Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Arabela Princess Dawa (page 2)

Author Archives: Arabela Princess Dawa

Feed Subscription

Zark’s Burgers-LPU hahataw sa D-League

SABIK na si reigning NCAA Most Valuable Player, (MVP) Jaymar “CJ” Perez na maglaro  sa mas malakas na liga matapos magkombayn ang Zarks Burgers at Lyceum of the Philippines para lumahok sa  PBA D-League Aspirants’ Cup sa Enero 18, 2018.  Ayon kay Perez malaking bagay ang paglaro nila sa D-League dahil mas mag-uumento ang kanilang laro at marami silang matututunan ... Read More »

Magnolia Hotshots ibabandera sa PBA (Purefoods franchise nagpahiyang)

KINAPOS nang ilang seasons  ang Star Hotshots kaya nagpahiyang muna sila sa pangalan. Sa darating na Philippine Basketball Association, (PBA) Philippine Cup season sa susunod na buwan, ibabandera ng Purefoods franchise ang Magnolia Hotshots Pambansang Manok. Ayon kay team ma­nager Alvin Patrimonio, tuwing magpapalit ng pangalan ang kanilang team ay nagkakampeon sila agad. “Challenge ito for the team, kasi every ... Read More »

Lady Bulldogs 14-0 na

SINAGASAAN ng defending three-time champion National University Lady Bulldogs ang 14-game elimination round sweep matapos lapain ang 63-50 panalo kontra University of the East Lady Warriors sa UAAP Season 80 women’s basketball tournament sa the Filoil Flying V Centre. Nilista rin ng Lady Bulldogs ang 62-0 wins simula 2014 sapat para siluhin ang fifth straight title round appearance. Dalawang panalo ... Read More »

3rd W kinarga ng Cargo Movers

TINULDUKAN ng F2 Logistics Cargo Movers ang two-game winning streak ng Cocolife Asset Managers matapos hatawin ang 26-24, 25-21, 25-21, panalo sa Chooks-to-Go Philippine Super Liga Grand Prix kahapon sa Malolos Sports and Convention Center sa Bulacan. Nanatiling malinis ang Cargo Mover sa tatlong laro, solo nila ang second spot habang nasa unahan ng team standings ang defending champion Foton ... Read More »

Red Lions namumuro sa NCAA title

CJ Perez Robert Bolick San Beda Lyceum NCAA

KINALAWIT ng defending champion San Beda College Red Lions ang Game 1 ng 93rd NCAA basketball tournament Finals matapos nilang ilita ang 94-87 win laban sa Lyceum of the Philippines Pirates sa Smart-Araneta Coliseum. Humugot ng lakas ang Red Lions kina Donald Tankoua at Robert Bolick sa fourth period upang mamuro sa pagsilo ng back-to-back titles. ‘Hindi pa tapos ang ... Read More »

GSW sumalo sa tuktok ng WC

GSW goldenstate warriors curry thompson iguodala durant green NBA

NILISTA ng defending champion Golden State Warriors ang three-game winning streak matapos kalusin ang mahinang Denver Nuggets, 127-108 kahapon sa 2017-18 National Basketball Association, (NBA) regular season. Sinamantala nina Kevin Durant at Stephen Curry ang mahinang depensa ng Nuggets kaya nag-piyesta ang dalawa sa opensa dahil para ilista ang 7-3 karta at saluhan sa tuktok ng Western Conference ang Houston ... Read More »

Red Lions mapapalaban sa Stags

Robert Bolick Clint Doliguez JB Bahio San Beda Red Lions San Sebastian Stags NCAA

SASABAK na bukas sa matinding pagsubok ang defending champion San Beda College Red Lions sa 93rd NCAA basketball tournament. Inupuan ang No. 2 spot ng Red Lions tangan ang 16-2 karta pagkatapos ng 18-game elimination round kaya nakalsuhan ang 11 taong pagiging top seed sa nasabing liga. Nabigo ang Mendiola-based squad San Beda sa Lyceum of the Philippines matapos walisin ... Read More »

GSW, Cavs parehong yumuko

SIBAK pareho ang tigasing defending champion Golden State Warriors at last year’s runner-up Cleveland Cavaliers kahapon sa 2017-18 National Basketball Association, (NBA) regular season. Umiskor si Nikola Vucevic ng 23 points upang tulungan ang Orlando Magic na tuldukan ang 17-game skid nila sa defending Eastern Conference champions Cavaliers, 114-93 habang pinaluhod ng Memphis Grizzlies ang Warriors, 111-101. Noong November 23, ... Read More »

NU, UST nanalasa sa Beach Volleyball (UAAP Beach Volleyball)

AYAW paawat ng defending  champion University of Santo Tomas Tigresses at Far Eastern University Lady Tamaraws upang manatiling nasa unahan ng women’s standings sa UAAP beach volleyball tournament sa Sands SM By The Bay. Kinalos nina Tigresses spikers Cherry Rondina at Caitlyn Viray sina Bea de Leon at Jules Samonte, 22-20, 21-15 ng Ateneo Lady Eagles upang manatling malinis ang ... Read More »

Ikeh kumakayod para sa Ateneo

MALAKI ang naging ambag  ni Nigerian center Chibueze Ikeh sa dalawang huling panalo ng Ateneo Blue Eagles sa UAAP Season 80 basketball tournament. Nagtala si 6-foot-7 Ikeh ng average na 12.5 ppg, 11.0 rpg, 2.0 apg, at 1.5 bpg sa huling dalawang laro niya sapat para tulungan ang Blue Eagles na ilista ang malinis na anim na panalo. Dahil sa ... Read More »

Red Lions diretso sa 13 wins

HINATAW ng defending champion San Beda College Red Lions ang 13-game winning streak matapos nilang isalya ang Perpetual Help Altas, 55-50 sa 93rd NCAA basketball tournament sa San Juan City. Bumira si Robert Bolick ng 15 points habang may 14 si Donald Tankoua para sa Red Lions na tumibay ang kapit sa pangalawang puwesto matapos ilista ang 14-1 card. Ayon ... Read More »

Requirements ng Fil-foreign rookies deadline ngayon

DEADLINE ngayon ng pasahan ng requirements para sa mga Fil-foreign players na lalahok sa 2017 Philippine Basketball Association (PBA), Rookie Draft sa darating na Oktubre 29. Ayon kay PBA deputy commissioner for basketball operations, Rickie Santos na ang mga Fil-foreign aspirants ay puwedeng magpasa ng kanilang application at requirements sa league’s headquarters sa Libis, Quezon City. “The PBA Commissioner’s Office ... Read More »

UAAP season 80 lalarga sa Sept. 9

IKAKASA ang UAAP Season 80 high school volleyball tournament sa September 9 sa mas malaking venue para maraming makapanood na fans. Dati, nilalaro lang ang juniors competitions sa school gyms, ngayon ay hahataw na ang girls at boys volleyball sa taraflex floor sa air-conditioned Filoil Flying V Centre. “We wanted to develop volleyball players through good playing conditions,” saad ni ... Read More »

PacMan-Horn rematch tablado ngayong taon (Senador abala sa trabaho)

ABALA sa kanyang trabaho bilang senador, kaya hindi na magkakaroon ng rematch ngayong taon si Manny Pacquiao kay Jeff Horn para sa WBO world welterweight belt. Masyadong maiksi para sa Pambansang Kamao, Pacquiao ang proposed November 12 bout. Pinayuko ni Horn si Pacquiao sa unanimous decision sa Brisbane noong July 2, pagkatapos ng laban sinabi ng Pinoy boxer na gusto ... Read More »

La Salle kampeon sa Taiwan

MINASAKER ng UAAP champion La Salle ang Universite de Lyon, 93-74 ng France upang maghari sa BLIA Cup University Basketball Tournament sa Kaohsiung, Taiwan. Kumayod si Ben Mbala ng 26 points, 13 rebounds at apat na blocks habang kumana sina Aljun Melecio at rookie Gabe Capacio ng 19 at 12 markers ayon sa pagkakasunod para sa Green Archers na kinumpleto ... Read More »

Lopez kuminang sa Korea Open

  KUMALAWIT ng gold medal si Pinay Jin Pauline Louise Lopez sa katatapos na 2017 Korea Open international taekwondo championships sa Chuncheon City, Korea. Ibinalandra ni Lopez, 21-year-old Ateneo psycho-logy student ang unang apat na katunggali under-57 kilogram competition bago pinagpag sa finals si Brazilian Rasaela Araujo, 16-11. “I was excited, very happy and overwhelmed,” saad ni Lopez matapos pasukuin ... Read More »

Japan suko sa Gilas (39th Jones Cup)

  IKINADENA ng Gilas Pilipinas ang pangatlong sunod na panalo matapos nilang padapain ang Japan, 100-85 kahapon sa 39th Jones Cup sa Taipei Heping Gymnasium. Tangan ang 3-1 record, makikilatis ang Gilas Pilipinas ngayong araw laban sa matitinik at mabibilis na South Korea sa alas-singko ng hapon. Malinis sa tatlong laro ang Korea, kasalukuyang nakikipagbuno sila sa Lithuania, habang tinitipa ... Read More »

Pacquiao nadisgrasya kay Horn

NIYANIG ni Jeff Horn ang buong mundo matapos nitong agawan ng ti-tulo si Manny Pacquiao via unanimous decision kahapon sa mismong lugar nila sa Suncorp Stadium sa Brisbane, Australia. Naging agresibo si Aussie boxer Horn sa kaagahan ng rounds kaya naman pinaboran siya ng mga hurado nang bigyan ito ng 117-111, 115-113, 115-113 iskor matapos ang  12 rounds  upang  tanghaling ... Read More »

San Beda markado sa NCAA

PUNTIRYA ng defending champion San Beda na panatilihin ang korona sa kanilang bakuran sa 93rd NCAA basketball tournament na magsisi-mula sa susunod na buwan sa Mall of Asia Arena, Pasay City. Nagbalik si coach Boyet Fernadez upang aka-yin muli sa kampeonato ang Red Lions, hinawakan ng dating PBA cager ang Mendiola-based squad nang maghari sila noong 2013 at 2014. Isa ... Read More »

Dy alanganin sa national team

UMATRAS si Rachel Anne Daquis sa National Team kaya ang ipinalit ay si La Salle netter Kim Dy. Pero nakasalalay sa mga profe-ssors ni Dy kung makalalaro siya Philippine women’s volleyball na nagha-handa sa Kuala Lumpur Southeast Asian Games sa Agosto. Aabutin nang isang buwan ang kanilang team training sa Japan (July 17 – August 2) at ilang aktibidad, kaya ... Read More »

PH team humakot ng medalya

IPINARAMDAM ng Philippine team ang kanilang lakas sa Thailand Open upang bigyan ng babala ang mga makakatunggali sa Southeast Asian  Games. Humakot ng dalawang bagong national records, tatlong gold medals, dalawang silvers at isang bronze ang National squad. Sinungkit ng quartet nina Archand Bagsit, Edgardo Alejan, Michael del Prado at Joan Caido ang gold medal sa men’s 4x400m relay habang ... Read More »

So tabla kay Aronian

SINULONG ni super grandmaster Wesley So ang pang-siyam na sunod na draws matapos makipaghatian ng puntos kay Armenian GM Levon Aronian sa last round ng 5th Norway Chess 2017 sa Stavanger-region, Norway. Matapos ang 10-player single round robin, nakalikom si 23-year-old So ng 4.5 points upang saluhan sa fourth place sina GM Fabiano Caruana ng USA at GM anish Giri ... Read More »

Warriors nakaresbak sa Cavs (Kampeon sa NBA)

NABAWI ng Golden State Warriors ang korona matapos nilang tapusin sa Game 5 ang Cleveland Cavaliers, 129-120 kahapon sa Finals ng 2016-17 National Basketball Association, (NBA). Inasahan ng Warriors si Durant sa fourth quarter, nagpakawala ng treys para biguin ang Cavaliers at si basketball superstar LeBron James na naghahangad pahabain ang serye. Umiskor si Durant ng 39 points, pitong rebounds ... Read More »

Cavs, Warriors magbabakbakan sa game 5

PAMILYAR sa defending champion Cleveland Cavaliers ang kanilang sitwasyon, inilista nila ang unang panalo sa Game 4 ng 2016-17 National Basketball Association, (NBA) matapos ilubog ng Golden State Warriors sa kanilang best-of-seven finals. Naging kauna-una-hang team sa kasaysayan ng NBA ang Cavaliers matapos umahon sa 1-3 pagkakabaon noong nakaraang season. Ayon kay basketball superstar LeBron James sanay na sila sa ... Read More »

So tabla kay Kramnik

HUMIRIT ng draw si reigning World’s No. 2 player GM Wesley So kay former World Champion GM Vladimir Kramnik ng Russia sa marathon 71-move ng Guioco Piano sa 5th Norway Chess 2017 sa Stavanger-region, Norway kahapon. Nakaipon si 23-year-old So ng 1.5 puntos matapos ang round three sa event na may 10-player at ipinatutupad ang single round robin. Kasalo si ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved