Monday , November 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Arabela Princess Dawa (page 5)

Author Archives: Arabela Princess Dawa

Feed Subscription

Lady Archers sampa sa finals

Tinuhog ng De La Salle Lady Archers ang Ateneo Lady Eagles, 3-1 para ibulsa ang unang Finals slot sa UAAP Season 78 women’s football sa McKinley Hill Stadium. Binira ni Sara Castañeda ang league-best sixth goal ng season sa 33rd minute, 10 minuto pagkatapos umiskor ni Irish Navaja para sa Lady Archers. Naglagak ng puntos si Maria Teresa Bernardo para ... Read More »

Subido humakot ng medalya (Paralympics)

Humarbes sina national differently-abled athletes Ronald Subido at Arman Dino ng gold medals sa katatapos na 5th PSC-PhilSpada National Paralympic Games 2016 sa Markina City Sports Center. Nilangoy ni Subido ang swimming men’s S9 50-meter at 100m freestyle gold medals para idagdag sa naunang golds nito sa 400 free at 100 butterfly events ng palaro. “Hindi ko akalaing magiging atleta ... Read More »

Big Guns gitgitan sa LBC Ronda

PUKPUKAN ang Navy-Standard Insurance at MVP Sports Foundation pagsipa ng Luzon Leg, LBC Ronda Pilipinas 2016 umpisa sa Paseo de Sta. Rosa at matatapos sa tuktok ng Baguio City sa Abril 9. Ipagyayabang ng Navy team sina Visayas Leg champion Ronald Oranza, Mindanao Leg winner Jan Paul Morales at Visayas Leg’s second placer Rudy Roque para makamit ang asam na ... Read More »

Miles tinibag ang 76ers (Kumana ng 25 puntos)

UMISKOR si C.J. Miles ng 25 points kasama ang go-ahead 3-pointer sa 3:39 mark ng fourth quarter para ihatid ang Indiana Pacers sa 115-102 panalo kontra Philadelphia 76ers kahapon sa 2015-16 National Basketball Association, (NBA) regular season. Nagdagdag si star player Paul George ng 20 points, eight rebounds at seven assists para sa Indiana na nakaupo ngayon sa pangwalo sa ... Read More »

Ray Parks kuminang sa NBA D-League

Sumiklab si former National University Bulldogs star Bobby “Ray Ray” Parks Jr.sa NBA D-League matapos tumikada ng 16 points para akbayan ang Texas Legends sa 139-109 panalo kontra Oklahoma City Blue sa Dr. Pepper Arena sa Frisco, USA. May follow-up stats pa si Fil-Am guard at two-time UAAP Most Valuable Player Parks ng four rebounds at tig tatlong assists at ... Read More »

Villanueva binitbit ang OLLTC sa MBL

Umangas si Ivan Villanueva upang itaguyod ang Our Lady of Lourdes Technological College sa 107-91 panalo kontra Macway Travel Club sa 2016 MBL Open basketball championship sa Rizal Coliseum. Rumatsada si 6-foot-3 Villanueva ng 34 puntos para pantayan ang dating single-game high ni  Mel Mabigat ng Jamfy-Secret Spices laban sa OLLTC-Takeshi nung nakalipas na linggo. Nagpakitang gilas si Villanueva sa ... Read More »

Guanzon nanguna sa OPBF convention

DUMATING ang mga boxing officials mula sa ibang bansa para daluhan ang gaganaping 54th Oriental and Pacific Boxing Federation 2016 Convention sa Negros, Occidental Bacold City. Mga promoters, managers, referees at trainers na galing sa mga bansang miyembro ng OPBF ang humangos dito sa Pilipinas para pag-usapan ang gagawing revision ng ilan sa provisions ng rules and regulations ng OPBF. ... Read More »

PSL All-Star squad tumikim ng panalo

NAKATIKIM ng panalo ang Petron-Philippine Superliga All-Star squad matapos tambangan ang Hong Kong, 25-22, 25-15, 25-20, sa Thai-Denmark Super League sa Bangkok. Friendly match na lang ang naging laban ng Filipinas dahil tanggal na sila sa nasabing torneo. Luhod ang Petron-PSL team sa four sets sa Bangkok Glass, lupaypay din sa tatlong sets sa Idea Khonkaen at muli ay dapa ... Read More »

Cavs pinaulanan ng tres ang Clippers

NAGPAULAN ng three-pointers ang Cleveland Cavaliers upang kalampagin ang Los Angeles Clippers, 114-90 kahapon sa 2015-16 National Basketball Association, (NBA) regular season. Nagbaon ng 27 points, anim na rebounds at limang assists kasama ang three-of-four sa tres si basketball superstar LeBron James para tulungang ilista ang three-game winning streak ng Eastern Conference defending champion Cleveland at itarak ang 47-18 win-loss ... Read More »

Roque kumaskas sa stage 2

HUMARUROT si Navy-Standard Insurance Rudy Roque papuntang finish line upang sungkitin ang Stage 2 criterium ng Visayas leg LBC Ronda Pilipinas 2016 sa Iloilo Business Park, Iloilo City. Umoras si 23-year-old Roque ng one hour, seven minutes at 26.69 seconds para talunin ang mga kakamping  sina Stage 1 winner Ronald Oranza (1:07:26.75) at Mindanao Leg champion Jan Paul Morales (1:07:26.83). ... Read More »

FX Logistics nakalusot sa Cignal

NAKALUSOT ang F2 Logistics sa Cignal matapos kampayan ang 25-18, 25-17, 21-25, 25-22 panalo sa PLDT Home Ultera Philippine Superliga Invitational Conference women’s volleyball sa Batangas City Sports Coliseum. Mahalaga ang panalo ng Cargo Movers dahil nagkaroon sila ng tsansa na sumampa sa final round sa event na suportado ng Asics, Mikasa, Senoh, Mueller, Grand Sport at broadcast partner TV5. ... Read More »

Celtics kinalos ang Grizzlies

TUMIBAY ang kapit ng Boston Celtics sa pangatlong puwesto ng Eastern Conference matapos kaldagin ang Memphis Grizzlies, 116-96 kahapon sa 2015-16 National Basketball Association, (NBA) regular season. Umiskor si Isaiah Thomas ng 16 sa 22 puntos sa third quarter para tulungan ang Celtics na ilista ang 39-26 karta. Hindi pa natatalo ang Boston sa kanilang lugar sa loob ng dalawang ... Read More »

Perpetual kampeon sa cheerleading

NABAWI ng Perpetual Help Perps Squad ang naagaw na korona matapos manaig sa katatapos na 91st NCAA cheerleading competition sa MOA Arena sa Pasay City. Hinablot ng Perps Squad ang titulo sa last year’s winner Arellano U Chiefs Squad tapos silang mabigyan ng 195 points ng mga hurado. Lumagapak ang Arellano sa second place sa iskor na 193, tinalo nila ... Read More »

Oconer, Morales bantay sarado sa Ronda

MARKADO sina George Oconer ng LBC-MVP Sports Foundation developmental team at Mindanao Leg champion Jan Paul Morales ng Navy-Standard Insurance ng kanilang mga makakatunggali sa pagsikad ng Visayas Leg ng LBC Ronda Pilipinas 2016 simula ngayong araw, Marso 11 hanggang 17. Lalarga ang mga siklista umpisa ng Bago City at matatapos sa Roxas City. Magbibigay din ng magandang laban ang ... Read More »

San Beda overall champion

NILAPA ng San Beda College Red Lions ang general championship sa senior division sa NCAA Season 91. Naibalik ng Red Lions ang dating hawak nilang korona matapos umiskor ng 632.5 points, naungusan nila ang back-to-back titlist St. Benilde para sakmalin ang pang-apat na titulo sa huling anim na seasons. “San Beda is proud of what our athletes have done,” pahayag ... Read More »

2 cheerdancers isinugod sa ospital

SUMABLAY sa kalkulasyon ang dalawang Mapua Cheerping Cardinals member kaya masama ang landing nila sa  91st NCAA cheerleading competition sa MOA Arena sa Pasay City. Kahit nasaktan, tinapos pa rin nina team captain Noel Laforteza Jr. at Dale De Guzman ang kanilang routine bago isunugod sa ospital para maeksamin at gamutin ang sugat na natamo. ”Hindi po maganda ang pagkakasalo ... Read More »

Maliksi PBA Player of the Week

MALAYO pa ang hahabulin ng Star Hotshots kahit nagwagi sila sa huli nilang laro, pero dahil sa magandang ipinakikitang laro ni Allein Maliksi ay posibleng makita nila ang tamang timpla sa kanilang koponan. Kumana ng  6-of- 6 sa three-point territory si Maliksi para alisan ng signal ang Talk ‘N Text Tropang Texters 96-88 sa nakaraang laro  sa 2016 Oppo-PBA Commissioner’s ... Read More »

Tate pinadapa si Holm

UMUWING luhaan si Holly Holm matapos maagaw sa kanya ang women’s bantamweight title nang padapain siya ni Miesha Tate sa fifth round ng kanilang UFC 196 sa MGM Grand Garden Arena. Si Holm ang nagpalasap ng unang kabiguan ni Ronda Rousey noong Nobyembre 2015 at dahil sa panalo ni Tate, naging pangatlong 135-pound champion siya sa UFC history Pukpukan sina ... Read More »

Kazakh rider lumalapit sa titulo

MAY isa pang lap pero malinaw na kung sino ang magkakampeon sa nagaganap na Le Tour de Filipinas. Aksidente na lang ang maaaring makapigil kay Oleg Zemlyakov ng Kazakhstan sa asam na titulo dahil masyadong malayo sa kanya ang pagitang oras ng kanyang mga katunggali. ”Siguro aksidente na lang ang magiging sagabal kay Zemlyakov para mag-champion,” ani race comptroller Paquito ... Read More »

UST sinagpang ang Bulldogs

PINULUPUTAN ng UST ang National U matapos sa ilista ang 25-14, 25-18, 17-25, 19-25, 15-12, panalo sa UAAP Season 78 women’s volleyball sa Mall of Asia Arena. Nanakmal ng tig-21 points nina Cherry Rondina at EJ Laure upang hablutin ng Tigresses ang ikalawang sunod na panalo tungo sa 2-3 baraha. “Mahirap talagang kalaban ang NU,” ani UST coach Kungfu Reyes. ... Read More »

Lavine back-to-back Slam Dunk King

KINALDAG ni Zach LaVine ang pangalawang sunod na titulo matapos talunin si Aaron Gordon sa Finals ng 2016 All Star Slam Dunk contest sa Toronto. Ipinakita ni Gordon ang taas ng kanyang talon nang lundagin nito ang kanyang mascot pero mas mataas umere si Lavine kaya nasikwat nito ang pinakamataas na puntos galing sa mga judges. Parehong nagpakita ng angas ... Read More »

Donaire, Nietes, Tabuena sa PSA Awards

MARKADO noong nakaraang taon sina world champions Donnie Nietes at Nonito Donaire, Jr. sa boxing at si Asia Tour winner Juan Miguel Tabuena sa golf dahil sa mga karangalang ibinigay sa Pilipinas. Kaya naman sosyo ang tatlo sa MILO-San Miguel Corp.-Philippine Sportswriters Association Athlete of the Year sa Annual Awards Night sa One Esplanade sa Pasay City sa darating na ... Read More »

James, Love binitbit ang Cavs

PATULOY ang pamamayagpag ng Cleveland Cavaliers sa Eastern Conference matapos kalampagin ang Phoenix Suns, 115-93 kahapon sa 2015-16 National Basketball Association (NBA) regular season. Kumana sina star players LeBron James at Kevin Love upang tulungan ang Cavaliers na hablutin ang pangalawang sunod na panalo at ilista ang 32-12 karta. Kahit lamang ang Cleveland, 55-50 ay medyo hindi maganda ang kanilang ... Read More »

40 puntos kinana ni Butler sa 2nd half

HUMATAW si Jimmy Butler ng 40 puntos sa second half upang tulungan ang Chicago Bulls na suwagin ang Toronto Raptors, 115-113 kahapon sa 2015-16 National Basketball Association, (NBA) regular season. Dalawang puntos lang ang naitala ni Butler sa unang dalawang quarters kaya naman nakalamang ang Raptors, 48-60. Bukod sa pagtala ng 40 puntos, nabura ni Butler ang inukit na history ... Read More »

Frayna 2nd place sa Jakarta

DALAWANG panalo at dalawang tabla ang tinarak ni Pinay WIM Janelle Mae Frayna upang hablutin ang second place sa katatapos na 3rd ASEAN JAPFA Chess Championships 2015 na ginanap sa Grandmaster Utut Adianto Chess School sa Jakarta, Indonesia. Kinaldag ni 19-year old Bicolana at FEU student na si Frayna (elo 2272) sina WFM Azman Hisham Nur Najiha (elo 2009) ng ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved