Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: John Bryan Ulanday (page 6)

Author Archives: John Bryan Ulanday

Feed Subscription

PATAFA, nagbigay ng kondisyon kay Tabal (Para makabalik sa national pool)

MAKABABALIK si 2016 Rio Olympian Mary Joy Tabal sa national training pool, iyon ay kung susunod siya sa mga kondisyon ng Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA). Nitong nakaraang linggo, magugunitang inalis si Tabal sa pool dahil aniya sa pagtangging magsanay kasama ang ibang mga atleta ng PATAFA bagkus ay nasa ibang bansa kasama ang mga personal coaches para ... Read More »

Dillinger at ibang Ginebra player nagkasagutan sa social media

MAAANGHANG na salita ang binitiwan ni Jared Dillinger ilang sandali matapos matalo ang Meralco Bolts sa TNT KaTropa sa kanilang do-or-die Game 3 sa PBA Commissioner’s Cup quarterfinals kamakalawa. “That was one tough. Hats off to TNT for sticking it out. Beat Ginebra. I cant stand those guys,” matalas na pahayag ni Dillinger sa koponan ng Gin Kings na makasasalpokan ... Read More »

Alas, Amer papalit kay Guinto at Grey sa Gilas pool

NAKATAKDANG palitan nina Kevin Alas ng NLEX Road Warriors at Baser Amer ng Meralco Bolts sina Bradwyn Guinto at Jonathan Grey sa Gilas Pilipinas training pool. Kinompirma ito ni coach Chot Reyes kamakalawa sa nangyaring trade sa pagitan ng maraming koponan noong nakaraang buwan. Ang dating nasa Gilas pool na si Guinto mula NLEX at Grey mula Meralco ay pareho ... Read More »

Marinero umeskapo sa Cignal (Zarks nilamon ng Racal)

NILUNOK nang buong-buo ng Racal Motors ang Zark’s Jawbreakers, 140-90 habang pinitas ng Marine-rong Pilipino Seafarers ang Cignal Hawkeyes sa umaatikabong PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City. Umariba sa 38-20 sa unang kanto, ‘di na muling nilingon ng Racal ang Zark’s tungo sa kanilang ikalawang panalo sa Foundation Cup upang makasosyo sa Flying V ... Read More »

PH Azkals pinaamo ng China sa friendly

PUMUROL ang pangil at naglaho ang bangis ng Philippine Azkals nang paamohin ng China sa kanilang friendly match, 8-1 sa Tianhe Stadium, Guangzhou kamakalawa ng gabi. Binulaga ng mga Tsino ang Pinoy sa mabilis na 2-0 goals sa unang mga minuto at ba-gamat nakabalik ng isang goal si Misagh Bahadoran sa ika-34 minuto ay nagbigay ng isa pang puntos sa ... Read More »

Warriors binitbit ni Durant sa 3-0 abanse

ISINALPAK ni Durant ang 7 dikit na puntos mula sa 11-0 panapos ng Golden State kabilang ang pambaong tres sa huling 45 segundo upang wasakin ang pag-asa ng Cavaliers, 118-113 at ipinoste ang pinakamaha-lagang 3-0 bentaha sa kanilang umaatikabong 2016-2017 NBA Finals showdown sa Quicken Loans Arena sa Cleveland, Ohio kahapon. Naiiwan sa 107-113 sa huling dalawang minuto, kinarga ni ... Read More »

‘Pinoy Aquaman’ Macarine, lumangoy ng 23 KM para sa kapayapaan sa Mindanao

SINUONG ng abogado at triathlete na si Ingemar Macarine ang malawak na karagatan, malamig na tubig at malakas na hangin upang manawagan para sa kapayaan sa Mindanao, partikular sa Marawi na kasalukuyang may nagaganap na digmaan sa pagitan ng Militar at ng Maute Group. Binansagang ‘Pinoy Aquaman’ sa mga paglangoy niya upang ikalat ang adhikain na protektahan ang kalikasan lalo ... Read More »

Asinta ng PH sa 2017 SEAG (4th place o higit pa)

TATANGKAING sumikwat ng 40 hanggang 50 ginto ang Filipinas na swak na para sa ikaapat na puwesto o higit pa sa nalalapit na 2017 Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia. Magpapadala ang Philippine Olympic Committee (POC) sa tulong ng Philippine Sports Commission (PSC) ng  487 atleta para sa 36 sports upang malagpasan ang ika-anim na puwesto ng Filipinas noong ... Read More »

San Diego, Woman int’l master na

KINAPOS  man sa Finals kontra Cuo Ruoutong ng China sa East Asia Junior Chess Championship sa Tagaytay City kamakalawa, naisukbit pa rin ni Marie Antonette San Diego ang mas malaking premyo. At ito ang maging isang Woman International Master (WIM) na isang prestihiyosong titulo mula sa FIDE o World Chess Federation makaraang makalikom nang sapat na puntos ang 18-anyos Pinay ... Read More »

Batangas, Tanduay umiskor sa D-League

DUMALAWANG sunod na dikit na panalo ang Team Batangas  habang tinagay ng Tanduay ang kanilang unang panalo sa 2017 PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Ynares Center sa Pasig City. Isinalpak ni Cedric De Joya ang fastbreak lay-up mula sa mintis ni Robbie Herndon ng Wangs upang maitakas ng Batangas ang 91-89 tagumpay at kanilang ikalawang sunod na panalo sa ... Read More »

Pacquiao: Laban kontra Horn alay sa Marawi

“PARA sa ‘yo ang laban na ito.” Muling papatunayan ni “Pambansang Kamao” Manny Pacquiao ang kanyang kanta ilang taon na ang nakalilipas sa pag-aalay muli ng napipintong laban kontra Jeff Horn para sa mga kababayan lalong-lalo sa mga naiipit sa kaguluhan sa Marawi sa Mindanao. Nakatakdang idepensa ni Pacquiao ang kanyang WBO welterweight belt kontra Horn sa Battle of Brisbane ... Read More »

Cabagnot lider sa BPC derby

SORPRESANG nangunguna sa kasalukuyang PBA Commissioner’s Cup Best Player of the Conference Race si Alex Cabagnot ng San Miguel Beermen, ayon sa opisyal na datos na inilabas ng PBA kamakalawa. Sa koponang tulad ng SMB na mayroong tulad ng 3-time MVP at Philippine Cup BPC na si JuneMar Fajardo, biglaang hawak ng tinaguriang “Crunchman” ang manibela sa pagtatapos ng eliminasyon ... Read More »

Warriors 2-0 na sa NBA finals

HINDI ulit pinaporma ng Golden State Warriors ang Cleveland Cavaliers sa Game 2, 132-113 upang ipos-te ang komportableng 2-0 kalamangan sa kanilang best-of-7 NBA Finals series kahapon sa Oracle Arena sa Bay Area. Abanse ng 67-64 sa halftime, tinapakan ng Warriors ang pedal sa ikatlong kanto upang magtayo ng mala-king 102-88 kalamangan papasok sa ikahuling quarter. Umabot hanggang 111-89 ang ... Read More »

Salvador bagong puwersa ng Flying V

NAGBABALIK sa basketball ang dating manlalaro sa PBA na si Jondan Salvador at sa pagkakataong ito ay para tulungan ang Flying V Thunder  sa  kanilang  kampanya sa PBA D-League Foundation Cup. Matagal na naglaro si Salvador para sa Purefoods Chunkee Giants sa PBA mula 2005 kung kailan napili siya bilang 4th overall pick hanggang 2011. Naglaro rin siya para sa ... Read More »

Hawkeyes nakaresbak sa PBA D-League (Thunder dumalawang sunod)

BININGI ng Flying V Thunder ang Gamboa Coffee Mix Lovers, 119-105 upang iposte ang kanilang ikalawang su-nod na panalo habang nakabalikwas ang Cignal Hawkeyes mula sa unang talo sa pagbaon nila sa Zark’s Jawbreakers, 107-69 sa pagpapatuloy ng PBA D-League Foundation Cup Ynares Sports Arena sa Pasig City kahapon. Sinundan ni Jeron Teng ang kanyang pagputok sa 33 puntos kontra ... Read More »

Pacquiao nasa GenSan na para sa pagsasanay

NASA General Santos City na si Manny Pacquiao kasama ang kanyang kampo upang doon ipagpatuloy ang pagsa-sanay para sa laban niya kontra Jeff Horn  sa  2 Hulyo. Lumipad sila patu-ngong timog ng bansa kahapon ng u-maga  sa  kabila ng ipinatutupad na Batas Militar sa buong kapuluan ng Min-danao para sa mas puspusan at pribadong pagsasanay. Nag-ensayo si Pacman sa Elorde ... Read More »

Sports broadcasting legend Velez pumanaw na

ISANG alamat ang pumanaw na itinuturing na haligi sa mundo ng Philippine Sports. Ang Philippine sports broadcasting legend na si Carlos “Bobong” Velez ay pumanaw kamakalawa ng gabi. Si Velez, 71-anyos, ang nagtayo ng Vintage Enterprises — ang naging tahanan ng Philippine Basketball Association sa loob ng dalawang dekada. Kasama ang kapatid na si Ricky, binuo ang sports broadcasting network ... Read More »

Cavs reresbak, Warriors lalayo sa 2-0

TATANGKAING bumalikwas ng Cleveland Cavaliers habang susubukang lumayo ng Golden State Warrior sa kanilang muling harapan sa Game 2 ng best-of-7 NBA Finals ngayon sa Oracle Arena sa Bay Area. Ibinaon ng Warrios ang Cavs sa Game 1 para sa kanilang ika-13 sunod na panalo sa playoffs. Buhat nang magsimula ang post-season, hindi pa nadudungisan ang Warriors. Muli silang sasandal ... Read More »

Ikatlong yugto ng Cavs-Warriors sisiklab ngayon

MATAPOS ang isang linggong paghihintay ng basketball fans sa buong mundo, sa wakas ay masasaksihan na ang pinaka-inaabangang trilogy ng salpukang Golden State Warriors at Cleveland Cavaliers. Magpapang-abot ngayon, sa ganap na 9:00 am (Manila time) ang dalawang koponan para sa Game 1 ng 2016-2017 Finals sa bahay ng Warrior sa Oracle Arena sa Bay Area. Ito ang kauna-unahang pagkakataon ... Read More »

Akhuetie sabik nang makalaro para sa UP

NANG itarak ni Paul Desiderio ang nagliliyab na tres sa panalo ng UP kontra FEU sa Filoil Flying V Preseason Premier Cup kamakalawa, ‘di magkamayaw ang talon at nakabibingi ang sigaw ng bagong Fighting Maroon na si Bright Akhuetie mula sa kanyang kinauupan sa likod ng kanilang bench. Nanalo ang Fighting Maroons, 71-68 para ibigay sa Tamaraws ang kanilang unang ... Read More »

Tamaraws dinungisan ng Maroons

GINUHITAN ng UP Fighting Maroons ang dati’y malinis na kartada ng FEU Tamaraws nang manggulat sila sa 71-68 panalo kamakalawa sa Filoil Flying V Pre-season Premier Cup sa San Juan City. Inakyat ng UP ang 10 puntos na pagkakatambak sa huling mga minuto upang itarak sa FEU ang una nitong talo sa torneo. Tinablahan ng Fighitng Maroons ang kanilang biktima  ... Read More »

Federer kampeon sa Indian Wells, Kerber, #1 ulit

PINALO ni Roger Federer ang kanyang ika-lawang sunod na kampeonato buhat nang hamigin ang Australian Open nitong Enero nang angkinin ang BNP Paribas Open title sa Indian Wells, California kamakalawa. Ginapi niya ang kababayan sa Switzerland na si Stan Wawrinka, 6-4, 7-5 upang kolektahin ang kanyang ikalimang titulo sa natu-rang torneo at maging pinakamatandang kam-peon sa Indian Wells sa edad ... Read More »

PacMan, tila bilasang isda na inilalako ni Arum (Wala na nga bang patol?)

NITONG nagdaang dekada, tila paborito ng bayan kung pilahan ang putaheng may sahog ni Manny “Pacman” Pacquiao. Kabi-kabila, kaliwa’t kanan, ano mang isla sa arkipelago ng Filipinas o saan mang sulok ng bilog na mundo, patok na patok, walang palya, swak na swak si Pacman sa panlasang pang-karinderia man o mamahaling restaurant. Sino bang mahihirapang i-market ang Fighter of the ... Read More »

Blue Eaglets humirit ng do-or-die

MAYROON pang bukas para sa Ateneo Blue Eaglets. Ito ay matapos nilang pupugin ang Far Eastern University Baby Tamaraws, 75-56 na may twice-to-beat advantage sa kanilang duwelo sa UAAP Juniors Basketball Final Four sa Filoil Flying V Arena sa San Juan City kahapon. Dahil sa panalo, nakahirit ang Blue Eaglets ng rubber match na nakataya ang isang silya sa UAAP ... Read More »

NBA players of the week: James, naghari sa East; Griffin, West inangkin

PINANGALANANG National Basketball Association (NBA) Players  of the Week sina LeBron James ng Cleveland Cavaliers at Blake Griffin ng Los Angeles Clippers para sa nakalipas na linggo. Kinarga ni James sa kanyang mga numerong 25.5 puntos at 11.3 assists at 5.3 rebounds ang Cavaliers tungo sa 3-1 baraha upang isubi ang parangal na Eastern Conference Player of the Week. Kinatampukan ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved