Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Ed de Leon (page 5)

Author Archives: Ed de Leon

Feed Subscription

Lloydie, umalma: binyag ng anak ‘di totoo

BINARA ni John Lloyd Cruz sa pamamagitan ng kanyang social media post ang report ng isang on line newspaper tungkol sa tsismis na pinabinyagan daw sa mismong ospital ang anak nila ni Ellen Adarna. Ang usapan nga, bakit sasabihin ni John Lloyd na bininyagan na ang anak nila ni Ellen eh ni hindi nga nila inaamin na buntis iyon. Iyon namang report na iyon, ... Read More »

Jolo, masaya bilang Emilio Aguinaldo

TUWANG-TUWA si Jolo Revilla na magampanan ang role ni Emilio Aguinaldo. Kasi kinikilala nga nilang bayani si Aguinaldo sa Cavite. Binalak din ng tatay niyang si Bong Revilla na gawin ang biopic ni Aguinaldo. Kaya nga noong ikasal silang dalawa ni Lani Mercado, ganoon ang motif, parang turn of the century bilang paghahanda na rin sa pelikula. Pero hindi rin ... Read More »

Coco-Vic team up at Vice, tiyak ang pagsasalpukan MMFF

MASKI na ang mga nasa screening committee ng MMFF ay nagsabing naniniwala sila na ang unang apat na pelikulang kanilang napili ay komersiyal, ibig sabihin sigurado sila na sa apat lamang na iyan ay kikita na ang kabuuan ng festival, at may maaasahan na ang mga beneficiaries ng festival na iyan. Ewan nga lang namin kung naibigay na ba nila sa mga ... Read More »

Female star, abot-langit ang galit sa malanding film producer

NAKU Tita Maricris, ito ay isang matinding kuwento na talagang totoo. May nakakuwentuhan kaming isang female star, na halos maiyak sa matinding galit habang ikinukuwento ang pangyayari sa kanyang buhay five years ago. Mayroon daw siyang boyfriend na isang executive sa isang learning institution. Talagang nakatakda na silang magpakasal dahil nakuha na rin niya ang annulment mula sa kanyang earlier marriage. Pero ang masakit, nahuli niya ... Read More »

James, ‘di nakapagpigil, bagong baby, nai-social media agad

SI James Yap mismo ang hindi nakapagpigil ng kanyang kaligayahan at inilabas agad sa social media account niya ang panganganak ng kanyang girlfriend na si Michela Cazzola. Sinasabing isinilang ang baby girl nilang si Francesca Michelle sa timbang na 5.5 pounds, at talagang napakasuwerteng isinilang pa kasabay ng pista ng Mother of Perpetual Help sa Baclaran noong Miyerkoles. Ngayon masasabi ... Read More »

Rita, ‘di totoong natakot (pagtatanggol sa pananampalataya)

MALI naman pala iyong sinasabi nilang natakot si Rita Avila kaya inalis niya agad ang isang post na ginawa niya na nagtatanggol sa kanyang pananampalataya. Inalis niya iyon dahil mukhang hindi naintindihan ng ibang tao ang gusto niyang sabihin, pagkatapos binigyan pa iyon ng ibang kahulugan ng mga troll na laban sa gobyerno. Isipin mo nga naman, magagamit pa siya ... Read More »

Female TV personality, nagtagumpay gawan ng ‘di tama ang actor sa CR

HINDI lang mga bading sa showbiz ang sinasabi nilang matinik. Mas matinik nga siguro ang isang female tv personality na nagkaroon ng lakas ng loob na sundan sa mens’ room ang isang poging actor. Sa loob, talagang halos pinilit ng female tv personality ang actor na may gawing hindi tama, ang mas nakatatawa, ang female tv personality pa ang nagkukuwento kung ano ... Read More »

Ellen, ‘di pa rin makasisipot sa mga paglilitis

TALAGANG desmayado raw si Mrs. Myra Abo Santos, ina ng teenager na nagdemanda laban kay Ellen Adarna matapos na ang bata ay pagbintangan noong kumukuha ng video sa kanila ni John Lloyd Cruz sa isang ramen house sa Makati. Noong una ay tila hindi pinansin ni Ellen ang preliminary investigation. Noong ikalawang preliminary investigation, wala ulit si Ellen at ang sumipot ay si John Lloyd. ... Read More »

James at Michela, magpapakasal na

INIHAHANDA na raw ang isang kuwarto na siyang magiging nursery ng bagong anak nina James Yap at ng kanyang magandang live in partner na si Michela Cazzola na nakatakda nang manganak any day now ng kanilang second baby. Halata mong excited sila sa kanilang second baby, at maski ang kanilang anak na si MJ ay gustong-gusto na ring makita ang kanyang bagong kapatid. Iyan ang magandang ... Read More »

Vilma, Hilda, at Dawn, ‘di naglalagay para magka-award o mapuri

HINDI mo masusukat ang kahusayan ng isang aktres base sa mga lumalabas na press release o mga papuring alam na ninyo kung bakit. Hindi mo rin naman mapapalabas na magaling ka dahil nanalo ka ng isang award, dahil alam naman natin na rito sa atin may mga award na “nalalakad” kung hindi man “nabibili”. Hindi sa mga bagay na iyan ... Read More »

Ellen, sa isang Chinese hospital sa Mandaue manganganak

MUKHA ngang all set na sila, manganganak na si Ellen Adarna sa isang private na Chinese hospital sa Mandaue. Mabuti nga roon at malayo, hindi sila mapakikialaman ng press doon. Pero knowing them, hindi sila kailangang pakialaman ng press. Baka oras na manganak iyang si Ellen siya pa ang unang-unang maglabas niyon sa kanyang social media account. Lahat naman ng pinag-uusapan ngayon ... Read More »

Male talent, iti-next si direk — Wala akong pinatulang iba

TINAWAGAN kami ni direk at nangumbida na mag-coffee talk daw. Ok lang naman sa amin dahil doon naman sa coffee shop na tambayan namin talaga. Nakikiusap din si direk, huwag na daw naming i-blind item dito sa Hataw iyong isa niyang male talent na naging lover din niya. Ipinakita niya sa amin ang text message niyon na ang sinasabi, ”hindi naman ako pumatol sa iba, sa iyo ... Read More »

Kris, takot sa katotohanang tapos na ang kanilang panahon

HINDI raw tatakbong senador si Kris Aquino sa 2019, sabi rin niya. Dahil masisira raw ang kanyang mga endorsement. May mga kontrata pa raw siya hanggang 2020 na nagsasabing hindi siya dapat pumasok sa politika. Pero ano ba iyong mga kontratang iyan. Kung mananalo nga siya, maski iyong mga kakontrata niya hindi aangal iyan. Ang totoo takot din naman siyang tapos na ang ... Read More »

Mga festival na pang-indie, ‘di kumikita

ANG Pilipinas ay isa sa mga bansa na may pinakamaraming film festivals. Nakalulungkot lang isipin na iisang festival naman ang kumikita, at tinatangkilik ng publiko, ang taunang Metro Manila Film Festival, na sa aminin man nila o hindi, sinimulan iyan noong 1975 na panahon pa ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. In fact, isang batas na ginawa ni Marcos ang lumikha ng festival na iyan. ... Read More »

Walang rape na nangyari kay Pepsi Paloma

MAY controversy na naman ngayon si Senate President Tito Sotto, dahil sa ginawa raw niyang pagsulat sa isang online site na naglabas na naman ng kuwento tungkol kay Pepsi Paloma, at sa isang kasong nag-uugnay kina Joey de Leon, ang kapatid niyang si Vic Sotto, si Richie D’Horsey at sa kanya. May nagsasabing nagsimula raw iyan dahil din sa isang kanta ng Eraserheads, na sinabi naman ... Read More »

Aktres, nagbayad ng modelo para magpanggap na BF

KINAUSAP ng female star ang isang poging male model. Willing magbayad ang female star, pero wala namang gagawing masama. Gusto lang niyang magpanggap ang male model na nanliligaw sa kanya. Hindi naman kailangang totohanin ang panliligaw dahil normal lang naman iyong magkakaligawan sa showbiz tapos biglang basta wala na lang. Ang importante lang sa female star, masabing may nanliligaw sa kanya, at magkaroon ... Read More »

Walang influence ng ibang tao ang Eddys Choice — SPEEd prexy

MAHABA ang naging kuwentuhan namin noong isang araw ni Ian Farinas, isa sa mga inirerespetong entertainment editor at sa kasakuluyan ay presidente ng SPEEd, o iyong Society of Philippine Entertainment Editors. Samahan iyan ng mga entertainment editor ng mga lehitimong diyaryo at sila rin ang nagbibigay ng taunang Eddys Choice. Tinawag nila iyong Eddys dahil choice iyon ng mga lehitimong editors ng mga diyaryo. “Basta sa ... Read More »

Ara: ayaw pumatol sa mga pari-parinig

TAMA naman si Ara Mina, huwag nang patulan kung ano mang mga parinig ang lumalabas laban sa kanya sa social media. Basta mine-maintain niya na wala siyang masamang ginawa, bakit nga ba siya magiging concerned sa mga bintang lamang naman laban sa kanya? Tingnan ninyo kung ano rin ang ginawa ni Mocha, “huwag patulan” e ‘di in the end siya ang panalo. Hindi lumabas ... Read More »

Ate Vi, never siniraan ang tatay ng kanyang anak: Mali ang nagbabangayan kayo, sa huli ang anak niyo ang talo

MINSAN nakakuwen­tuhan namin si Congresswoman Vilma Santos-Recto, at alam naman ninyo iyang si Ate Vi, basta nagsimula nang magkuwento kahit na ano maaari na ninyong mapag-usapan. Madalas na kuwento ni Ate Vi kung gaano siya kasaya sa buhay niya ngayon. Huwag nang pag-usapan iyong kanyang kalagayan. Ang sinasabi nga niya masaya siya dahil isang mabuting asawa si Senator Ralph, at masasabi ... Read More »

Kakaibang ugnayan ni movie reporter sa actor, isasambulat

TOTOO bang nakahanda na ring magsalita tungkol sa isang kontrobersiyal na male star ang isang movie reporter na naging “friend” niya noong nagsisimula pa lamang ang kanyang career? Ang movie reporter ang unang nagpasok sa kanya sa isang folk house bilang isang singer, bago siya naging artista. Sa totoo lang, maraming kuwento ang kanyang “friend” na puwedeng i-drama sa Maalaala ... Read More »

Actor, tinaguriang ‘cheap call boy’

DAHIL nagkaroon daw talaga ng bisyo noong araw, kaya naging “cheap na call boy” ang isang male star. Pumapatol siya kahit na maliit lang ang bayad at nagpupunta siya kahit na sa mga mumurahing motels na roon siya kinakatagpo ng mga bading. Hindi naman siguro mangyayari iyon kahit na bihira ang kanyang trabaho, kung hindi siya nagkaroon ng masamang bisyo. ... Read More »

Ellen, ‘di nakarating sa preliminary investigation

HINDI nasipot ni Ellen Adarna ang preliminary investigation ng kasong isinampa laban sa kanya ng isang menor de edad na pinagbintangan niyang kumukuha ng video sa kanila ng boyfriend niyang si John Lloyd Cruzsa isang ramen house sa Makati. Mali ang bintang ni Ellen at humihingi ng isang public apology ang mga magulang ng bata, pero hindi niya pinakinggan iyon. Nagdemanda sila sa Pasig. ... Read More »

Frank Magalona, kinasuhan ng unjust vexation

NAGIGING notorious na lugar na iyang BGC. Noong isang araw lang, nasaksak ang basketball player na siJeron Teng at dalawang iba pa, sa isang rumble habang sila ay papauwi galing sa isang bar sa BGC. Ngayon naman si Frank Magalona ang dinampot at nakulong sa himpilan ng pulisya dahil nanghipo umano ng isang VIP host sa isang bar din sa Quezon City. Ibinaba ... Read More »

Aktor, pumapatol na rin kahit sa mga bugaw

AKALA naman namin, matatapos na ang “pagsa-sideline” ng isang male star ngayong nagkaka-edad na rin naman siya, may asawa’t anak na, at lately may lumalabas nang mga nagbubulgar sa kanyang hindi magandang sideline.  ”Ano bang titigil eh kanina lang tumawag na naman sa akin dahil kailangan daw niya ng pera. At basta nangailangan iyan ng pera naghahanap iyan kung sino ang papatol ... Read More »

Sex video ni Character actor na born again, kumakalat

“H INDI lumang sex  video iyon. Bago lang iyon da­hil tingnan ninyo ang hitsura niya, at saka iyong hitsura ng kanyang kamay. Naging ganyan lang iyon about a year ago,”sabi ng isang showbiz writer matapos na mapanood ang isang sex video ng isang character actor na nagsasabing siya ay “born again” na ngayon. “Eh bakit gumawa pa siya ng sex video, at bakit suma-sideline ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved