Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Arabela Princess Dawa (page 3)

Author Archives: Arabela Princess Dawa

Feed Subscription

Red Robins kampeon sa Freego Cup

NAGHARI ang Mapua Red Robins sa 10th Freego Cup na ginanap sa Buddhacare gym sa Quezon City matapos magsanib-puwersa sina Brian Lacap at Warren Bonifacio. Kumana si Lacap ng 21 points habang 17 ang tinipa ni Bonifacio para sa Red Robins na kinalos ang  La Salle Greenhills, 84-73. Malaking bagay ang pagkakapanalo ng Mapua para paghandaan ang pagdepensa ng kanilang ... Read More »

Tria humakot ng titulo

HUMAKOT ng titulo si Jose Antonio Tria matapos kalusin ang mga nakalaban sa finals ng 19th HEAD Junior Tennis Satellite Circuit sa Subic Bay International Tennis Center sa Olongapo City. Ibinalibag ni top seed Tria si Luigi Bongco 6-3, 6-2, sa pagkopo ng 16-and-under boys’ singles crown. Pati ang boys’ 18-under singles ay kinopo ni Tria nang pulbusin si Jonas ... Read More »

Cavs luhod sa Warriors sa game 3 (Lumapit na sa NBA Title)

KINAPITANG muli ng Golden State Warriors si Kevin Durant sa  opensa sa homestretch upang sungkitin ang 3-0 serye matapos paluhurin ang defending champion Cleveland Cavaliers, 118-113 kahapon sa Game 3 ng 2016-17 National Basketball Association, (NBA) finals. Kumana si Durant ng 31 points at walong rebounds upang lumapit ang Warriors sa pagbawi ng titulo matapos maagaw sa kanila ng Cavaliers ... Read More »

Battle of the Rivals (Ateneo vs La Salle)

MAHIGPIT na magkaribal pero magkakaisa muna sila para sa kapakanan ng kabataang Filipino. Magtutuos ang ilan sa pinakamagagaling na volleyball players mula sa De La Salle Lady Spikers at Ateneo Lady Eagles tulad nina Mika Reyes, Alyssa Valdez, Kim Fajardo, at Jia Morado sa “Battle of the Rivals,” isang benefit volleyball event na ilalarga ngayong 16 Hulyo sa SM Mall ... Read More »

Diliman pinayuko ng Griffins

NALUSUTAN ng CdSL-V Hotel Griffins ang kapwa matikas na Diliman College-JPA Freight Logistics, 62-55, sa isang makapigil-hiningang sagupaan at lumapit pa sa inaasam na seven-game sweep sa 2017 MBL Open basketball championship sa PNP Sports Center sa Camp Crame. Nanguna sina Soulemane Chabi Yo at Dominic Formento para sa Griffins, na nakatitiyak na tatabla sa unang dalawang puwesto at outright ... Read More »

Cignal markado sa PSL

NAKATUTOK halos lahat ng teams sa Cignal HD Spikers sa simula ng Philippine Superliga (PSL) All-Filipino Conference ngayong sa FilOil Flying V Center sa San Juan. Sariwa sa training camp sa Japan, markado ang ilan sa ipinagmamalaki ng HD Spikers na mga national team members. Ayon kay Cignal coach George Pascua, nag-umento ang laro nina Rachel Anne Daquis, Jovelyn Gonzaga, ... Read More »

Cavs babawi sa game 2

SISIKAPIN ng defending champion Cleveland Cavaliers na makabawi sa Game 2 sa finals ng 2016-17 National Basketball Association, (NBA) ngayong araw upang hindi mabaon sa serye. Pero  pihadong mahihirapan ang Cavaliers dahil sa lugar pa rin ng Golden State Warriors ang labanan. Hawak ng Warriors ang 1-0 bentahe sa kanilang best-of-seven series, puntirya nila na ikasa ang 2-0 para lumapit ... Read More »

Sonsona brothers magpapakitang-gilas

SUMUMPA ang magkapatid na Eden at Lolito Sonsona ng General Santos City na pareho nilang duduplikahin  ang naging tagumpay ng pinsan nilang si dating WBO world super flyweight champion Marvin “Marvelous” Sonsona sa magiging laban nila sa February 26 sa Lagao Gym. Si Eden na  dating WBC international Silver super featherweight champion ay haharapin si Jovany Rota para sa bakanteng ... Read More »

UE kampeon sa fencing

NAKAMIT ng  University of the East ang kanilang inaasam na championship double matapos hablutin ang korona sa men’s at women’s division ng UAAP Season 79 fencing tournament kahapon sa UST Quadricentennial Pavilion Arena. Kinalawit ng Red Warriors ang gold sa men’s team epee event sa nakulektang 4-2-2 gold-silver-bronze upang kompletuhin ang five-peat at 11th overall. Giniba  ng UE ang University ... Read More »

Lady Pirates luhod sa Lady Altas

PUMITAS ng players sa bench si Perpetual Help coach Sammy Acaylar upang pagpagin ang Lyceum of the Philippines, 25-21, 29-27, 25-23 sa women’s division ng 92nd NCAA volleyball tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan City. Malamya sa kaagahan ng laro sina team captain Cindy Imbo at Ma. Lourdes Clemente kaya napilitang dukutin ni Acaylar sa bench sina ... Read More »

Donaire ninakawan ng belt

Masaklap ang naging resulta ng laban ni Nonito Donaire ito’y matapos agawin ni Jessie Magdaleno ang World Boxing Organization (WBO) super-bantamweight title kahapon sa Thomas and Mack Center sa Las Vegas. Pumabor ang tatlong judges sa wala pang talong si Magdaleno kaya yumuko si Donaire via unanimous 12-round decision. Halos parehas ang naging labanan at inaasahan ng magiging dikit ang ... Read More »

Pacquiao itinumba si Vargas

NANATILI ang bilis, lakas at kara-nasan ni Manny “Pacman” Pacquiao kaya naitukma niya si American fighter Jessie Vargas at makuha muli ang WBO welterweight belt sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas, kahapon. Nabawi ng 37-anyos na si Pacquiao ang titulo kay Vargas matapos ilista ng tatlong hurado ang 114-113, 118-109, 118-109 unanimous victory ng Pambansang kamao ng Filipinas. ... Read More »

Pacquiao itinumba si Vargas

NANATILI ang bilis, lakas at kara-nasan ni Manny “Pacman” Pacquiao kaya naitukma niya si American fighter Jessie Vargas at makuha muli ang WBO welterweight belt sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas, kahapon. Nabawi ng 37-anyos na si Pacquiao ang titulo kay Vargas matapos ilista ng tatlong hurado ang 114-113, 118-109, 118-109 unanimous victory ng Pambansang kamao ng Filipinas. ... Read More »

Pacquiao iiskor ng KO

MALAKI ang tiwala ni Hall of Fame trainer Freddie Roach na uupak si eight-division world champion Manny Pacquiao ng knockout win laban kay WBO welterweight champion Jessie Vargas. Sa interview ng ‘On the Ropes’ boxing radio sinabi ni Roach kahit kampeon si Vargas wala siya sa ka-lingkingan ni Pacquiao. “I know he’s won a couple of world titles and so ... Read More »

Pacquiao handa kay Vargas

KUMPLETO na ang paghahanda ni Manny Pacquiao para sa kanyang WBO welterweight fight kay champion Jessie Vargas sa Thomas and Mack Center sa Linggo (Manila time). Marami ang nag-aabang kung anong klaseng istilo ng laban ang gagamitin niya kontra Vargas. Ayon sa mga nakapaligid kay Pacquiao, ang istilo ng laban na gagamitin niya ay yung ginawa niya sa laban kina ... Read More »

Opensa, depensa armas ng San Beda

Malinaw kung ano ang ipinanalo ng San Beda sa Game One kontra Arellano University. Pinagsamang opensa at depensa ang naging armas ng Red Lions para makauna sa kanilang best-of-three Finals ng 92nd NCAA seniors men’s basketball tournament na ginanap sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Sina Jio Jalalon at Kent Salado ang matitikas na guard tandem ngayong collegiate ... Read More »

Generals may tsansa sa F4

  PUWEDE pang umasam sa Final Four ang Emilio Aguinaldo College Generals matapos pasukuin ang Lyceum of the Philippines Pirates, 73-66 sa Season 92 ng NCAA senior men’s basketball tournament sa The Arena, San Juan City. Bumanat si Hamadou Laminou ng 20 points habang kinarga ni Sidney Onwubere ang 16 puntos at 10 rebounds para sa Generals para ilista ang ... Read More »

Fajardo nagpapakitang-gilas

PINASAN ni June Mar Fajardo ang walang import na San Miguel Beer para kalusin ang Alaska Milk. Ipinakita ni reigning two-time MVP ang kanyang kakayahan nang itaguyod ang Beermen kahit wala ang nag-inarteng si former best import AZ Reid. Umiskor si Fajardo ng 16 points para ipanalo ang SMB na galing sa paghahabol kontra Aces, 106-103. Kaya naman tinanghal siyang ... Read More »

Pacquiao lalarga sa US

ISANG mabilisang US trip ang gagawin ni boxing icon Manny Pacquiao sa susunod na buwan para i-promote ang comeback fight nito kontra reigning World Boxing Organization welterweight champion Jessie Vargas. Tutungo si Pacquiao sa Los Angeles para sa September 8 press conference ng kanyang upakan kay Vargas sa November 5 sa Thomas and Mack Center sa Las Vegas. Makikipagkita si ... Read More »

Jalalon Accel Player of the Week

DIKIT na tinalo ni Jio Jalalon si reiging Rookie-MVP Allwell Oraeme sa ACCEL Quantum Plus-3XVI NCAA Press Corps Player of the Week. Umunat si Arellano U point guard Jalalon sa scoring, assists at steals matapos ang dalawang laro kaya nakopo nito ang unang citation ngayong 92nd NCAA senior men’s basketball tournament. “He’s our MVP,” patungkol ni Arellano U coach Jerry ... Read More »

Castro, Romeo hinangaan ni Parker

NABIGO ang Gilas Pilipinas sa France noong Martes ng gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City pero pinuri ni NBA veteran Tony Parker ang ipinakitang kagitingan ng mga Pinoy dribblers sa 2016 FIBA (International Basketball Federation) Olympic Qualifying Tournament. Bumilib si San Antonio Spurs point guard Parker kina Jayson Castro at Terrence Romeo na naghalinhinan bantayan siya. “They ... Read More »

Blu Girls palaban sa World Cup

UMARANGKADA na  ang Philippine Blu Girls kahapon para sa World Cup of Softball XI laban sa US sa Oklahoma City. Nakatakdang harapin ng Pinays ang China ngayong araw. “I am very confident that our girls will give other teams a run for their money in this tournament. I have been challenging them not just to be competitive but to win ... Read More »

Gilas vs new Zealand

MATAPOS kasahan ng Gilas Pilipinas ang France, susubukan naman nila ang tikas ng New Zealand sa pagtutuos nila mamayang alas-nuweve ng gabi sa 2016 FIBA (International Basketball Federation) Olympic Qualifying Tournament sa Mall of Asia Arena, Pasay City. Kailangang manalo ng nationals para makasampa sa susunod na elimination at magkaroon ng tsansa na makahirit ng ticket para sa 31st Summer ... Read More »

Durant lumipat sa bakuran ng Warriors

KOMPIRMADONG jersey na ng Golden State Warriors ang isusuot ni former scoring champion Kevin Durant sa susunod na season ng National Basketball Association, (NBA). Inanunsyo kahapon sa The Players Tribune na lalaro sa Golden State ang free agent at Oklahoma City Thunder star player Durant. Pumayag si Durant sa two-year, $54 million deal at player option sa second year na ... Read More »

Gilas suki ng Turkey

NALASAP ng Gilas Pilipinas ang pangalawang kabiguan sa kamay ng Turkey. Pero ipinakita ng Gilas ang malaking improvement sa kanilang trainings matapos matalo lang ng walong puntos sa Turkey, 76-84 sa final tuneup nila sa MOA Arena para sa FIBA Olympic Qualifying Tournament na gaganapin dito sa bansa sa Hulyo 5-10. Sa unang tuneup, kinawawa ng Turkey ang mga Pinoys, ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved