Thursday , November 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Niño Aclan (page 2)

Author Archives: Niño Aclan

Feed Subscription

Trillanes pumirma sa waiver (Bank accounts pabubuksan)

LUMAGDA na si Senador Antonio Trillanes IV sa isang “sworn waiver of secrecy of bank deposits” upang malayang siyasa-tin ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang umano’y kanyang offshore deposits. Ayon kay Trillanes, ito ay patunay na wala siyang itinatagong offshore accounts o deposito sa ibang bansa kompara kay Pangulong Rodrigo Duterte at mga miyembro ng kanyang pamilya. Ayon kay Trillanes, isang ... Read More »

Bato muling umiyak sa Senate probe

HINDI napigilan ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang mapaluha makaraan akusahan ang pulisya na inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na patayin ang lahat ng mga adik at mga taong sangkot sa ilegal na droga. Ayon kay dela Rosa walang kaatotohanan ang akusasyong ito laban sa Pangulo at sa pulisya. Iginiit ni dela Rosa, ... Read More »

Drug store lumabag sa Senior Citizen Act

INAMIN ni Atty. Teresa Mikaela Macaspac ang legal services officer ng kompanyang Mercury Drug, na kanilang ipinapasa sa drug manufacturers ang mga diskuwento ng bawat customer nilang senior citizen, na maituturing na paglabag sa isang probisyon ng Senior Citizens Act. Ang pag-amin ay ginawa ni Macaspac sa kanyang pagdalo sa pagdinig ng House Committee on Trade and Industry na pinamumunuan ... Read More »

Barangay elections muling mauunsiyami

MALAKI ang posibilidad na muling maunsyami ang nakatakdang barangay at SK election ngayong Oktubre makaraan mabinbin noong nakarang taon. Ayon kay Senador Sonny Angara sa isang pulong kasama sina Pangulong Rodrigo Duterte at lider ng dalawang kapulungan ng Kongreso, inamin niyang nais niyang ma-postpone ang barangay election. Ngunit sinabi ni Angara, walang marching order o mahigpit na bilin sa kanila ... Read More »

Dagdag na sundalo, pondo sa AFP hiling ni Digong (Banta ng ISIS inamin)

IBINUNYAG nina Senate Minority Leader Franklin Drilon at Senador Sonny Angara, na inamin sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang pulong kasama ang ilang senador at finance managers, na mayroong malaking banta sa seguridad ng Mindanao ang mga rebeldeng grupo. Dahil dito, hiniling niya sa dalawang kapulungan ng Kongreso ang dagdag na pondo para sa mga armas ng mga ... Read More »

Ganda at kulay sumibol, kuminang sa Las Piñas Waterlily Festival

MULING nangibabaw ang simpleng waterlily sa pagdiriwang ng 12th Las Piñas Waterlily Festival na itinampok ang isang paligsahan sa kagandahan at makulay na street dances sa Villar SIPAG grounds. Itinanghal na Miss Las Piñas Water Lily 2017 si Hajer Ashraf ng Brgy. Talon Dos makaraang talunin ang 15 pang kandidata na kumakatawan sa mga barangay ng Las Piñas City. Bukod ... Read More »

Direktiba inihayag sa SONA

ILEGAL na droga, pagmimina, rebelyon sa Marawi at deklarasyon ng martial law sa Mindanao, pederalismo, death penalty, usapin ng West Philippine Sea, bagyong Yolanda, nakaambang “The Big One, human rights victims. Ito ang ilan sa mga tinalakay at nilalaman ng ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte. Iginiit ni Duterte na tuloy ang kampanya laban sa ... Read More »

Responsible mining iginiit ng pangulo

BINANTAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng mining company sa kabila na mayroong kompletong papeles sa operasyon, at kinakailangan maging responsable sila. Banta ni Duterte, sakaling mabigo, mapipilitan siyang singilin nang mahal na buwis. Ipinunto ni Duterte, sa kabila ng malalaking kinikita ng mga kompanya ng pagmimina ay bigo na matiyak na mapapangalagaan ang kalikasan at kapaligiran na pinagkukuhaan ... Read More »

17th Congress 2nd regular session pormal nang binuksan

PORMAL nang nagbukas ang sesyon ng Senado sa ilalim ng 17th Congress sa 2nd regular session nito, pinangunahan ni Senate President Koko Pimentel, at 19 pang senador. Tanging sina Senador Antonio Trillanes, kasalukuyang nasa ibang bansa, at Senadora Leila de Lima, kasalukuyang nakakulong, ang wala sa sesyon ng Senado. Dalawampu’t dalawa na lamang ang mga senador makaraan tanggapin ni dating ... Read More »

Sapat na pondo sa Marawi rehab tiniyak ni Legarda

INIHAYAG ni Senadora Loren Legarda, chairman ng Senate Committee on Finance, titiyakin niyang mapaglalaanan nang sapat na pondo sa panukalang 2018 national budget ang rehabilitasyon ng Marawi. Ayon kay Legarda, dapat matiyak na manumbalik at maging matatag ang ekonomiya, sosyal at politikal na aspeto sa Marawi. Iginiit ng senadora, kahit anong uri ng plano kung walang sapat na pondo ay ... Read More »

Payo ni Poe sa MMDA: ‘Wag padalos-dalos sa expanded number coding scheme

PINAALALAHANAN ni Senadora Garce Poe and Metro Manila Development Authority (MMDA), na huwag magpadalos-dalos at kailangan maging mapanuri sa pagbibigay ng solusyon sa pagresolba sa suliranin sa trapiko sa kalakhang Maynila. Ayon kay Poe, naiintindihan niya ang malaking hamon na kinakaharap ng MMDA sa pagresolba sa traffic problem sa Metro Manila, ngunit kailangan ang masusing pagpaplano. Iginiit ni Poe, ang ... Read More »

Opisyal ng Senado inasunto vs rape try

NAHAHARAP sa kasong tangkang panghahalay ang isang nagngangalang Ramon R. Navea III, service chief committee-A ng Senado, nang sampahan ng reklamo ng empleyado ng mataas na kapulungan na kinilalang si Atty. Niniveh B. Lao, sa Pasay City Prosecutor’s Office. Batay sa sinum-paang salaysay ni Lao, makaraan siyang pansamantalang ma-detail sa committee department ng Senado mula sa kanyang orihinal na posis-yon ... Read More »

Unli-rice walang ban (Rice eaters, kalma lang) — Sen. Villar

TINIYAK  ni Senadora Cynthia Villar, chairperson ng Senate Committee on Agriculture and Food, sa rice-loving Filipinos, na wala siyang planong magsampa ng panukalang batas upang ipagbawal ang pagbibigay ng “unlimited rice” (unli rice) sa restaurants at iba pang food establishments. “I am not planning to make a law banning ‘unli rice’ not at all.  I just voiced out my concern ... Read More »

Special assistance sa sundalo, pulis hiling ni Angara (Sa operasyon sa Marawi)

MULING nanawagan si Senador Sonny Angara sa mga kasamahan sa Senado para sa agarang pagpasa ng kanyang  mga panukalang naglalayong pagkalooban ng espesyal na tulong pinansiyal at dagdag benepisyo ang mga kagawad ng pulisya at militar na nakatalaga ngayon sa Marawi City. Panawagan ito ng senador dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga napapatay sa tropa ng gobyerno ... Read More »

“Plushie-making” ng Villar Sipag nakalilibang na kabuhayan pa

UMABOT sa 50 kababaihan mula sa National Housing Authority (NHA) relocation site sa Naic, Cavite ang lumahok sa plushie-making seminar na isinagawa ng Villar Social Institute for Poverty Alleviation and Governance (Villar SIPAG). Sa naturang programa ay nakatakdang sanayin sa paggawa ng handmade plush toys at unan ang mga lumahok na dating Las Piñas informal settlers. Ayon kay Senadora Cynthia ... Read More »

PUVs ‘wag isama sa dagdag-buwis

AMINADO Si Senador Sonny Angara na tiyak na tataas ang presyo ng mga sasakyan at tataas ang pasahe sa mga pampublikong sasakyan sa sandaling mapagtibay ang panukalang batas na panibagong dagdag na buwis. Layon ng panukalang dagdag na buwis na bawasan ang mga sasakyan sa kalye at upang magkaroon ng solusyon sa trapiko. “The government wants to reduce the number ... Read More »

Mungkahi ni Angara: Rehab sa sugarol gawing simple

LUBOG sa utang, napababayaan ang pamilya at madalas, nadadamay  pa ang ibang tao sa isang indibidwal na lulong sa bis-yo tulad ng sugal. Ayon kay Senator Sonny Angara, ito ang dahilan kung bakit kailangang paigtingin ng mga awtoridad ang kaukulang mga hakbang laban sa pagkalulong sa sugal. Nanawagan ang senador sa mga kinauukulan na bigyan nang nararapat na pansin ang ... Read More »

Libreng kolehiyo armas vs kahirapan at terorismo (Isang pirma na lang) — Sen. Bam

MAGANDANG balita sa mga nais makapagtapos ng kolehiyo! Inianunsiyo ni Senator Bam Aquino na isang pirma na lang ang kailangan at maisasabatas na ang panukalang libreng edukasyon para sa lahat ng estudyante ng state universities and colleges (SUCs) at local universities and colle-ges (LUCs). Ayon sa senador, inaprubahan na ng bicameral conference committee ang pinal na bersiyon ng Universal Access ... Read More »

Martial law sa Mindanao suportado ng senado

TANGING si Senador Antonio Trillanes lamang ang senador na hayagang tumutol sa pagdedeklara ng martial law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buong Mindanao. Ayon kay Trillanes, batay sa impormasyong kanyang nakalap, walang dahilan para magdeklara ng batas militar si Pangulong Duterte. Idinagdag ni Trillanes,  hindi hiningi ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagdedeklara ng batas militar. ... Read More »

PH handa ba sa cyber attacks? — Sen. Bam

NAGHAIN ng resolusyon ang isang senador upang malaman kung handa ang Filipinas sa cyber attacks kasunod nang pag-atake ng ransomware sa mga computer sa 150 bansa sa buong mundo. “We want to hear from the experts from government and also from our Pinoy tech firms on whether our country is prepared for these cyber attacks and what should be done ... Read More »

Cayetano kompirmado

KINOMPIRMA ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang nominasyon ni Senador Alan Peter Cayetano bilang bagong kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA), kapalit ni Officer in Charge (OIC) Under Secretary Enrique Manalo, pumalit kay dating Secretary Perfecto Yasay, na ibinasura ng komisyon ang kompirmasyon dahil sa pagsisinungaling sa kanyang citizenship. Halos wala pang limang minuto at hindi pa nakauupo ... Read More »

‘Utak’ ng pork barrel scam dapat ituro ni Napoles (Para maging state witness)

BINIGYANG-DIIN ni Senador Francis “Chiz” Escudero, hindi maaaring kunin bilang isang state witness agad-agad si pork barrel queen Janet Napoles kaugnay sa isyu ng Disbursement Acceleration Funds (DAF), na imbes mapunta sa mga makabuluhang proyekto ang naturang pondo ay napunta lamang sa bulsa ng ilang mga politiko at kanilang mga kasabwat. Ayon kay Escudero, isa sa pangunahing dahilan para maaproba-han ... Read More »

Año ‘di sana matulad kay Lopez — Trillanes

UMAASA si Senador Antonio Trillanes, hindi matutulad si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Eduardo Año kay dating Environment Secretary Gina Lopez, na aniya ay inilaglag ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ay makaraan iha-yag ng Pangulo na kanya nang nilagdaan ang appointment paper ni Año bilang bagong kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG), bago ... Read More »

Intel officers magpaliwanag (Sa Quiapo blasts) — Pimentel

PINAGPAPALIWA-NAG ni Senate President Koko Pimentel ang intelligence community ng pamahalaan kung bakit nalampasan o nalusutan  sila ng dalawang magkasunod na pagpapasabog sa Quiapo, Maynila, na ikinamatay ng dalawa katao. Kabilang sa mga nais na magpaliwanag ni Pimentel ay Armed Forces of the Philipiines (AFP), Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI), at iba pang intelligence agency ng ... Read More »

2 senador na Ayer sinisi si Duterte (Sa bigong appointment ni Lopez)

ITINURO ni Senador Antonio Trillanes si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na dapat sisihin sa bigong appointment ni dating Environment Secretary Gina Lopez. Sinabi ni Trillanes, dating miyembro ng Commission on Appointments (CA), na hindi siya naniniwala sa naging pahayag ng Pangulo na nanghihinayang siya kay Lopez makaraan hindi makompirma ng komisyon. Ayon kay Trillanes, binobola lamang o maaaring pinaiikot at ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved