Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Percy Lapid (page 19)

Author Archives: Percy Lapid

Feed Subscription

Paninira vs. De Lima bastos, garapalan pa

MASYADONG halata na ang pag-arangkada ng mga personal na pag-atake laban kay Justice Secretary Leila de Lima ay may layunin na isa-botahe ang panig ng prosekusyon na magsusulong ng pork barrel scam cases sa Sandiganbayan. Ang National Bureau of Investigation (NBI) na nasa ilalim ni De Lima ang nag-imbestiga at patuloy na nagsisiyasat sa pork barrel scam, at kung masisira ... Read More »

Pritil Market naibenta na rin ni Erap sa SM?

LAHAT na lang ng ari-arian ng pamahalaang lungsod ng Maynila, pati mga palengke, ay gustong pagkakuwartahan ni ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada. Isasapribado na raw ang Pritil Market sa Tondo, na ang balita’y nasungkit na naman ni Henry Sy ang kontrata at planong pagtatayuan ng Save More supermarket. Paano na ang kabuhayan ng maraming maliliit na tindera ... Read More »

P1-B pondo, kontrata sa basura ng Laguna sinalamangka ni ER?

UMABOT sa isang bilyong pisong pondo ng lalawigan ng Laguna ang hindi maipaliwanag kung saan ginasta ng administrasyon ng dating gobernador na si ER Ejercito. Sabi nga ng bagong upong gobernador na si Ramil Hernandez, walang masamang mangutang, pero dapat ilagay sa maganda ang pera. Ngayong si Hernandez na ang timon sa Laguna ay dapat niyang paimbestigahan ang mga transaksiyon ... Read More »

Asiong Aksaya: Hari ng Gastos

DINISKUWALIPIKA ng Commission on Elections (Comelec) si ER Ejercito bilang Laguna governor dahil sa kasong over spending o pagiging magastos noong May 2013 elections na maaaring magtampok sa kanya bilang bida sa pelikulang: “Asiong Aksaya – Hari ng Gastos.” Ayon sa Comelec, nilabag niya ang Omnibus Election Code na nagtatakda sa limitasyon na dapat gastahin ng isang kandidato sa lokal ... Read More »

Ang huling bigwas sa Estrada dynasty

MARAMI na ang nag-aabang sa pinananabikang desisyon ng Supreme Court sa disqualification case laban kay ousted president at convicted president Joseph ‘Erap” Estrada. Maituturing kasi itong “fatal blow” o hu-ling bigwas sa Estrada political dynasty na mahigit 40 taon nang namamayagpag sa lipunang Pilipino, at para kay Erap, isa itong bangungot na hindi dapat maganap. Ang magiging pasya ng Korte ... Read More »

Black prop vs Lim inilalarga ni Erap

DESPERADO na talaga ang pangkat ng “president-mayor-daddy” ni Vice Mayor Isko Moreno na si Erap Estrada na kumbinsihin ang publiko na dapat siyang manatili sa Manila City Hall kahit siya’y diskuwalipikadong kandidato. Ibinaling ang nila ang black propaganda at pagsusubo ng mga maling impormasyon sa mga bayarang kulam-nista para igiit na bulok at bangkarote naman ang Maynila nang datnan ni ... Read More »

Natataranta si Erap

HINDI na makapaghintay si ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada sa inaasahan niyang pagdeklara ng Korte Suprema na siya’y diskuwalipikadong kandidato at dapat nang lumayas sa Manila City Hall. Kabilang sa ikinasang plano ng kanyang kampo ay magpakalat ng mga maling impormasyon ng kanilang mga bayarang mamamahayag upang ikondisyon ang isip ng publiko na walang nilabag na batas ... Read More »

Aminado si Erap, disqualified siya

SA ngitngit marahil ni ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada kay Manila Mayor Alfredo Lim, inamin niya na talagang disqualified siya bilang kandidato sa pagka-alkalde sa Maynila noong 2013 elections. Sa komento sa petition-in-intervention ni Lim sa disqualification case laban kay Erap sa Korte Suprema ay binanggit ng convicted plunderer na nakasaad sa Section 44 ng Local Government ... Read More »

Sen. J.V. Ejercito nagmana sa ama

MALAKING panlilinlang pa ang inilalako ni Sen. JV Ejercito nang ihayag na pinag-iinitan ng administrasyong Aquino ang oposisyon, lalo na ang mga politiko mula sa kanilang angkan na nahaharap sa iba’t ibang kaso. Kinuwestiyon ni JV ang ‘pagbuhay’ sa disqualification case laban sa kanyang ama na si ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada at pinsan na si Laguna ... Read More »

Erap at Comelec may sabwatan?

PAREHO ang tono ni deposed president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada at ng Commission on Elections (Comelec) sa pagdepensa sa kuwalipikas-yon ni Erap bilang kandidatong alkalde sa Maynila noong 2013 elections. Nililinlang nila ang publiko sa paggiit na naresolba na ng Supreme Court ang isyu ng diskuwalipikasyon kay Erap bilang kandidato noong 2010 presidential elections kaya nakatakbo ito bilang ... Read More »

SC magpapasya na sa DQ case vs Erap

INATASAN ng Supreme Court ang lahat ng pa-nig sa disqualification case laban kay ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada na magsumite ng kani-kanilang memoranda sa loob ng 30 araw, sa bisa ng inilabas na en banc notice noong nakaraang Abril 22. Maliban sa kampo ni Estrada at sa nagsampa ng DQ case na si Atty. Alice Vidal, pinaghahain ... Read More »

Bldg. official ni Erap tiklo sa entrapment

TIKOM ang bibig hanggang sa ngayon ni ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada kaugnay sa pagka-entrap ng ‘bata’ niyang si Engineer Juan Capuchino, Jr., sa loob mismo ng kanyang sariling tanggapan sa Manila City Hall. Huling-huli sa akto si Cachupoy, este, Capuchino ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) habang tinatanggap ang P50,000 na kinikil niya sa ... Read More »

Erap, Jinggoy inilaglag ni JV

KAPAG nagkataon matapos ang mahigit 40 dekada ng pamamayagpag sa politika ng angkang Estrada, baka si Sen. JV Ejercito na lang ang matira sa kanila. Nang pirmahan ni JV ang rekomendasyon ng Senate Blue Ribbon Committee na dapat kasuhan ng plunder ang kapatid niyang si Sen. Jinggoy, pati na sina Sens. Bong Revilla at Juan Ponce-Enrile kaugnay sa P10-B pork ... Read More »

Pag-aresto ni Lim kay Enrile noong 1990 sa Senado

WALA naman talagang problema kung ihahain ng awtoridad ang warrant of arrest laban sa mga senador na sabit sa P10-B pork barrel scam sa bakuran mismo ng Senado, kaya hindi na kailangan umepal pa para maging bida sa isyung ito ang dyowa ni Heart Evangelista na si Sen. Chiz Escudero. Sapat nang precedent sa pagpapatupad ng batas ang pag-aresto ni ... Read More »

Jinggoy kabado, nangangatog na

MATAGAL nang ipinagyabang ni Sen. Jinggoy Estrada na kaya niyang idepensa ang kanyang sarili sa kasong plunder at mangangatog pa raw si Ruby Tuason pag-upo sa witness stand? Pero tila nag-iba na ang ihip ng hangin at ngayon ay nagpapa-saklolo na si Jinggoy sa Korte Suprema para ipa-tigil sa Ombudsman ang pagsasampa ng kasong plunder laban sa kanya sa Sandiganbayan. ... Read More »

DQ vs Erap dapat tapusin na ng SC

BILANG kandidato pa lang sa pagka-alkalde ng South Ubian, Tawi-tawi ay diskuwalipikado na si Gamal Hayudini kaya walang bisa ang kanyang pagkapanalo noong 2013 mayoralty polls. Ito ang en banc ruling ng Supreme Court kamakalawa nang katigan ang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na nagbasura sa Certificate of Candidacy (COC) ni Hayudini  dahil hindi naman siya residente ng South ... Read More »

Survey imbento lang, ‘di dapat paniwalaan

GINAGAWANG installment basis o hurnalan ni PNoy ang pag-eendorso ng kanyang mamanuking kandidato sa 2016 presidential polls, kaya ang unang salvo nito’y ginawa niya sa anyo ng pakiusap at hindi muna niya tinukoy kung sino ito. Sa kanyang Labor Day message, nakiusap siya sa publiko na kung naniniwalang tama ang kanyang ginagawa, kung ayaw natin masayang ang mga nakamit ng ... Read More »

Anarkiya sa Maynila?

“FORWARD ever, backward never” Ito raw ang ipinangangalandakang slogan ngayon ni ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada sa kanyang pamamahala sa Maynila. Baligtad yata, dahil alam naman ng lahat na ang tandem nina ISKO-RAP ay pinauusad lang ng mga retorikong slogan pero wala namang maipagmalaking nailatag na programa sa kapakanan at interes ng mga Manilenyo at ng lunsod. ... Read More »

Pres. Obama ayaw makaharap si Erap

TULAD nang inaasahan, walang itinakdang wreath-laying ceremony sa bantayog ni Gat Jose Rizal kay US President Barack Obama sa dalawang araw na pagbisita niya sa bansa, simula ngayon. Kahit pa nga tradisyon ito para sa mga bisitang world leader, hindi masisikmura ng mga Amerikano na ang isang napatalsik na pangulo at sentensiyadong mandarambong ay makaharap at makahalubilo ni Obama at ... Read More »

“Junkie” 2016 presidentiable

PARAMI nang parami ang bilang ng mga durugista sa ating bansa, hindi lamang sa hanay ng mga karaniwang mamamayan kundi pati na rin sa antas ng mga nasa alta-sosyedad. Pero ang lalong nakababahala, may mga mambabatas at mga opisyal na humahawak pa man din ng mataas na puwesto sa pamahalaan ang balitang ‘junkie” o lulong din pala sa paggamit ng ... Read More »

Erap kumita na nga sa HK issue, PNoy gusto pang ipahiya

DESPERADO na si deposed president at convicted plunderer Joseph ‘Erap’ Estrada na iligtas sa bilangguan ang anak niyang si Sen. Jinggoy Estrada kaya binubuhay na naman niya ang isyu ng 2010 Luneta hostage crisis. Kesyo pupunta raw si Erap sa Hong Kong para personal na mag-apologize sa mga opisyal doon, kahit hindi siya awtorisado na gawin ito dahil hindi naman ... Read More »

‘Pistolero’ ng IAS at barilan sa BoC

MUNTIK nang dumanak ang dugo sa Bureau of Customs (BoC) nitong nakaraang linggo. Parang segment sa programang “Wow, Mali!” ang naganap noong nakaraang Biyernes nang biglang pumutok ang bitbit na baril ng isang mataas na opisyal ng Aduana. Sabi ng ating impormante, dumating sa BOC-Import Assessment System (IAS) ang nabanggit na opisyal at ayon sa mga empleyado, narinig nila ang ... Read More »

Hepe ng Customs-ESS sibakin, imbestigahan

ANO kaya ang naging hakbang ng Department of Finance (DoF) at ng Bureau of Customs (BoC) sa ginawang pagkakalat ng mga delgadong ipinadala para dumalo sa intelligence training na ginanap sa Tokyo, Japan noong nakaraang buwan na pinangunahan ni Director Willie Tolentino, ang hepe ng  Enforcement and Security Service (ESS) sa Customs? Muntik nang ideport pabalik sa bansa sina Tolentino, ... Read More »

Gaano ba ‘kakapal’ ang mukha ni Erap?

ISANG masugid na tagapakinig ng ating malaganap na programang KATAPAT na napapa-kinggan sa Radio DWBL (1242 Khz.), alas-11:00 ng gabi hanggang alas-12:00 ng hatinggabi, Lunes hanggang Bi-yernes, ang nag-text kamakalawa at tinanong kung “Gaano raw ba kakapal ang mukha ni Erap?” Ito ay reaksyon niya sa pagpapatupad ng administrasyon nina deposed president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada at ng ... Read More »

Tuquero kapit-tuko na pangulo sa PLM

DALAWANG beses umanong pinawalang-bisa ng Civil Service Commission (CSC) ang appointment ni Artemio Tuquero bilang pangulo ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) dahil wala siyang doctorate degree. Kailangang may doctorate degree ang isang university/college president, alinsunod sa 1997 Qualification Standards Manual ng CSC. Naturingan pa namang abogado si Tuquero pero nagmamatigas siya, ayaw niyang kilalanin at sundin ang utos ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved