Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Brian Bilasano (page 3)

Author Archives: Brian Bilasano

Feed Subscription

Retiradong ninja cop todas sa ratrat (Indian national, 1 pa sugatan)

PATAY ang isang dating pulis, kabilang sa talaan ng high value target (HVT) dahil tukoy na kabilang sa grupo ng “Ninja cops” ngunit nag-early retirement, habang dalawa ang sugatan nang madamay sa insidente ng pamamaril sa loob ng isang gym sa Sta. Ana, Maynila, kamakalawa ng gabi. Agad binawian ng buhay ang biktimang si dating SPO3 Dennis Padpad, 47, at ... Read More »

Kelot tigbak sa saksak (Dyowa ng iba kinursunada)

PATAY ang isang lalaki makaraan pagtulungan bugbugin at saksakin nang kursunadahin ang live-in partner ng isa sa mga suspek sa Parola Compound, Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw. Ayon sa ulat ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, kinilala ang biktimang si Elmer Tangaye ng Gate 10, Parola Compound,Tondo Habang tumakas ang mga suspek na sina Rodel Simoy, 22, at Rodel ... Read More »

Bagets itinumba sa computer shop

PATAY ng isang 17-anyos binatilyo makaraan barilin sa ulo ng hindi nakilalang lalaki sa loob ng isang computer shop sa Tondo, Maynila nitong Lunes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Marvin Galicio, isang out of school youth, at residente ng Parola Compound. Ayon sa ulat ng Manila Police District, naglalaro ang biktima sa “pisonet”cafe sa lugar nang bigla siyang binaril ... Read More »

GF tineks ng ex-BF, egg vendor nagbigti

NAGBIGTI ang isang 19-anyos egg vendor dahil sa matinding selos makaraan madiskobre ang text message sa cellphone ng kanyang girlfriend mula sa ex-boyfriend, sa inuupahang kuwarto sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga. Kinilala ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, ang biktimang si Jessie Campo, residente ng 574 Hermosa Ext., Tondo. Base sa salaysay ng nobya ng biktima na si ... Read More »

Kelot patay sa heat stroke

NATAGPUANG walang buhay isang 53-anyos lalaking hinihinalang inatake ng heat stroke sa Sta. Mesa, Maynila, kahapon ng umaga. Ayon sa Manila Police District (MPD) Homicide Section, base sa LTO non-professional drivers license, kinilala ang biktimang si Teddy Sauler, ng 136-K 7th St., Kamias, Quezon City. Base sa imbestigasyon, natagpuan ng isang construction worker na si Jonel Duenlag, 23, ang biktima ... Read More »

Lolo binoga sa tagayan

BUMULAGTA ang isang 59-anyos lolo makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem habang nakikipag-tagayan sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktimang si Dophy Rito, residente sa Linampas St., Dagupan, Tondo, binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Metropolitan Medical Center. Mabilis na tumakas lulan ng motorsiklo ang dalawang suspek makaraan ang pa-mamaril. Sa imbestigasyon ni SPO2 John Charles Duran,ng Manila ... Read More »

Seguridad sa Quiapo kasado na (Paghahanda sa Ramadan) — MPD

NAKATAKDANG ipatupad ng Manila Police District (MPD) at pamahalaang lungsod ng Maynila ang “foolproof” o 24/7 walang palyang security detail sa Muslim community, bilang paghahanda sa nalalapit na Ramadan sa Quiapo, Maynila. Ang ilalatag na security plan ay bunsod ng pangamba ni Mayor Erap Estrada, makaraan ang tatlong magkakasunod na pagsabog sa Quiapo, sinasabing dahil sa su-miklab na “religious war” ... Read More »

OSY kritikal sa samurai ng kaaway

MALUBHANG nasugatan ang isang binatilyong out of school youth (OSY) makaraan pagtatagain ng samurai ng kanyang kaaway sa Pier 2, Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang biktimang si Theogyl Cerdon alyas TJ, 15-anyos, ng Brgy. 20, Zone 2, Apex Compound, Pier 2, North Harbor, Tondo, nilalapatan ng lunas sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center. Habang ang suspek ay ... Read More »

Police intel sa Quiapo blasts utas sa ambush

PATAY ang isang intel operative ng Manila Police District (MPD), na kabilang sa nag-iimbestiga sa Quiapo blasts, makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem  sa Paco, Maynila kamakalawa. Hindi umabot nang buhay sa Philippine General Hospital (PGH) ang biktimang si PO2 Abdul Jabbar Alonto, 36, nakatalaga sa MPD-District Intelligence Division (DID), tubong Marawi City at naninirahan sa 645 Carlos Palanca St., San Miguel, ... Read More »

2 NBI agents ‘pinagpahinga’ ni Sec. Aguirre (Nasa payola ni Atong Ang)

ITINAPON sa ‘kangkongan’ ni Department of Justice (DoJ) Secretary Vitaliano Aguirre II, ang dalawang ahente ng National Bureau of Investigation (NBI), sinasabing kabilang sa tumatanggap ng payola mula sa kilalang bigtime gambling lord na si Charlie “Atong” Ang. Pahayag ng kalihim, may nakalap silang matibay na ebidensya, nagpapatunay na kasama ang dalawang ahente ng NBI sa protection racket kay Ang. ... Read More »

‘Abogado’ wanted sa bagong pagsabog sa Quiapo (2 patay, 4 sugatan)

ISANG abogado ang pinaghahanap, isang linggo  pagkaraan ng pagsabog na ikinasugat ng 14 biktima, at isang araw matapos madiskobre ang isang bag na naglalaman ng mga sangkap sa paggawa ng bomba, sa isang pagsabog na muling naganap at ikinamatay ng 2 katao at ikinasugat ng 4 pa, sa pusod ng Muslim community sa Quiapo, Maynila kahapon ng hapon. Sa ulat, ... Read More »

Panggawa ng bomba natagpuan sa Quiapo

NADISKOBRE ng mga kawani ng Manila Police District (MPD) ang isang bag na naglalaman ng mga sangkap sa paggawa ng bomba, sa isang bahay sa Islamic Center sa Carlos Palanca St., Brgy. 648, Zone 67, Quiapo, Maynila, nang salakayin ng pulisya, kahapon ng umaga. Base sa ulat ni MPD Director Joel Coronel, sinalakay ng kanyang mga tauhan ang bahay makaraan ... Read More »

Laborer nagsaksak sa leeg (Naburyong sa bulutong)

INIIMBESTIGAHAN  ng Manila Police District ang pagkamatay ng isang 32-anyos helper, na may sakit na bulutong, makaraan matagpuan naka-handusay at wala nang buhay sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga. Ayon sa ulat ng MPD-Homicide Section, kinilala ang biktimang si Allan Oppox, stay-in helper, sa Construction Supply shop sa 245 Zaragosa St., Tondo, natagpuang may saksak sa leeg. Base sa imbestigasyon, ... Read More »

San Carlos grad topnotcher sa bar exam

NANGUNA sa 2016 Bar Examination ang babaeng graduate mula sa University of San Carlos (USC). Si Karen Mae L. Calam ay nakakuha ng 89.05 average. Pumangalawa si Alanna Gayle Ashley B. Khio mula Silliman University, nakakuha ng 88.95 percent. Tabla sa third place sina Fiona Cristy Lao, taga-USC rin, at Athalia Liong, mula sa Andres Bonifacio College, kapwa nakakuha ng  ... Read More »

DoLE building nirapido (Sa Araw ng Paggawa)

PINAULANAN ng bala ng hindi nakilalang armadong kalalakihan ang punong tanggapan ng Department of Labor and Employment (DoLE) kasabay ng Labor Day, sa Intramuros, Maynila, kahapon ng madaling araw. Ayon ka MPD PS5 chief, Supt. Emery Abating, dakong 4:15 am nang pagbabarilin ng mga suspek ang DoLE main building sa Muralla Drive kanto ng Gen. Luna St. sa Intramuros. Sa ... Read More »

NCRPO walang bilib sa pag-ako ng ISIS ( STF sa Quiapo bombing binuo)

KINONTRA ng Philippine National Police (PNP) ang pag-ako ng teroristang ISIS (Islamic State of Iraq and Syria) sa pagpapasabog sa isang peryahan na ikinasugat ng 14-katao sa Quiapo Maynila, nitong Bi-yernes ng gabi. Sinabi ng National Capital Region Police Office (NCRPO), walang basehan at walang makapagtuturo na ang teroristang ISIS ang nasa likod ng pagpapasabog sa isang lugar sa Maynila. ... Read More »

Bombero nagpaputok ng baril sa sunog

TATLONG lalaki ang sugatan nang magpaputok ng baril ang isang bombero habang may nagaganap na sunog sa Juan Luna St., Gagalangin, Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi. Base sa ulat ni Senior Fire Officer 2 (SFO2) Edilberto Cruz sa Manila Police District (MPD), naganap ang sunog dakong 11:45 pm at naapula dakong 12:47 am at natupok ang dalawang palapag ng commercial ... Read More »

Bebot tumawid sa riles sapol ng PNR train (May kahuntahan sa cellphone)

NALASOG ang katawan at halos hindi na makilala ang isang parlorista makaraang masagasaan at makaladkad ng rumaragasang tren ng Philippine National Railways (PNR) sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni S/Insp. Arnold Sandoval ng Manila District-Traffic Enforcement Unit (MD-TEU), ang biktimang si Marvic dela Cruz, 34, ng Phase 5, Block 15, Lot 37, Towerville, Minuyan Proper, San Jose Del ... Read More »

Peryahan sa Quiapo pinasabog, 14 sugatan (Ama iginanti ang anak na binugbog)

UMABOT sa 14 katao ang sugatan, kabilang ang limang kritikal ang kon-disyon, makaraan pasabugin gamit ang pipe bomb, ang isang perya-sugalan sa Quiapo, Maynila, kamakalawa ng gabi. Kabilang sa limang kritikal ang kondisyon ang isang naputulan ng binti at isa pang nawakwak ang likurang bahagi ng katawan. Sa imbestigasyon ng Manila Police District (MPD), posibleng responsable sa insidente ang isang ... Read More »

MPD PS1 chief sibak sa ‘secret jail’ sa Tondo

PANSAMANTALANG tinanggal sa puwesto ang hepe ng Manila Police District Station 1 na si Supt. Robert Domingo makaraan madiskobre ng Commission on Human Rights (CHR) ang sinasabing “secret detention cell” sa loob ng nasabing presinto sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi. Humalili sa puwesto ni Supt. Domingo si Supt. Alberto Barot mula MPD D4/Logistics, at dating commander ng MPD Station ... Read More »

1 patay, 3 sugatan sa tandem (Pilahan ng trike niratrat)

PATAY  ang  isang  tricycle driver  habang sugatan ang tatlo katao makaraan pagbabarilin  ng  riding-in-tanden ang  pilahan  ng tricycle sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling araw. Hindi umabot nang buhay sa  Jose  Reyes  Memorial Me-dical Center ang biktimang si Miguel Perez, 31, taga-Velasquez St., Tondo. Nilalapatan  ng  lunas sa nasabing  pagamutan  ang  tatlong sugatan na sina Marlon Clemente, 29; Francisco, 21, ... Read More »

Takatak boy todas sa tren

HINDI naisalba sa pagamutan ang buhay ng isang cigarette vendor makaraan mahagip nang rumaragasang tren ng Philippine National Railways (PNR) sa Pandacan, Maynila, kamakalawa ng gabi. Isinugod sa Sta. Ana Hospital ang biktimang si Romeo Loria, 55, biyudo, at residente sa Jesus St., Pandacan, ngunit bina-wian ng buhay. Ayon sa ulat ng Manila Police District Traffic Enforcement Unit (MPDTEU), naganap ... Read More »

Kelot tigok sa bala sa ulo

BINAWIAN ng buhay ang isang lalaki makaraan barilin sa ulo ng hindi nakilalang riding-in-tandem kahapon ng mada-ling-araw sa Malate, Maynila. Kinilala ang biktimang si Marlon Joseph del Rosario, ng Francisco St., Malate, Maynila. Sa imbestigasyon ng Manila Police Distric (MPD) homicide section, dakong 12:05 am, inabangan ng mga suspek si Del Rosario at binaril paglabas niya ilang metro mula sa ... Read More »

Japanese investor patay sa ambush

AGAD binawian ng buhay ang isang Japanese investor habang sugatan ang kanyang kasamang Filipino, makaraan tambangan ng riding-in-tandem habang binabagtas ang kahabaan ng Ro-xas Boulevard sa Ermita, Maynila, kamakalawa ng gabi. Base sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, kinilala ang biktimang si Seiki Mizuno, 48, pansamantalang nanunuluyan sa Solaire Hotel sa Pasay City, kararating lamang sa Fi-lipinas nitong Huwebes ... Read More »

Kelot kritikal sa tarak ng 4 suspek (Sa Manila North Cemetery)

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang lalaki makaraan tarakan sa leeg at sa ibang bahagi ng katawan ng apat lalaki sa loob ng Manila North Cemetery sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng gabi. Nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Tondo ang biktimang kinilalang si Alvin Evangelista. Habang kinilala ang isa sa mga suspek na si alyas Baloktok, miyembro ng ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved