Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Brian Bilasano (page 4)

Author Archives: Brian Bilasano

Feed Subscription

Japanese investor patay sa ambush

AGAD binawian ng buhay ang isang Japanese investor habang sugatan ang kanyang kasamang Filipino, makaraan tambangan ng riding-in-tandem habang binabagtas ang kahabaan ng Ro-xas Boulevard sa Ermita, Maynila, kamakalawa ng gabi. Base sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, kinilala ang biktimang si Seiki Mizuno, 48, pansamantalang nanunuluyan sa Solaire Hotel sa Pasay City, kararating lamang sa Fi-lipinas nitong Huwebes ... Read More »

Kelot kritikal sa tarak ng 4 suspek (Sa Manila North Cemetery)

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang lalaki makaraan tarakan sa leeg at sa ibang bahagi ng katawan ng apat lalaki sa loob ng Manila North Cemetery sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng gabi. Nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Tondo ang biktimang kinilalang si Alvin Evangelista. Habang kinilala ang isa sa mga suspek na si alyas Baloktok, miyembro ng ... Read More »

Sotto tumalon mula 20/f nalasog (High sa damo)

NALASOG ang katawan ng isang estudyanteng may apelyidong Sotto na hinihinalang lango sa marijuana, makaraan tumalon mula sa ika-20 palapag ng tinutuluyang condominium tower sa Malate, Maynila, kahapon ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si Nathan Wolfe Sotto, 21, residente sa Unit 2034 The Manila Residences Tower II sa Malate. Ayon sa ulat ng Manila Police District (MPD) Homicide section, ... Read More »

Sanggol nilunod nanay kalaboso

KALABOSO ang isang 33-anyos ginang na nasa aktong nilulunod ang 4-buwan gulang niyang sanggol sa Manila Bay, sa Malate, Maynila, kamakalawa ng umaga. Aminado ang suspek na si Jane Gonzales, 33, lango siya sa alak at shabu nang inilulunod ang kanyang anak na si  Baby Christian. Aniya, nagawa niya iyon dahil sa pagkaburyong nang matigil ang sustento ng kanyang asawa ... Read More »

3 Briton, 35 Pinoys arestado sa NBI raid (Foreign investors pinuwersa)

INARESTO ang tatlong British national at 35 Filipino ng National Bureau of Investigation (NBI), makaraang salakayin ang isang telemarketing company, na ilegal na nag-o-operate sa Carmona, Cavite. Iniharap sa media kahapon ang mga suspek na sina Andrew Robson, Allan Bennet, at Dominic Whellams, company consultant, trainor at IT expert ng PLUSTEL Solutions Inc., may tanggapan sa 3/F ng 88 Bldg., ... Read More »

2 holdaper tigbak sa parak

TUMIMBUWANG na walang buhay ang dalawang hinihinalang mga holdaper nang lumaban sa nagrespondeng mga tauhan ng Manila Police District Station 3, sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng madaling araw. Ang dalawang suspek na hindi pa nakikilala ay tinatayang 40-45 anyos at 30-35 anyos. Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong 3:05 am naganap ang insidente sa madilim na panulukan ng Yuseco at ... Read More »

Utak ng pagpaslang sa chairwoman arestado sa Bulacan

NATUNTON ng mga elemento Manila Police District (MPD) Police Station 7, sa isang siyudad sa Bulacan ang sina-sabing utak sa pagpatay kay barangay chairwoman Nenita Acuna noong nakalipas na buwan sa Hermosa St., Tondo, Maynila. Sa kulungan isinilbi  ng mga awtoridad ang warrant of arrest sa itinuturong mastermind sa Tondo chairwoman killing, na si Alfred Basilisa, alyas Redd Solero, 24, ... Read More »

Motorcycle tandem sumalpok sa truck 1 patay, 1 sugatan

AGAD binawian ng buhay ang isang motorcycle rider habang sugatan ang kanyang angkas makaraan masagi at masalpok ng isang trailer truck nang mag-counterflow ang motorsiklo sa R-10, Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi. Ayon sa ulat ng Manila Police District Traffic Enforcement Unit (MPDTEU), dakong 8:30 pm nang maganap ang insidente sa R-10, malapit sa Jacinto St., Tondo. Lulan ng motorsiklo ... Read More »

Trike driver tigbak sa resbak

HINDI umabot nang buhay sa pagamutan ang isang tricycle driver nang tadtarin ng saksak ng dalawang lalaki makaraan, suntukin ang bayaw ng isa sa kanila sa Binondo, Maynila, kahapon ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si Angelo Sante, 34, residente ng Gate 46, Area B, Parola Compound, Binondo. Ayon kay MPD Station 11 commander, Supt. Amante Daro, tinutugis ng mga ... Read More »

Tsekwa tiklo sa Oplan Tugis

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang negosyanteng Chinese national, sa inilunsad na Oplan Tugis sa Binondo, Maynila, kamakalawa. Base sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Manila Police District (MPD) director, Chief Supt. Joel Napoleon Coronel, naaresto ang suspek na si Susan Ang, 34, residente sa 612 Elcano St., Binondo, Maynila, dakong 9:30 am sa ikinasang Oplan Tugis, sa pangu-nguna ... Read More »

World’s Teachers Day

NAGSAMA-SAMA ang mga estudyante at mga guro sa paanan ng Mendiola Bridge kasabay nang pagdiriwang ng World’s Teachers Day at ipinanawagan ang pagtaas ng sahod at benepisyo ng mga guro, at pagpapatigil ng K-12 program na anila’y hindi angkop sa sistema ng edukasyon sa bansa. ( BRIAN BILASANO ) Read More »

MAHIGPIT ang ipinatutupad na inspeksiyon ng mga tauhan ng Manila Department of Social Welfare (MDSW), Bureau of Permits, at MPD-MASA upang matiyak na maiwasan ang ano mang kaguluhan, para masiguro ang kalusugan ng mga empleyado partikular ang kababaihan, at maiwasan ang posibleng extra services. (BRIAN BILASANO) Read More »

BOMB THREAT

Pinalikas ng mga tauhan ng MPD sa pa-ngunguna ni PS3 Plaza Miranda PCP chief, Chief Insp. John Guiagui, at mga miyembro ng MPD-Bomb Squad, ang mga estudyante at faculty members ng Philippine College of Criminology (PCCR) sa Quiapo, Maynila kahapon makaraan makatanggap ng tawag sa telepono na nagsasabing may nakatanim na bomba sa nasabing paaralan. (BRIAN BILASANO) Read More »

“Oplan Sagip Anghel”

EXCLUSIVE! Inasistehan ng MPD-Manila Action and Special Assignment (MASA) ang mga kawani ng Manila Social Worker (MSW) at Bureau of Permits and Sanitary sa isinagawang “Oplan Sagip Anghel” sa inspeksiyon sa KTV bar establishments sa lungsod, at mga empleyado nito partikular ang mga GRO kung mayroong kaukulang mga dokumento katulad ng health permits upang matiyak na maayos ang kanilang kalagayan ... Read More »

NASABAT ng mga operatiba ni MPD PS3 commander, Supt Jack Tuliao ang 350 gramo ng shabu mula sa suspek na si Gizelle Escarez, 28, residente ng Berberabe St., Batangas City, sa isinagawang buy-bust operation ng SAID-SOTU PS3 sa Arlegui St., Quiapo, Maynila. ( BRIAN BILASANO ) Read More »

PATULOY ang ipinatutupad na Oplan Tok-Hang ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) sa pamumuno ni MPD Acting District Director, Senior Supt. Joel “Jigs” Coronel kasama sina MPD PS7 commander,  Supt. Alex Daniel at kanyang mga operatiba at barangay officials sa area of responsibility (AOR) sa Tondo na nagresulta sa pagsuko ng 60 tao na umaming sangkot sa ilegal na ... Read More »

MPD RESPECTS EX-MAJOR GENERAL LIM FOR MAYOR. Maging ang mga kapulisan ng Manila Police District ay inaabangan ang pagiikot ng nagbabalik na Ama ng Maynila Mayor Fred Lim dahil sa mataas na pagrespeto nila sa dating kabaro at TUWID na opisyal ng PNP na si Lim,kahit ipinagmamalaki ng City hall na areglado na sa kanila ang mga taga MPD dahil ... Read More »

SINALAKAY ng MPD-SWAT team ang hinihinalang drug den sa Arlegui St., San Miguel, Maynila. Naaresto sa nasabing operasyon ang isang most wanted person na nakompiskahan ng dalawang kalibre 45 baril at ilang sachet ng shabu. ( BRIAN BILASANO ) Read More »

BITBIT ng mga operatiba ni MPD Central Market Police Station 3 commander, Supt. Jackson Tuliao ang mga suspek na sina Orlando de Guzman, 27, ng 045 Bagong Nayon, Baliwag, Bulacan, Julius Jamir,  20, at isang alyas Paul, 17, kapwa residente ng Sta. Cruz, Maynila, naaresto sa kasong paglabag sa P.D. 1602 (Illegal Gambling) at Sec.11, Art. II ng R.A. 9165 ... Read More »

TILA nalimutan ng mga residente sa Parola Compound, Tondo, Maynila, ang buhay nilang lalong nasadlak sa kahirapan nang maglaho ang mga libreng serbisyo sa lungsod nang makita nila ang nagbabalik na tunay na Ama ng Maynila na si Mayor Fred Lim kasama ng kanyang bise alkalde na si Rep. Atong Asilo at mga kandidatong konsehal ng ikatlong distrito. Sinuyod ng ... Read More »

NADAKIP ng mga tauhan ni MPD Moriones Police Station 2 commander, Supt. Nicholas Pinon, sa pangunguna ng PS-2 Delpan PCP chief, Chief Insp. Roberto Mangune, ang suspek na si Joemar Cantilang, 25, miyembro ng kilabot na BCJ Gang, sa PPA Compound, Pier 2, Tondo, Maynila, sa kasong robbery hold-up. ( BRIAN BILASANO ) Read More »

NAGBIGAY ng tulong ang nagbabalik na ama ng lungsod ng Maynila na si Mayor Alfredo Lim sa mahigit 3,000 residente ng dalawang barangay sa Dagupan Ext.,Tondo, Maynila na biktima ng sunog kamakailan. Kasama ni Mayor Lim ang tandem na si aspiring Vice Mayor incumbent 1st District Congressman Atong Asilo at Konsehal Niño Dela Cruz sa kanyang pag-ayuda sa Manileño na ... Read More »

NAKALAWIT ng mga operatiba ng MPD PS-8 sa pamumuno nina Supt. Santiago Pascual at Senior Insp. Cicero Pura ang sampu katao na naaktohan habang nagsasagawa ng pot session sa Islamic Center sa Palanca St., Quiapo, Maynila kamakalawa. Ang operasyon ay kaugnay sa isinasagawang ‘Oplan Galugad’ na direktiba ni MPD district director, Chief Supt. Rolando Nana. (BRIAN BILASANO) Read More »

MATAIMTIM na nagdasal ang pamilya Atienza sa simbahan ng Poon Nazareno sa Quiapo, Maynila bago magtungo sa Commission on Election (COMELEC) at pormal na naghain ng Certificate of Candidacy (COC) sina incumbent 5th District Councilor Ali Atienza bilang kandidatong bise alkalde at Maile Atienza, bilang kosehal ng ikatlong distrito. Humabol rin si Amado Bagatsing ang kanilang kandidato sa pagka-alkalde ng ... Read More »

BITBIT ni PO3 Jonsen San Pedro ang suspek na si Winzar Jemera, 51, no. 7 sa top 10 drug most wanted personalities, makaraang madakip ng mga tauhan ni MPD Moriones, Tondo PS2 commander, Supt. Nicholas “Nick” Pinon sa pinaigting na Anti-Crime and Narcotics/Drug Campaign ng pulisya sa utos ni MPD Director, Chief Supt. Rolando Nana. (BRIAN GEM BILASANO) Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved