Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Hataw News Team (page 30)

Author Archives: Hataw News Team

Feed Subscription

Holdaper sugatan, 1 pa arestado sa parak

SUGATAN ang isang holdaper makaraang barilin ng humahabol na pulis habang arestado ang isa pang suspek matapos holdapin ang isang babaeng pasahero ng pampasaherong jeep sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw. Si Jasper Siguan, 32, residente sa Basa Compound, Zapote, Las Piñas City, ay tinamaan ng bala ng baril sa kanang kamay makaraang tangkaing barilin ang humahabol na pulis na ... Read More »

Tradisyonal na pahalik sa Nazareno simula na

INIHAYAG ng mga pari mula sa Minor Basilica of the Black Nazarene sa mga deboto na ngayong Biyernes, Enero 8 magsisimula ang tradisyonal na Pahalik. Ito ay dahil may mga debotong maagang pumila sa Quirino Grandstand kahapon sa pagbabakasakaling maagang simulan ang Pahalik sa Nazareno. Iginiit ni Fr. Douglas Badong ng Quiapo Church, dakong 8 am ngayong Biyernes magsisimula ang ... Read More »

12 sugatan sa salpukan ng 2 DLTB sa Quezon

NAGA CITY – Sugatang isinugod sa ospital ang 12 pasahero makaraang magsalpukan ang dalawang bus sa Sariaya, Que-zon, 12:30 a.m. kahapon. Ayon kay PO3 Andrew Radones, imbestigador ng Sariaya Municipal Police Station, naganap ang insidente nang mag-overtake ang bus mula sa Manila sa kapwa DLTB bus mula sa Bicol. Nagkabasag-basag ang mga salamin ng unahang bahagi ng bus habang basag din ... Read More »

25 mangingisda sa Surigao kalaboso sa Indonesia

BUTUAN CITY – Kinompirma ng dalawang barangay chairman ng Surigao City na umabot sa 25 mangingisda ang nakakulong ngayon sa Indonesia dahil sa illegal fishing. Ayon kay Kapitan Josselyn Mantilla ng Brgy. Sabang, 15 sa nasabing bilang ay kanyang constituents habang ang 10 ay taga-Brgy. San Juan base na rin sa pagkompirma ni Brgy. Chairman Monina Caluna. Sa salaysay ni ... Read More »

VP gumasta ng P600-M sa pol ads

SI vice president Jejomar Binay ang pinakamalaking gumasta sa TV commercials o political ads mula Enero 1 hanggang Nobyembre 30 ng taong 2015. Ayon sa monitoring ng media research firm na Nielsen Philippines, gumastos ng P595,710,000 milyon ang kampo ni Binay para sa pag-ere ng mga political ads sa iba’t ibang estasyon sa telebisyon.  Kinuwestyon ng tagapagsalita ni Daang Matuwid ... Read More »

Doble dadalo sa traslacion ng Itim na Nazareno

INAASAHANG dodoble sa bilang noong nakaraang taon ang mga deboto at turista na dadalo sa parada ng Itim na Nazareno dahil nataon ito sa araw ng Sabado. Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) traffic discipline head Crisanto Saruca, napaghandaan na nila ang nasabing bilang dahil magtatalaga na rin ng karagdagang mga personnel ang PNP at AFP para makontrol ang ... Read More »

Tanggal-lisensiya sa abusadong taxi driver

IPINAKAKANSELA na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ni Roger Catipay, ang taxi driver na nag-viral sa social media dahil sa paninigaw at pananakit sa kanyang pasaherong si Joanna Garcia. Ayon sa LTFRB, personal na humarap si Catipay sa kanilang opisina para ipaliwanag ang kanyang panig. Napag-alaman, nagpahatid ang biktima sa ... Read More »

PNoy nagpatawag ng pulong sa tensiyon ng Saudi vs Iran

IPINATAWAG ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang kaukulang ahensiya ng pamahalaan kaugnay sa tensiyon sa Middle East. Magugunitang napaaga rin ang pagbaba ni Pangulong Aquino mula sa Baguio City dahil sa girian ng Iran at Saudi Arabia. Nababahala raw si Pangulong Aquino sa kalagayan ng dalawang milyong Filipino sa Middle East na maaaring maipit sa kaguluhan. Kaya ipinatawag niya ... Read More »

Libreng anti-rabies vaccine ibibigay ng DoH

MAGBIBIGAY ang Department of Health (DoH)  ng libreng bakuna kontra sa nakamamatay na rabies sa animal bite treatment centers sa buong bansa. Ito ay upang palagana-pin pa ang kanilang kampanya at maiwaksi ang rabies na nakukuha mula sa kagat ng mga alagang hayop partikular ng aso at pusa na sanhi ng kamatayan ng higit 220 katao noong 2015. Kinompirma ni ... Read More »

Brownout sa eleksiyon posible — Colmenares

NANGANGANIB na magkaroon ng brownout sa eleksiyon. Inihayag ito ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, base sa pahayag ng Meralco na ang walong power plants sa Luzon na may combined capacity na 4,547.8MW ay may scheduled shutdowns ngayong taon. Bunsod nito, posibleng magkaroon ng manipis na supply ng enerhiya kaya nanganganib na magkaroon ng brownout sa nalalapit na eleksiyon. “The ... Read More »

929 final count sa firecrackers injuries

TALIWAS sa unang pagtaya ng Department of Health (DoH) na bumaba nang mahigit 50 porsyento ang bilang ng mga naputukan ngayong taon, mas malaki pa ang lumabas sa final tally kahapon. Ito ang final report ng kagawaran para sa firecracker at stray bullet cases, kasabay ng pagsalubong sa Bagong Taon. Nagsimula ang pagbibilang noong Disyembre 21, 2015. Sa record ng ... Read More »

School service naipit sa 2 truck, 2 sugatan

SUGATAN ang dalawang estudyante ng St. Theresa’s College sa Quezon City nang maipit ang kanilang school service sa dalawang truck nitong Miyerkoles ng umaga. Papasok sa eskuwelahan ang mga bata nang biglang banggain ng isang trailer truck sa likod ang kanilang school service sa Mindanao Avenue. Kuwento ni Eduardo Danao, service driver, nakahinto sila dahil traffic ngunit bigla silang sinalpok ... Read More »

Call center agent nagnakaw ng baby (Para ‘di iwan ng BF)

CEBU CITY – Inamin na ng suspek sa pagdukot ng sanggol sa ospital sa Cebu ang ginawang krimen. Ayon kay Melissa Londres, call center agent, nagawa niya ang pagnanakaw ng sanggol para hindi siya iwan ng kanyang kasintahan na si Philip Winfred Almiria. Isinalaysay niya na nakunan siya sa kanyang ipinagbubuntis at hindi niya ipinaalam sa kanyang nobyo para hindi ... Read More »

2 paslit patay sa sunog mula sa katol

CAGAYAN DE ORO CITY – Natupok ang katawan ng magpinsang paslit nang hindi makalabas sa nasusunog na bahay sa Purok 9-B, North Poblacion, Maramag, Bukidnon, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga biktimang si Riza Mae Paas, 9, at Angela, 7, residente sa nasabing lugar. Ayon kay PO3 Karen Quijal ng Maramag Police Station, ang naiwang sinindihang katol ang itinuturong dahilan ... Read More »

Investors takot manalo si Binay

NEGATIBO sa foreign investors kung sakaling manalo sa halalan si Vice President Jejomar Binay, ayon sa  Economist Intelligence Unit (EIU). Ang EIU ay grupo para sa research and analysis ng Economist Group, ang naglalathala ng The Economist, isang batikan at respetadong magasin sa Asia. Sa pag-aanalisa na tinawag nilang “Asia in 2016: Elections” na lumabas noong isang linggo, sinabi ng ... Read More »

Comelec humirit sa SC ng extension sa kaso ni Poe

HUMIRIT ang Commission on Elections sa Korte Suprema ng karagdagang panahon para tumugon sa dalawang petitions na inihain ni Sen. Grace Poe kaugnay ng kinakaharap niyang disqualification case sa 2016 presidential elections. Ito ay makaraang maghain ng manifestation ang Solicitor General sa Korte Suprema na nagsasabing hindi nila maaring katawanin ang Comelec dahil kinakatawan na nila ang Senate Electoral Tribunal ... Read More »

Blackout sa eleksiyon sa Mindanao posible

MAAARING magkaroon nang malawakang blackout sa Mindanao sa panahon ng 2016 elections. Ito ang babala ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa harap ng sunod-sunod na pagpapasabog ng mga rebelde sa towers ng NGCP sa Mindanao. Sinabi ni Cynthia Alabanza, Spokesperson ng NGCP, umabot sa 15 tore ang pinasabog ng mga armadong grupo nitong nakaraang taon. Ang reserbang ... Read More »

Protesta ng PH vs China sa test flight tuloy — DFA

TINIYAK ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tuloy ang kanilang protesta laban sa China kaugnay ng test flight na ginawa ng Beijing sa artificial airstrip sa West Philippine Sea. Magugunitang, mismong ang China ang nagkompirma na nakompleto na ng Beijing ang construction ng airfield sa Fiery Cross Reef at nagsagawa na sila ng flight testing para sa civil aviation ... Read More »

‘Boy Sagasa’

TAPOS na ang 2015… Pero hanggang ngayon ay wala pa tayong nakikita ni anino ng LRT 1 Extension project na magdudugtong umano sa Baclaran at sa Bacoor, Cavite. Sa kanyang campaign sortie noong 2013 sa Cavite, ipinamaglaki ni PNoy na mase-serbisyohan ng nasabing proyekto ang 250,000 pasahero sa pagtatapos ng 2015. At ipinagmalaki niyang siya ay may pa-labre de honor. “Turo ... Read More »

Militante nag-rally sa SSS, pension hike inihirit

NAGKILOS-PROTESTA sa punong tanggapan ng Social Security System (SSS) sa Quezon City ang ilang militante, nitong Martes ng umaga. Sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno at Bayan Muna, ipinanawagan ng mga militante na pirmahan na ni Pangulong Benigno Aquino III ang P2,000 across the board SSS pension hike. Pasado na sa Kongreso ang naturang panukala noong Hunyo. Ipinasa na rin ... Read More »

Dalagita na-gang rape sa likod ng school (Nagtapon ng basura)

GENERAL SANTOS CITY – Hinahanap na ng mga awtoridad ang tatlong lalaking gumahasa sa isang dalagita sa Glan, Sarangani Province. Ayon sa report ng Glan PNP, ang tatlong mga suspek ay sakay ng motorsiklo. Base sa impormasyon ng pulisya, habang nagtatapon ng basura ang biktima nang madaanan ng mga suspek na lulan ng motorsiklo. Huminto ang motorsiklo at hiningi ng ... Read More »

Replica ng Poong Nazareno ipuprusisyon (Ilang kalye isasara)

ISASARA ang ilang kalye sa Maynila para sa prusisyon ng mga replika ng Poong Nazareno sa Enero 7. Sa abisong inilabas ng Manila Police District Traffic Enforcement Unit (MPD-TEU), magsisimula ang prusisyon sa Plaza Miranda, babagtasin nito ang Villalobos St., kakaliwa sa Quezon Blvd., kakanan sa C.M. Recto, kakanan sa Loyola St., kakaliwa sa Guzman St., kakanan sa R. Hidalgo ... Read More »

Ampon na 9-anyos nagbigti (Binantaang isasauli sa magulang)

ILOILO CITY – Nagbigti ang isang 9-anyos batang lalaki makaraang bantaan ng ginang na umampon sa kanya na ibabalik sa kanyang tunay na mga magulang makaraang nakawin ang cellphone ng kanilang kapitbahay kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Joseph Jimenez, Grade 3 pupil sa Dacutan Elementary School, Dacutan, Dumangas, Iloilo, natagpuang nakabigti sa labas ng comfort room ng kanilang bahay. Sa ... Read More »

Tserman patay, asawang principal sugatan sa ambush (Sa Cotabato)

PIKIT, NORTH COTABATO – Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang barangay chairman nang tambangan ng riding-in-tandem suspects sa probinsya ng Cotabato kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Pecson Alang Mangansakan, Brgy. Chairman ng Brgy. Silik Pikit North Cotabato, tiyuhin ni Pikit Vice-Mayor Don Mangansakan. Habang nadaplisan ng bala sa katawan ang maybahay niyang si Marela Mangansakan, principal ng ... Read More »

7 sugatan sa karambola ng 6 sasakyan

PITO ang sugatan sa karambola ng anim na sasakyan sa northbound lane ng EDSA Guadalupe, nitong Martes ng umaga. Sangkot sa karambola ang dalawang bus, isang taxi, at tatlong jeep. Sa paunang imbestigasyon, nawalan ng preno ang isang bus ng Roval Transport na biyaheng Muntinlupa-Valenzuela. Dahil dito, sumalpok ito sa jeep na nasa unahan. Bumangga ang jeep sa isa pang ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved