Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Niño Aclan (page 4)

Author Archives: Niño Aclan

Feed Subscription

Miriam nakalabas na sa ospital

NAKALABAS na sa Makati Medical Center si Senadora Miriam Defensor-Santiago makaraan isugod sa nabanggit na ospital nitong nakaraang linggo. Batay sa ipinalabas na kalatas ng tanggapan ni Santiago, kamakalawa ng hapon nang umuwi sa kanilang tahanan ang senadora. Si Santiago ay isinugod sa pagamutan nang humina ang katawan dahil sa kawalan ng ganang kumain bunsod ng kanyang sakit na kanser. ... Read More »

CDA sa Customs kuwestiyonable

KULANG ang pondo ng Cooperative Development authority (CDA) para matugunan ang pangangailangan ng 25 libong kooperatiba sa buong bansa kasunod ng kuwestiyon kung bakit sa ilalim ng pangangasiwa ng Bureau of Customs at Finance isinailalim ang naturang ahensiya. Ayon kay CDA Chairman Orlando Ravanera, kapos na kapos ang kanilang pondo para matugunan ang lahat ng hinaing ng kooperatiba sa bansa. ... Read More »

BBM handa na sa electoral protest

INIHAHANDA na ng kampo ni Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos ang kanyang ihahaing electoral protest bago ang deadline sa Hunyo 29 deadline, ukol sa kuwestiyonableng resulta ng vice presidential election. Ito ay matapos madiskubre nina Atty. Jose Amor Amorado, head ng BBM Legal Team at Abakada Rep. Jonathan Dela Cruz, political adviser ni Marcos na kanilang natuklasan ang pagkakaroon ng tinatawag ... Read More »

Trillanes pinakamaraming naisabatas na nat’l bills

SA pagtatapos ng ika-16 Kongreso, nanguna si Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV sa mga senador sa dami nang naisabatas na mga pambansang panukala, bilang pangunahing may-akda at pangunahing isponsor. Sa huling araw ng sesyon sa Kongreso nitong Hunyo 6, 2016, mayroong 11 principally sponsored bills at 10 principally authored bills si Trillanes na naisabatas na. Ilan sa importanteng mga ... Read More »

Sen. Miriam Santiago dinala sa ICU

DINALA sa intensive care unit ng Makati Medical Center si Senator Miriam Defensor Santiago. Ayon sa statement ng kampo ng senadora, sinabi ng asawa niyang si dating Interior Undersecretary Narciso “Jun” Santiago, Mayo 30 pa nang isinugod nila si Miriam sa ospital dahil sa komplikasyon sa lung cancer. Ngunit tiniyak niyang walang dapat ikabahala sa kondisyon ng outgoing senator. Sa ... Read More »

Cybercrime vs Smartmatic, Comelec IT personnel inihain

PORMAL nang inihain ng kampo ni Vice Presidential candidate Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang kasong paglabag sa cybercrime law laban sa Smartmatic at Commission on Elections (Comelec) IT personnel makaraan illegal na palitan ang script ng transparency server ng poll body noong gabi makaraan ang halalan. Batay sa 15-pahinang reklamong inihain ni Abakada Rep. Jonathan dela Cruz,  campaign advisor ... Read More »

Kampo ni Bongbong maghahain ng cybercrime vs Smartmatic, Comelec IT rep

INIHAYAG ng kampo ni Vice Presidential candidate Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. kahapon, maghahain sila ng isa pang set ng mga kasong kriminal laban sa Smartmatic executives at sa Commission on Elections (COMELEC) Information Technology (IT) representative dahil sa kanilang hindi awtorisadong pagbabago ng scrip sa transparency server ng poll body noong gabi ng halalan. Sinabi ni Atty.  Jose Amor ... Read More »

12 bagong Senador iprinoklama na (Lacson, Sotto no show)

NAIPROKLAMA na ng Commission on Elections bilang umuupong National Board of Canvassers, ang 12 bagong halal na senador sa katatapos na May 9 elections, sa Philippine International Convention Center (PICC). Nanguna si Senator Franklin Drilon na nakakuha ng higit 18 milyon boto. Sa mga naiproklama, lima sa kanila ang first time o unang beses na uupo bilang senador. Ito ay ... Read More »

System audit sa AES ng Comelec igigiit ng Bongbong camp

NAKATAKDANG hili-ngin ng kampo ni Vice Presidential candidate Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr., sa Commission on Elections (Comelec) na buksan ang Automated Election System para sa system audit makaraan madiksobre ang mga iregularidad habang tina-tabulate ang resulta ng May 9 elections base sa Certificates of Canvass. Sinabi ni Atty. Jose Amor Amorado, head ng BBM for VP “Quick-Count” center, ... Read More »

Unofficial canvass ipinatigil ng kampo ni Bongbong Marcos

NANINIWALA si Rep. Jonathan Dela Cruz, campaign adviser ni Vice Presidential candidate Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na tiyak niyang mananalo si Marcos sa official canvass ng mga boto sa maliit na lamang na nakatala sa unofficial count ng kanyang kalaban na si Rep. Leni Robredo. “We are certain that after all of these things, we will emerge victorious. ... Read More »

Tolentino inendoso ni Duterte, INC

NAKAKUHA ng malaking bentaha ang kandidatura ni independent senatorial candidate Francis Tolentino nang iendoso ng nangungunang presidential bet na si Rodrigo Duterte at ng Iglesia Ni Cristo (INC). Nagpahayag ng suporta si Duterte, sa pagsasabing hanga siya sa malawak na kakayahan ni Tolentino na akma sa Senado. Kabilang si Tolentino sa 12 senador na nakalagay sa sample ballot na ipinamahagi ... Read More »

Pres, VP sa 2016 dapat magkaisa — Bongbong (Magkaiba man ng partido)

IGINIIT ni Vice Presidential Candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., magkaiba man ang partidong kinabibilanganan ng mananalong pangulo at bise presidente ng bansa makaraan ang Mayo 9 election, dapat ay magkaisa at magkasundo sila para sa iisang layunin na paunlarin ang bayan at iangat ang pamumuhay ng bawat Filipino. Ngunit agad nilinaw ni Marcos, mas maganda kung iisang partido ang panggagalingan ... Read More »

Boto bantayan — Bongbong (Hanggang sa huling sandali)

ISANG linggo bago ang halalan sa Mayo 9, nananawagan si vice presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa publiko na bantayang mabuti ang kanilang boto upang matiyak na ang mananaig ay kagustuhan ng mayoryang botanteng mamamayang Filipino. Ayon kay Marcos, dapat ay hanggang sa huling sandali ng bilangan hanggang sa iproklama ang tunay na nanalo sa ano mang posisyon ay ... Read More »

Tolentino no. 9 na (Sa senatorial survey)

ISA si independent senatorial candidate Francis Tolentino sa mga tinukoy ng Issues and Advocacy Center (The Center) na malaki ang tsansang manalo bilang senador sa halalan sa Mayo. Sa isang non-commissioned survey na ginawa ng The Center mula Abril 11-16 na may 1,800 respondents, nakakuha si Tolentino ng 33.2 percent para sa 9-10 posisyon kasama si incumbent Sen. Serge Osmena. ... Read More »

Duterte muling iginiit suporta kay Tolentino

MULING binigyang-diin ni presidential candidate at Davao City mayor Rodrigo Duterte ang pag-endoso kay independent senatorial bet Francis Tolentino. “Nakikiusap ako sa inyong lahat na iboto ninyo sa Senado si Francis Tolentino,” wika ni Duterte, ang nangungunang presidentiable sa mga nakalipas na survey. Sa mga nauna niyang pahayag, sinabi ni Duterte na kilala niya si Tolentino dahil pareho silang itinalagang ... Read More »

Visayas, Region 8 candidates suportado sina Bongbong at Romualdez

KABILANG ang Visayas at Region 8 sa magdadala nang malaking boto kina vice presidential candidate Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at senatorial candidate Martin Romualdez. Ito ay makaraan isa-isang magtalunan at magbaliktaran ang mga kandidato ng Liberal Party (LP), at Nationalist People Coalition (NPC) para sa kandidatura nina Marcos at Romualdez. Kabilang sa mga naunang nagpakita ng kanilang suporta at ... Read More »

Bongbong inendoso ng LP candidates sa Southern Leyte

MAASIN CITY, SOUTHERN LEYTE— Muling nabawasan ng tagasuporta ang pambato ng Liberal Party (LP) makaraan iendoso ng pamilya Mercado ang kandidatura ni vice presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. Mismong magkapatid at mag-amang Mercado ang nanguna para ikampanya si Marcos sa mga mamamayan ng Maasin nang bumisita siya rito. Kabilang sa mga Mercado na nag-endoso at nagtaas ng kamay ni ... Read More »

Tolentino: ‘Big One’ paghandaan

NANAWAGAN si independent senatorial candidate Francis Tolentino sa nasyonal at lokal na pamahalaan na paigtingin ang paghahanda sa pagtama ng malakas na lindol sa Metro Manila o tinatawag na ‘Big One,’ kasunod ng nangyaring pagyanig sa Japan at Ecuador kamakailan. “Maigi na tayo’y handa sa ano mang posibleng mangyari dahil ang sakuna o trahedya ay maaaring mangyari ano mang oras,” ... Read More »

Bongbong natuwa sa batikos (“May nagawa ako…”)

BINIGYANG-DIIN ni Vice Presidential candidate Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., patunay na mayroon siyang nagagawa at ang kanyang pamilya para sa mga mamamayan at sa bansa sa kanilang paglilingkod kung kaya’t patuloy ang mga negatibo at pagbatikos sa kanya lalo na ngayong kampanyahan. Ayon kay Marcos, hindi siya nagagalit at hindi tinitingnan sa hindi magandang aspeto ang bawat banat at ... Read More »

MRT stands for Mar Roxas Talo — Vitangcol (Kaya laging kulelat)

TAHASANG sinabi ni dating Metro Rail Transit (MRT) General Manager Al Vitangcol na hindi siya nagtataka kung bakit palaging kulelat sa mga naglalabasang survey si administration Presidential beat Liberal Party Secretary Mar Roxas dahil inihambing niya ito sa bagong kahulugan ng MRT na Mar Roxas Talo. Iginiit ni Vitangcol na kahit nasa Daang Matuwid si Roxas, huwag magtaka kung matatalo ... Read More »

Bongbong solong nanguna sa SWS

MAKARAAN mangibabaw sa Commission on Elections-sponsored vice presidential debate sa University of Santo Tomas sa Manila, napanatili ni Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang pangunguna sa kanyang mga karibal, nang solong makuha ang top spot sa latest Social Weather Stations (SWS) survey. Sa First Quarter 2016 SWS Survey na isinagawa nitong Marso 30 hanggang Abril 2 gamit ang face-to-face ... Read More »

Bongbong ‘binugbog’ sa VP debate

TINANGKANG igupo ng mga kalabang vice presidential bets si Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa pamamagitan ng pagbuhay sa isyung ipinupukol sa kanilang pamilya tungkol sa martial law at ill-gotten wealth sa ginanap na vice presidential debate sa University of Sto. Tomas, kahapon. Tila bola ng ping-pong na pinapasa-pasahan si Bongbong ng kanyang mga katunggaling sina senators Alan Peter Cayetano, ... Read More »

GMA dapat ipagamot sa abroad — Bongbong

PAMPANGA – Inirekomenda ni vice presidential candidate Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., tulad ng ibang mga may sakit dapat din payagan ng pamahalaan na makapagpagamot sa ibang bansa si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Ayon kay Marcos, wala siyang nakikitang dahilan upang hindi mapayagan ng pamahalaan  na makapagpagamot sa ibang bansa ang dating pangulo. Tinukoy ni Marcos na maging si ... Read More »

Grace Poe pinaboran ng Korte Suprema (Sa 9-6 boto)

PINABORAN ng Supreme Court (SC) ang pagtakbo bilang pangulo ni Senadora Grace para sa May 9, 2016 elections sa botong 9-6. Ang kataas-taasang hukuman ay bumoto ng 9-6 pabor kay Poe kaugnay sa kasong disqualification na inihain ng Comelec bunsod ng citizenship at residency issues. Si Poe, tumatakbo bilang independent candidate, ay diniskwalipika ng dalawang dibisyon ng poll body nitong ... Read More »

Ayaw kong makampante — Bongbong

AYAW makampante ni vice presidential candidate Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., kung kaya kahit itinuturing na isa sa baluwarte niya ang lalawigan ng Rizal ay umiikot pa rin siya sa lalawigan. Ayon kay Marcos hindi dapat maging relax ang tulad niya sa kabila na batid niya ang suporta ng mga Rizaleños. Hindi naitago ni Marcos ang kanyang lubos na pasasalamat ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved