Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: John Bryan Ulanday

Author Archives: John Bryan Ulanday

Feed Subscription

Wade, isang taon pa sa Miami

Dwyane Wade

HULING ratsada na ng alamat na si Dwyane Wade sa National Basketball Association matapos ianunsiyo na babalik siya sa Miami Heat ngayong taon bago isabit nang tuluyan ang kanyang #3 jersey. Apat na buwan pinag-isipan ng 36-anyos na si Wade kung magreretiro na ba siya bago humantong sa desisyong bigyan pa ng isa at huling pagkakataon ang kanyang karera sa ... Read More »

Mayweather-Pacquiao rematch umuugong

POSIBLENG magtapat muli sa ibabaw ng lona sa ikalawang pagkakataon ang mahigpit na magkaribal na sina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. Ito ay ayon kay Mayweather mismo na hinamon si Pacquiao sa isang rematch sa darating na Disyembre matapos ang kanilang personal na pagkikita sa Tokyo, Japan kamakalawa. “I’m coming to fight Manny Pacquiao this year, another 9-figure pay ... Read More »

Romeo, Wright, pinagmulta ng PBA

Terrence Romeo RaShawn McCarthy

PINATAWAN ng malaking multa sina Terrence Romeo ng Talk ‘N Text at Akeem Wright ng Columbian Dyip mula sa Philippine Basketball Association (PBA) kasunod ng kanilang hindi katanggap-tanggap na asal at kilos noong nakaraang linggo sa 2018 Governors’ Cup. Kabuuang P22,600 multa ang ipinataw kay Romeo matapos ang rebyu ng naging gitgitan nila ni RaShawn McCar­thy noong Linggo ng gabi ... Read More »

Slaughter tiwalang maaaprobahan ng FIBA (Dokumentong kailangan naipasa na)

JuneMar Fajardo Greg Slaughter

NAIPASA na ni Filipino-American Greg Slaughter ang mga kinakailangang doku­mento sa International Basket­ball Federation (FIBA) na mag­pa­patunay ng kanyang eligi­bility bilang isang lokal na manlalaro. At ngayon, tanging ang maghintay na lamang ang kanyang magagawa na sana ay ituring ng FIBA ang mga dokumento bilang sapat na patunay upang matulungan na niya ang pambansang koponan, pitong taon matapos huling maglaro ... Read More »

Guiao alanganin pa sa NT head coaching job

Yeng Guiao

PAGTAKBO sa Kongreso o pagtanggap ng posisyon bilang permanenteng head coach ng national team? Iyan ngayon ang mabigat na desisyong kailangang pagpilian ni Guiao sa oras na pormal na mabigyan ng alok ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na manatili sa pambansang kopo­nan. Sa ngayon, pansamantala pa lang ang posisyon ni Guiao bilang kapalit ng orihinal na punong-gabay na si ... Read More »

Amnestiya nagka-amnesiya?

IDINEKLARA ng Malacañang na walang bisa mga ‘igan ang ibinigay na amnesty kay Sen. Antonio Trillanes IV. Aba’y hindi malayong balik-bartolina itong si Mang Antonio kapag nagkataon! Mantakin ninyo?! Kahit nga ayon kay Director Andolong, mayroon namang application form si Mang Antonio. Ang problema’y hindi ito makita at mukhang nawawala, sus! Ganoon pa man, ang ‘detention facility’ sa Camp Aguinaldo’y ... Read More »

Ria, kinikilig kina Kathryn at Daniel

Kathniel Daniel Padilla Kathryn Bernardo Ria Atayde

ISANG katuparan sa pangarap ni Ria Atayde na makatrabaho ang blockbuster director na si Cathy Garcia Molina, at ito’y sa pamamagitan ng The Hows Of Us na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Role ng isang kunsintidorang bestfriend ni Kathryn ang karakter ni Ria na nag-enjoy katrabaho ang KathNiel dahil professional at mabait  bukod pa sa kinikilig siya kapag ... Read More »

Kambal na Ginto, pinalo sa tagumpay ng PH Women’s Golf

yuka saso Bianca Isabel Pagdanganan gold medal golf asian games

KAMBAL na gintong me­dalya ang pinalo ng Filipinas matapos mag-reyna kahapon sa women’s team at women’s individual event ng umiinit na 18th Asian Games sa Jakarta, Indonesia. Naghahabol pa sa nangu­ngunang si Liu Wenbo ng China papasok sa ika-18 at huling hole, nagsalpak ng pambihirang eagle si Yuka Saso upang alpasan ang karibal na Chinese tungo sa gintong medalya ng golf ... Read More »

Magkaribal muling magtatagpo: Gilas-Korea laglagan sa QF ng Asiad

jordan clarkson gilas Ricardo Ratliffe Jeon Jun-Beom korea

WALA na marahil mas makasaysayang rivalry sa Asian basketball kaysa alamat ng Filipinas at South Korea. At ngayong araw ay magka­karoon ng bagong kabanata ang naturang rival­ry sa muling paghaharap ng dalawang kopo­nan sa kru­syal na quarterfinals ng idi­naraos na 18th Asian Games sa GBK Hall sa Jakarta, Indonesia. Nakatakda ang sagupaan sa 11:00 ng umaga kung kailan hahangad ang Fili­pinas ... Read More »

Mente pumanaw na, PBA nakisimpatya

NAWALAN na naman ng isang alamat ang Philippine Basketball Association sa pagpanaw ng dating slam dunk champion na si Joey Mente kamakalawa bunsod ng pagkatalo sa kanyang laban kontra kanser. Sumasailalim pa sa chemo­therapy para sa kanyang pag­galing, binawian ang 42-anyos na si Mente ng buhay kamaka­lawa sa kanyang tahanan sa Capul Island, Northern Samar at ngayon ay doon din ... Read More »

Alaska bagong simula nang wala si ‘The Beast’

BUBUKSAN ng Alaska Aces ang bagong yugto sa kasay­sayan ng prangkisa nito nang wala na ang dating star player na si Calvin Abueva sa pakiki­pagtuos kontra sa Meralco sa pagpapatuloy ng 2018 PBA Governors’ Cup sa Mall of Asia Arena ngayon. Nakatakda ang sagupaan sa 7:00 ng gabi na tatangkain ng Aces na masungkit ang unang panalo kontra sa Bolts ... Read More »

Clarkson, tuloy na: Gilas kontra Kazakhstan sa Asiad opener

TULOY na tuloy na ang paglalaro ng Filipino-American sensation na si Jordan Clarkson para sa Gilas Pilipinas matapos basbasan ng National Basket­ball Association (NBA) kahapon. Matatandaan noong naka­raang Linggo ay inianunsiyo ng NBA ang hindi pagpayag kay Clarkson na maglaro para sa Filipinas sa Asiad dahil hindi kasama sa kasunduan sa ilalim ng mga FIBA-sanctioned inter­national tournament lamang maaaring makapaglaro ... Read More »

Clarkson, ‘di pinayagan ng NBA:: Gilas lumipad na pa-Jakarta

LUMIPAD na ang pam­bansang koponan na Gilas Pilipinas patungong Jakarta, Indonesia kahapon para sa 18th Asian Games nang hindi kasama ang pambatong si Jordan Clarkson. Hindi pinayagan ng National Basketball Asso­ciation (NBA) ang guwardiya ng Cleveland Cavaliers na makapaglaro para sa Filipinas sa Asian quadren­nial meet na nakatakda mula 18 Agosto hanggang 2 Setyembre. “The NBA’s agreement stipulates that NBA players ... Read More »

Beermen, pinaalis sa trono: Gin Kings hari ulit ng Commissioners’s Cup

MAKALIPAS ang 21 taon ay hari na ulit, sa wakas, ng PBA Commissioner’s Cup ang Barangay Ginebra. Ito ay matapos sibakin ng Gin Kings ang nagdedede­pensang kampeon na San Miguel Beermen sa Game 6, 93-77, para sa kampeonato ng 2018 PBA Commissioner’s Cup sa harap ng 20,490 fans sa Mall of Asia Arena, Pasay City kama­kalawa. Naiiwan pa sa 35-38 ... Read More »

Thompson itinanghal na Finals MVP

PINARANGALAN si Scottie Thompson bilang Most Valuable Player ng 2018 PBA Commissioner’s Finals. Ito ay matapos mamayani sa six-game series victory ng Barangay Ginebra kontra sa dating kampeon na San Miguel na nasaksihan ng 20,490 fans sa Mall of Asia Arena sa Pasay City kamakalawa. Hindi ito inakala ni Thompson lalo’t ang tanging nais niya simula’t sapol ay matulungan ang ... Read More »

Beer o gin?: Palakasan ng tama sa game 1

HIGANTENG banggaan ang sisiklab ngayon sa pagitan ng magkapatid ngunit mapait na magkaribal na San Miguel at Barangay Ginebra sa pagsi­simula ng Game 1 ng 2018 PBA Commissioner’s Cup Finals sa Smart Araneta Coliseum. Palakasan ng tama ang magiging tema ng sagupaan sa pagitan ng defending champion na Beermen at people’s champ­ion na Gin Kings sa 7:00ng gabi na ang mananalo ... Read More »

Matthysse, pinaluhod sa 7th round: Pacquiao kampeon na naman

READ: Kongresista natuwa sa panalo ni Pacman READ: Panalo ni Pacquiao tagumpay ng sambayanan — Duterte HINDI pa tapos ang alamat ni Manny “Pacman” Pacquiao.  Iyan ang pinatunayan ng ‘Pambansang Kamao’ matapos patumbahin sa Round 7 ang katung­galing si Lucas Matthysse ng Argentina upang iuwi ang WBA Welterweight champion sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia kahapon. Sabik na makasukbit ... Read More »

Phelps, Balkman, 1-2 sa best import: Manuel, numero uno sa BPC race

SINIKWAT ni Vic Manuel ang unahan ng dikit na karera tungo sa Best Player of the Conference (BPC) award pagkatapos ng 11-larong eliminasyon sa 2018 PBA Commissioner’s Cup. Bunsod ng dominanteng rehistro na 24.18 puntos, 6.27 rebounds, 1.00 assist, 0.82 steal at 0.64 block, nakaipon ang 6’4 na si Manuel ng 37.2 statistical points (SPs) para sa numero unong puwesto. ... Read More »

Batang Gilas swak sa ika-13 puwesto

BLANKO man sa unang limang salang, nagtapos pa rin nang makinang ang Batang Gilas matapos tambakan ang New Zealand, 73-51 upang maiuwi ang disenteng ika-13 puwesto sa katatapos na 2018 FIBA Under-17 World Cup sa Technological University Stadium sa Sta. Fe, Argentina. Ginulantang ng RP youth team ang Oceania powerhouse na New Zealand sa unang half pa lang nang makapagtayo ... Read More »

Rike, maglalaro sa UAAP

Mula sa National Col­legiate Athletic Association (NCAA) sa Amerika tungo sa University Athletic Asso­ciation of the Philippines (UAAP) dito sa Filipinas. Iyan ang naging paglalak­bay ng Filipino-American na si Troy Rike sa ilang buwan na pananatili sa bansa matapos kompirmahin ang napipinto niyang paglalaro sa National University sa paparating na Season 81 ng UAAP. “Yes I confirmed it 100%,” anang 22-anyos ... Read More »

Batang Gilas nanalo rin

SINILAT ng Batang Gilas ang paboritong Egypt, 70-79 para sa una nitong panalo kahapon sa 13th-16th classi­fication match ng 2018 FIBA Under-17 World Cup sa Techonological University Stadium sa Sta. Fe, Argentina kahapon ng umaga. Matapos lumamang ng 20 puntos sa unang bahagi, tumirik ang Batang Gilas sa dulo ngunit buenas na nasa panig nila ang orasan upang maka-eskapo pa rin ... Read More »

Para sa liderato ng Group B: Gilas kontra Australia ngayon

NAGAWA ng Japan na talunin ang bigating Austra­lia noong nakaraang Biyer­nes. At iyon ang nais sundan ng Gilas Pilipinas ngayon sa krusyal nilang sagupaan ng Australia para sa liderato ng Group B sa pagtatapos ng third window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan. Tabla ngayon sa tuktok ng Group B hawak ang parehong ... Read More »

Warriors deretso sa 3-0 bentaha kontra Cavs (Durantula, ‘di naawat)

ABOT-KAMAY na ng Golden State Warriors ang ikalawang sunod na kampeonato sa National Basketball Association gayondin sa asam na dinastiya ng liga matapos pangunahan ni Kevin Durant ang malaking 110-102 road win sa bahay mismo ng Cleveland Cavaliers sa Game 3 upang magposte ng 3-0 abante sa best-of-7 Finals series kahapon sa Quicken Loans Arena sa Cleveland, Ohio. Matapos mabaon ... Read More »

Standhardinger maaaring ‘di makalaro sa 3×3 World Cup

“THERE’S no guarantee.” Iyan ang pahayag ng San Miguel prized rookie na si Christian Standhardinger nang tanungin kung makalalaro ba siya para sa Gilas Pilipinas sa nalalapit na 2018 FIBA 3×3 World Cup na magsisimula bukas sa Philippine Arena. Kasalukuyang nagpapagaling ang 6’8 na si Standhardinger sa kanyang swollen knee injury na naging dahilan ng hindi niya paglalaro sa nakalipas ... Read More »

Mayweather pinakayamang atleta

SA loob man o labas ng kuwadradong lona ay si Floyd Mayweather Jr., pa rin ang kampeon. Nabansagang “Money” Mayweather, napatunayan iyan ni Mayweather nang tanghaling pinakamayamang atleta ngayon ayon sa Forbes Magazine. Umabot sa $285 milyon ang naging kita ni Mayweather sa 2017 upang manguna sa listahan ng Forbes na ‘highest paid’ athletes. Bunsod nito, dinaig ng boksingero ang ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved