Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Johnny Balani

Author Archives: Johnny Balani

Feed Subscription

Mag-amang Fred at Cristy Lim aarangkada sa Maynila

MAINIT na sinalubong ng mga suporter ang mag-amang Alfredo at Cristy Lim nang maghain ng certificate of candidacy (COC), bilang alkade ng lungsod ng Maynila si ex-Mayor Fred Lim, habang Konsehal naman ng Unang Distrito ng Maynila ang nilahukan ni Cristy Lim-Raymundo. Samantala, naghain din ng COC bilang Mayor si Joseph “Erap” Estrada sa Commission on Elections (COMELEC) sa Aroceros ... Read More »

Kudeta binuhay ng DOJ

SA pag-arangkada ng usaping ‘Amnesty ni Trillanes’ mga ‘igan, aba’y giit pa rin ng Malacañang, nasaan ang ebidensiyang ‘application form’ nitong si Ka Antonio? Bagamat kinompirma ni AFP Chief of Staff General Carlito Galvez na nag-apply ng amnesty si Ka Antonio, sus wala umano itong bigat, pagdidiin ng Malacañang. Sapagkat sa nasabing isyu mga ‘igan, tanging ebidensiya o kopya ng ... Read More »

Trillanes timbog

WALANG kaabog-abog na natimbog mga ‘igan si Senator Antonio Trillanes IV, sa inilabas na ‘arrest warrant’ at ‘hold departure order’ ng Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 150, pabor sa hiling ng Department of Justice (DOJ). Si Ka Antonio’y inaresto kaugnay sa kasong rebelyon. ‘Ika nila’y ang pag-aresto kay Ka Antonio’y may warrant, kaya’t hayun, patunay umano ito ng paggulong ... Read More »

Pag-arangkada ng BBB

SA gitna ng mga sigalot mga ‘igan,  sadyang walang inisip si Ka Digong kundi ang maisaayos at mapaunlad pa ang buhay ng mga Pinoy. Kung kaya’t tuloy-tuloy sa pag-arangkada ang programang BBB (Build Build Build) ng administrasyong Duterte para sa kapakinabangan ng sambayanan. Ngunit sa kabilang banda mga ‘igan, wala pa nga bang nararamdaman ang taong bayan sa mga pangako ... Read More »

Baha likha ng mga balahura

SA katatapos lamang mga ‘igan na kalamidad na naranasan ng ating bayan, partikular ang kagulat-gulat na paghugos ng baha, na lumikha ng malaking problema sa iba’t ibang panig ng bansa, aba’y ‘di biro ang mga nagbuwis-buhay nating mga kababayan. Sadyang nakalulungkot isipin, sapagkat buhay na ng tao ang isinasaalang–alang. Bakit nga ba nararanasan ang mga ganitong kalamidad? Tulad ng baha ... Read More »

Mocha may ipinamukha

ILANG araw din namayagpag mga ‘igan ang kontrobersiyal na video tungkol sa pederalismong likha nina PCOO Asec. Mocha Uson at isa pang blogger. Sa samot-saring pagbatikos sa nasabing isyu, aba’y hindi umano ito nakakitaan, mismo ni Ka Digong, ng ano mang isyu. ‘Ika nga’y ‘very cool’ si Ka Digong sa pinag-uusapang video, sapagkat lubos ang paniniwala at paggalang ng Mama ... Read More »

Tambay… ba-bye

MAGING si Ka Digong mga ‘igan ay nagbabala na sa mga tambay na maaaring maging potential na troublemakers sa kalsada. Ang pagbabawal sa mga tambay ay gagawin na umano sa buong bansa. Ba-bye tambay… Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde, dadamputin ang mahuhuling tambay partikular ang mga nag-iinuman sa kalye, nakahubad, at ang kumpolan lalo sa mga ... Read More »

Problema hirap ang mahirap

SAMOT-SARI mga ‘igan ang kinakaharap ngayong mga problema ng bansa. Isa na rito ang pinag-uusapang pagtaas ng presyo ng asukal. Aba’y sadyang nagmahal ngang talaga!  Ito’y dahil sa kakulangan na umano ng supply. Kung kaya’t, pinayagan na ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang pribadong sector na mag-angkat ng asukal para mapababa ang presyo nito sa merkado. Kasunod nito ang nakaambang ... Read More »

Sangkot sa kurakot lagot

KAMAKAILAN lang mga ‘igan, matapos madawit umano sa korupsiyon, pinagbitiw ni Ka Digong Duterte sa kanilang posisyon ang dalawang assistant secretary, na sina Department of Justice (DOJ) Assistant Secretary Moslemen Macarambon Sr., at Department of Public Works and Highways (DPWH) Assistant Secretary Tingagun Ampaso Umpa. Humabol pa si “P80-milyon Buhay Carinderia project ni resigned Tourism Promotion Board (TPB) chief operating officer ... Read More »

Dawit sa kupit 2 Asec talsik?

MARIING pinagbibitiw mga ‘igan ni Ka Digong Duterte, sa puwesto, ang dalawang assistant secretary (ASEC), sina Department of Justice (DOJ) Assistant Secretary Moslemen Macarambon Sr., at Department of Public Works and Highways (DPWH) Assistant Secretary Tingagun Ampaso Umpa, na sangkot umano sa katiwalian, partikular sa usaping korupsiyon. “The President has advised two assistant secretaries to tender their resignation or face termination ... Read More »

ENDO sa uno huwag sanang mapako

MINSAN nang ibinasura mga ‘igan ang usaping ‘contractualization’ na panawagan ng mga Labor groups sa bansa na wakasan na. Ngunit sa pagkakataong ito, bagamat wala pang final version ng ‘Executive Order’ posible namang pipirmahan ni Ka Digong ang nasabing ‘Executive Order’ kontra contractualization sa Mayo Uno, itataon sa Labor Day. “I can only surmise that the final version of the ... Read More »

Trapo ayaw ng halalan?

BINAWI na naman mga ‘igan ang pag-arangkada ng “Barangay at SK Elections” sa May 14, 2018 at isasagawa ito sa buwan ng Oktubre 2018. Sus ginoo! Ano ito, “Approved without thinking (he he he…) sa Kamara ang muling pagpapaliban ng nasabing barangay elections? Nakaiirita na mga ‘igan! Mantakin n’yo nga naman, sa panig ng mga kongresistang pro-Duterte’y walang kaabog-abog nang ... Read More »

NCRPO chief Oscar Albayalde hataw pa more

SALUDO ang BBB mga ‘igan sa ginagawang pag-arangkada nitong si National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde sa pulisya ng bansa! Aba’y…hataw dito hataw doon si Direk! Kaya naman, hayun…timbog si pulis-astig! He he he… maaga tuloy magpepenetensiya ang mga tarantadong pulis! Biruin n’yo nga naman mga ‘igan, sa pag­hataw ni P/Dir. Albayalde, nabulabog ang mga parak sa ... Read More »

Bakuna scam sangkot managot

HINDI biro mga ‘igan ang kapalpakan sa usaping ‘dengue vaccine’ dahil nalalagay ngayon sa peligro ang 730,000 estudyanteng naturukan nito. Kaya’t hayun, batikos dito, reklamo doon ang ibinabato. Hinaing at daing ang maririnig partikular sa mga magulang, sampu ng mga kaanak ng mga mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Regions 3, 4-A at NCR (National Capital Region). Sa tatlong rehiyon inilunsad ... Read More »

Sangkot na barangay at PCP officials papanagutin

BAGO tayo pumalaot mga ‘igan, nais po muna nating batiin ng happy happy 70th birthday si Barangay Kagawad ‘este tanod Dominador Diana. Ang pagbati’y nagmula sa kanyang mapagmahal na mga anak na sina Arnold, Orlie, Erik, Efren, Don-Don at Len-Len Diana. Mabuhay ka Ka Domeng! TUNAY na katawa-tawa mga ‘igan ang naganap na “clearing operation” sa Lawton ng Manila Development ... Read More »

INGRATO! (Hugot ni Gen. Bato dela Rosa)

SADYA lamang talagang may hugot mga ‘igan o desmayado si Philippine National Police (PNP) chief, DG “Bato” Dela Rosa, kaya natawag niyang ingrato ang mga kritiko sa drug war, na pinuna ng mga mambabatas. “You can criticize us to high heavens, but I can tell you, sa inyong mga mata, mga critic, sabihan ko kayo, ingrato kayo ha!” ani Dela ... Read More »

Philippine Legislative Police (PLP) Act ni Fariñas ibasura

ANO na naman ba ‘igan ang katarantadohang binuo nitong si House Majority Leader Rodolfo Fariñas? Matapos batikusin ang hirit niyang dapat igalang ng mga enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang “parliamentary immunity” sa maliliit na traffic violations na magiging sanhi ng pagkahuli (late) sa sesyon ng Kongreso…sus ginoo…mantakin n’yo mga ‘igan, ipinanukala naman ngayon ng ‘mama’ na ... Read More »

Peping Cojuangco inugat na sa POC Tama na! Baba na!

Peping Cojuangco Philippine Olympic Committee POC money peso

SADYANG lugmok sa kangkungan mga ‘igan ang napakasamang performance ng bansa sa Southeast Asian Games (SEAG) na ginanap sa Kuala Lumpur Malaysia kamakailan lang. “The 24 gold was the worst ever performance by the Philippines in the SEA Games, worse than 2001 and 1998 SEA Games both held in Malaysia. I will talk to the different National Sports Association (NSA) ... Read More »

Barangay ni Ligaya buwagin

MAINIT na mainit mga ‘igan ang usaping pang-transportasyon sa pagitan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at ng Uber, matapos suspendihin ng LTFRB ang operasyon ng Uber. Ayon sa LTFRB, nilabag ng Uber ang kautusan ng ahensiya na nagbabawal, pansamantala, sa pagtanggap ng mga bagong application ng mga sasakyan. Sa isinumiteng “Motion for Reconsideration” ng Uber, ibinasura ito ... Read More »

Illegal terminal sa Lawton magkano’ng halaga?

MATAGAL-TAGAL na ring panahon mga ‘igan na nagpapakasasa ang mga tarantadong sangkot sa “illegal terminal” d’yan sa Plaza Lawton. At sadya naman talagang nakapagtataka rin, na hindi matinag-tinag ang ilegalidad dito sa harap pa man din ng monumento ng ating magiting na bayaning si Gat. Andres Bonifacio sa Plaza Lawton! Aba’y teka, magkanong halaga at hindi matuldukan? Anong pagkilos ang ... Read More »

Hirit ni Ka Digong

DAHIL nga sa hinihiling ng pagkakataon mga ‘igan, nanindigan ang Department of National Defense (DND) at Philippine National Police (PNP), maging ang Armed Forces of Philippines (AFP) sa kahalagahan ng pagpapalawig ng Martial Law sa Mindanao. Bagamat naging malaking usapin ang pagpapanatili ng Martial Law sa rehiyon, kinakailangan umano ang todo–todong pag-arangkada nito, lalo pa’t hindi pa nahuhuli ang iba ... Read More »

Barangay at SK elections hatulan na

ABA’Y mga ‘igan, huwag patulog-tulog sa pansitan! Bigyang-linaw ang walang kasiguradohang barangay at SK elections sa bansa! Sus, kailan ba talaga ang arangkada nito? Meron ba o wala tayong aasahang eleksiyon sa taong ito? Sa ngayon mga ‘igan, nakatengga ang usaping ito. Walang linaw, walang kasiguraduhan… Sus ginoo! Tumunog na nais ipagpaliban sa October 2018 ang barangay at SK elections. ... Read More »

Hari at reyna sa QC hall imbestigahan

ABA, aba, aba mga ‘igan, sino naman kaya itong ibinulong ng aking pipit-na-malupit na bruskong mag-aasta na alyas ‘Madam’ at alyas ‘Bossing’ sa Engineering Department ng Quezon City Hall, na kung magkikilos animo’y ‘Hari’ at ‘Reyna.’ Kung ano ang maisip at gustong gawin ay hindi kayang baliin sinoman ang masaktan at maapektohan. Sukdulang laitin, alipustahin at pagsamantalahan umano ang mga ... Read More »

QC politics sige na ang arangkada

BAGAMAT malayo pa mga ‘igan ang 2019 local at national elections pero ramdam na ang siraan o wasakan, bangayan at babuyan ng mga kandidato. Gaya sa Quezon City na nasa last term na si incumbent Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista ng Liberal Party habang itinuturing na pinakamalakas na mayoralty aspirant ang kanyang vice mayor na si Joy Belmonte na suportado mismo ... Read More »

Desisyon ng CSC ibinasura ni Bistek

MATATANDAANG kinansela mga ‘igan ng Civil Service Commission (CSC) ang appointments ng dalawang opisyal ng Engineering Department ng Quezon City government, dahil sa violations sa CSC rules. Kinansela ng CSC ang appointments nina Ma. Michelle A. Bogarin bilang Administrative Officer IV at Engr. Gerardo Cabungcal bilang Engineer V, nang ma-appoint sila sa City’s Engineering Office. Ito’y matapos ireklamo ng ilang ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved