Tuesday , November 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Bong Son

Author Archives: Bong Son

Feed Subscription

4 bata, ginang patay sa sunog sa Tondo

LIMA ang kompirma­dong patay makaraan matupok ang apat pa­lapag na paupahan sa Tondo, Maynila, nitong Martes ng hapon. Kinilala ni Fire Senior Inspector Reden Alumno, hepe ng Inves­tigation Unit ng Bureau of Fire Protection-Mani­la, ang mga biktimang namatay — ang mag­kapatid na sina Ysabel Ygornia, 8, at Bryan Ygornia, 7, at si Juliana Bermudo, 13, at isa pang batang lalaki. Magkakatabi ang nasunog ... Read More »

Express UVs unti-unting nagbabalikan sa illegal terminal sa Liwasang Bonifacio

TILA unti-unting nagbabalikan ang mga UV Express sa illegal terminal sa Liwasang Bonifacio na may bantay pang taga-MPD PS5 (may bilog). Matatandaang mismong si MMDA chairman Danny Lim ang nagpasara sa nasabing illegal terminal na sinabing protektado ng barangay officials sa Barangay 659-A, Ermita, Maynila. (BONG SON) Read More »

NBI: Painting Exhibit Art Clinic Workshop, Photo Exhibit & Competition

PINAGKALOOBAN ng Certificate of Recognition ni National Bureau of Investigation (NBI) Director, Atty. Dante Gierran si Alab ng Mamamahayag (ALAM) national chairman, Jerry Yap, isa ring publisher at columnist, sa katatapos na pagdiriwang ng 80th anniversary bilang guest of honor at hurado sa ginanap na Painting Exhibit Art Clinic Workshop at Photo Exhibit & Competition. Naging guest speaker sa okasyon ... Read More »

100 DAYS NI DIGONG.

Sinalubong ng kilos-protesta ng iba’t ibang grupo ng mga manggagawa ang unang 100 ni Pangulong Rodrigo Duterte upang itulak ang administrasyon na magdesisyon para sa konkretong hakbang sa pagtupad sa pangakong tuldukan ang kontraktuwalisasyon kasabay ng kanilang kahilingang dagdag-sahod sa pamamagitan ng pagpapatupad ng minimum wage na P750 kada araw para sa mga pribadong manggagawa at P16,000 buwanan sahod para ... Read More »

Tserman, 6 pa patay sa Quiapo drug raid (263 kalalakihan inaresto)

PITO ang napatay kabilang ang isang barangay chairman na kinilalang si Faiz Macabato, at isang kagawad ng Islamic Center sa Quiapo, Maynila habang 200 katao ang naaresto na hinihinalang drug users at pushers. Pinapila ang mga suspek sa Palanca Bridge sa San Miguel, Maynila habang isinasagawa ang operasyon laban sa ilegal na droga ng pinagsanib na puwersa ng PDEA, Manila ... Read More »

Free Lumad teachers, Amelia Pond — RMP to DoJ Sec. Aguirre

SINALUBONG ng kilos protesta ng grupong Rural Missionaries of the Philppines (RMP) ang World’s Teachers Day sa harap ng Department of Justice (DoJ) sa Padre Faura St., Ermita, Maynila upang manawagan kay DoJ Sec. Vitaliano Aguirre II, na palayain ang Lumad teachers kabilang si Amelia Pond, na nakulong noong nagdaang administrasyon. ( BONG SON ) Read More »

Elizabeth Oropesa “A Group Art Exibit” sa Adamson University Art Gallery

NAGBIGAY ng mensahe ng pasasalamat ang kilala at premyadong aktres na si Ms. Elizabeth Oropesa sa iba pang alagad ng sining sa disiplina ng pagpipinta na sina Nante Carandang, Fred Agunoy, Jose Armin Virata, Rolly Alcantara, Jun Tayao, Venerando Cenizal, Arnel Danga sa kanilang kauna-unahang pagtatanghal sa pamamagitan ng  “A Group Art Exibit” sa Adamson University Art Gallery, Ermita, Maynila. ... Read More »

Ibasura awtomatikong pagbabayad sa utang! (Audit all public debts now!)

NAGKILOS-PROTESTA ang grupong Freedom from Debt Coalition bitbit ang larawan ng mga ibon bilang simbolo ng kapayapaan sa paanan ng Mendiola kasabay ng panawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte na ibasura ang awtomatikong pagbabayad sa utang na panlabas ng bansa, at magpatupad ng audit upang mabatid kung saan napunta ang P19.2 bilyong El Niño fund. ( BONG SON ) Read More »

GANITO kahanda ang Manila Police District (MPD) SWAT sa kanilang responde gaya nang naganap kamakailan sa Hostellery, Plaza Ferguson, Ermita, Maynila na agad ikinadakip ng babaeng nagpaputok ng baril na kinilalang si Hema Bhalwart. (BONG SON) Read More »

Checkpoint

LALONG pinaigting ng Manila Police District (MPD) at Philippine Army ang pagpapatupad ng checkpoint sa Maynila matapos makatanggap ng sunod-sunod na bomb threat sa mga eskuwelahan na malapit sa Malacañang. (BONG SON) Read More »

MULING nagkainitan ang magkabilang grupo ang pro at anti-Marcos, habang hinihintay ang resulta ng oral arguments kung papayagan na ilibing sa Libingan ng mga Bayani, ang dati at yumaong Pangulong Ferdinand Marcos. ( BONG SON ) Read More »

Pull out coal now

NAGKILOS-PROTESTA ang mga residente ng Barangay 105 Happy Land, Tondo, Maynila sa harapan ng Manila City Hall upang manawagan na tuluyan nang palayasin ang tambakan ng nakakalasong coaldust stockpile sa warehouse ng Rock Energy Corporations sa kanilang lugar sa Tondo, Maynila. ( BONG SON ) Read More »

PINANGUNAHAN ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Nicanor Faeldon ang inspeksiyon sa limang container van na naglalaman ng kontrabando mula sa China. Kasama niyang nag-ikot ang media consultant na si Mocha Uson. ( BONG SON )

PINANGUNAHAN ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Nicanor Faeldon ang inspeksiyon sa limang container van na naglalaman ng kontrabando mula sa China. Kasama niyang  nag-ikot ang media consultant na si Mocha Uson. ( BONG SON ) Read More »

SABOG ang ulo at nasunog pa ang motor ng biktimang si Henry Venates nang makaladkad ng trailer truck 138008 na minamaneho ni Michail Bernardo Reyes, residente sa San Andres Bukid, Maynila, sa Plaza Dilao, malapit sa kanto ng Quirino Avenue sa Paco, Maynila kahapon ng umaga. ( BONG SON ) Read More »

NAGSAGAWA ng surprise drug test sa mga opisyal at tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) bilang bahagi ng kampanya laban sa droga ni Pangulong Rodrigo Duterte. ( BONG SON ) Read More »

Sa labas ng Palasyo, makikita ang iba’t ibang Duterte souvenirs and items na ibinebenta sa bangketa. ( Bong Son ) Read More »

NAGSAGAWA ng lightning rally ang mga miyembro ng Kabataang Makabayan sa kahabaan ng Rizal Avenue, Maynila upang ipanawagan kay Incoming President Rodrigo Duterte ang pagpapatuloy ng peace talks sa CPP-NPA at labanan ang anila’y pagsabotahe ng imperyalistang US sa usapang pangkapayapaan sa bansa. ( BONG SON ) Read More »

NAGKILOS-PROTESTA ang militanteng grupong College Editors Guild of the Philippines (CEGP) sa harap ng Department of Justice (DoJ) sa Padre Faura, Ermita, Maynila upang manawagan sa bagong halal na Pangulong Rodrigo Duterte na palayain ang lahat ng mga bilanggong politikal na nakulong sa panahon ng administrasyon ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III. ( BONG SON ) Read More »

DISBENTAHA sa  mga estudyante ang pagpapatupad ng K-12 ng Department of Education (DepEd), ayon kay Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV na sinabi niya sa regular na Kapihan sa Manila Bay sa Café Adriatico, Malate, Maynila. Kasama niya bilang panelist sa talakayan sina education assistant secretary Jessie Mateo at Preciosa Soliven ng Operation Brotherhood Montessori. ( BONG SON ) Read More »

NANINDIGAN si Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV na hangga’t hindi nakapapanumpa si Incoming President Rodrigo “Digong” Duterte ay hindi maituturing na opisyal ang kanyang mga pahayag. Kaugnay nito, kaya pansamantalang idineklara ng Senador ang ‘ceasefire’ habang binabantayan ang mga susunod na hakbang ng mauupong Pangulo. Idineklara ito ni Trillanes nang dumalo sa nangungunang media forum na KAPIHAN sa Manila Bay ... Read More »

BIGAS HINDI BALA! Ito ang sigaw ng mga militante at kaanak ng mga magsasakang anila’y minasaker noong Abril 1, sa kanilang kilos-protesta sa harap ng Department of Justice (DoJ) upang ipanawagan ang pagpapalaya sa 71 magsasakang inaresto ng mga pulis sa Kidapawan, North Cotabato. ( BONG SON ) Read More »

SINAMPAHAN ng kasong kidnapping, murder at robbery ang tatlong pulis na sina Inspector Elgie Jacobe, PO1 Mark Jay Delos Santos at PO1 Edmon Gonzales at ang mga sibilyan na sina Do-mingo Balanquit at Empire Salas kaugnay sa pagdukot at pagpatay sa negosyanteng si Adora Lazatin na inilagay ang bangkay sa drum at ipinaanod sa Ilog Pasig. Ang mga suspek ay ... Read More »

UPANG maginhawaan sa tindi ng init ng panahon at makatipid imbes na mag-outing sa beach, naligo na lamang ang mga kabataan sa portable swimming pool sa Road 10, Tondo, Manila. ( BONG SON ) Read More »

MAHIGPIT pa ring ipinatutupad ng Manila Police District (MPD) ang police checkpoint sa Road 10, Tondo, Maynila bilang bahagi ng pagpapatupad ng Comelec gun ban. ( BONG SON ) Read More »

NAGKAMAY sina congressman Amado Bagatsing at nagbabalik na si Manila Mayor Alfredo Lim sa ginanap na “Thrilla at UP Manila Round 2” pero desmayado ang nagtaguyod na The Good Neighbor’s Initiative (GNI) dahil hindi sila sinipot ni Erap Estrada nang walang ano mang abiso. ( BONG SON ) Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved