Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Hataw News Team (page 20)

Author Archives: Hataw News Team

Feed Subscription

Pambansang seminar sa pagtuturo ng panitikang gender-based

Magdaraos ng Pambansang Seminar sa Pagtuturo ng Panitikang Gender-Based sa dalawang lugar ang Komisyon sa Wikang Filipino sa paki-kipagtulungan sa Jose Rizal Memorial State University at La Consolacion College-Bacolod. Gaganapin ito sa 13-15 Abril 2016 sa Jose Rizal Memorial State University, Lungsod Da-pitan, Zamboanga Del Norte at 18-20 Mayo 2016 sa La Consolacion College, Lungsod Bacolod, Negros Occidental. Layunin ng ... Read More »

Bakuna vs dengue itutuloy ng DOH (Kahit walang WHO recommendation)

BAGAMA’T walang rekomendasyon mula sa World Health Organization (WHO), tuloy na simula sa Lunes ang pagbibigay ng libreng bakuna ng gobyerno sa mga estudyante ng pampublikong paaralan laban sa sakit na dengue . Tiniyak ni Dr. Rose Capeding, pinuno ng Department of Microbiology sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM), ligtas ang mga bakunang Dengvaxia. Unang makatatanggap ng libreng bakuna ang hindi ... Read More »

Mag-iina minasaker sa South Cotabato

KORONADAL CITY – Nakahandusay at wala nang buhay ang tatlong miyembro ng pamilya Recomite sa Prk. Ubas, Bo. 5, Banga, South Cotabato makaraan pagsasaksakin ng hindi pa nakikilalang mga suspek kahapon ng umaga. Ayon kay Barangay Kapitan Amado Villacanas ng Bo. 5,  duguang natagpuan ang magkapatid na sina Edward alyas Wating at Metchie gayondin ang kanilang ina na si Cresencia “Cresing” ... Read More »

Blackout-free election drill isinagawa

NAGSAGAWA ng table-top blackout drill ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at energy stakeholders upang matiyak na may maayos na serbisyo ng koryente sa araw ng halalan sa Mayo 9, 2016. Sa naturang event, dumalo ang mga opisyal ng GCPs System Operations group, Department of Energy (DoE), TransCo, Distribution Management Committee (DMC), NPC at key power generation companies. ... Read More »

Comelec ‘Knockout’ sa Pacman fight

IPINASYA ng Comelec na huwag nang pakialaman ang magiging laban ni Filipino boxing superstar Manny Pacquiao kay Timothy Bradley sa Abril 9 (Abril 10 sa Filipinas), na magaganap sa MGM Grand, Las Vegas, Nevada. Ito’y kahit kandidato si Pacman sa pagka-senador at may mga umiiral na patakaran ukol sa airtime limits ng bawat kalahok sa halalan. Ayon kay Comelec Chairman ... Read More »

NBI pasok vs hackers ng Comelec website

NAISUMITE na sa National Bureau of Investigation (NBI) ang report ng Commission on Elections (Comelec) hinggil sa nangyaring pag-hack sa kanilang official website nitong nakaraang weekend. Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, ipauubaya na nila ang kaso sa NBI Anti-Cybercrime Division para sa matukoy ang mga nasa likod ng insidente. Para kay Jimenez, hindi lang ang parusa sa mga may ... Read More »

$81-M inaasahan ng Bangladesh gov’t na maibabalik pa

UMAASA pa rin ang gobyerno ng Bangladesh na maibabalik sa kanila ang $81 milyon na ninakaw na pondong nakadeposito sa Federal Reserve sa New York na napunta sa Filipinas at isinailalim sa money laundering. Ito ay nang magkaroon na ng development sa imbestigasyon ng Senado at tiniyak ng casino junket operator na si Kim Wong na isasauli niya ang $4.63 milyon, ... Read More »

Pamilya Coloma minasaker sa Cagayan

TUGUEGARAO CITY – Inihahanda na ang kasong multiple murder laban sa lalaki na pumatay sa tatlong miyembro ng isang pamilya sa bayan ng Pamplona, Cagayan kamakalawa.  Kinilala ang biktimang mag-asawa na sina Emilio at Hilaria Coloma at kanilang anak na si Maria Christina. Batay sa imbestigasyon ng PNP Pamplona, sumugod ang suspek na si Ciano Bunag sa bahay ng pamilya ... Read More »

10 Indonesian crew, hawak na ng ASG sa Sulu

ZAMBOANGA CITY – Sinasabing nasa kamay na ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Sulu ang10 Indonesian crew na kamakailan lamang ay napaulat na dinukot habang sakay ng kanilang tugboat sa karagatan ng ZAMBASULTA area. Ayon kay incumbent Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Gov. Mujiv Hataman, base sa nakuha niyang ulat mula kay PRO-ARMM Regional Director, Chief Supt. Ronald Estilles, ... Read More »

Ex-Bukidnon solon et al ipinaaaresto (Sa pork barrel scam)

HAWAK na ng pulisya ang warrant of arrest na inilabas ng Sandiganbayan laban kay dating Bukidnon Rep. Candido Pancrudo Jr. Ito’y makaraan makitaan ng probable cause ang kasong graft at malversation laban sa dating kongresista kaugnay ng pagkakasangkot sa pork barrel fund scam. Hindi na rin maaaring makalabas ng bansa si Pancrudo dahil sa hold departure order. Bukod sa dating ... Read More »

3 bangkay natagpuan sa GenSan

GENERAL SANTOS CITY – Halos magkakasunod lamang nang matagpuan ang bangkay ng tatlong lalaki sa magkakaibang lugar sa lungsod kahapon ng umaga. Ang una ay natagpuan sa Diversion Rd., Brgy Apopong. Ang bangkay ay may tama ng bala ng baril sa ulo. Ang ikalawang bangkay ay natagpuan sa Prk-13, Brgy. Fatima, pinaniniwalaang ang sugat sa mukha ay natusok ng kahoy ... Read More »

10 sugatan sa salpukan ng 2 tricycle sa CamNorte

NAGA CITY – Umabot sa 10 katao ang sugatan sa banggaan ng dalawang tricycle sa Brgy. Batobalani sa Paracale, Camarines Norte kamakalawa. Napag-alaman, habang binabaybay ng tricycle na minamaneho ni Elias David, 61, kasama ang anak niyang si Jennifer David, ang kahabaan ng nasabing kalsada nang mahagip ito ng humaharurot na tricycle na minamaneho naman ni Reynante Ybarola. Dahil sa ... Read More »

Robredo ‘Nabulok’ sa LP — Bello (Nilamon ng sistema)

MATAPOS iendoso ni Pampanga Governor Lilia Pineda ang tambalang pambato ng Liberal Party, hinamon ng independent senatorial candidate na si Walden Bello si Leni Robredo kung maaatim niyang hiwalayan si Mar Roxas at tumiwalag sa maruming politika ng LP na aniya ay nag-etsa-puwera sa mga progresibong kaalyado at binigyang-kiling ang dinastiyang politikal – mapaangat lamang ang tsansa na manalo sa ... Read More »

Archbishops umalma kay Duterte

NAGSALITA na si Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Archbishop Emeritus Oscar Cruz laban sa mga nagiging pahayag ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte tungkol sa kanyang mga pamamaraan ng pamumuno kung sakaling siya ang maging susunod na pangulo. Noong nakaraang debate ng Commission on Elections, sinabi ni Duterte na kailangan, kayang pumatay ng pangulo upang maging epektibong pinuno ng ... Read More »

Gen. Querubin vs Duterte

MAGANDA ang tinuran ni Sen. Grace Poe na sakaling siya ang mananalo bilang pangulo sa darating halalan, si retired Gen. Ariel Querubin ang kanyag pipiliin bilang anti-crime czar. Hindi matatawaran ang kakayahan ni Querubin, at nakatitiyak si Poe na susugpuin nito ang patuloy na pagtaas ng bilang ng krimen partikular ang salot at malaganap na droga sa bansa. Si Querubin ... Read More »

Foreigners sabit sa money laundering — KIM WONG

ISINIWALAT ng negosyanteng si Kam Sin Wong alyas Kim Wong ang personalidad na maaaring nasa likod ng $81-milyon money laundering sa Filipinas, ang perang ninakaw mula sa Bangladesh Central Bank sa New York reserve. Gayonman, todo tanggi siya na may kinalaman siya sa multi-million dollar money laundering. Sa kanyang pagharap sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee, idiniin ni Wong ... Read More »

7 katao kinasuhan ng AMLC (Sa money laundering)

PITO katao na ang nasampahan ng kaso ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) kaugnay ng kontrobersiyal na $81 million money laundering sa bansa. Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni AMLC Executive Director Julia Bacay-Abad, kabilang sa kanilang sinampahan ng kaso sina dating RCBC branch manager Maia Santos-Deguito, negosyanteng si Kim Wong, Weikang Xu at apat na account holders ... Read More »

Ex-army utas sa ambush sa Negros Occ (Mister ng kandidatong konsehal)

BACOLOD CITY – Patay ang isang retiradong sundalo na asawa ng kumakandidatong konsehal, makaraan barilin ng armadong grupo sa Moises Padilla, Negros Occidental kamakalawa. Ang biktima ay kinilalang si Armando Castillo Secuya, 61, residente sa Brgy. Guinpana-an, Moises Padilla. Batay sa impormasyong hawak ni Negros Occidental Police Provincial Office (NOCPPO) director, Senior Supt. William Señoron, nangyari ang insidente sa terminal ... Read More »

Calauan Mayor inambus (Youth leader, 1 pa patay)

LOS BAÑOS, Laguna – Dalawa ang patay kabilang ang isang youth leader na tumatakbong konsehal sa Calauan, Laguna nang tambangan si Calauan Mayor Buenafrido Berris kamakalawa ng hapon. Ayon kay Senior Supt. Ronnie Montejo, Laguna provincial police director, agad dinala sa isang ospital sa San Pablo City ang sugatang si Berris makaraan dakong 5 p.m. sa Brgy. Imok, Calauan. Ngunit ... Read More »

Lim inendoso ni Aquino

SA dalawang pangalan lang dapat ipagkatiwala ng mga Manilenyo ang poder ng lungsod, kina Alfredo Lim at Atong Asilo. Ganito inendoso ni Pangulong Benigno Aquino III ang kandidatura ng tambalang Lim-Asilo na pambato ng Liberal Party sa Maynila sa proclamation rally na ginanap sa Plaza Miranda, Quiapo kagabi. Binigyang-diin ng Pangulo na ang Plaza Miranda ay isang sagradong lugar para ... Read More »

10 taon kulong vs LLDA chief

HINATULAN ng Sandiganbayan ng anim hanggang 10 taon pagkakakulong si Presidential Adviser for Environmental Protection at Laguna Lake Development Authority (LLDA) General Manager Neric Acosta. Ito’y makaraan mapatunayang guilty sa isang kaso ng katiwalian si Acosta kasama ang kanyang ina na si dating Manolo Fortich Mayor Maria Socorro Acosta ng Bukidnon. Nag-ugat ang kaso kaugnay sa sinasabing maanomalyang paggamit sa ... Read More »

 5 nalunod sa beach sa Negros Occ. (Trahedya sa Easter Sunday)

BACOLOD CITY –Lima katao ang nalunod sa isang beach resort sa Hinigaran, Negros Occidental, kasabay ng selebrasyon ng Easter Sunday. Kinilala ni SN2 Jeron Maloto ng Philippine Coast Guard ang mga nalunod na sina Mary Jane Tabligan Desucos, 49, ng Doña Juliana Subd. Lungsod ng Bacolod; Kian Tabligan Betilla at Nica Betilla ng Brgy. Singcang, Bacolod City; Jane Rose Tabligan, ... Read More »

18 patay, 64 sugatan sa Lenten break — NDRRMC

UMABOT sa 18 katao ang bilang ng mga namatay habang 64 ang naitalang sugatan sa kasagsagan nang mahabang bakasyon nitong Semana Sanata. Ayon ito sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management council dakong 6 a.m. kahapon. Natukoy sa kanilang talaan na karamihan sa mga namatay kasabay sa pagdiriwang ng Holy Week ay dahil sa pagkalunod. Habang karamihan sa ... Read More »

Climate change responsibilidad ng lahat

BUNSOD ng kabiguan ng gobyerno na tugunan ng komprehensibong national policy ang hinggil sa posibleng  panganib na maaaring idulot ng climate change, ang mga rehiyon, lalawigan at munisipalidad ay dapat na ring kumilos para mapigilan ang destructive phenomenon, ayon kay Gonzalo Catan, Jr., inventor/businessman, executive vice president ng Mapecon Green Charcoal Philippines. Kailangan nang kumilos, ayon kay Catan, upang mapahupa ... Read More »

TESDA Man inendoso ni Miriam

NANINIWALA si TESDAMAN Joel Villanueva na ang rock star appeal ni presidential candidate Sen. Miriam Defensor-Santiago ay malaking tulong sa kanyang kandidatura upang lalong mapalakas ang kanyang tsansa na manalo sa senatorial elections sa May 9 matapos siyang iendoso ng mambabatas. “Senator Miriam Is no doubt a rock star politician, especially among the youth. The hope is that some of ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved