Sunday , July 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Mat Vicencio

Author Archives: Mat Vicencio

Feed Subscription

Pakikialam ni Isko sa Liga ng mga Barangay

KUNG tutuusin, hindi na dapat nakikialam pa itong si dating Vice Mayor Isko Moreno sa usapin ng politika sa Maynila. Pero ang nakabibigla, patuloy umano ang ginagawa niyang ‘pagsawsaw’ sa mga kaganapan sa Maynila lalo sa nakatakdang eleksiyon ng Liga ng mga Barangay na gaga­napin sa darating na 30 Hulyo. Si Isko sa kasalukuyan ay undersecretary ng Department of Social Welfare ... Read More »

Peace talks sa NPA, hindi kay Joma

TAMA ang desisyon ni Pangulong Rodrigo “Digong”  Duterte na ipatupad na lamang ang localized peace talks sa mga rebeldeng komunista imbes makipag-usap pa sa grupo ni Jose Maria Sison ng Communist Party of the Philippines (CPP). Walang saysay na makipag-usap ang pamahalaan kay Joma dahil hindi naman talaga nila intensiyon na makamit ang isang tunay na kapayapaan at solusyon na magbibigay-daan para ... Read More »

‘Wag limutin si FPJ

HINDI lang nakagugulat kundi nakalulungkot nang sabihin ni Sen. Grace Poe na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakatitiyak kung lalahok pa siya sa senatorial race ngayong darating na 2019 midterm elections. Sa kabila nang patuloy na pangunguna ni Grace sa senatorial survey ng Social Weather Station at Pulse Asia, sinabi ng senadora na personal ang dahilan at kailangang ... Read More »

May ‘paglalagyan’ si Digong

HINDI na biro ang sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa merka­do. Samahan pa ng nakaambang pagtaas sa singil ng koryente at tubig, kaakibat ang mabigat na gastusin sa pag-aaral ng kanilang mga anak, sino ang hindi mabubur­yong na magulang? Kung nakalusot man si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa mga problemang kanyang kinaharap sa dalawang taon niyang panananatili ... Read More »

Walang silbi si Alvarez

MAITUTURING na wala nang silbi si House Speaker Pantaleon Alvarez bilang lider ng Maba­bang Kapulungan ng Kongreso at secretary general ng PDP-Laban matapos bigyang akreditasyon ng Comelec ang grupong Hugpong ng Pagbabago o HNP bilang isang political party. Malinaw na tinutuldukan na ang anomang posisyon o tungkuling politikal ni Alvarez sa pagpasok ng HNP na binuo ng grupo nina Davao ... Read More »

Walang saysay makipag-usap sa Simbahang Katolika

HINDI na dapat pinag-aaksayahan pa ng panahon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang Simbahang Katolika. Sa halip kasing maki­pag-usap pa rito, mas mabuting pinagtutuunan na lamang ng pansin ni Digong ang ibang pro­blemang kinakaharap ng kanyang adminis­trasyon. Tama, walang saysay na makipag-usap sa Simbahang Katolika! Walang ginawa ang mga pari at obispo kundi ang batikusin ang kasalukuyang administrasyon at ipalaganap ... Read More »

Nangangamoy basura si Erap

MAGANDANG abangan ang mayoralty race sa Maynila sa darating na 2019 elections. Hindi lamang kasi sina dating Mayor Alfredo Lim at dating Vice Mayor Isko Moreno ang inaasahang babangga kay Manila incumbent Mayor Joseph “Erap” Estrada kundi pati na rin si dating Mayor Lito Atienza na ngayon ay miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso. Hindi nakasisiguro si Erap ng kanyang ... Read More »

Problema ni Bam si Kris

LALONG lumiit ang tsansa na lumusot si Sen. Bam Aquino sa darating na 2019 midterm elections matapos magparamdam ang Queen of All Media na si Kris Aquino na interesado siyang sumabak sa darating na senatorial race. Mismong si Kris ang nagpahiwatig na malamang na tumakbo siya bilang senador sa gitna ng mainit na pakikipag-away kay Pre­sidential Communications Assistant Secretary Mocha ... Read More »

Ceasefire hindi susundin ng NPA

ANG pagpapatuloy ng usapang pangka­paya­paan sa pagitan ng pamahalaan at Communist Party of the Philippines o CPP ay tiyak na hindi magtatagumpay dahil na rin sa inaasahang gagawing paglabag ng NPA sa nakatakdang ceasefire nito sa military o AFP. Ang muling pagbuhay ng peace talks na nakatakdang simulan sa  Hulyo ay base sa direktiba ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte. Matatandaang ibinasura ... Read More »

Basura ang LP senatorial bets

HINDI na dapat umasa pa ang mga senatorial bets ng Liberal Party (LP) na mananalo sila sa darating na 2019 midterm elections. Tiyak na sa pusalian sila dadamputin kung itutuloy nila ang kanilang kandidatura. Ang LP sa ngayon ay naghihingalong political party. Iniwan na ang LP ng kanilang mga lider at miyembro na ngayon ay pawang mga kasapi na ng ... Read More »

“Ang kapal ng mukha mo, Joma!”

WALA na talagang natitirang kahihiyan itong si Jose Maria Sison matapos na maging instant millionaire nang tanggapin ang P1.2 milyon mula sa pamahalaan ng Filipinas bilang human rights victim noong panahon ng batas militar sa ilalim ng administrasyon ng dating Pangulong Fer­dinand Marcos. Walang ipinagkaiba ang asawa ni Joma na si Juliet na buong tapang din ng apog na tinanggap ... Read More »

Senatorial bet ng NPC si Bistek?

DAPAT sigurong ihayag ni bagong Senate President Vicente “Tito” Sotto III na kabilang si Quezon City Mayor Herbert “Bistek” Bautista sa senatorial candidates ng Nationalist People’s Coalition (NPC) sa darating na 2019 midterm elections. Nakapagtataka kung bakit hindi binabanggit ni Sotto ang pangalan ni Bistek sa mga tatakbong senador sa kabila ng magandang showing nito sa pinakahuling survey ng Pulse ... Read More »

Patok sina Imee, Pia, at Cynthia

TIYAK na sigurado ang panalo ng tatlong Nacionalista Party (NP) senatorial candidates na sina Sen. Cynthia Villar, dating Senador Pia Cayetano at Ilocos Norte Governor Imee Marcos sa darating na 2019 midterm elections. Kung tutuusin, kahit na hindi na pumaloob ang tatlong babaeng kandidato ng NP sa ruling political party na PDP-Laban, tiyak na makalulusot at mapabibilang sila sa Magic ... Read More »

Hindi susundin si Digong ng OFWs

WALANG matinong trabahong maibibigay ang kasalukuyang pamahalaan kung kaya’t malabong sundin ng mga migranteng manggagawang Filipino sa Kuwait ang panawagan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na umuwi na lamang sa Filipinas. Ang panawagan ni Digong ay bunga na rin ng lumalalang alitan ng Filipinas at Kuwait matapos ang ginawang rescue ng Philippine embassy sa isang domestic helper na inabuso ng ... Read More »

Kulelat sa senatorial race

NGAYON pa lang, makikitang walang kapana-panalo ang mga senatorial bet ng PDP-Laban lalo na ang mga pinangalanang politiko ni Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez base na rin sa pinakahuling survey ng Pulse Asia. Ang nakagugulat, sa kabila ng mga press releases ni Bataan Rep. Geraldine Roman, kulelat siya sa 58 na pangalang lumabas sa survey na ginawa nitong nakaraang 23-28 Marso ... Read More »

Panis ang EO ni Digong

E, ANO pa ang silbi ng binitiwang pangako ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na kanyang wawakasan ang lahat ng anyo ng contractuali­zation o ENDO kung hindi rin naman pala niya ito tutuparin? Ang linaw nang sinabi ni Digong noong na­ngangampanya pa lamang siya na kanyang wawakasan ang ENDO sakaling maupo siya bilang pangulo ng Filipinas. Pero ang masakit nito matapos ang ... Read More »

Anibersaryo ng berdugong NPA

NITONG nakaraang Huwebes, 29 Marso, pagluluksa ang nararapat na ginawa ng mga pulang mandirigma sa ika-49 anibersaryo ng pagkakatatag ng New People’s Army o NPA. Tahasang masasabing bangkarote na ang ipinaglalabang ideolohiya ng NPA. Sa mga kanayunan, maging sa mga liblib na bayan o baryo, ang popularidad ng NPA ay kasing baho ng basura.  Hindi na ito katulad noon na ang pagkilala ... Read More »

‘Ulo’ ni Bello ibigay sa mga obrero

KUNG hindi maibibigay ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang pangakong wawakasan ang lahat ng anyo ng contractualization, ma­kabubuti sigurong sibakin na lamang niya si Labor Secretary Silvestre Bello III. Kung ganito ang gagawin ni Digong, mababawasan ang galit ng mga manggagawa, lalo pa’t kung sa darating na 15 Marso ay hindi magugustuhan ng mga obrero ang pipirmahan ng pa­ngulong draft ... Read More »

Pekeng biktima ng Martial Law

Ang final batch ng human rights victims sa ilalim ng Batas Militar ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ay makatatanggap na ng kabayaran sa natitirang P10 billion secret Swiss bank deposit na narekober ng pamahalaang Filipinas. Ang Human Rights Victims’ Claims Board ay mayroon na lamang hanggang 12 Mayo nga-yong taon para ipamahagi ang perang nakalaan sa 9,204 claimants. Nauna nang ipinamahagi ... Read More »

Sopla si Alvarez kay Sara

NASAAN na ngayon ang angas nitong si House Speaker Pantaleon Alvarez? Parang basang sisiw si Alvarez, at hindi niya inakala na ang kanyang mga pahayag ay sosoplahin ni presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte. Galit na galit si Sara, at tinawag niyang asshole si Alvarez. Nagsimula ang galit nitong si Sara matapos malaman niyang tinawag siya ni Alvarez na ... Read More »

Bakit tahimik si Pia?

KUNG maingay na ngayon ang ilan sa mga politikong inaasahang sasabak sa 2019 senatorial race, nakapagtataka naman kung bakit si dating Senator at ngayon ay Taguig Rep. Pia Cayetano ay mukhang napakatahimik. Totoo bang hindi interesadong tumakbo si Pia bilang senador sa darating na midterm elections? Marami ang nagtataka kung bakit tahimik si Pia samantala ang ilan niyang dating kasama­han ... Read More »

Siguruhin ang kaligtasan ng OFWs

Tama ang naging desisyon ni Pangulong Ro­drigo “Digong” Duterte na pauwiin ang overseas Filipino workers (OFWs) kasabay ng pagdedeklara ng total deployment ban sa mga Pinoy na manggagawa sa Kuwait. Ang ganitong posisyon ni Digong ay pagpapakita na hindi na dapat maulit ang patuloy na pang-aabuso at pagmamalabis na ginagawa ng mga employer sa Kuwait sa ating OFWs. Kung tutuusin, ... Read More »

Hindi pagkain ng tao ang NFA rice

KUNG tutuusin, halos wala naman talagang NFA rice na makikita sa mga pamilihan o sa mga palengke. Walang katotohanan ang mga paha­yag ni Jaime Magbanua, presidente ng Grains Retailers’ Confederation of the Philippines na kung tuluyang mawawalan ng suplay ng NFA rice ay tataas na naman ang presyo ng mga commercial rice. Walang lohika ang pahayag nitong si Magbanua dahil matagal ... Read More »

Sulsol ng dilawan sa EDSA 1 celebration

MULING tatangkain ng mga dilawang politiko at makakaliwang grupo na magsagawa ng isang malaking kilos-protesta sa ika-32 anibersaryo ng EDSA People Power 1 sa darating na 22-25 Pebrero. Ipakikita ng nasabing mga grupo na mayroon pa silang kakayahang magsagawa ng malala­king rally at demonstrasyon para ipa-mukha sa kasalukuyang pamahalan ang kanilang kakayahan para banggain ang administrasyon ni Digong. Pipilitin ng ... Read More »

Tuloy ang 2019 midterm elections

PALUTANG lang ni House Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez ang sinasabi niyang hindi ma­tutuloy ang 2019 midterm elections.  Isa ito sa pamamaraan ni Alvarez para makakuha ng maraming suporta sa Senado at Kamara na pawang last termer para tuluyang mailusot ang Charter change. Suntok sa buwan ang no-election scenario sa 2019 kung titingnang mabuti ang mga nangyayari sa ating politika. Una, ang ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved