Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Maricris Valdez Nicasio (page 4)

Author Archives: Maricris Valdez Nicasio

Feed Subscription

Kris, nagpakumbaba, 3 mos. na ‘di pakikipag-uusap kay PNoy, tinapos

ANG pamilya ay pamilya. Ito ang pinatunayan ni Kris Aquino matapos makipag-ayos sa kanyang Kuya Noynoy Aquino na tatlong buwan na palang hindi sila nagkaka-usap dahil sa kaunting ‘di pagkakaunawaan. At noong Miyerkoles ng gabi, hindi na nga pinatagal pa ni Kris ang hindi nila pag-uusap ni dating Pangulong PNoy dahil nakipagkasundo na ito alang-alang sa kanyang panganay na si Joshua na ... Read More »

Dasal para kay Josh, hiniling; Bimby, nagpaka-‘kuya’ kay Josh

SUNOD-SUNOD ang isinagawang test kay Joshua Aquino noong Miyerkoles para malaman na rin kung ano ang sanhi ng pananakit ng tiyan nito. At ayon sa unang findings matapos ang series of test, mayroong erosive esophagitis due to severe acid reflux at ulcer ang panganay ni Kris. Sa mga video post ni Kris sa kanyang Instagram account, ipinakita roon kung gaano katapang nalampasan ni Josh ... Read More »

Ruben Maria Soriquez at Garie Concepcion, mananakot sa The Lease

PINATUNAYAN ni Garie Concepcion na hindi lamang siya isang mahusay na singer, kundi magaling din siyang aktres. Hindi naman nakapagtataka dahil anak siya ni Gabby Concepcion at kapatid ni KC, kaya’t may pagmamanahan siya. Inihalintulad naman ang Filipino-Italian, actor/director na si Ruben Maria Soriquez sa bida ng Harry Potterdahil kamukuha niya si Daniel Jacob Radcliffe. Sina Garie at Ruben ang bida sa horror movie na The Lease na mapapanood na sa July ... Read More »

Maxine, kailangan ng space para mahalin ang sarili at mag-focus sa career

MAYO 2018 pa napabalitang hiwalay na si Maxine Medina sa kanyang pitong taong karelasyong si Marx Topacio, isang model-actor, pero muli itong nausisa sa media conference ng pelikulang Pinay Beauty (She’s No White), entry ng Quantum Films, MJM Productions, at Epic Media sa Pista ng Pelikulang Pilipino na mag-uumpisa sa Agosto 15-21 at pinagbibidahan nina Chai Fonacier at Edgar Allan Guzman. Bantulot mang magkuwento si Maxine sa tunay na dahilan ... Read More »

Kusina Kings, anim na taong binuo

ANIM na taon palang binuo ang pelikulang Kusina Kings na pinagbibidahan nina Zanjoe Marudo at Empoy, handog ng Star Cinema at mapapanood na sa July 25. Ayon kay Mico del Rosario, advertising and promotions manager ng Star Cinema, ”matagal nang dine-develop ito nina Victor (Villanueva) at Enrico Santos. Ang tagal-tagal na namin itong binubuo, naghahanap ng tamang combination. Inaayos o iniisip ang tono ng script ng comedy niya kasi ... Read More »

Julia, ‘di hahayaang sirain ang ILYH

ISANG open letter ang ibinahagi ni Julia Barretto sa kanyang Instagram account na @juliabarretto ukol sa journey niya bilang aktres, pag-aalinlangan, paghusga sa kanya, at pagnanais na may mapatunayan sa likod ng pagiging Barretto. Aniya, hindi siya nabigyang pagkakataon makagawa ng kamalian para matuto at maging mabuting tao mula sa pagkakamaling iyon. Dahil nauuna nga lagi ang husgahan ang katauhan niya. Mahal na mahal ni Julia ... Read More »

Jacqueline Comes Home (The Chiong Story), dream movie ni Donna Villa

WALA mang pormal na pag-aaral sa pagdidirehe, kahanga-hangang napamahalaan ni Ysabelle Peach Caparasang pelikulang Jacqueline Comes Home (The Chiong Story) na pinagbibidahan nina Meg Imperial at Donnalyn Bartolome, mula sa Viva Films at mapapanood na sa July 18. Kumbaga sa musika, widow ang ginamit ni Direk Peach sa pagdidirehe at ang karanasan sa pagiging assistant director (AD) sa kanyang amang si Carlo J. Caparas. Gradweyt ng Political ... Read More »

Unli Life ni Vhong, official entry ng Regal sa PPP

NAGBABALIK-pelikula si Vhong Navarro kasama ang kanyang sariling brand ng comedy sa pamamagitan ng Unli Life, ang pinakabagong handog ng Regal Entertainment Inc.. Ang Unli Life rin ang official entry ng Regal sa Pista ng Pelikulang Pilipino Film Festival. Noong isang taon, nagbigay-saya si Vhong sa kanyang pelikulang Mang Kepweng Returns at ang blockbuster hit movie nila ni Lovi Poe na mula rin sa Regal Entertainment, ang Woke Up ... Read More »

Zanjoe, magaling ang dila

“M AGALING kasi ang dila kong tumikim. Magaling siyang panlasa, ‘yun ang talent ko, pero hindi ako magaling magluto.” Ito ang tinuran ni Zanjoe Marudo nang tanungin ukol sa karakter na ginagampanan niya sa bagong handog na pelikula ng Star Cinema, ang Kusina Kings na pinagbibidahan nilang dalawa ni Empoy at pinamahalaan ni Direk Victor Villanueva, director ng Patay Na Si Hesus. Ani Zanjoe, iyon talaga ang karakter na ginagampanan ... Read More »

Noven, may sarili nang farm

MALAKI ang utang na loob ni Noven Belleza sa Tawag ng Tanghalan ng It’s Showtime. Simula kasi nang tanghalin siyang grand champion ng Season 1 ng TnT, Malaki na ang nagbago sa buhay at career niya. Napag-alaman naming bukod sa napanalunang P2-M cash, house and a lot, nakabili na rin siya ng iba’t ibang properties para sa kanyang pamilya. Dagdag pa ang sariling farm na ang ... Read More »

TNT singers, recording artists na

SAMANTALA, muli na namang gagawa ng kasaysayan ang pinakamalaking singing competition sa bansa, ang Tawag ng Tanghalan sa paglulunsad ng TNT Records, ang magiging tahanan ng bagong tunog at musika ng bagong henerasyon ng OPM. Sa unang pagkakataon sa bansa, nagbigay-daan ang isang singing competition sa pagbuo ng isang record label na maghahandog ng panibagong OPM sound. Ito ay binuo at tatakbo sa ilalim ng gabay ng ABS-CBN at Star ... Read More »

Anne, iniwan ang pagiging diyosa para sa BuyBust

HINDI nag-atubili si Anne Curtis para iwan ang imaheng diyosa para sa pelikulang BuyBust, ang pelikulang punumpuno ng aksiyon at suspense na handog ng Viva Films at Reality Entertanment. Ito’y pinamahalaan ni Direk Eric Matti na mapapanood na sa mga sinehan sa Agosto 1. Makakasama ni Anne rito ang Film-Am at ONE Championship heavyweight champion na si Brandon Vera. Hindi nasayang ang mga pasa at panganib na sinuong sa paggawa ng ... Read More »

#TheEddys2018, trending, mahigit 11-M views pa sa Youtube

TRENDING naman ang #TheEddys2018 noong Lunes ng gabi na nasa 4th spot ng PH’s Trend List. At hanggang kahapon, trending pa rin ito. Mahigit naman sa 11-M views ang nakuha ng The Eddys 2018 noong Lunes ng gabi sa Youtube at patuloy na nadaragdagan pa. Ang The Eddys ay napanood noong Lunes via livestreaming ng Wish 107.5 Facebook account, at Wish 107.5 ... Read More »

Triple tie sa Best Supporting Actress Choice

TUWANG-TUWA at halos hindi makapaniwala ang tatlong nagwagi sa Best Supporting Actress sa katatapos na The Eddys. Itinanghal na Best Supporting Actress sina Angeli Bayani (Maestra), Therese Malvar (Ilawod), at Chai Fonacier (Respeto). Tinalo nila sina Alice Dixson (The Ghost Bride) at Jasmine Curtis-Smith (Siargao). Sinasabing first time nangyari na nagkaroon ng triple tie sa kategoryang ito. Samantala, hindi nakarating ang itinanghal na Best Actor, si Aga Muhlach para ... Read More »

Respeto, big winner sa 2nd EDDYS Choice ng SPEEd: Manoy, Charo, Nora, Maria, nagsama-sama para sa Film Icons Award

BIG winner ang pelikulang Respeto  sa 2nd EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) na ginanap noong Lunes ng gabi sa The Theater At Solaire. Bukod sa Best Film, lima pang tropeo ang naiuwi ng Respeto na pinagbibidahan ng rapper na si Abra. Personal namang tinanggap nina Maricel Soriano, Charo Santos-Concio, Eddie Garcia, at Nora Aunor angEDDYS Film Icons of the Year. Kasama rin dito ang dalawang movie queen na sina Gloria ... Read More »

JoshLia, aminadong maraming natutuhan sa buhay-buhay dahil kay Kris; sikreto para tumagal sa showbiz, ibinahagi

“H UWAG paba­-bayaan ang kalu­sugan kahit maraming trabaho.” Ito ang madalas na payo ni Kris Aquino, ayon kay Julia Barretto sa kanila ni Joshua Garcia habang ginagawa nila ang pelikulang I Love You Hater, handog ng Star Cinema at pinamahalaan ni Giselle Andres, na mapapanood na sa Hulyo 11. Aminado kapwa sina Julia at Joshua na marami silang natutuhan sa buhay-buhay sa Queen of Social Media. Anang dalawa sa blogcon ... Read More »

Gary V., cancer-free na: I am miraculously saved

MATAPOS ang ilang linggong pananahimik, umupo si Mr. Pure Energy Gary Valenciano para sa kanyang unang major television interview na sinabi niyang matapos ang kanyang bypass operation, sumailalim siya sa isa na namang medical challenge matapos ang isang incidental finding na may nakitang malignant kidney mass ang kanyang Cardiologist at tahimik siyang sumailalim sa ikalawang surgery, at ngayon ay cancer-free na. Bilang ... Read More »

FPJ’s Ang Probinsyano, hanggang 2019 pa

“H INDI ko masasabi  kung hanggang kailan. Hangga’t gusto ng manonood at marami pa kaming mai-offer na istorya, magpapatuloy ang Ang Probinsyano.” Ito ang tinuran kahapon ni Coco Martin sa launching ng second TV commercial niya bilang brand endorser ng Sarsaya ng Ajinomoto sa Las Casas Filipinas de Acuzar. Ani Coco, hindi rin niya masasabi kung tatagal ng hanggang 2019 ang FPJ’s Ang Probinsyano dahil sa ... Read More »

Pagpo-frontal ni RS Francisco sa M Butterfly, inaabangan

ANG galing! Kahanga-hanga. Ito ang nasambit namin nang ihayag ng bumubo ng produksiyon ng M Butterfly na pinangungunahan nina RS Francisco at Jhett Tolentino, ang tunay na pakay ng muling pagpapalabas ng Tony Award for Best Play na isinulat ni David Henry Hwang. Paano’y ibibigay nila ang kikitain ng M Butterfly sa mga napili nilang charitable institution o organization ukol sa education at arts. Unang itatanghal ang M Butterfly sa September 13 sa ... Read More »

Youtube sensation ng ‘Pinas, Tourism ambassador ng Taiwan

KATUWANG ang libangang pag-a-upload ng videos ng mga lugar o bansang napuntahan ay magiging daan para kay Mikey Bustos para kuning brand partner ng Taipei City’s Department of Information and Tourism. Si Mickey ay vlogger/Youtube star at runner-up sa 2003 Canadian Idol at naging recording artist ng BMG Music Canada at Vik. Recording. Kasama siya na inilabas na Canadian Compilation Idol na bumenta ng 60,0000 units sa Canada. Ani Mikey, ... Read More »

Jolo, kompositor na (‘di lang actor at public servant)

MAY problema man ang puso ni Vice Governor Jolo Revilla, hindi iyon nakapigil sa kanya para makapagsulat ng kanta. Tila iyon pa ang naging daan para maging inspirado na makasulat ng tatlong kanta. Napakinggan namin ang isa sa tatlo, ang Nahulog na nilapatan ng tunog ng kompositor at director na si Joven Tan at gagamiting themesong sa pagbabalik-pelikula ni Jolo, ... Read More »

Ameera Johara, Pinay Wonder Woman

KILALA at sikat si Ameera Johara sa mundo ng Cosplay dahil siya ang tinaguriang Wonder Woman ng Pilipinas. Sa ganda at tindig, hindi naman talaga pahuhuli ang batang aktres na napapanood sa kasalukuyan sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka ng GMA 7 na pinagbibidahan nina Yasmien Kurdi, Mike Tan, Jackie Rice, Martin del Rosario at iba pa. Bagamat last year ... Read More »

Jolo, nagpapayat para sa 72 Hours (mula 217 lbs. to 163 lbs.)

MAPAPASABAK sa matinding aksiyon si Vice Governor Jolo Revilla sa pelikulang 72 Hours, kasama sa trilogy movie na mapapanood mula sa Imus Productions na pinamagatang Tres. Kasama rito ang dalawa pang pelikulang pinagbibidahan naman ng mga kapatid niyang sina Luigi at Bryan Revilla. Eight years ago pa huling gumawa ng pelikula si Jolo at leading  niya rito si Rhian Ramos na pamamahalaan naman ni Dondon Santos. Bukod sa 72 Hours, gabi-gabi ring napapanood si ... Read More »

I don’t think pipiliin n’ya si Ara over me and would take her seriously — Rina Navarro

NA-AMBUSH interview namin si Rina Navarro, ang sinasabing inagawan umano ng BF ni Ara Mina, sa presscon ng MMDA para sa announcement ng unang apat na official entry sa Metro Manila Film Festival. Ayaw man ni Rina na magpa-interview ay napilit din siya at sinabing hindi niya sasagutin ang tanong na hindi niya feel o hindi maaaring pag-usapan. Unang tanong ni katotong Rommel Gonzales ay ... Read More »

Kris, kumambiyo sa sinasabing nahanap na ang ‘the one’ at ‘forever’; Bicolanong lawyer, kaibigan lang

INILI-LINK ngayon si Kris Aquino kay Atty. Gideon Peña, isang Bicolano lawyer. Nangyari ito matapos magpalitan ng sweet messages sa kani-kanilang social media accounts. At marami ang kinilig na mga follower nila sa mga hugot nila tungkol sa usaping love. Paano nga ba nagsimula ang magandang relasyon ng dalawa? Nagsimula ang magandang relasyon ni Kris sa guwapong abogado nang ipagtanggol ni Atty. Gideon ang kanyang ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved