Thursday , September 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Nelson Forte Flores (page 5)

Author Archives: Nelson Forte Flores

Feed Subscription

Salamin

DAHIL sa lumalaganap na protesta laban kay US President Donald Trump ay napag-usapan namin ng isa kong kuyang ang kanyang administrasyon at kung paano nito nililigalig ang marami lalo na ‘yung mga tinatawag na “Asian minority” at Latino. Dangan kasi marami ang naniniwala at nakapupuna sa pagiging inconsiderate, racist at sexist daw na pangulo ni Trump. Hindi raw da-pat naupo ... Read More »

Karma

NAPAKAINGAY nitong si Senadora Leila De Lima kaugnay sa tinataya niyang gagawin na pag-aresto sa kanya ng mga awtoridad dahil sa demandang isinampa laban sa kanya kamakailan ng Department of Justice sa Muntinlupa City Regional Trail Court. Ang demanda ay may kaugnayan sa kanyang kinalaman umano sa kalakaran ng bawal na gamot sa loob ng Bilibid noong panahon na siya ... Read More »

PNP-SAF na minasaker ng MILF sa Mamasapano pinarangalan na

SALAMAT naman at opisyal nang kinilala ng pamahalaan ang kabayanihan ng 44 miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force na minasaker ng Moro Islamic Li-beration Front sa isang ambush sa bayan ng Mamasapano dalawang taon na ang nakararaan. Sa rekomendasyon ng National Police Commission kay Pangulong Rodrigo Duterte na gawaran ng pinakamataas na parangal ang nalalabi pang 42 PNP-SAF na ... Read More »

Huli man daw at magaling, aabot din (kaya?)

MATAPOS mapatay ang halos 7,000 tao sa pinakawalang digmaan ng administrasyong Duterte laban sa ilegal na droga ay ngayon pa lamang opisyal na tumitindig at naglilinaw ng posisyon ang simbahang Katoliko Romano laban sa malaganap na karahasang ito. Ang pahayag ay ipinalabas ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa isang Pastoral Letter na binasa sa mga simbahang Katoliko Romano ... Read More »

Treason

WALANG kahulilip na kawalanghiyaan ang ginawa ng mga pumatay sa Koreanong businessman na si Jee Ick Joo. Isipin na lamang na pinatay nila ang Koreano sa loob mismo ng Camp Crame, ang headquarters ng Philippine National Police, ang institusyon na dapat ay taga pagtanggol ng bayan. Bukod dito, ayon sa sinulat ng kaibigan natin na si Robert Roque sa kanyang ... Read More »

Ang Bagong Taon

UNA sa lahat ay hayaan ninyo akong ipanala-ngin ang pagiging mapagpalaya at makabuluhan ng Bagong Taon para sa ating lahat. Habang lumalaon ay napapansin ko na magkahalong lungkot at saya ang palagiang dala ng bagong taon. Lungkot dahil maraming alaalang nalikha sa loob ng nagdaang panahon, mga alaalang nagbigay ng matingkad na kulay sa ating buhay ngunit alam natin na ... Read More »

Tutulan GMO

DAPAT mag-doble kilos ang mga taong naniniwala na masama ang mga pagkain na may bakas ng Genetically Modified Organism sa kanilang information drive dahil kumikilos na ang mga dambuhalang dayuhang kompanya na nagsusulong nito sa ating bansa katulong ang ilang kababayan na siyentipiko at public relations practitioners. Malinaw na sa karamihan ng mga siyentipiko ng mundo na walang katiyakan ang ... Read More »

Andres Bonifacio (Ikalawang Bahagi)

  ITINATAK sa ating isipan na walang pinag-aralan si Bonifacio dahil alam ng puwersa ng reaksiyon na para sa atin, ang pinag-aralan ay napakahalahaga at ang kawalan nito ay malaking kahihiyan. Hindi tayo mahilig sa digmaan tulad ng ibang lahi kaya bakit pilit din na itinatanim sa ating isipan na si Bonifacio ay mandirigma lamang. Bakit palagian siyang ipinakikita na ... Read More »

Huwag hatiin ang bayan sa gitna ng malaking laban

HINDI ko na tatalakayin pa ang ginawang panakaw na paglilibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos ng kanyang pamilya dahil marami na ang sumisipat doon. Nakatitiyak ako na sa puntong ito ay alam na ng sambayanan ang dapat gawin. Pagtutuunan ng Usaping Bayan ang pakiusap kay Pangulong Rodrigo Duterte na huwag nang gumawa ng mga bagay na ikahahati ng bayan tulad ... Read More »

Ayaw ng giyera kaya si Trump ang ibinoto ng tao

Marami ang nagpoprotestang mamamayan ng US dahil nanalo si Donald Trump laban kay Hillary Clinton nitong nagdaang pampanguluhang eleksiyon sa Amerika. May mga kakilala rin ako rito mismo sa atin na ayaw kay Trump dahil mas gugustuhin nila sa si Clinton ang nakaupo sa White House. Pero may palagay ako na baka hindi lamang nila masyadong kilala si Aling Hillary. ... Read More »

Ang salot

IPINAGPIPILITAN ni dating Pangasinan Rep. Mark Cojuangco na ligtas gamitin ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) o Plantang Nukleyar kahit walang maipakitang pruweba na magpapatotoo sa kanyang sinasabi. Kasabay nito, may pahiwatig ang kasalukyang administrasyong Duterte na ibig niyang i-rehabilitate ang nasabing planta upang makapag-supply umano ng elektrisidad sa buong Luzon. Handa raw ang kasalukuyang pamunuan na gastusan pa ng ... Read More »

Alerta Bayan

HINARANG ng isang mambabatas na Amerikano ang pagtatangka natin na bumili ng mga U.S. made na assault rifles dahil umano sa lumalalang paglabag sa karapatang pantao sa ating bansa bunga ng mga napababalitang paglaganap ng sinasabing extrajudicial killings. Alam ng lahat na ang tunay na dahilan sa pagharang ni U.S. Senator Ben Cardin sa ating pagbili ng 26,000 assault rifles ... Read More »

Mga muni-muni tungkol sa mga espirito’t multo

HINDI natin namalayan at araw na naman pala ng mga patay at kaluluwa. Ilang araw pa at Pasko’t Bagong Taon na rin. Tiyak parang fiesta na naman ang mga sementeryo mula noong Lunes hanggang Miyerkoles sa buong kapuluan dahil sa dami ng tao at kabi-kabilang mga reunion ng mga angkan. Balitaan dito, balitaan doon at may palagay ako na isa ... Read More »

Ang letra at espirito ng batas ay hindi laging magkaayon

MAY mga ilang abogado, lalo na ‘yung kaalyado ng dating ‘dilawang’ administrasyong Aquino, ang nagsasabi na hindi dapat balewalain ni Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon ng The Hague Tribunal kaugnay ng ating pagmamay-ari sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea o South China Sea. Sabi nila ay dapat igiit ni Pangulong Duterte sa Tsina ang karapatan natin sa nasabing mga ... Read More »

Panahon na para ipakita ang lakas ng ating pagkakaisa

MARAMI ang nangangamba na magdudulot ng masamang epekto sa ating bayan ang mga pahayag laban sa mga Amerikano ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Beijing. Bakit daw kailangan putulin ang ating pakikipag-ugnayan sa US? Nakalulungkot na nakikita ng mga kababayan natin ang maaaring masamang epekto ng pagputol sa kasalukuyan nating ugnayan sa U.S. pero hindi nila nakikita ang nagaganap na masamang ... Read More »

Nahihibang nga ba sa kapanyarihan ang mga pulis?

EWAN ko kung napanood ninyo ang ginawang pananagasa ng isang tila nauulol na pulis sa mga nagra-rally sa harap ng U.S. Embassy kamakailan pero sa loob ng limang dekada ko sa mundo ay ngayon lang ako nakakita nang ganoon. Malinaw na malinaw pa sa sikat ng Haring Araw ang pananaig ng kultura ng kawalang pananagutan o “Culture of Impunity” sa ... Read More »

Kawawa ka naman brad…

NAKALULUNGKOT na may mga kababayan tayo na hanggang ngayon ay takot na takot lumabas mula sa lilim ng palda ng mga Amerikano, na mas pipiliin nila ang hindi parehas na pakikipag-ugnay sa atin kaysa magkaroon tayo ng malayang ugnayang panlabas. Ayon sa kanila ay malaki ang naitutulong daw sa atin ng mga Kano kaya hindi tayo dapat tumalikod sa kanila. ... Read More »

Ibang klase si Liza Maza

HINDI makapaniwala ang halos 100 kontraktuwal na empleyado ng National Anti-Poverty Commission na ganoon na lamang silang aapihin at sisibakin sa trabaho ng kanilang bagitong hepe na Liza Maza dahil nakilala bilang tagapagtanggol ng mga inaapi. Ang masakit pa raw nito, ayon kay Joseph Aquino, pangulo ng mga sinibak na kawani ng NAPC ay hindi sila hinarap ni Aling Liza ... Read More »

Salamat po

UNA sa lahat ay salamat sa Diyos at sa lahat ng mga naniniwala at sumusuporta sa akin. Nitong nagdaang Martes, ika-20 ng Septiyembre, ay malualhati po akong naordinahan bilang isang Misyoneryong Diakono ng Iglesia Catolica Filipina Independiente o Philippine Independent Catholic Church sa Katedral ng Kristong Hari sa Padre Burgos, Southern Leyte. Malaki po ang utang ko kay Rev. Isaias ... Read More »

Magsuri bago humusga

MABIGAT ang mga paratang ng testigo na iniharap ni Senadora Leila De Lima sa kanyang ginagawang imbestigasyon ng umano’y Extrajudicial Killings (EJKs) sa ating bansa. Hindi biro na paratangan ng pagpatay si Pa-ngulong Rodrigo Roa Duterte at kanyang anak na si Paolo na vice mayor ng Davao City. Dahil dito ay hindi dapat basta-basta natin balewalain ang mga sinabi ni ... Read More »

Mababaw na pagtingin sa kalalagayan

MALINAW sa reaksiyon ng ilang matataas na opisyal ng pamahalaan at mga komentarista sa radyo sa mga pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kaugnay sa ating relasyon sa Amerika, na wala silang nalalaman, kundi man sadya nilang hindi pinapansin, ang pagiging neo-kolonyal na bansa ng ating bayan. Masyadong sopistikado ang ugnayang neo-kolonyalismo na hindi na nakikita ng mga biktimang bayan ... Read More »

Ibang klase si Duterte

NGAYON lang tayo nagka-presidente na tahasang nagsabi na tatahak tayo ng malayang landas pagdating sa pakikipag-ugnayan sa ibang bansa. Hindi tulad ng mga nagdaang pangulo, lalo na ang nakaraang administrasyon ni Benigno Simeon Aquino III, na kitang-kita na may ibang interes na ikinokonsidera sa mga hakbangin nito. Ang pagiging malaya mula sa impluwensiya ng mga dayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ... Read More »

Rockstar si Duterte?

TAMA ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya dapat sitahin ni US President Barack Obama sa kanyang pamamalakad sa ating bayan lalo na ‘yung may kaugnayan sa kanyang pakikidigma laban sa bawal na gamot pero hindi naman tama na murahin niya sa harap ng daigdig. Kung tutuusin ay nakatutuwa na kahit pahapyaw ay naungkat ni Pangulong Duterte ang ... Read More »

Si Liza Maza ‘di raw tunay na makamasa?

ITINATANONG ng marami sa mga nakausap natin na contractual na empleyado ng National Anti-Poverty Commission (NAPC) kung talagang makamasa ang pinuno ng kanilang komisyon na si Liza Maza matapos silang sibakin mula sa kanilang ikinabubuhay na gawain. Epektibo raw sa katapusan ng buwang ito ang kanilang pagkakatanggal sa trabaho. Hindi raw nila alam kung mula sa susunod na buwan ay ... Read More »

Nanganganib si Bistek na mawala sa poder

USAP-USAPAN sa Lungsod Quezon ngayon ang krisis na kinakaharap ng mayor na si Herbert “Bistek” Bautista kaugnay sa ginawang pag-amin kamakailan ng kanyang nakababatang kapatid na konsehal ng lungsod na si Hero Clarence Bautista bilang isa sa mga naging biktima ng droga. Ayon sa kuwento ay sinadya raw umano ni Vice Mayor Joy Belmonte-Alimurong na ipag-utos ora-orada noong Agosto 1, ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved