Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Hataw News Team (page 10)

Author Archives: Hataw News Team

Feed Subscription

4 patay sa salpukan ng bus at tricycle (Sa Iligan City)

CAUAYAN CITY, Isabela – Agad binawian ng buhay ang apat katao makaraan magsalpukan ang isang tricycle at pampasaherong bus sa Brgy. Alibagu, Iligan City kamakalawa. Kinilala ang mga namatay na sina Leonardo Ander, 39; Elmer Ignacio, 29; Marlito Manalo, 39, at Jerome Galasingao, 33, pawang residente ng Ilagan. Batay sa imbestigasyon ng Ilagan PNP, nabangga ng isang Florida bus ang ... Read More »

Newscaster nabiktima ng basag-kotse

NABIKTIMA ng basag-kotse gang ang isang newscaster ng PTV 4 sa tapat ng Agora Public Market sa San Juan City, nitong Linggo. Ipinarada ni Kirby Cristobal ang bagong biling van sa naturang lugar nitong Sabado ng gabi. Nakatanggap siya Linggo ng umaga ng text message mula sa isang parking attendant na sinabing nabasag ang salamin ng kanyang van. Natangay mula ... Read More »

4 sugatan sa bumaliktad na taxi sa Kyusi

APAT ang sugatan makaraan bumaliktad ang isang taxi sa Quezon Avenue southbound sa Quezon City nitong Linggo. Kuwento ng driver na si Noel Malapit, binabaybay niya ang naturang kalsada dakong 3 a.m. nang biglang tumawid ang isang itim na kotse. Galing aniya sa kalapit na bar ang kotse at papunta ng U-turn slot. Bumangga ang taxi sa kotse, sumampa sa ... Read More »

Trabahador napisak sa pison (Sa Agusan del Norte)

BUTUAN CITY – Hindi umabot nang buhay ang isang trabahador makaraan magulungan ng pison habang nagtatrabaho sa national highway sa Ohida Avenue, Cabadbaran City, lalawigan ng Agusan Del Norte kamakalawa. Ayon kay SPO2 Noel Gorinca ng Cabadbaran City Police Station, imbestigador ng kaso, nag-overtime sa pag-aspalto ng nasabing highway ang mga trabahador at nagsisilbing right man ang biktimang si Joel ... Read More »

Werfast, PNP off’ls ipinaaaresto rin ng Sandiganbayan (Sa P100-M courier service scam)

INIUTOS na ng Sandiganbayan ang pag-aresto sa 10 kataong sangkot sa  maanomalyang P100-milyon courier service scam ng Philippine National Police (PNP) sa Werfast Documentation Agency Inc. Kabilang dito ang Werfast owner na si Mario Juan, negosyanteng si Salud Bautista, retired Civil Security Group chief Gil Meneses, dating Firearms and Explosives Office chief Napoleon Estilles, dating Chief Supt. Allan Parreño, Senior ... Read More »

Paslit patay sa rape at bugbog ng stepdad (Sariling anak na sanggol nanigas sa gutom)

PATAY ang isang 3-anyos batang babae makaraan halayin at bugbugin ng kanyang stepdad habang namatay rin ang kapatid na sanggol dahil sa gutom sa Calabanga, Camarines Sur. Naabutan ng mga pulis at social worker ang 5-buwan gulang sanggol na patay na sa tabi ng kanyang inang paralisado na si Catherine Lim sa kanilang bahay. Habang agaw-buhay ang isa pa niyang ... Read More »

Reklamo vs Duterte tuloy — Ombudsman

HINDI iaatras ng Office of the Ombudsman ang imbestigasyon kay president-elect Rodrigo Duterte kaugnay sa inihaing patong-patong na mga reklamo ni Sen. Antonio Trillanes IV. Ayon kay Ombudsman Conhita Carpio-Morales, obligado sila sa kanilang trabaho na imbestigahan ang sino mang opisyal ng pamahalaan na nahaharap sa administrative or criminal complaint. Dahil dito, ipagpapatuloy nila ang pag-imbestiga sa reklamong plunder, graft ... Read More »

Selfie protocol ipatutupad sa supporters ni Digong

LILIMITAHAN na ng PNP ang supporters na gustong magpa-selfie kay president-elect Rodrigo Duterte dahil muntik na siyang matumba. Ayon kay Davao City Police Office spokesperson Chief Inspector Milgrace Driz, magpapatupad na sila ng “selfie protocol” para sa seguridad ni Duterte. Kamakalawa ay muntikang madisgrasya ang Davao mayor dahil sa pagbuhos ng mga gustong mag-selfie sa kanya sa labas ng Matina ... Read More »

Purisima ipinaaaresto ng Sandiganbayan (Sa P100-M delivery contract)

IPINAAARESTO ng Sandiganbayan si dating Philippine National Police (PNP) chief Alan Purisima at iba pa niyang co-accused dahil sa kasong graft. May kaugnayan ito sa pinasok na kontrata noong siya pa ang pinuno ng pambansang pulis-ya, para sa firearm license courier service ng Werfast. Isinampa ni Glenn Gerald Ricafrancia ang kaso sa Ombudsman sa pamamagitan ng abogado ni-yang sina Atty. ... Read More »

6 pulis sinibak sa extortion, 4 pa sangkot sa hulidap

CAMP OLIVAS, Pampanga – Anim na pulis na nakatalaga sa Angeles City ang sinibak makaraan mapatunayan sa pangongotong sa isang US retired Air Force personnel, habang apat pang pulis ang iniimbestigahan dahil sa kasong hulidap sa nabanggit na lungsod. Napag-alaman, agad sinibak ni Chief Supt. Rudy G. Lacadin, Police Regional Office-3 director, ang mga sangkot sa extortion at maaaring ipatapon ... Read More »

Peace talks isasabotahe ng anti-communists (Ayon kay Joma)

NAGBABALA si Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison kaugnay sa pananabotahe ng aniya’y mga ‘rabid anti-Communists’ na humaharang sa kanyang pagbabalik sa Filipinas. Partikular na tinukoy ni Sison sina Sen. Antonio Trillanes at Commission on Human Rights (CHR) chairman Chito Gascon na nagbabanta ng imbestigasyon laban sa sinasabing krimeng nagawa niya. Sinabi ni Sison, alam mismo ... Read More »

Tsap-tsap na bangkay sinunog, itinapon sa sementeryo

NAGA CITY – Palaisipan sa mga awtoridad ang pagkakilanlan ng isang bangkay na pinira-piraso at itinapon sa isang sementeryo sa Brgy. Resureccion, San Fernando, Masbate kamakalawa. Napag-alaman, natagpuan ng caretaker ng nasabing sementeryo ang isang katawan na wala nang ulo, braso at mga paa. Nabatid din na sunog na ang bangkay na itinapon sa nasabing lugar. Sa ngayon, patuloy ang ... Read More »

Ginang ginilitan ng albularyo, dugo sinipsip

NAGA CITY – Kritikal ang kalagayan ng isang matandang babae makaraan gilitan ng albularyo sa iba’t ibang bahagi ng katawan at sinipsip ang kanyang dugo sa Brgy. Cuco, Pasacao, Camarines Sur. Ayon sa anak ng biktima na si Arlene Francisco, araw ng Linggo nang dumating sa kanilang lugar ang albularyong si Eupoldo Traste, 65, para gamutin ang kanyang paralisadong ina ... Read More »

Disqualification case inihain ni Lim vs Erap (Proklamasyon ipinakansela)

HINILING ni dating Manila Mayor Alfredo S. Lim sa Comelec ang pag-disqualify at pagkansela sa proklamasyon kay dating Pangulong Joseph Estrada bilang alkalde ng lungsod. Kabilang sa respondents sa 16-page petition na inihain ni Lim, kasama ang kanyang mga abogadong sina Atty. Renato dela Cruz at Atty. Salvador Moya, sina Estrada at mga miyembro ng city board of canvassers (CBOC) ... Read More »

Obama binati si Duterte

KARANGALAN para kay President-elect Rodrigo Duterte ang makausap si U.S. President Barack Obama. Ayon kay Duterte, si Obama ang pinakaunang head of state na tumawag at bumati sa kanya makaraan ang panalo sa halalan. Sa kanilang pag-uusap, tiniyak ni Duterte kay Obama na mananatiling kaalyado ng Amerika ang Filipinas, partikular sa usapin ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea. Ngunit ... Read More »

Digong bukas sa kritisismo

DAVAO CITY – Bukas sa mga kritisismo si president-elect Rodrigo “Rody” Duterte bilang isang public servant. Ayon sa kanya, ang mga kritisismo, mabuti man o masama, totoo man o hindi, ay bahagi ng ‘territory of governance’ ng publiko. Dagdag ni Duterte, hindi niya pipigilan ang sino mang kritiko kagaya ni Sen. Antonio “Sonny” Trillanes IV, na magpahayag sa kanyang saloobin. ... Read More »

7 sundalo sugatan sa grenade attack sa Jolo

ZAMBOANGA CITY – Sugatan ang pitong kasapi ng Army Scout Ranger makaraan pasabugan ng granada ang sinasakyan nilang military truck sa Marina St., Brgy. Walled City, Jolo sa lalawigan ng Sulu kahapon. Kinilala ang mga sugatan na sina Sgt. Zandro Sambrano, S/Sgt. Ferdinand Bisnar, Cpl. Juanito Taguiam Jr., Cpl. Arth Manatad, Cpl. Arnel Pascual, Cpl. Louis Limmayog at Cpl. Calpasi ... Read More »

2 patay sa kagat, 23 nagka-rabies sa adobong aso

GENERAL SANTOS CITY – Inoobserbahan ng Municipal Health Office ang 23 katao na kumain sa karne ng asong nagpositibo sa rabies. Ayon kay Alabel Municipal Health officer Dr. Renato Fabio, na-expose ang 23 sa prophylaxis rabies. Pinagmulan ng rabies ang aso na kumagat at pumatay kay Kenneth John Kolino, 9, at Mario Moy, 51, mga residente ng Purok Molina, Alegria, ... Read More »

14 patay sa diarrhea outbreak sa Zambo

ZAMBOANGA CITY- Patuloy na tumataas pa rin ang bilang ng mga pasyenteng natatanggap ng mga pagamutan sa Zamboanga City dahil sa diarrhea outbreak na ang severe rotavirus disease pa rin ang lumalabas na pangunahing sanhi ng naturang kumakalat na sakit. Ayon kay Zamboanga City Health Officer Dr. Rodel Agbulos, sa kasalukuyan ay umaabot na sa 14 pasyenteng nakaranas ng diarrhea ... Read More »

Van sumalpok sa kotse 9 bakasyonista sugatan (Sa CamNorte)

NAGA CITY – Sugatan ang siyam katao nang sumalpok sa poste ang sinasakyan nilang van sa Paracale, Camarines Norte kamakalawa. Kinilala ang mga biktimang sina Rengan Balon, 31; Mary Grace Bercasio, 28; Qichin Raval, 28; Melanie Neuda, 27; Mary Ann Publini, 26; Brenda Erika Bolado, 24; Cadigo Andales, 24; Andrea Tolentino, 24, at Mary Ann Balbrono, 24-anyos. Habang binabaybay nang ... Read More »

Droga, armas, gadgets, appliances nakuha sa ika-33 Galugad sa NBP

MULING nakakuha ng 150 gramo ng shabu at iba pang mga kontrabando ang mga tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) sa ika-33 “Oplan Galugad” sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City kahapon. Ayon kay NBP Supt. Richard Schwarzkopf Jr., maaga pa lamang ay ginalugad ng BuCor personnel ang mga selda sa Building 3 at 13 sa quadrant 3 ng ... Read More »

‘Di pinagbigyan ng dyowa sa sex, bouncer nagbigti

KALIBO, AKLAN – Nagbigti ang isang 32-anyos lalaki makaraan hindi pagbigyan ng kanyang live-in partner na sila ay magtalik sa Brgy. Nagusta, Nabas, Aklan kamakalawa. Patay na nang makarating sa Aklan Provincial Hospital ang biktimang si Joseph Baladjay, isang bouncer, at residente ng nasabing lugar. Ayon sa live-in partner ng biktima na si alyas Lara, bago nangyari ang insidente ay ... Read More »

Chief Supt. Dela Rosa, next PNP chief

NALULUGOD si Chief Supt. Ronald Dela Rosa sa pagpili sa kanya ni incoming President Rodrigo Duterte para maging susunod na hepe ng Philippine National Police (PNP). Sinabi ni Del Rosa, kahit maikonsidera pa lang ay malaking bagay na, kaya lalo siyang nagalak nang mabalitaan ang pagtukoy na siya na talaga ang ipapalit kay PNP Chief Ricardo Marquez. Bukod kay Dela ... Read More »

KWF, tumatanggap na ng mga nominasyon para sa Ulirang Guro 2016

ANG Ulirang Guro sa Filipino, isang prestihiyosong gawad sa mga guro na ibinibigay ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), ay tumatanggap na muli ng  mga nominasyon para sa taón 2016. Pagkilala ang gawad sa mga pilî at karapat-dapat na mga guro sa Filipino sa lahat ng antas. Kinakailangang nakapaglingkod nang tatlo (3) o higit pang taon ang lisensiyadong guro at ... Read More »

Kelot ginising, niratrat tigbak

PATAY ang isang construction worker makaraan gisingin at pagbabarilin ng hindi nakilalang lalaki sa Malabon City kamakalawa ng gabi. Agad binawian ng buhay sanhi ng mga tama ng bala ng kalibre .45 baril sa ulo ang biktimang si Elmer Gaspar, 28, ng Purok 6, Hernandez St., Brgy. Catmon. Habang patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang mabatid ang motibo sa ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved