Wednesday , February 20 2019
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Ed de Leon (page 4)

Author Archives: Ed de Leon

Feed Subscription

ASOP, sa Nov. 11 na

A Song of Praise (ASOP) Music Ferstival

SA November 11 na gaganapin sa New Frontier Theater ang ikapitong finals night ng ASOP, o A Song of Praise, isang kompetisyon ng mga kumpositor at mang-aawit ng gospel music. Iyan ay naglalaban-laban sa isang TV show, iyong ASOP na napapanood naman sa UNTV 37, at pinangungunahan ng kanilang mga host na sina Richard Reynoso at Toni Rose Gayda. Ang layunin talaga ng ASOP ay mas gawing popular ang gospel music. ... Read More »

Rhian, may spoof din ng video greetings ni Cesar

Rhian Ramos Cesar Montano

EWAN kung ano ang palagay ninyo, pero naging katatawanan ang video ni Cesar Montano na mayroong naglakad sa kanyang likod, isang babaeng sabi nila ay hubad. Hindi naman nakahubad iyong babae, siguro iyong tama lang ng liwanag, alam naman ninyo ang mga video camera, lalo na kung cellphone lang ang gamit, self adjusting ang opening niyan eh. Pati mga artista gumagawa ng spoof. ... Read More »

Direk, nababaliw sa lalaking mahilig sa mens’ bikini contest

EWAN ko ba si Direk kung bakit ganyan. Ang nasagap naming kuwento, mukhang nababaliw na naman si Direk sa isang dating sumasali raw sa mga mens’ bikini contest na ngayon ay therapist na rin sa isang spa. May hitsura naman daw ang lalaki, pero bakit ba ganoon naman ang mga trip ni direk. Kung sa bagay, nakaiiwas nga naman siyang baka may ... Read More »

Rico J. Puno, isa nang institusyon sa industriya (Pumanaw sa edad 65)

Rico J Puno

“N ANG madama ang ligaya sa gabi’t araw, nalimot mong ang lahat ay mayroong hangganan. Nguni’t nang iyong maramdaman ang kalungkutan, ay doon mo naalala ang Maykapal. Ang tao’y marupok kay daling lumimot sa Diyos na ang lahat siya ang nagdulot.” Iyan ay titik ng isa sa mga hit song ni Rico J Puno. Isa iyan sa mga awiting Kristiyano na noon ... Read More »

Nora, Noranians, ‘di nabastos ni Duterte

Nora Aunor Gloria Arroyo GMA Rodrigo Duterte PNoy

TAMA ba ang sinasabi ni Nora Aunor na ”hindi ako ang binastos nila. Ang binastos nila ay ang mga Noranian at ang iba pang naniniwala sa akin,” matapos na muling ma-bypass ng presidente ang kanyang nomination bilang isang national artist? Ipagpatawad ninyo, pero sa palagay namin ay hindi. Palagay po namin ay walang nabastos kahit na sino. Hindi natin maikakaila na nasabi iyon ni ... Read More »

‘Wag sirain si Maricel

TABATSOY naman si Maricel Soriano roon sa pictures niya nang pumirma siya ng kontrata para sa kanyang mga gagawing bagong pelikula. Please lang, bigyan muna ninyo ang panahon si Maricel na makapagbawas ng timbang bago ninyo siya pagawin ng pelikula. Iyang pag-arte sa isang pelikula, hindi naman puro abilidad lang sa acting iyan. Kailangan din naman maayos kang tingnan ng mga makakapanood ... Read More »

Nora, ligwak (na naman) bilang National Artist

Nora Aunor Gloria Arroyo GMA Rodrigo Duterte PNoy

HINDI kagaya noong unang na-bypass ni PNoy si Nora Aunor bilang National Artist na nag-ingay pa ang NCCA at nagsabing mali ang presidente nang hindi isama sa deklarasyon si Nora, ngayon ay tahimik ang lahat nang muling i-bypass ni Presidente Rodrigo Duterte si Nora  sa ikalawang pagkakataon. Sinasabi ngayon ng NCCA na totoong nasa listahan nila si Nora, at totoo ring sa lahat ng nasa listahan ay ... Read More »

Lea, nadamay kay Aga

Aga Muhlach Lea Salonga

PATI si Lea Salonga ay bina-bash ngayon dahil sa ginawa niyang pagtatanggol sa kanyang kaibigang si Aga Muhlach na nakapagbigay ng opinion tungkol kay Senador Sonny Trillanes na hindi nagustuhan ng mga dilawan. Pero may punto si Lea, hindi ba nasa isang demokrasya tayo? Hindi ba ang lahat ay maaaring magpahayag ng kanyang opinion? Nagtataka rin nga kami eh, bakit sila may kalayaang manira ng kapwa ... Read More »

Pag-boykot sa pelikula ni Aga, ‘di umepek

Aga Muhlach Trillanes GGV Vice Ganda Bea Alonzo

KUNG sabihin nga nila, ”all is water under the bridge.” Sa kabila ng panawagan para i-boycott ang pelikula ni Aga Muhlach ng isang political group, kumita pa rin naman ang kanyang pelikula. Huwag na nating sabihing hindi umepekto ang paninira, dahil sa mga manonood ng pelikula ay nanaig pa rin ang kredibilidad ni Aga bilang isang actor. Ano ba ang pakialam ng fans sa ... Read More »

Lea Salonga, malaking star pa rin

Lea Salonga

MALAYO pa naman ang Pasko, pero nagulat kami sa napakahabang pila ng mga kotse roon sa CCP Complex. Nangyayari lang iyan kung panahon ng Kapaskuhan at nakatambak na ang tao sa Star City, pero kakaiba ang dami ng mga tao sa nasabing lugar noong weekend. Iyon pala ay dahil sa concert ni Lea Salonga sa PICC. Umabot ang mga sasakyan hanggang sa Roxas Boulevard. ... Read More »

Screening committee, nagkasigawan; movie ni Brillante, nasa final choice

Joven Tan Brillante Mendoza

HINDI matigil iyong usapan tungkol sa MMFF. Ngayon ang lumalabas naman, ang talagang final choice at nasa listahan talaga ng pelikulang kasali ay iyong pelikula ni Brillante Mendoza. Pero noong magkaroon ng announcement, ang kasali na ay ang pelikula ni Joven Tan. Hindi naman kami naniniwalang iyon ay isang kaso ng “misreading”. Kung nabago iyon bago ang final announcement, may ... Read More »

Running joke nina Aga at Lea, minasama ng netizens

Aga Muhlach Lea Salonga

SABI na nga ba eh, may magre-react doon sa comment ni Lea Salonga sa pagkanta ni Aga Muhlach ng “pasado sa lakas ng loob at kapal ng mukha.” Ang hindi alam ng mga tao, iyan ay isang running joke na noon pa biruan ng dalawang artista. Alam naman natin na simula sa pagkabata ay isang magaling na singer si Lea, ... Read More »

Male star, inireklamo ng mga matronang na-1-2-3

MATINDI ang mga aku­sasyon ngayon sa isang male star, excuse me pero hindi po siya matatawag na actor. Pinag-uusapan na ngayon ang sunod-sunod na karanasan niya sa ilang matrona, na lahat yata ay may reklamong na-1-2-3 niya sa pera. “Lubog kasi siya sa utang,” sabi ng isang male star na rati rin niyang ka-grupo. “Kasi masyadong mataas ang kanyang ambisyon. ... Read More »

Romnick at Harlene, aminadong mahal pa rin ang isa’t isa

Romnick Sarmenta Harlene Bautista

MAY mga kuwentong naroroon daw ang isang malaking posibilidad na mag-reconcile rin naman ang mag-asawang Romnick Sarmenta at Harlene Bautista. Inaamin na ngayon ni Harlene na siya ang nagsimulang magsabing baka mas maganda kung maghiwalay na muna silang dalawa. Mayroong hindi napagkakasunduan. Pero in the end, naging mutual decision nga iyon, at sinasabi nilang magkaibigan pa rin silang dalawa. May ... Read More »

Sexual harassment, namamayani rin sa showbiz

Ginger Conejero Cheryl Favila Gretchen Fullido Maricar Asprec

TILA nabuksan ang isang “can of worms” nang magsampa ng demanda si Gretchen Fullido laban sa producer ng TV Patrol na kinilalang si Cheryl Favila na kung tawagin nila ay si “Chair” at sa segment producer na si Maricar Asprec. Sinasabing ang dalawang babae ay “may relasyon.” Sinabi ni Fullido na ang ginagawa sa kanyang sexual harassment ay may tatlong taon na niyang tinitiis, hanggang sa magsampa ... Read More »

Kinita ni Mystica sa FPJAP, ibinuhos lahat sa van

Coco Martin Mystica

NATATAWA na lang kami eh, kasi kamakailan nakikiusap si Mystika kay Coco Martin na kunin din siyang artista sa Ang Probinsyano dahil naghihirap na siya sa buhay. May sinasabi pang nagkasakit ang kanyang anak at hindi man lang niya maipagamot. Nasa Cavite kasi siya at nagtitinda na lang noon ng inihaw na manok. Kinuha naman siya ni Coco dahil sa kanyang pakiusap. Aba eh ... Read More »

Actor, aminadong nagsa-‘sideline’ rin

“H INDI totoo ang tsismis mo na nagsa-sideline pa ako. Ginawa ko iyon noong araw pero nga two years na akong tumigil,” sabi sa amin ng isang male star. Natawa kami kasi hindi naman siya ang tinutukoy namin sa aming blind item. Noong isa-isahin ko sa kanya ang mga detalyeng isinulat namin, at saka siya parang natauhan na hindi nga pala siya ... Read More »

John Lloyd, wala nang interes sa showbiz

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Kiss

KUNG iisipin mo, wala pa ring pormal na pag-amin si John Lloyd Cruz na may anak na siya kay Ellen Adarna. Bagama’t doon nga papunta ang lahat ng indikasyon at isang taon na halos niyang tinalikuran ang kanyang career para walang makapakialam sa sitwasyon nila ni Ellen, wala silang anumang sinasabi talaga. Ang naglalabasan ay puro mga tsismis lamang at ... Read More »

Bong, manggugulat sa paglaya

Jolo Revilla Luigi Revilla Bryan Revilla Bong Revilla

NATAPOS na ang kanyang birthday. Natapos na rin ang premiere night ng pelikula ng kanyang tatlong anak na Tres, na sinasabing gusto niyang daluhan, pero hindi nga pinayagang makalabas si Bong Revilla mula sa Crame sa dalawang malaking okasyong iyan sa kanyang buhay. Gayunman, buo pa rin ang paniniwala ng iba na isang araw ay gugulatin na lamang tayo ng ... Read More »

Artistang ‘di na hinahabol ng mga peryodista, laos na

KAPAG ang isang artist ay hindi na hinahabol ng media at nagagawang ma-snob ng ibang TV networks, o ma-snob din naman ng mga diyaryo na para bang wala naman siyang ginawang significant, ibig sabihin niyon papalubog na siya ano man ang kanyang gawin. Kasi habang ang isang artista ay sikat pa, siya ang bukambibig ng publiko at napahirap na i-ignore ... Read More »

Aktor, nasira ang career dahil kina Direk at Matinee Idol

MATAPOS na mabigyan siya ng isang “private acting workshop” ni direk, mukhang mas lalo yatang walang nangyari sa acting career ng isang “male star”. Mukha ring ang naging “tsismis” dahil sa “workshop” na iyon ang mas nakasira pa sa male star. Nakasira rin siguro sa kanya iyong natsismis din siya sa isang bading na matinee idol. Kaya kailangan talaga lalo na sa mga baguhan ... Read More »

Boy Abunda, magaling sa mga diskusyon at issue na ginagamitan ng utak

Boy Abunda

BURADO na nga ang lahat ng ibang mga talk show host, wala na naman talagang natirang showbiz talk show, maliban sa show ni Boy Abunda, na tinatawag ngayong King of Talk. Dalawa pa ang kanyang talk shows, iyong Bottomline at iyong Inside the Cinema. Isa lang ang nakita naming kaibahan ng dalawang shows na iyan. Habang ang ibang mga talk show ay ... Read More »

KathNiel, biggest loveteam of all time

Kathniel Daniel Padilla Kathryn Bernardo The Hows Of Us

MAGIGING masakit iyong pakinggan para sa mga naunang artista, pero matapos na kumita ang pelikula nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ng mahigit na P700-M at ideklara nila iyong the biggest film grosser of all time, natabunan na ang sinasabing kinita ng Guy and Pip noong early ‘70s, o iyong mga kinita nina Sharon Cuneta at Robin Padilla noong 80’s. Tinalo na rin ng KathNiel ang mga pelikula noong araw ... Read More »

Hindi pinag-uusapan kung ano ang partido namin, kundi kung ano ang nagagawa sa bayan — Ate Vi

PAGSISIMULA pa lamang ng taping ng Bottomline, ang talk show ng king of talk na si Boy Abunda, sinalubong na sila ng isang malakas na palakpakan mula sa isang live audience. “Sa totoo lang, ngayon lang ako nakarinig ng palakpakan dito sa ‘Bottomline,’ salamat sa inyong lahat. Salamat din Ate Vi,” sabi ni Boy sa kanyang guest noong araw na iyon, si Congresswoman Vilma ... Read More »

Bentahan ng tiket sa concert ng isang singer, ‘di gumagalaw

MUKHA ngang kailangang gawin na ng isang sup­porter ng isang singer ang balak niyang pakyawin ang lahat ng tickets sa isang show na gagawin niyon at ipabenta sa mga scalpers kahit na sa paluging presyo, o ipamigay na lang. Natatakot kasi ang supporter na lumabas na flop ang show ng kanyang favorite singer. Malapit na ang show, pero hindi raw halos gumagalaw ... Read More »

Scroll To Top