Saturday , January 19 2019
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Mat Vicencio (page 3)

Author Archives: Mat Vicencio

Feed Subscription

Hindi pagkain ng tao ang NFA rice

KUNG tutuusin, halos wala naman talagang NFA rice na makikita sa mga pamilihan o sa mga palengke. Walang katotohanan ang mga paha­yag ni Jaime Magbanua, presidente ng Grains Retailers’ Confederation of the Philippines na kung tuluyang mawawalan ng suplay ng NFA rice ay tataas na naman ang presyo ng mga commercial rice. Walang lohika ang pahayag nitong si Magbanua dahil matagal ... Read More »

Sulsol ng dilawan sa EDSA 1 celebration

MULING tatangkain ng mga dilawang politiko at makakaliwang grupo na magsagawa ng isang malaking kilos-protesta sa ika-32 anibersaryo ng EDSA People Power 1 sa darating na 22-25 Pebrero. Ipakikita ng nasabing mga grupo na mayroon pa silang kakayahang magsagawa ng malala­king rally at demonstrasyon para ipa-mukha sa kasalukuyang pamahalan ang kanilang kakayahan para banggain ang administrasyon ni Digong. Pipilitin ng ... Read More »

Tuloy ang 2019 midterm elections

PALUTANG lang ni House Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez ang sinasabi niyang hindi ma­tutuloy ang 2019 midterm elections.  Isa ito sa pamamaraan ni Alvarez para makakuha ng maraming suporta sa Senado at Kamara na pawang last termer para tuluyang mailusot ang Charter change. Suntok sa buwan ang no-election scenario sa 2019 kung titingnang mabuti ang mga nangyayari sa ating politika. Una, ang ... Read More »

Unahin ang leftist party-list groups

HIGIT na magiging matagumpay ang kampanya ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na tulu­yang buwagin ang Communist Party of the Philippines kung uunahin nitong pagtuunan ng pansin ang paghabol sa mga kaliwang party-list group sa Kongreso. Sinasabing ang leftist party-list group sa Kamara ang nagpopondo sa mga underground left partikular na ang NPA, ang armed-wing ng CPP, kung kaya’t patuloy sa ... Read More »

PAUMANHIN

PAUMANHIN HINDI matutunghayan ang kolum ng beteranong mamamahayag na si Mat Vicencio ngayong araw. Kasalukuyan si­yang nasa komperensiya na tumatalakay sa karapatan ng mga mamamahayag. Muli siyang matutungha­yan sa Biyernes. — Patnugot Read More »

Bongbong out, Imee in

MABIGAT ang naging pahayag kamakailan ni dating Senador Bongbong Marcos nang sabihin sa isang pulong balitaan na hindi na siya tatakbo sa Senado sa darating na midterm elections sa May 2019. Katuwiran ni Bongbong, dinaya siya noong 2016 vice presidential race at siya ang nanalo laban kay Leni Robredo. Mabilis ang naging konklusyon ng ilang poli­tical observer sa naging pahayag ni ... Read More »

Huwag gamitin ang Itim na Nazareno

BUKAS ang araw ng kapistahan ng Itim na Na­zareno. Sa araw na ito, muling isasabuhay ng mga debotong Katoliko ang kanilang mga panata  sa pamamagitan ng pagdarasal at paglahok sa mahabang prusisyon tanda ng kanilang pagmamahal, pagpupugay at debosyon sa Itim na Poon. Ngayong ang ika-411 taon ng Feast of the Black Nazarene.  Sa temang “Pag-ibig ang Bukod na Ganap ... Read More »

Mabantot ang Kamara kompara sa Senado

NANGANGAMOY na parang mabahong basura ang Kamara kung ikokompara sa Senado. Ang ibig sabihin, kung performance at lide­rato ang pag-uusapan, higit na mayroong maipagmamalaki ang mga senador kaysa mga kongresista. Kaya nga, hindi dapat ipagmayabang nitong si Speaker Pantaleon Alvarez  na marami silang naipasang panukalang batas o resolusyon dahil nasusukat ang performance ng lehislatura sa pamamagitan ng kalidad ng mga ... Read More »

Pasaway na pulis sa New Year

HINDI lamang makukulit na sibilyan kundi mismong mga pasaway na pulis na mahilig magpaputok ng kanilang baril kapag sumasapit ang Bagong Taon ang dapat na matamang bantayan ng Philippine National Police o PNP. Nakalulungkot dahil sa kabila ng mahigpit na kampanya ni PNP Chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa, patuloy na tumataas ang bilang ng indiscriminate firing kapag sumasapit ... Read More »

Digong, Imee OK sa unilateral ceasefire

MUKHANG “nagdilang angel” si Ilocos Norte Go­vernor Imee Marcos matapos manawagan kay Pangulong  Rodrigo  “Digong” Duterte na magdeklara ng unilateral ceasefire ang pamahalaan laban sa mga rebeldeng komunista ngayong kapaskuhan. Inayunan ni Digong ang hiling ni Imee na isang unilateral ceasefire ang gawin ng pamahalaan ngayon 24 Disyembre hanggang 2 Enero para maipagdiwang ang araw ng Pasko nang higit na ... Read More »

Matigas ang ‘bungo’ ni Bello

BAKIT ba ipinagpipilitan nitong si Labor Sec. Silvestre Bello III na dapat pa rin ituloy ang pa­kikipag-usap sa mga rebeldeng komunista sa kabila na pormal nang ibinasura ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte. Parang tahasang kinokontra nitong si Bello, ang posisyon ni Digong nang lagdaan ang  Proclamation 360 nitong Nobyembre 23 kaugnay sa terminasyon ng peace talks ng pamahalaan sa CPP-NDF-NPA. ... Read More »

Imee: 2 araw na ceasefire

MAGANDA ang panawagan ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos sa puwersa ng pamahalaan at sa New People’s Army na magkaroon ng ceasefire sa darating na kapaskuhan, dalawang araw ang hiling ni Imee na ceasefire si­mula sa Disyembe 24 at 25. Bagamat pormal nang winakasan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang peace talks sa pagitan ng CPP at government peace panel, ... Read More »

Huling pagkilos ng kaliwa

MATAPOS langawin ang isinagawang kilos-protesta ng grupong dilawan at kaliwa nitong nakaraang Bonifacio Day, muling tatangkain ng nasabing mga grupo na makakuha ng malawak na suporta ng bayan sa paggunita ng International Human Rights Day sa Disyembre 10. Kung tutuusin, ito ang huling aktibidad ng pagkilos na isasagawa ng grupong dilawan at leftist groups sa taong ito. Ibubuhos ng mga grupong ... Read More »

Lupit ng senatorial race sa 2019

SA susunod na taon, 2018, nakatitiyak tayong kanya-kanya nang posisyonan ang lahat ng mga politikong nagnanais sumabak sa senatorial race para sa midterm elections sa May 2019. Ang lahat ng partido politikal sa bansa, lalo ang PDP-Laban ng administrasyong Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang nakalalamang sa darating na halalan kung makinarya at orga­nisasyon ang pag-uusapan. Kung matatandaan, halos sinusuyod na ... Read More »

Iginuhit ng tadhana

NITONG nakaraang Sabado, 25 Nobyembre 2017, tuluyang pinag-isang dibdib ang dalawang nagmamahalang nilalang sa katauhan nina Michael Ferdinand “Mouse” Marcos Manotoc at Carina Amelia “Cara” Gamboa Manglapus sa San Agustin Church, Paoay, Ilocos Norte. Tunay na may kakaibang bertud ang pag-ibig dahil si Mouse ay apo ni dating Pangulong Ferdinand Marcos at si Cara naman ay apo ni dating Senador ... Read More »

PAUMANHIN

HINDI nakapagpasa ng artikulo para sa kanyang kolum na SIPAT sa araw na ito ang beteranong mamamahayag na si Mat Vicencio, dahil kina-ilangan niyang magpunta sa pulisya at ipa-blotter ang natanggap na death threat. Paumanhin po sa kanyang mga suki. Hinihiling rin namin ang inyong dasal laban sa masasamang intensiyon at elemento a t para iligtas siya sa kapahamakan. — ... Read More »

Media killing lulubha kay Usec. Egco

SA takbo ng pamamalakad nitong si Usec. Joel Egco bilang executive director ng Presidential Task Force on Media Security, asahan nating magbibilang lang ng mapapatay pang mga journalists sa Filipinas. Maituturing na gamol ang ginagawang trabaho nitong si Egco sa kanyang Task Force.  Sa halip kasing tanggapin ang ilang suhestiyon para makaiwas sa kapahamakan ang mga mamamahayag na sumasabak sa ... Read More »

Panggulo ang grupong kaliwa

KUNG inaakala ng grupong makakaliwa na tagumpay ang kanilang isinagawang mga kilos-protesta laban kina Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte at US President Donald Trump sa nakalipas na Asean Summit ay nagkakamali sila. Kung usapin ng propaganda, masasabing ‘talo’ o bigo ang naging kilos-protesta ng militanteng grupo. Sa pagsisimula mismo ng Asean Summit, mahigit sa 1,000 demonstrador lang ang dumalo sa pagkilos ... Read More »

Rehabilitasyon ng Marawi hindi matutulad sa Yolanda

8 NOBYEMBRE 2013 nang bayuhin ng supertyphoon Yolanda ang Eastern Visayas. Nag-iwan ito nang mahigit 6,300 kataong namatay, at mahigit 1,000 katao ang nawawala. Apat na taon na ang nakalilipas pero hanggang ngayon ay masasabing hindi pa rin tuluyang nakababangon ang mga kaawa-awang Waray-Waray na naging biktima ang bagyong Yolanda. Tahasang masasabi na bigo ang rehabilitation program ng nagdaang administrasyon ... Read More »

‘Paskong tuyo’ ng mga manggagawa

PROBLEMA ng mga manggagawa kapag sumasapit ang Kapaskuhan ang usapin ng kanilang mga benepisyo, gaya ng hindi pagbibigay ng 13th month pay at ang tinatawag na Christmas bonus. Malaking problema ito dahil siyempre nais din ng mga manggagawa na mairaos ang kanilang Pasko at tanging 13th month pay ang inaasahan nila para may mapagsasaluhan sa hapag kainan. Kadalasan ang inaasahang benepisyong ito ... Read More »

Tinawag bang ‘bobo’ ni JV si Alvarez?

KUNG may pakiramdam lang si House Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez, dapat ay natauhan na siya nang sabihin ni Sen. JV Ejercito na ang Senado ay isang institusyong responsable at nag-iisip. Ang pahayag ni JV ay bilang tugon sa ginawang pang-iinsulto ni Alvarez matapos sabihin na ang Senado ay isang Mabagal na Kapulugan ng Kongreso imbes Mataas na Kapulungan ng Kongreso. ... Read More »

Task Force ni Usec. Egco ‘pupurgahin’ ni Digong

KUNG matutuloy ang gagawing ‘cleansing’ ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa kanyang administrasyon sa darating na Enero ng susu-nod na taon,  malamang na kabilang dito ang Presidential Task Force on Media Security na pinamumunuan ni Usec. Joel Egco. Sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, hindi iilan ang matataas na opisyal ang sinibak ni Digong dahil sa usapin ng korupsiyon at  kapalpakan ... Read More »

Magbitiw ka Usec. Egco!

WALANG ibang dapat gawin itong si Usec. Joel Egco kundi magbitiw bilang executive director ng Presidential Task Force on Media Security matapos mapatay ang isa na namang mamamahayag  nitong nakaraang  Martes sa Bislig, Surigao del Sur. Sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, pang-limang biktima ng pamamamaslang ang broadcaster na si Christopher Ivan Lozada, matapos tambangan at pagbabarilin ... Read More »

Digong sisibakin si Alvarez

SOBRA-SOBRA na ang kahihiyan at kapalpakan ang ginagawa nitong si Rep. Pantaleon Alvarez, at napapanahon na para sipain at palitan sa kanyang puwesto bilang Speaker ng House of Representatives. Hindi pa ba sapat ang resulta ng survey ng Pulse Asia at Social Weather Station (SWS) na nagpapakita ng pagbagsak ng performance rating ni Alvarez simula nang pamunuan niya ang Kamara? ... Read More »

Sisihin ang nakapalibot kay Digong

KUNG meron mang dapat sisihin sa pagbagsak ng satisfaction at trust rating ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, ito ay walang iba kundi ang mga taong nakapalibot sa kanya at nakapuwesto sa kasalukuyang administrasyon. Sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS), lumagapak ang net satisfaction rating ni Digong sa third quarter ng taon. Bumagsak ng 18 puntos ang net satisfaction rating ... Read More »

Scroll To Top