Saturday , September 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Ed de Leon (page 20)

Author Archives: Ed de Leon

Feed Subscription

Sunshine, double win — maganda na, may career pa

IBANG klase ang paghahanda ni Sunshine Dizon sa mga nangyari sa kanya. Alam naman natin na may hinaharap siyang controversy, iyong kanyang demanda laban sa kanyang asawang si Timothy Tan. Talagang nagpaganda muna nang husto si Sunshine. Ngayon lang siya nagsisimulang mag-post kung ano ang kanyang ginawa. Nagpa-lipo pala siya para mabilis na mabawasan ang kanyang timbang. Noong isang araw, ... Read More »

Acting ni Barbie, mala-Vilma Santos

KAKUWENTUHAN namin ang isang kritiko na hindi naman siguro masasabing mahilig sa mga pelikulang indie, kundi nanonood din ng mga ganoong klase ng pelikula. Bilang kritiko kasi ng mga pelikula, naniniwala siyang dapat mapanood niya kahit na anong klase pa ng pelikula iyan at saka may panahon din naman siyang manood ng manood ng sine. Ang naikuwento niya sa amin ... Read More »

Yassi, ikinokompara kay Phoebe Kates

MAS bagay nga ba kay Yassi Pressman ang maging sexy kaysa magpa-sweetie? Iyan ang pinag-iisipan niyang mabuti ngayon at pinag-iisipan din ng mga manager niya matapos na makatanggap sila ng maraming positive feedback dahil sa kanyang naging sexy pictorial para sa pelikula niyang Camp Sawi. Marami kasi silang mga eksena na kinunan sa isang beach sa pelikula at natural lang ... Read More »

3 katao bulagta sa drug operations

BUMULAGTANG walang buhay ang tatlong lalaki sa isinagawang anti-drug ope-ration ng Manila Police District (MPD) sa kasagsagan ng masamang panahon sa iba’t ibang lugar sa Maynila. Ayon kay Senior Insp. Rommel Anicete, hepe ng MPD-Homicide Section, unang napatay ng mga ope-ratiba ng MPD-PS 10, ang mga suspek na sina Arnold Malinao, 43, miyembro ng Sputnik gang; at Romano Magundayao, 32, ... Read More »

Direk Deo, alipin ng makinilya

NAGULAT kami noong isang gabi nang may magtanong sa amin kung alam daw naming yumao na si direk Deo Fajardo Jr. Si Deo ay nagsimula bilang movie reporter at writer ng mga komiks, hanggang sa nagsulat ng script sa pelikula, naging talent manager at nang malaunan director na rin. Nakilala siya sa mga ginawa niyang action movies. Si Deo ang ... Read More »

Sino nga ba ang mas sikat kina James at Nadine?

MALAKAS man ang ulan, walang pakialam ang fans nina James Reid at Nadine Lustre na sumugod sa music hall ng isang mall sa Pasay, nang i-launch sila bilang pinakabagong endorsers ng Bench. Ang sabi nga nila, mukhang launching din iyon ng monopoly ng Bench sa mga sikat na love teams, dahil nasa kanila rin iyong AlDub at iyong KathMiel. Eh ... Read More »

Fashion designer, nag-pay ng P30K, maka-date lang ang baguhang actor

TOTOO raw pala ang tsismis, na talagang nagbayad ang isang fashion designer ng P30K para maka-date lang ang isang baguhang male star na matagal na niyang type. Nagmo-model pa lang daw iyon ay talagang type na ng designer. Nang manalo iyon sa isang bikini contest, sinundan pa rin ng designer. Ngayong nag-aartista na, hindi na niya pinalampas dahil kung sisikat ... Read More »

Cacai, banned daw sa events ni Mario Maurer

NATAWA naman kami roon sa kuwentong iyong komedyanteng si Cacai Bautista ay banned daw sa mga naging events ng Thai actor na si Mario Maurer dito sa Pilipinas. Nagkasama kasi sila sa isang pelikula noon, tapos siguro during shooting breaks, nagpakuha sila ng pictures. Naglabasan iyong mga picture sa social media at sinasabing si Cacai daw ay naka-affair ni Mario. ... Read More »

Karaniwang show ng JaDine, pinapasok kahit mahal ang ticket

PINAG-UUSAPAN nga namin sa isang umpukan noong isang gabi, matindi ang inaabot talaga niyang JaDine. Hindi lamang dahil kumita ang kanilang pelikula, pero iyong mga concert na ginawa nila lalo na sa abroad ay napakalakas talaga. Napupuno nila ng tao ang malalaking venue, kahit na mahal ang tickets. May nagsabi nga sa amin, mas mahal pa raw ang tickets sa ... Read More »

Dayanara, nami-miss na raw ang ‘Pinas

SA totoo lang, natuwa naman kami nang makita namin ang social media post ng dating Miss Universe at naging isang artista sa Pilipinas at muntik nang maging Pinoy na si Dayanara Torres. Naging Miss Universe siya noong 1993 at nakarating sa Pilipinas. Maski sa Puerto Rico na kanyang pinagmulan ay kinikilala rin siyang aktres, singer, at writer. Flashback lang ng ... Read More »

Aktor, inilalako sa Malate bilang escort

SIKAT na sikat pa rin hanggang ngayon ang isang male personality na involved sa isang video scandal kamakailan lang. Kasi inilalako ng isang pimp na taga-Malate na ang pangalan ay katunog ng isang soft drink, ang kanyang serbisyo bilang escort at alam na ninyo kung ano pa. May mga mayayamang bading na nagsabing totoo ang tsismis, talagang siya ang dumadating ... Read More »

Jessy, naba-bash dahil ‘di muna nag-iisip ng sasabihin

KAGAYA rin iyan ng kaso ni Jessy Mendiola. Noong matawag siyang sexiest, sinabi niya ”talo ko pa si Pia Wurztbach”. Ngayon ipinaliliwanag niya na iba pala ang gusto niyang sabihin, pero ano man ang pakahulugan niya sa sinabi niya, ang lumabas ay iyon lamang narinig sa kanya sa video na sinabi niya. Nagkataon din na hindi nagustuhan nga iba ang ... Read More »

Pagsikat ni Maine, hindi pinlano

KUNG minsan, kawawa naman ang isang artistang nakapagbibigay ng isang opinion na taliwas sa kagustuhan ng iba. Pero sa palagay namin ang isang tao ay may karapatan namang sabihin kung ano ang nasa isip niya. Minsan nga lang napaka-unfair sa mga artista kasi lahat ng sabihin nila pinalalaki ng iba. Actually, hindi namin nalaman ang simula ng kaguluhan, hanggang sa ... Read More »

Sandro, tatapusin muna ang masters’ degree bago mag-artista o mag-politiko

MARAMI ang nagsasabing dapat nga raw, mag-artista na si Sandro Marcos, ang poging anak ni Senador Bongbong Marcos. Kung sa bagay lahat naman ng mga anak niya pogi at puwedeng maging artista, pero ang mga taga-showbiz medyo mainit kay Sandro at talagang kinukumbinsi siyang pumasok sa pelikula. Hindi naman malayo iyon, kasi si Senador Bongbong ay naging artista rin noong ... Read More »

Alden, dapat nang tawaging Hari ng Takilya

NANG humarap si Alden Richards sa press noong isang araw, hindi na siya humihingi ng tulong para sa kanyang mga proyekto. Nagpapasalamat na siya dahil sa naging tagumpay ng lahat ng mga proyektong sunod-sunod niyang ginawa. Una nga iyong kanyang plaka ay masusundan na pala ng bago, eh bakit nga ba hindi mo pa susundan agad eh iyong nauna niyang ... Read More »

Aktor, isinama ng isang government official sa SONA

TSISMIS ng isang friend namin, may nakita siyang isang male star doon sa SONA, na kung iisipin mo wala namang kinalaman doon. Nalaman niya ang reason pagkatapos ng SONA. Kasama pala si male star ng isang gay na government official. Ayan ha, hindi namin sinabi kung sinong government official. Dalawampu’t apat na senador iyon at mahigit na dalawandaang congressmen. Bukod ... Read More »

Angel, pinaka-seksing Darna

LUMULUTANG ang usapan dahil sa isang social media post na naka-pose si Angel Locsin na parang isang super hero. Siya pa rin daw ba ang gaganap na Darna? Masyado nang maraming usapan diyan sa Darna na iyan. Masyadong marami na ring nag-ambisyon na gawin ang role na iyan. Sumikat kasi talaga rito sa atin iyong character eh. Pero kung kami ... Read More »

Ticket sa Miss Universe, P40K

GUSTO naming mahulog sa kinauupuan, nang marinig naming iyon daw tickets sa gagawing Miss Universe sa susunod na taon sa Pilipinas ay halos P40,000. Iyong doon sa general admission, ibig sabihin makikita mo man ng live, halos galanggam na lang ang tao sa layo mo, mahigit pa ring P3,000 ang tickets. Kung iisipin mo, bakit nga ba ganoon samantalang habang ... Read More »

Pelikulang That Thing Called Tanga Na ni direk Joel, may basehan

NATAWA kami sa kuwento ng isang movie reporter. Nagkaroon daw siya ng relasyon sa isang male star. In short naging “on” sila. Pero ang hindi raw niya makalimutan sa kanilang relasyon ay noong minsan silang mag-away. Sinikmuraan daw siya niyon tapos binanatan pa sa batok. Nahilo siya at kailangang isugod sa ospital. Galit na galit daw siya. Tapos pagdating ng ... Read More »

Ignacio de Loyola, milyong dolyar ang puhunan

ITONG linggong ito ay ipalalabas na raw sa mga sinehan iyong pelikulang Ignacio de Loyola. Buhay iyan ng santong si San Ignacio na siyang nagtatag din ng samahan ng mga paring Heswita. Ang nakatutuwa, ang producers niyan ay ang mga paring Heswita mula sa Pilipinas. Iyan ay itinuturing na isang pelikulang Filipino, dahil mga Filipino ang gumawa kahit na nga ... Read More »

Morning show, nanganganib sa pagbabalik ni Kris

NGAYONG sinasabing nagbabalik si Kris Aquino sa telebisyon, dahil mema lang pala ang sinabi niyang gusto niyang manirahan ng dalawang tao sa US para masanay ang kanyang mga anak sa simpleng pamumuhay, at siguro nga dahil nakita naman nila na hindi benggatibo siPresidente Digong, delikado ang show na pumalit sa kanyang dating morning slot. Saan mo pa nga ba mailalagay ... Read More »

AlDub movie, latest victim ng social media piracy

TOTOHANAN na ang makabagong style ng piracy. Inilalabas na ang buong kopya ng pelikula sa internet, gamit ang social media. Malakas ang aming kutob na ang naglalabas niyan sa social media ay may kinalaman din sa post production ng pelikula, kasi napakalinaw ng kopya at hindi mo masasabing pinipirata iyon gamit lamang ang isang camera sa loob ng sinehan. Ang ... Read More »

Dating actor, kabi-kabila ang utang

IBA na raw ang gimmick ng isang dating male star para siya mabuhay. Dahil may edad na rin naman siya at hindi na mukhang desirable, tapos nawalan na ng gana sa kanya iyong isang bading na naggi-give pa sana sa kanya, puro naman utang sa mga kakilala ang ginagawa niya ngayon. Ang kanyang pangako, babayaran naman niya oras na dumating ... Read More »

Bistek, ‘di na maharap ang paggawa ng pelikula

SAYANG, hindi nakarating si Mayor Herbert Bautista roon sa ipinatawag niyang gathering ng entertainment media noong isang araw. Kahit na ang intention ay isa talaga iyong media get together, gusto rin sanang samantalahin iyon ng iba para matanong naman si Mayor Bistek kung talaga nga bang mabibigyan pa niya ng panahon ang kanyang movie career. Marami nga ang nagsasabi, sa ... Read More »

Visayan indie film, ‘di totoong ginaya ng The Greatest Love

ANG alinmang magandang proyekto ay hindi nawawalan ng sariling controversy. Kasi basta malaking project iyan, marami ang makakapansin at marami ang mapupuna. Kagaya ngayon, matindi ang naging dating niyong trailer ng bagong serye ni Sylvia Sanchez, iyong The Greatest Love. Talagang nakatatawag ng pansin, lalo na iyong eksena na nasa dining table sila tapos nag-away-away ang kanyang mga anak. Marami ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved