Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Nelson Forte Flores (page 8)

Author Archives: Nelson Forte Flores

Feed Subscription

Dapat pantay ang pagpapatupad ng batas sa mayaman o mahirap

ANG pagpipiyansa ay karapatan ng lahat na akusado at hindi puwedeng ipagkait ito kahit ng hukuman maliban na lang kung ang nasasakdal ay nahaharap sa krimen na may kaparusahan na habang buhay na pagkakabilanggo (capital offense) at malakas ang ebidensya laban sa kanya. Ito ang dahilan kaya maraming nagulat at nagalit kung bakit pinayagan ng Korte Suprema na makapagpiyansa si ... Read More »

Ang pananampalatayang Filipino (Huling Bahagi)

ANG isa pang humati sa simbahang Katoliko ay nang walang pakundangang gawin ng Vaticano na sentralisado at autokratiko-monarkial ang pamamalakad ng simbahan bilang paggaya sa kaugalian ng lumang Imperyong Romano. Sa pagkakataong ito ay lubos na pamumunuan na lamang ang simbahan ng Papa sa Roma (Ang labis na kapangyarihan ng Papa at Vaticano ang tinatangkang repormahin ngayon ni Papa Francisco). ... Read More »

Ang pananampalatayang Filipino (Ikatlong Bahagi)

ANG pangunahing katangian ng unang simbahan ay ang pagiging samahan o komunidad ng mga naniniwala kay Hesus. Sila ay nagkikita-kita sa isang partikular na lugar (na ngayon ay tinatawag nating simbahan) at isang partikular na oras para sa isang partikular na gawain (kung tawagin natin ito ngayon ay misa, oras ng pagsamba, prayer meeting o fellowship). Noong 70 AD, sa ... Read More »

Ang pananampalatayang Filipino (Ikalawang Bahagi)

SA KABILA ng pagdating sa atin ng mga pro-testanteng pananampalataya ay may mga katutubong lider espiritwal na hindi pumaloob sa kanluraning protestanismo. Ilan dito sina Don Isabelo De los Reyes at Gregorio Aglipay na bagamat minabuting umalis sa lilim ng saya ng Vaticano sa Roma ay inaangkin pa rin ang pangkalahatang katuruan ng simbahang Katoliko sa kanilang Iglesia Filipina Independiente (IFI). ... Read More »

Ang pananampalatayang Filipino (Unang Bahagi)

MATAGUMPAY na naitanim ng mga Kastila sa mayorya ng ating mga kababayan ang pagiging Kristyano kaya’t hindi katakataka na kaliwa’t kanan ang mga sekta nito sa ating bansa ngayon. Malaki ang gampanin ng Kristyanismo sa pagbibigkis sa mga kababayan natin lalo na ‘yung mga nasa ibayong dagat. Ano man ang ating tribu – Tagalog, Ilocano, Igorot, Cebuano etc… — ay ... Read More »

Kaduda-duda na siya

PARANG nagdududa na ako sa katapatan ni Senadora Grace Poe. Isipin na lamang na hanggang ngayon ay sinasabi niyang wala pa rin siyang desisyun kung siya ay tatakbo sa dara-ting na eleksyon sa 2016 bilang pangulo o ikalawang pangulo ng bansa. Para siyang nakaloloko dahil basang-basa naman ang kanyang mga kilos na gusto niyang tumakbo tulad ng kanyang kaibigan na ... Read More »

Ginamit ang katotohanan sa pagpapalaganap ng kasinungalingan

HABANG binabasa ko ang huling State of the Nation Address (SONA) ng espesyal na pangulong si Benigno Simeon Aquino III ay napatanga ako sa husay niyang gumamit ng katotohanan para itago ang malalim na katotohanan. Kung susuriing mabuti ang mga sinabi at hindi sinabi ni BS Aquino sa kanyang mahigit dalawang oras na pagsasalita sa harap ng bayan ay kapansin-pansin ... Read More »

Kailangan ng liwanag

KUNG talagang tatakbo si Senadora Grace Poe-Llamanzares para sa pagka-pangulo ng bansa ay dapat niyang linawin ang mga datos na itinala niya nuong Oktubre 2012 sa kanyang Certificate of Candidacy (COC) para sa Commission on Elections kaugnay ng kanyang pagpaparehistro bilang kandidato para sa pagka-senador ng republika. Marami kasi ang nagdududa na sa kanya. Dangan kasi naka-tala duon sa kanyang ... Read More »

Sino ang dapat iboto?

USAP-USAPAN na ngayon sa mga tambayan kung sino ang dapat pumalit sa espesyal na pangulong si Benigno Simeon Aquino III sa darating na 2016 elections. Kanya-kanyang haka-haka tungkol sa dapat na katangian ng magiging bagong pangulo ang lumalabas. Marami ang nagsasabi na ang gusto nila ay ‘yung “malinis” at walang bahid ng corruption. May ang gusto naman ay ‘yung malakas ... Read More »

Sagot ko sa mga “bulag” na kausap ko isang Sabado ng umaga

KONTROBERSYAL sa ngayon si Vice President Jejomar Binay kasi natutukan siya ng media at mga kalaban sa politika dahil na rin sa kanyang mga ginagawa at hindi ginawa. Kabi-kabila ang mga banat laban sa kanilang mag-anak. Maraming sinasabi laban sa kanila. Gayun man sigurado ako na yung mga sinasabing iyon ay maari ring sabihin o ikawing sa mayorya ng mga ... Read More »

Kung may tibay lamang (2)…

NANAIG ang anti-mamamayang “austerity program” ng European Commission (EC), European Central Bank (ECB) at International Monetary Fund (IMF), mga institusyong kapitalista na mas kilala sa tawag na Troika; sa kabila nang magiting na pagtindig at pagtutol ng mga Griyego laban dito.  Pinatunayan lamang ng mga naganap sa Greece nitong mga nagdaang ilang linggo na walang puwang ang katarungang panlipunan, demokrasya ... Read More »

Huwag magsaya

HUWAG tayong magsaya dahil dumaranas ng matinding krisis ang stock market ng Tsina ngayon. Totoong may alitan tayo sa Tsina dahil sa ginagawang pagkamkam sa mga isla-islahan natin sa West Philippine Sea pero huwag kalilimutan na malaking bahagi ng ating ekonomiya ay nakasalalay sa mabuting kalagayang pang-ekonomiya nila. Kapag lumagapak ang ekonomiya ng Tsina, tiyak na damay tayo. Ewan ko ... Read More »

Dahil mediocre o ordinaryo ang lider, kengkoy ang solusyon sa mga problema

MUNTIK akong malaglag mula sa aking kinauupuan matapos kong mabasa sa websites ng mga pahayagan at sa social media ang panukala na iikot na lamang paharap sa Taft Avenue ang monumento ni Dr. Jose Rizal mula sa kasalukyang pagkakaharap nito sa Luneta Grandstand at Manila Bay. Kapag iniikot ang monumento ay hindi na makikita sa likod nito ang dambuhalang photo ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved