tauhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR). Partikular na binabanggit ang pangalan ni Commissioner Caesar Dulay at ang revenue district officers (RDO) ng BIR sa Parañaque at Pasay City. Umabot na kaya sa kaalaman ... Read More »

Sobrang pang-aapi ng mga manlulupig sa pamilya Corona

NAKAGAGALIT na ang sobrang panggigipit ng Office of the Ombudsman, Sandiganbayan at mga nasa likod ng paghihiganti laban kay dating Supreme Court (SC) chief justice Renato Corona at pamilya. Iniaapela ng naulilang pamilya ni Corona ang inilabas na resolusyon ng Sandiganbayan na pinapayagan ang Ombudsman na mabusisi ang bank accounts ng yumaong chief justice at biyudang si Cristina na naglalaman ng ... Read More »

DBM official pinasasampolan sa anti-corruption campaign ng administrasyong Duterte

ITINAMPOK natin sa mga nakaraan nating kolum ang maanomalyang gawain ng isang opisyal sa Department of Budget and Management (DBM). ‘Yan po ay hango sa padalang liham sa atin ng isang concerned citizen laban kay Director Elisa Salon ng DBM Regional Office III sa San Fernando, Pampanga. Sa kanyang liham, hinihiling ng concerned citizen kay beloved Pres. Rodrigo “Digong” Duterte na ... Read More »

‘Kerengkeng’ na DBM official na may alagang sweet lover cum driver

PAGDATING pala sa imoralidad ay walang ipinagkaiba kay suspected illegal drugs protector Sen. Leila de Lima ang isang tiwaling opisyal na matagal nang nagpapayaman sa Department of Budget and Management (DBM). Pagkatapos magkamal ng limpak-limpak na ‘kickback’ mula sa bilyon-bilyong pondo para sa Mt. Pinatubo project ng mga nagdaang administrasyon, ang immoral na DBM official ay sa maanomalyang seminar naman ... Read More »

Corrupt DBM official ‘di takot sa PACC at kay Pres. Duterte

NILAGDAAN ni Pres. Rodrigo “Digong” Duterte ang Executive Order No. 43 na lumilikha sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) noong nakaraang Oktubre. Pakay nito na imbestigahan ang mga tiwaling opisyal at empleyadong inaabuso ang kanilang tungkulin sa pamahalaan. Kasama sa kapangyarihan ng PACC ang irekomenda na maparusahan ang sinomang opis-yal at empleyadong nagkasala, na kung ‘di man suspendehin ay masibak sa serbisyo.   Pero ... Read More »

Ultimatum ng MMDA sa illegal terminal at Bgy. 659-A execs

GALIT na nagbantang kakasuhan ni Gen. Lim retired Army general at Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Danilo “Danny” Lim ang mga opisyal ng Bgy. 659-A na pinamumunuan ni Chairwoman Ligaya V. Santos sa salot na illegal terminal sa Lawton, sa Ermita, Maynila. Hindi marahil makapaniwala ang dating Army Scout Ranger na hindi seseryosohin ang kanyang naunang babala laban sa mga ... Read More »

Isko nag-resign dahil sa kampanya kontra katiwalian ni Digong?

NAGPAALAM na sa administrasyon ni Pang. Rodrigo “Digong” Duterte si dating Manila vice mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso kasabay ng kanyang pagbibitiw sa North Luzon Railways Corporation (Northrail) nitong Biyernes. Personal ang tinukoy na dahilan ni Iskolokoy, ‘este, Isko sa isinumite niyang “irevocable resignation” kay Pang. Digong na nagkamaling magtalaga sa kanya sa puwesto. Noon lamang nakaraang Hulyo naitalaga si Isko bilang ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved