Monday , January 21 2019
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Ed de Leon (page 2)

Author Archives: Ed de Leon

Feed Subscription

Coco, dream come true na makasama si Vic; pagiging metikuloso, ipinairal

DOON sa kanilang mga kuwento, mukhang pumasok nga ang mga bagong idea sa comedy, kasi ang kuwento ni Coco Martin, matapos na masigurong magkakasama sila ni Vic Sotto riyan sa pelikula nilang Jack Em Popoy, talagang tinawag niya agad ang mga nasa creative team nila, nag-usap sila at sinabi niyang kailangang isipin na nila ang pinakamagandang magagawa para sa proyektong iyon. Eh kasi nga dream ... Read More »

Richard, mas gustong makita ng fans bilang loverboy

IBA pa rin talaga ang dating ni Richard Gutierrez. Comedy ang role na nasabakan niya ngayon, kasi isa siya sa mga leading men sa Fantastika, pero ang nakikita naming umiibabaw pa rin ay iyong matinee idol image ni Richard. Sa totoo lang, parang mas gusto ng fans na makita si Richard na lover boy sa kanyang mga pelikula. Tandaan ninyo ha, si ... Read More »

Sharon movie, ‘di kumita dahil sa maling formula (‘di dahil sa pagboykot ng dilawan)

Kathryn Bernardo Sharon Cuneta Richard Gomez Freddie Webb Liza Lorena

ANG lakas ng tawa namin doon sa comment na kaya raw nababolang sa takilya ang huling pelikula ni Sharon Cuneta ay dahil may political boycott. Ang itinuturo pa nilang dahilan ay dahil tila dumikit daw si Sharon kay Pangulong Digong, at “hindi iyon nagustuhan ng mga dilaw”. Bakit masasabi ba nilang mga “dilaw” ang nagpasikat kay Sharon? Hindi naman si Sharon ang dumikit kay ... Read More »

Mga bisita ng SPEEd sa Christmas Party — People who matter

NAROON kami noong Christmas party ng SPEEd, o Society of Philippine Entertainment Editors. Iyan ang samahan ng mga entertainment editor ng mga lehitimong diyaryo. Kung hindi lehitimo ang diyaryo mo, wala ka riyan. Iyan ang isang award giving body din na dinadaluhan namin ang mga okasyon, kasi alam namin na iyang SPEEd, iyan ang nagbibigay ng awards na hindi “nabibili”. Subukan mong ... Read More »

Ai Ai, naglabas ng sentimyento sa mga dating kaibigan

NAPANGITI na lang kami roon sa kuwento ng komedyanteng si Ai Ai delas Alas. Noon daw panahong ang pelikula niya ay puro malalaking hits, at ang tinutukoy niyang panahon ay noong sunod-sunod pa ang kanyang Tanging Ina series, basta nagkasakit siya ang dami-daming nagpapadala ng mga bulaklak sa ospital. Kasi noong mga panahong iyon, madalas pa siyang atakihin ng asthma, ... Read More »

Jake, iprioridad ang boses bago ang pakikipag-engage

NATAWA naman kami roon sa kuwentong iyon daw si Charice Pempengco, na alyas Jake Zyrus na ngayon ay engaged na sa kanyang girlfriend na kinilalang isang Shyre Aquino. Eh ano ba naman ang value ng kuwentong iyon? Hindi lang naman ngayon nakipag-engage iyang si Charice, hindi ba noong araw ay iyan din ang sinabi niya sa dating live in partner ... Read More »

Pang-walwal ni male star, iniaasa sa mga bading na naghihintay ng ‘himala’

MINSAN mahirap din naman ang pogi. Isipin ninyo iyong isang male star, pogi talaga. Sikat naman siya. Aakalain ba niyang siya ay matotorotot pa ng kanyang non-showbiz girlfriend? Siyempre ang sama ng loob niya dahil alam ng lahat ng mga kaibigan nila na natorotot siya. Gabi-gabi tuloy nagwawalwal siya. Madalas sa mga watering holes sa Makati at Taguig. Ang nakatatawa lang, iyong ... Read More »

Coco Martin, mabilis naaksiyonan ang problema ng Ang Probinsyano

Oscar Albayalde Coco Martin PNP FPJ’s Ang Probinsyano

TINGNAN ninyo, nagkita lang sina Coco Martin at Secretary Eduardo Ano, kasama ang producer ng show na si Dagang Vilbar, at mabilis silang nagkaintindihan. Naipaliwanag nila nang maayos kay Secretary ang kanilang punto, at nalaman din naman nila kung ano ang damdamin ng pulisya sa kanilang serye. Ang sumunod na meeting, nagkita sina Coco kasama ang ilang executives ng ABS-CBN, at ... Read More »

Trabahong para sa mga Pinoy, inaagaw ng mga dayuhan

  PINAG-UUSAPAN ang pagdagsa sa bansa ng mga Chinese national, at natawag ang aming pansin sa posisyon ng Bureau of Immigrations. Ang sabi nila basta raw entertainers, o kaya athletes, mabilis sila sa pagbibigay ng special visa. Iyon na nga eh, kung sino-sinong foreigners ang nakakapasok sa ating bansa para maging artista o models. Bumabaha na sa bansa ng mga ... Read More »

AlDub fan nagbanta, Maine movie, malulugi, ‘pag nag-promote si Arjo

Arjo Atayde Maine Mendoza Alden Richards

ANG lakas ng tawa namin noong mabasa iyong isang social media post ng isang basher. Sinasabi niya kay Arjo Atayde na huwag nang sumipot sa promo ng kanilang pelikula ni Maine Mendoza kasi baka ma-boo pa siya sa promo. Sinasabi rin ng basher na mas malulugi ang pelikula kung magpo-promote pa si Arjo. Hindi kami magdududa, ang basher na iyon ay AlDub. Sila lang naman ... Read More »

Panday movie ni FPJ, nai-restore ng maayos

Ang Panday FPJ Fernando Poe Jr

NAPA­NOOD namin sa telebisyon iyong restored copy ng orihinal na Panday ni FPJ. Maganda ang pagkaka-restore. Sa natatandaan namin, dahil napanood namin iyan mismo sa sinehan halos apat na dekada na ang nakaraan, dahil 1980 noong ipalabas iyan eh, mukha ngang mas maganda pa ang quality ng kulay sa restored version kaysa original film. Kasi nga sa restored version, nailalagay nila sa ayos ... Read More »

Pagharap sa problema ng Ang Probinsyano, ibigay sa production team

NAIINTINDIHAN namin kung bakit ganoon na lang ang reaksiyon ni Senadora Grace Poe sa mga kontrobersiyal na usapan ngayon tungkol sa seryeng Ang Probinsyano. Hindi lamang iyon batay sa isang pelikula ni FPJ, kundi sa paggamit ng titulo niyon, kumikita rin naman ang kanilang pamilya ng royalties sa serye, bukod pa nga sa kasama rin sa cast si Susan Roces. Pero mukhang mali iyong depensa ... Read More »

Isang dating member ng Clique V, kinasuhan   

NAISAMPA na ng talent manager na si Len Carillo ang demanda laban sa isang dating member ng Clique V, na nambitin ng kanyang mga commitment sa kanilang boy band. Kahit na ang sinasabing member ay hindi naman hinahanap sa mga show, dahil hindi pa naman siya sikat talaga, iyong kanyang pambibitin ay nangangahulugan ding hindi naibibigay ang buong performance sa mga show nila. ... Read More »

Female star-TV host, nahihilig sa bagets

MAYROON din palang isang male star na naging bahagi ng isang youth oriented program na sikat noong araw na na-pick up din ng isang female star-TV host na mahilig sa mga bagets. Mukhang iyon na ang kanyang nakahiligan simula noong wala na ring manligaw sa kanya matapos na mahiwalay siya sa rati niyang asawa. Mahilig siya ngayon sa mga bagets ... Read More »

‘Bato’ ni Darna nawawala kaya ‘di na matuloy-tuloy?

ANO ba ang nangyayari talaga at naurong na naman ang pagsasa-pelikula niyang Darna? Noong una ay sinasabing tuloy na tuloy na iyan at ang magiging bida ulit ay si Angel Locsin. Maraming sinasabing naghahanda na si Angel, pero hindi natuloy dahil nagkaroon siya ng problema sa kanyang likod at kailangan niyang sumailalim sa isang operasyon. Nagpa-opera naman si Angel sa ... Read More »

Parinig ni Janno sa Star Music, binura agad

HINDI nakaligtas sa pamamansin ng mga tao ang isang post na ginawa ni Janno Gibbs sa kanyang social media account na sinasabi niyang “September pa ako pumirma ng contract sa Star Music, naalala ko lang. Baka sila hindi na nila ako naaalala.” Pero pagkatapos niyon, inalis din naman niya ang nasabing post. Siguro may nagsabi sa kanyang alisin iyon at ... Read More »

Sunshine, open na sa relasyon nila ni Macky Mathay

Sunshine Cruz Cesar Montano Macky Mathay

KAPANSIN-PANSIN na mukhang mas open na ngayon si Sunshine Cruz sa kanyang relasyon sa kanyang inaamin na niyang boyfriend na si Macky Mathay. Karapatan naman niya iyon at siguro wala na ngang masasabing kahit na ano sa kanya, after all napatunayan na sa hukuman na wala naman palang bisa ang naging kasal nila ni Cesar Montano. Iyon ang kahulugan ng annulment. Hindi iyon isang deklarasyon ... Read More »

Atty. Falcis, may bagong inaaway

NAG-POST na naman si Atty. Jesus Falcis, siya iyong abogadong nakagalitan ng Korte Suprema noong dumating na hindi tama ang bihis ayon sa protocol, nang magkaroon ng oral arguments sa kanyang ipinaglalaban noong karapatan ng LGBT o mga bakla at tomboy. Siya rin iyong nanggagalaiti laban kay Aga Muhlach nang sabihin ng actor na sobra na ang pagtutungayaw ni Senador Antonio Trillanes. Walang dudang si ... Read More »

Alessandra, may pauso sa pagpapakalbo?

NATATANDAAN namin, noong araw basta ang isang babae ay pinaparusahan ng kanyang mga magulang, na ang karaniwang dahilan ay “kalandian”, kinakalbo ang babae para hindi makalabas ng bahay. Kasi noong panahong iyon, aba eh kahihiyan ang maging isang babaeng kalbo. Pero iba na ang panahon ngayon. Nagulat kami nang makita namin si Alesandra de Rossi na kalbo. Hindi naman siguro siya naparusahan, ... Read More »

Sa paglamig ng AlDub, popularidad ni Alden, bumaba

aldub alden richards Maine Mendoza

UMAMIN na rin si Alden Richards na alam niyang siya ang sinisisi ng marami kung bakit hindi naging totoo ang love team nila ni Maine Mendoza. Hindi natin maikakaila na may panahong walang makatapat sa kanilang popularidad noong kasagsagan ng kanilang love team. Maaari rin namang sabihing iyon din ang naging height ng popularidad ni Alden, dahil bago naman iyongAlDub hindi siya sumikat ng ... Read More »

Gumawa ng mga Marvel character, pumanaw na

SA totoo lang, nalungkot din kami nang mabalitaan naming namatay na si Stan Lee. Siya ang gumawa ng Spiderman, Iron Man, Incredible Hulk, The Avengers at marami pang ibang super heroes. Ang mga ginawa ni Stan Lee ang siyang naging libangan namin noong panahong kami ay bata pa. Sino nga bang bata ang hindi nahilig sa mga Marvel characters, at aminin natin na hanggang sa ... Read More »

Direk, handang ibenta ang pitaka sa mga boyfriend

BUMIGAY na rin pala ang isang baguhang male star. Nakasabay namin si direk at isang production designer sa isang photo-finishing laboratory, at ang ipinagawa nila ay pictures ng baguhang male star na hubo’t hubad. Nakapagtataka dahil wholesome naman ang image na gustong palabasin ng young male star. Tapos mayroon pala siyang ginawang ganoon? Kung sa bagay, kilala namang matinik sa mga ... Read More »

Diego, 2 linggo o higit pa na mananatili sa isang pribadong institusyon

Diego Loyzaga

HALATA mong ginagawa nila ang lahat ng damage control sa paghahangad na maisalba si Diego Loyzaga sa posibleng negatibong epekto ng mga naglalabasang balita tungkol sa kanya. Bagama’t noong bandang huli ay natahimik na nga ang mga media na kanilang “napakiusapan”, at dahil wala rin namang makuhang bagong impormasyon, paano nga ba ipaliliwanag kung tumagal na mawala siya sa kanyang ginagawang serye? ... Read More »

Bagong imahe ni Baron, ipinangangalandakan sa social media

ILANG araw, sunod-sunod naming nakikita sa social media, ang dina-drum up nilang bagong image ni Baron Geisler, na kasama sa isang Christian group at nangangaral ng salita ng Diyos. Ok iyan, kung talaga ngang epektibo at nagbabago na si Baron. After all, siguro naman kung ano mang mga gulo ang nagawa niya in the past, kung talaga namang nagbabago siya ok ... Read More »

Ate Vi, ayaw na ng malakihang birthday celebration

THANKFUL naman si Ate Vi (Vilma Sanos) sa rami ng nakaalala at bumati sa kanya noong birthday niya. Kahit na nga medyo malayo dahil gusto nga niya ng isang pribadong family celebration lamang, natanggap naman niya ang lahat ng mga ipinahatid na pagbati sa kanya. Noong magbalik naman siya kinabukasan pagkatapos ng kanyang birthday, nakahanda na sa kanyang mesa ang lahat ng ... Read More »

Scroll To Top