Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: John Bryan Ulanday (page 5)

Author Archives: John Bryan Ulanday

Feed Subscription

Bryant, angat pa rin kay James (Para kay Jordan)

SA paglipas ng panahon, hindi pa rin nagbabago ang opinyon ng itinuturing na Greatest of All-Time o GOAT na si Michael Jordan tungkol sa debate sa pagitan ng mga sumalo ng kanyang trono at nabansagan ding pinakamalupit na karibalan sa NBA sa pagitan nina LeBron James at Kobe Bryant. Noong 2013, panahon na isa pa lamang ang kampeonato ni James ... Read More »

Cone: Thompson estilong Lonzo Ball

DATI, naikompara ni Barangay Ginebra coach Tim Cone ang kanyang manok na si Scottie Thompson sa noo’y hindi pa MVP na si Russel Westbrook ng Oklahoma City Thunder dahil sa mga pambihirang rehistro ng rebounds bilang guwardiya. Sa pagbabalik ni Greg Slaughter na siyang nagtulak kay Thompson sa natural niyang posisyon at hindi na sumingit sa ilalim para sumikwat ng ... Read More »

Tenorio itinanghal na PBA Player of the Week

MATAPOS pangunahan ang pagsagasa ng Barangay Ginebra sa Globalport kamakalawa, sinungkit ni LA Tenorio ang PBA Press Corps Player of the Week na parangal para sa ikalawang linggo ng 2017 PBA Governors’ Cup. Pumukol ang 33-anyos na ‘Gineral’ ng 29 puntos sahog na ang 5 tres, 5 rebounds at 4 assists sa 124-108 madaling panalo ng Gin Kings kontra Batang ... Read More »

Curry nagpasaring kay James (Kasama ang dating karibal na si Irving)

PATULOY ang aksiyon gayondin ang drama sa NBA kahit nasa pahinga ang lahat ng koponan at mga manlalaro sa offseason. At pinakabago sa mga sahog ng umiinit na kuwento sa NBA ang paggaya ni Stephen Curry sa isang video workout ni LeBron James kamakalawa sa kasal ng dati niyang kakampi sa Golden State na si Harrison Barnes. Normal ang banatan ... Read More »

Gilas ‘di paaawat sa FIBA Asia at SEAG

MAAARING magapi ang Gilas sa darating na mga laban, ngunit hindi kailanman madadaig ang laban na nasa puso ng bawat manlalaro. Iyan ang tiniyak ni Coach Chot Reyes papalapit sa FIBA Asia Cup at Southeast Asian Games sa welcome party at press conference na inihanda ng Chooks-To-Go para sa Gilas Pilipinas kamakalawa sa Marco Polo Hotel sa Ortigas, Pasig City ... Read More »

Cruz, pinarangalan ng Chooks-To-Go ng sportsmanship award

NASAKTAN man nang matindi sa pakikipagbanggaan at pakikipagpalitan ng mukha sa mga karibal sa Asya sa nakalipas na 39th William Jones Cup sa Taiwan, hindi nagpatinag si Carl Bryan Cruz at nanatiling kalmado ang isipan bagamat nag-aalab ang puso. Dahil sa tahimik na pagbalikwas sa mga sakit na natatanggap sa pamamagitan ng pagbuslo ng mga umaapoy na tres bilang sagot, ... Read More »

Yap, tumawid sa 10k puntos

SA kabila ng pagpapalit ng uniporme, parehong ‘Big Game’ James Yap pa rin ang namayani sa pagtawid nito sa 10,000 puntos para sa panibagong kasaysayang naiukit sa 13 taon sa PBA. Kumana si Yap ng 5 puntos upang makaakyat sa prestihiyosong 10,000 point club ng PBA. Ang 35-anyos na si Yap pa lamang ang ika-14 na Pinoy at ika-15 sa ... Read More »

Perlas, nagkasya sa ikapitong puwesto sa FIBA Asia Women’s Cup

NAKAIWAS sa kulelat na puwesto ang Perlas Pilipinas nang talunin ang North Korea, 78-63 upang maisalba ang ikapitong puwesto sa FIBA Asia Women’s Cup sa Bangalore, India kamakalawa. Sa unang pagtapak sa Division A matapos pagreynahan ang Divison B noong 2015, nablanko sa unang limang salang ang Perlas kontra sa mga pinakamalalakas na kababaihan sa Asya bago nakasungkit ng huling ... Read More »

Uichico sa SEAG, Reyes sa FIBA

MAGHAHATI ng trabaho sina Gilas Pilipinas coach Chot Reyes at assistant coach Jong Uichico sa paparating na Southeast Asian Games at FIBA Asia Cup. Dahil magpapang-abot ang SEAG at FIBA Asia sa Agosto, tulad ng mga manlalaro ay mahahati rin ang coaching staff ng Gilas, ayon kay Nelson Beltran ng Philippine Star. Si Coach Uichico ang magiging punong-gabay ng Gilas ... Read More »

Wall, Wizard pa rin

PUMIRMA ng apat na taong supermax extension contract si John Wall para manatili sa Washington Wizards. Tinintahan na ni Wall ang $170M kamakalawa para sa kontratang magsisimula sa 2019 ayon kay Adrian Wojnarowski ng ESPN. Dahil sa pananatili sa Wizards, buo pa rin ang Big 3 na sina Wall, Otto Porter at Bradley Beal na pumang-apat sa Eastern Conference noong ... Read More »

Pierce magreretiro bilang Celtic

  SAAN ka man magpunta, anila, ay babalik ka pa rin kung saan ka nagmula. Matapos ang apat na taong paglilibot sa ibang koponan, balik Boston Celtics si Paul Pierce ngunit hindi upang maglaro pa kundi u-pang mag-retiro na. Nauna nang inihayag ni Pierce noong nakaraang 2016-2017 NBA Season na magreretiro na siya ngunit kinailangan pa ni-yang tapusin ang kontrata ... Read More »

Letran, umiskor ng unang panalo (San Beda, bumalikwas)

  KAAGAD nakabalik sa dating bangis at angas ang San Beda Red Lions nang lapain ang College of St. Benilde Blazers habang nakaiskor sa wakas ng unang panalo ang Letran Knights kontra Emilio Aguinaldo College Generals, 83-80 sa umaatikabong NCAA Season 93 kahapon sa San Juan. Kagagaling sa mapait na pagkatalo kontra Lyceum noong nakaraang linggo, ibinuhos ng Red Lions ... Read More »

Tatlong sunod na panalo para sa Gilas

  RUMEKTA ang Gilas Pilipinas sa ikatlong sunod na panalo matapos idispatsa ang Japan, 100-85 sa umiinit na 39thWilliam Jones Cup kahapon sa Taipei Heping Gymnasium sa Taiwan. Tabla sa 66 papasok ng huling kanto, rumatsada ang Gilas sa pambihirang 34-19 panapos na bomba upang iangat ang kanilang kartada sa 3-1 matapos ang katangi-tanging pagkatalo sa Canada sa unang laban. ... Read More »

PBA players sa Gilas aprub na

MASASAKSIHAN ng buong mundo ang kompleto at kargadong Gilas Pilipinas sa paparating na FIBA Asia Cup. Ito ay matapos pumayag nang tuluyan si Commissioner Chito Narvas at ang Philippine Basketball Association sa pagpapahiram ng mga manlalaro sa pambansang koponan na Gilas Pilipinas para solidong makasagupa sa mga karibal sa Asya. Inianunsiyo ng PBA kahapon ang magandang balita ng kanilang buong ... Read More »

NBA free agency gumulong na

SANDAMAKMAK agad ang naging paggalaw ng mga manlalaro at koponan sa pagsisimula ng opisyal na free agency season ng NBA kung kailan ang koponan ay may pagkakataong manligaw ng mga manlalarong paso na ang kontrata. Mapapanatili ng kampeon na Golden State Warriors ang mga beteranong si Andre Iguodala, Shaun Livingston at David West. Pumirma ng tatlong taon si Livingston para ... Read More »

Ancajas tagumpay sa IBF title defense sa Pacquiao-Horn undercard

PINATUMBA ni Filipino protégé Jerwin Ancajas si Teiru Kinoshita ng Japan sa ikapitong round upang tagumpay na maidepensa ang kanyang IBF super flyweight belt sa undercard ng Battle of Brisbane sa pagitan ni Manny Pacquiao at Jeff Horn sa Suncorp Stadium sa Australia kahapon. Panay bodega ang banat ng 26-anyos na si Ancajas sa karibal na Hapon na nagpasuko rito. ... Read More »

Pacquiao ‘tinoro’ ni Horn (Aussie nakasikwat ng kampeonato)

ITINAKAS ng hometown hero na si Jeff Horn ang kontrobersiyal na unanimous decision win kontra Manny Pacquiao upang tanghaling bagong kampeon ng WBO Welterweight kahapon sa Battle of Brisbane sa Suncorp Stadium, Australia. Iniskor ng tatlong hukom na sina Waleska Roldan, Chris Flores at Ramon Cerdan ang laban sa 117-111, 115-113 at 115-13 na pumabor lahat kay Horn. Nagpalitan ng ... Read More »

Pacquiao ‘tinoro’ ni Horn (Aussie nakasikwat ng kampeonato)

ITINAKAS ng hometown hero na si Jeff Horn ang kontrobersiyal na unanimous decision win kontra Manny Pacquiao upang tanghaling bagong kampeon ng WBO Welterweight kahapon sa Battle of Brisbane sa Suncorp Stadium, Australia. Iniskor ng tatlong hukom na sina Waleska Roldan, Chris Flores at Ramon Cerdan ang laban sa 117-111, 115-113 at 115-13 na pumabor lahat kay Horn. Nagpalitan ng ... Read More »

Pacquiao bukas sa rematch kontra Mayweather

KUNG mabibigyan ng ikalawang pagkakataon, hindi aniya mag-aautubili si Manny Pacquiao na sagupain muli sa ibabaw ng lona ang karibal na si Floyd Mayweather Jr. Ito ang inihayag ng Pambansang Kamao sa  Yahoo Sports sa ginanap na press conference sa Australia para sa WBO welterweight na sagupaan nila sa 2 Hulyo na binansagang Battle of Brisbane. Ngunit ito ay kung ... Read More »

Paras, Parks at Ravena babandera sa Gilas sa SEAG

PANGUNGUNAHAN ng mga bata ngunit palabang manlalaro na sina Kobe Paras, Kiefer Ravena at Rayray Parks Jr., ang Pambansang Koponan na Gilas Pilipinas sa paparating na Southeast Asian Games sa 19-30 Agosto sa Kualu Lumpur, Malaysia. Ito ang anunsiyo kahapon ni Gilas coach Chot Reyes sa kanyang twitter account na @coachot. Makakasama nila ang mga kadete ng Gilas na ngayon ... Read More »

Red Robins, kampeon sa Filoil Juniors

MATAPOS pagharian ang NCAA Juniors Season 92 noong nakaraang taon, sinunod kobrahin ng Mapua-Malayan Red Robins ang Filoil Flying V Pre-season Premier Cup kahapon sa San Juan. Naiiwan sa 62-59 papasok ng huling kanto, nagpakawala ang Red Robins ng 30-20 panapos na bomba para pabagsakin ang Ateneo Blue Eaglets, 89-82 sa high school Finals ng premyadong pre-season tournament ng bansa. ... Read More »

Paul at Griffin susubok sa free agency

HINDI na tatapusin nina Chris Paul at Blake Griffin ang huling taon ng kanilang kontrata sa Los Angeles Clippers para subukan ang free agency sa NBA off season na magsisimula sa 1 Hulyo. Dahil sa opt out sa kanilang huling taon, maaaring mamili sina Gritfin af Paul ng mga koponang liligaw sa kanila bilang unrestricted free agents kapag nagsimula ang ... Read More »

Pogoy pinag-multa ng P30,000

TUMATAGINTING na P30,000 ang ipinataw na multa kay TNT rookie Roger Pogoy dahil sa insidente kontra Arwind Santos sa Game 2 noong PBA Commisioner’s Cup Finals. Sa  ikatlong kanto ng laro na-nalo ang San Miguel, 102-88 nagkarigian si  Pogoy at Santos sa rebound na nagresulta sa pagtama ni Pogoy sa maselang bahagi ng katawan ni Santos. Kaagad itong ikinainit ng ... Read More »

George gustong maging Laker sa 2018

MAPAPASO ang kontrata ni Indiana superstar Paul George sa 2018, ngunit ngayon pa lang ay napaulat na ipinagpaalam niya sa Pacers management ang kanyang napipintong paglipat sa Los Angeles Lakers. Hindi na pipirma ng bagong kontata si George at tatapusin na lamang ang paparating na 2017-2018 NBA season sa India-na Pacers bago rumekta papuntang California upang matupad ang pangarap na ... Read More »

Castro player of the week

DAHIL sa pamamayani sa Game 4 panalo at pagbuhat sa TNT tungo sa PBA Commissioner’s Cup Finals, pinarangalan si KaTropa Jayson Castro bilang Player of the Week para sa 13-18 Hunyo. Pumupog si Castro ng halimaw na 38 puntos, 11 assists at 7 rebounds upang pa-ngunahan ang TNT sa 122-109 panalo kontra Barangay Ginebra Gin Kings noong nakaraang Sabado at ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved