Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Danny Vibas

Author Archives: Danny Vibas

Feed Subscription

Pokwang, desperada

TAMA lang pala na Marietta Subong ang billing ni Pokwang sa Oda sa Wala, isang entry sa katatapos lang na QCinema. Ang scriptwriter-director ng pelikulang si Dwein Baltazar (na babae at isang ina) ang nagpasyang “Marietta Subong” ang maging billing ni Pokwang sa pelikula. ‘Yon ang tunay na pangalan ng komedyante. Hindi naman comedian si Pokwang sa pelikulang nagpanalo sa kanya ng Best Actress for the ... Read More »

Angel at Neil, together pa rin

Angel Locsin Neil Arce

HABANG isinusulat namin ito, nasa Amerika pa ang mag-sweetheart na sina Angel Locsin at Neil Arce. Nagbabakasyon sila roon. Nag-post sila sa kanilang Instagram separately ng pics nila na magkasama. Ini-re-post naman ng fans ni Angel ang mga litrato ng dalawa bilang pruweba na ‘di totoo ang mga naglabasang kuntil-butil sa social media network na hiwalay na sila. Matagal na kasi na walang ipino-post ... Read More »

Astig na filmmaker, isasapelikula ang partisipasyon ng mga Pinoy sa Olympic Games sa Berlin

Arlyn dela Cruz-Bernal 1936 The Islanders in Berlin

ASTIG talaga ang mga babaeng filmmakers ngayon. Binibigyan na sila ng mga astig na pelikula sa iba’t ibang kapasidad. Kalalabas lang ng balitang ididirehe ni Arlyn dela Cruz-Bernal (opo, ‘yung astig na broadcast journalist) ang isang extraordinary event sa Philippine Basketball History: ang partisipasyon ng mga Pinoy sa 1936 Olympic Games sa Berlin, Germany noong panahon ng diktador na si ... Read More »

Direk Dwein Baltazar, mahilig sa weird na tao

Dwein Baltazar Pokwang

ISANG babaeng direktor ang nagpapanalo kay Pokwang bilang Best Actress for the first time (hindi Best Comedy Actress, na nakamit na n’ya sa Star Awards ilang taon na ang nakararaan). Tunog panlalaki ang pangalan n’yang Dwein Baltazar, ang namahala sa Oda sa Wala  na Marietta Subong ang ipinagamit n’yang pangalan sa komedyante. ‘Yon ang tunay na pangalan ni Pokwang. Hindi ... Read More »

Eddie, wagi sa awards, magwagi rin kaya sa takilya?

Eddie Garcia

BEST Actor na naman ang 80 plus years old nang si Eddie Garcia sa Quezon City International Film Festival (ngayong October 30 ito magtatapos) na mas kilala sa bansag na QCinema. Nagwagi siya noong Biyernes ng gabi, October 26, sa awards ceremonies na idinaos sa Novotel, Cubao, QC, para sa pagganap n’ya sa Hintayan ng Langit bilang isang matabil na matandang makikita sa purgatoryo ang ex-girlfriend n’ya ... Read More »

Alindog ni Pia, nakalalasing

Pia Wurtzbach Ginebra San Miguel Calendar Girl 2

ALAM na kaya ni Pia Wurtzbach kung hanggang sa anong edad safe pa para sa kanya magdalantao at magsilang? Twenty-nine years old na siya noong Sept. 24. (Kuwarenta na yata si Vilma Santos noong isilang n’ya ang kaisa-isa nilang anak ng politikong si Ralph Recto.) Pampabuhay (ayaw namin sa salitang “pamatay!”) ang alindog ng dalaga pang Miss Universe 2015 noong rumampa at humarap sa media, Martes ng ... Read More »

Claudine, bagong mukha, bagong katawan

MAAYOS at napakapayapa siguro ng buhay ni Claudine Barretto ngayon. At maaring ‘yun ang dahilan kaya pati ang katawan at mukha n’ya ay napakamaayos din. Dumalo siya sa gala premiere ng First Love na nagtatampok kina Bea Alonzo at Aga Muhlach na naging leading man n’ya noon sa pelikulang Kailangan Kita (2002). Pumasok sa sinehan si Claudine kasama ni Raymond ... Read More »

Michael Buble, magreretiro na dahil sa anak na may liver cancer

APEKTADO si Michael Buble ng pagkakaroon ng liver cancer ng panganay n’yang anak na 5 years old pa lang kaya naiproklama n’ya na ang malapit nang i-release na album ang huli na n’ya dahil gusto na n’yang magretiro para maasikaso nang husto ang anak. Noah ang pangalan ng anak n’ya at simpleng Love lang ang titulo ng album na sa ... Read More »

Direk Irene, pinangaralan ang basher ni Nadine

Irene Villamor Nadine Lustre

TATAHI-TAHIMIK lang si Carlo Aquino kung ano ang next project n’ya pagkatapos ng napakamatagumpay sa takilya na Exes Baggage nila ni Angelica Panganiban, ‘yun pala ay abalang-abala na siya sa shooting bilang leading man sa latest film project nila ni Nadine Lustre, ang  Ulan, sa direksiyon ni  Irene Villamor. Naka-12 araw na pala sila ng syuting. Si Villamor ay ang ... Read More »

Sexy pictorial ni Jake, ikina-react ng ilang kapwa artista

Jake Cuenca by Andrei Suleik

SI Jake Cuenca ang pinaka-senior sa edad at sa stature sa limang Los Bastardos. At para siguro ipadama sa madla at kina Albie Casino, Marco Gumabao, Diego Loyzaga, at Josh Colet na batambata pa rin ang hitsura at katawan n’ya, at puwede pa ring makipagsabayan sa kanila, nagpa-pictorial siya na parang pang-bold star, pang-film stud, at walang takot n’yang ipinaskil sa kanyang Instagram at Facebook. Siguradong pinagpapantasyahan ... Read More »

Pia, ipinahiya ang kanyang mga magulang

Pia Wurtzbach

MABUTI naman at kinastigo ng isang netizen ang pagbabando ni Pia Wurtzbach sa Instagram n’ya na 11 years old pa lang siya ay  breadwinner na ng pamilya. Mistulang panghihiya ni Pia sa mga magulang n’ya: “I’ve been my family’s breadwinner since I was 11. I’ve worked countless jobs from waiting tables to packing boxes in a paper factory — a testament ... Read More »

2 transgender women, pasok sa Miss Universe 2018

Angela Ponce Solongo Baisukh

BAKA dalawang transgender women ang makasali sa Miss Universe 2018 na sa Bangkok, Thailand magaganap sa Disyembre. Ang una ay si Angela Ponce ng Spain. Ang posibleng maging pangalawa ay si Solongo Baisukh ng bansang Mongolia. May mga humuhulang si Solongo ang magwawagi kahit na sa kauna-unahang pagkakataon pa lang magpapadala ng kandidata ang bansang Mongolia na bahagi ng Asia. Sa October 17 pa naman idaraos ang Miss Universe ... Read More »

Kuh at Christian, ‘di religious concert ang gagawin sa Solaire

Kuh Ledesma Christian Bautista

HINDI magiging religious, at baka nga ni hindi rin inspirational, ang forthcoming concert nina Kuh Ledesma at Christian Bautista sa The Tent at Solaire sa October 20. After all, ang titulo ng concert ay Kuh Ledesma, Christian Bautista Sing Streisand, Groban, Legrand. Ibig sabihin ay mga kantang pinasikat nina Barbra Streisand at Josh Groban, pati na mga komposisyon ni Michel Legrand, ang ipe-perform nina Kuh at Christian na parehong ... Read More »

Titulo ng bagong serye sa Dos, tunog nagmumura

100118 Precious Hearts Romances Los Bastardos Jake Cuenca Albie Casino Diego Loyzaga Marco Gumabao Josh Colet

SERYOSO kayang itutuloy ng Kapa­milya Network ang seryeng Los Bastardos? Ang sama ng titulo, eh! Tunog nagmumura! “Bastardo” o “bastarda” ang lumang tawag sa mga anak sa labas, o mga anak na ‘di produkto ng babae at lalaking ‘di kasal sa isa’t isa. “Bastard” ‘yon sa Ingles, at ‘di na rin nga ginagamit ngayon ang salitang Ingles na ‘yon. Pati nga yung “child ... Read More »

Jake, walang takot na sumalang sa isang stage play

Jake Cuenca Sab Jose Lungs

STAGE actor na rin nga si Jake Cuenca, kung di n’yo pa alam. Magpapangalawang weekend na nga ang pagganap n’ya sa Lungs sa Power Mac Center Spotlight Theater sa Circuit Lane, Makati. Hanggang sa weekend na lang ng October 7 ito itatanghal. English ang dula, na isinulat ni Duncan Macmillan. Tinanggap ni Jake ang stage project para ‘di magtuloy-tuloy ang kontrabida na n’yang image ... Read More »

Angelica, pinatawad na si John Lloyd

Angelica Panganiban john Lloyd Cruz Ellen Adarna

MISTULANG nagpiprisinta na si Angelica Panganiban para maging ninang ng anak ng ex n’yang si John Lloyd Cruz kay Ellen Adarna. “Ano, gusto mo ba akong magninang? Kasi mabuti akong ninang,” parating ng aktres kay John Lloyd noong mag-guest siya sa Gandang Gabi, Vice nitong nakaraang Linggo sa Kapamilya Network. Pinaglaro ni Vice Ganda si Angelica sa segment ng show na nagpapakita ng mga litrato at magtatanong ang guest kunwari roon ... Read More »

Gabby, umaasa pa ring matutuloy ang movie nila ni Sharon

Sharon Cuneta Gabby Concepcion

MAPANGGULAT na pala ngayon itong si Gabby Concepcion. Kundi pa dahil sa promo interviews sa kanya para sa partisipasyon n’ya sa Gabay Guro project ng PLDT-Smart ‘di mapapabalitang may ginagawa pala silang pelikula ni Jodi Sta. Maria na posibleng maging entry sa darating na Metro Manila Film Festival. Nakagugulat ‘yon, ‘di ba? Man and Wife ang titulo ng pelikula, at ... Read More »

Joel Lamangan, aarte sa entablado

Joel Lamangan

DALAWANG weekends na magiging batikang aktor si Joel Lamangan. Opo, si Joel Lamangan na premyadong direktor sa pelikula, sa telebisyon, at sa teatro (stage). Pero hindi sa pelikula at hindi rin sa TV aarte si Direk. Sa teatro siya aarte—na walang “cut!” at take 2 sakaling magkamali siya. Pero hindi acceptable na magkamali siya—dahil siya ang bida sa Ang Buhay ... Read More »

Pia, kauna-unahang Miss Universe na magkakaroon ng wax statue sa isang sikat na wax museum

Pia Wurtzbach Madame Tussauds

MAY lamang na, kumbaga, si Pia Wurtzbach sa mga kapwa Pinay n’ya na naging Miss Universe. Magkakaroon na siya ng wax statue sa napakasikat na wax museum na ang simpleng pangalan ay Madame Tussauds. Mga sikat sa buong mundo ang may wax statues sa iba’t ibang bansa sa Madame Tussauds. Mga royalties ng United Kingdom, US presidents, heroes ng World History, sports heroes, international ... Read More »

Pinoy, wagi sa Primetime Emmy Awards

Darren Criss Emmy Awards

SA wakas, may aktor ng may dugong Pinoy na nagwagi sa Primetime Emmy Awards para sa mga Kano. Si Darren Criss,  na ang nanay ay tubong Cebu, ay pinarangalan bilang Outstanding Lead Actor in a Limited Series or Movie sa Primetimy Emmy Awards noong September 17 sa Amerika. Idinaos ang awards night sa Microsoft Theater sa Los Angeles, California. Ang Emmy Awards ay itinuturing na pinaka-prestigious na TV ... Read More »

Jodi, muling nag-top sa klase

SA mga tinatamad nang mag-aral dahil malaki na ang kita nila at may anak na, tularan n’yo si Jodi Sta. Maria.  Ang babaeng may anak na, hiwalay na sa asawa, napakayaman na, nakipag-break sa boyfriend nyang napakayaman din at guwapo (si Jolo Revilla), at 36 years old na, nagtitiyaga pa ring makatapos ng pag-aaral sa kolehiyo. Pero ‘di naman talaga nagtitiyaga lang ... Read More »

Pinoy, ‘di totoong naghihirap (Sa pagkita ng The Hows of Us ng P400.7-M)

Kathniel Kathryn Bernardo Daniel Padilla The Hows Of Us

GAANO na nga ba kapobre ang buhay sa Pilipinas? Gaano karami kaya ang kumakain ngayon ng murang bigas na may bukbok dahil sa rekomendasyon ng Agriculture Secretary? O ang dapat bang itanong ay: “Gaano kayaman na kaya ang mga Pinoy ngayon? Gaano kalaki ang budget nila para sa panonood ng sine?” Kung naniniwala tayo sa mga report tungkol sa kita ... Read More »

Kylie sa pagbisita ng inang si Liezl — Seeing her with Alas is like feeling safe

Kylie Padilla Liezl Sicangco Alas

BAKA nasa Pilipinas pa ang ex-wife ni Robin Padilla na si Liezl Sicangco at nasa tahanan ng anak nilang si Kylie Padilla, ang live-in partner nitong si Aljur Abrenica, at ang anak nilang si Alas Joaquin. Tahimik na dumating sa bansa si Liezl  kamakailan. At kaya lang napag-alaman ng madla ang pagdating dahil ipinost ni Kylie sa Instagram ang litrato ng butihin n’yang ina na kasama ang anak n’yang ... Read More »

Sharon, boto sa kasalukuyang BF ni KC

Sharon Cuneta KC Concepcion Pierre Plassant

PARANG takot na takot si Sharon Cuneta na tumandang dalaga ang panganay n’yang anak na si KC Concepcion. Inang-ina pa rin siya kay KC na halos 40 years old na, may sarili nang negosyo, at nakakapunta sa ibang bansa anumang oras. Nakipagbalikan si KC sa boyfriend n’yang Frenchman na si Pierre Plassant na isang direktor sa Paris. Pinapunta siya roon ni Pierre para samahan siyang ... Read More »

Heart, sa NY naman rarampa

Heart Evangelista Sequoia

INTERNATIONAL fashion icon na si Heart Evangelista. Endorser na siya sa isang fashion house sa Paris, France, na siya pa ring itinuturing na fashion capital of the world. Sequoia ang brand na ineendoso ni Heart. Leather handbags ang espesyalisasyon ng Sequoia. ‘Luxury French label’ naman ang description mismo ni Heart sa mga produkto ng Sequoia. (May Sequoia Hotel sa Quezon City pero ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved