Monday , November 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Almar Danguilan (page 5)

Author Archives: Almar Danguilan

Feed Subscription

Aso maingay, amo kinatay

IMBES ang maingay na alagang aso ang kinatay, ang ginang na amo ng hayop ang pinagtulungang tagain hanggang mamatay ng kanyang mga kapitbahay sa Quezon City, kamakalawa ng gabi. Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), kinilala ang biktimang si Jovy Evelyn Candelaria, 47, store owner, at residente sa 31 Upper Lanzones St., Brgy. Payatas ... Read More »

Curfew hour sa QC, para sa kaligtasan ng kabataan — Gen. Eleazar

INIULAT na 73 menor-de-edad ang pinagdadampot ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) nitong Linggo ng gabi. Bakit? Anong atraso ng mga bata? Pinagdadampot ba sila kaugnay sa kampanya ng gobyernong Digong laban sa ilegal na droga? Hindi naman. E anong dahilan para arestohin ang mga bata? Walang kinalaman sa droga ang pagdampot sa 73 kabataan kundi, ito ... Read More »

Maraming salamat sa inyong lahat — QCPDPC

1 SETYEMBRE 2017, ang petsang masasabing maibibilang sa kasaysayan ng Quezon City Police District Press Corps, isang asosasyon ng mamamahayag mula sa iba’t ibang media entity – diyaryo, telebisyon at radio na pawang nakatalaga sa lungsod para bantayan at iulat sa mamamayan ang araw-araw na nangyayari sa Kyusi partikular ang trabaho ng pulisya. Bagamat prayoridad ng QCPD Press Corps ang ... Read More »

Drug ring na graders ang gamit nabuwag bunga ng QCPD coordination sa schools

DESPERADO na talaga ang mga sindikato ng ilegal na droga na kumikilos sa Quezon City, kaya lahat ng paraan ng pagtutulak o pagbebenta ay kanilang ginagawa. Nandyan iyong ginagamit ang hotel o apartelle sa kanilang negosyo. Modus nila’y umarkila ng kuwarto para roon gagawin ang transaksiyon o pagpapagamit ng droga “drug den.” Pero ang mga paraang ito ng sindikato ay ... Read More »

Drug ring nabuwag ng QCPD (Grade 6 pupil ginamit na courier)

ARESTADO ng mga tauhan ng QCPD Ba-ler Station 2-SDEU ang hinihinalang mga supplier ng marijuana na kinilalang sina Ralph Norman Peñaflor, John Ross Ong, at Eunice Zhiska Zeta sa magkahiwalay na operasyon ng mga awtoridad sa Brgy. San Antonio, Quezon City. (ALEX MENDOZA) PINANINIWALAANG nabuwag ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang sindikato ng ilegal na droga na gumagamit ... Read More »

Ba’t sa PDEA walang napapatay, e sa PNP…bakit?

TALK of the town ang pagpatay kay Kian Loyd delos Santos, 17-anyos na pilit isinangkot sa droga ng Caloocan police. Binaril at napatay si Kian dahil nanlaban daw sa mga operatiba ng Caloocan Police ngunit, batay sa mga saksi, pawang kasinungalingan ang pinagsasabi ng pulisya. Hindi raw nanlaban at sa halip, binigyan ng baril ang binatilyo at inutusan na iputok ... Read More »

Makapangyarihan pa rin ang Dasal

UNA sa lahat, nais natin pasalamatan ang Pangi-noong Diyos sa Kanyang kapangyarihang hipuin ang gobyerno ng North Korea partikular na si NoKor President Kim Jong-Un na huwag ituloy ang planong pag-atake sa Guam, isa sa estado ng Amerika, sa pamamagitan ng missile attack. Praise God. Ngunit, huwag munang makontento ang lahat – dapat ay magpatuloy pa rin tayo sa panalangin ... Read More »

4 drug suspects minasaker sa drug den

APAT katao na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang pinagbabaril hanggang mapatay ng anim hindi kilalang suspek sa loob ng isang bahay sa Brgy. Old Balara, Quezon City, kamakalawa ng gabi. Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, mula sa Criminal Investigation Detection Unit (CIDU), ang mga napatay ay kinilalang sina ... Read More »

Cause & effect sa magulong desisyon ng Ombudsman sa Puerto Princesa

LABAN at bawi na desisyon ng Office of the Ombudsman ang nagpapalala sa situwasyon sa lungsod ng Puerto Princesa. Ang ugat ng gulo o nagpapalito sa mamama-yan ng Puerto Princesa ay kaugnay sa magulo at nakalilitong desisyon ng ahensiya hinggil sa kaso ng nakaupong alkalde ng lungsod na si Lucilo Bayron. Noong 18 Nobyembre 2016, nagpalabas ng desisyon ang Ombudsman ... Read More »

QC COP, 4 pulis sibak sa kotong

SINIBAK bilang hepe ng Quezon City Police District (QCPD) Fairview Police Station 5 si Supt. Bobby Glenn Ganipac makaraan kotongan ng kanyang tatlong tauhan ang kanilang inarestong hinihinalang drug pusher nitong nakaraang Linggo. Ayon kay QCPD District Director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, kanyang tinanggal sa posisyon si Ganipac dahil sa “command responsibility” makaraan kotongan ng kanyang mga tauhan ... Read More »

Hoy Ombudsman! Sino ba talaga ang uupo sa Puerto Princesa?

SINO nga ba talaga ang uupong alkalde ng Puerto Princesa City (Palawan)? Si Mayor-elect Lucilo Bayron ba o ang bise niyang si Luis Marcaida III? Kung ang pag-uusapan ay base sa nakaraang halalan, si Bayron ang alklade pero sa ngayon ay nalilito ang mamamayan ng Puerto Princesa sa kung sino nga ba ang alkalde sa kasalukuyan. Bakit dalawa ba ang ... Read More »

5 katao tiklo sa P1-M shabu sa 2 drug den (Sa Quezon City)

LIMA katao, kabilang ang isang menor-de-edad, ang inaresto sa anti-drug operation ng mga tauhan ng Quezon City Police District – District Drug Enforcement Unit (QCPD-DDEU) makaraan makompiska ang tinatayang P1 milyon halaga ng shabu sa Brgy. Old Balara, Quezon City, kahapon ng hapon. Kinilala ni Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, QCPD director, ang mga nadakip na sina Alona Borja, ... Read More »

Pasig River pasok sa 2017 Riverprize Award…

  PASOK sa 2017 Riverprize Award finals ang Pasig River? Oo naman, ano akala ninyo sa ilog natin ngayon, wala nang silbi? Mali pala tayo o ang nakararami sa impresyon sa nasabing ilog dahil, may ibubuga pala ang ilog. Akalain ninyo, isa pala ang ilog sa finalist. Ibig sabihin, malaki na ang ipinagbago ng Pasig River dahil kung hindi, ito ... Read More »

2 hired killer, 2 holdaper patay sa QCPD

APAT katao, kinabibilangan ng dalawang holdapar, at dalawang hinihinalang hired killer, ang napatay makaraan makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) – District Special Operation Unit (DSOU) sa magkahiwalay na insidente sa nasabing lungsod, kahapon ng madaling-araw. Sa ulat kay QCPD District Director Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng napatay na ... Read More »

Banaue Boys sa QC tuloy sa pananaga ‘este sa negosyo

TULOY pa rin sa pamamayagpag at pananaga sa presyo ang mga gumagalang “Banaue Boys” sa Banaue St. Quezon City. Bakit? Ito ay dahil tila nabigyan sila ng ‘lisensiya’ sa pagbebenta ng mga nakaw ‘este mali pala kundi ‘matinong’ spare parts ng iba’t ibang sasakyan. Paano sila nagkaroon o sino ang nagbigay ng ‘business permit’ o ‘lisensiya?’ Actually, hindi naman business ... Read More »

1 preso patay, 1 kritikal sa siksikang kulungan (Sa QCPD Station 4)

BUNSOD nang pagsisiksikan sa piitan ng Quezon City Police District (QCPD) Novaliches Police Station 4, namatay ang isang preso habang kritikal ang kalagayan ng isa pa sa pagamutan, kahapon ng madaling-araw. Sa ulat ng QCPD – Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), hindi umabot nang buhay sa Novaliches District Hospital si Renato Moreno, 42, habang inoobserbahan sa Quezon City General ... Read More »

QCPD ID sa ‘Banaue Boys’ nasasamantala?

MAGANDA ang layunin ng Quezon City Police District (QCPD) Galas Police Station 11, sa pagbibigay ng “QCPD identification card (ID)” sa mga gumagalang ‘Banaue Boys’ sa Banaue St., Quezon City. Ang tinutukoy nating ‘Banaue Boys’ ay mga freelance na nagbebenta ng mga ‘nakaw’ ‘este mali pala – hindi pala nakaw (sorry po ha… wala naman kasi kayong ibinibigay na resibo ... Read More »

Magtulungan tayong lahat para sa QCPDPC

NATAPOS na rin. Ang alin? Ang kaba este, ang mahaba-habang hinintay ng mga miyembro ng Quezon City Police District Press Corps – ang paghalal para sa bagong grupo ng opisyal ng asosasyon para sa taong 2017-2018. Nitong nakaraang Biyernes, 21 Hulyo 2017, naging matagumpay ang ginanap na “friendly election.” Ang mga nanalo sa iba’t ibang posisyon ay mula sa grupo ... Read More »

“QC gawin haven ng mga kriminal, no way!” — Gen. Eleazar

MADALI bang magtago sa Quezon City? Mahirap ka bang matunton sa Quezon City kung gawing taguan ang lungsod? Masarap ba ang buhay sa lungsod? Naitanong natin ito dahil tila nagiging paboritong lugar ng ilang masasamang elemento ang lungsod. Yes, tila ginagawa nilang “haven” ang siyudad? Bakit kaya? Ano ba ang mayroon sa Kyusi? Ah, malawak kasi ang lugar kaya, parang ... Read More »

Lola kinatay ng kawatan

  TADTAD ng saksak at patay nang matagpuan ang isang 86-anyos lola makaraan pagnakawan sa kanyang bahay sa Brgy. Sto. Domingo, Quezon City, kahapon ng umaga. Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), kinilala ang biktimang si Prescila Trinidad, residente sa Sto. Domingo St., Brgy. Sto. Domingo. Samantala, ikinokonsiderang “person of interest” ang houseboy ng ... Read More »

Mag-utol, 3 pa itinumba sa QC

LIMA katao, kabilang ang magkapatid, ang pinagbabaril at napatay ng hindi nakilalang mga suspek sa magkakahiwalay na insidente sa Quezon City. Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, ang magkapatid ay kinilalang sina Ferdinand, 30, at Juan Carlo Amansec, 28, kapwa residente sa Sitio Sto. Niño, Brgy. Fairview, ng nasabing lungsod. Napag-alaman, ... Read More »

Secretary Cimatu pinakikilos vs anomalya sa DENR

  SA pamahalaan ni Pangulong Digong, isa sa prayoridad ang pagsugpo sa mga tiwaling opis-yal at kawani sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan. Bukod pa sa kinakailangan mawakasan ang maanomalyang transaksiyon. Ang DENR ay ipinagkatiwala ni Pangulong Digong kay Secretary Roy A. Cimatu. Naniniwala ang pangulo, sa pamamagitan ni Cimatu, mawawakasan ang mga anomalya sa DENR. Bukod sa may paglalagyan ... Read More »

Aklan DOLE inutil ba o nakikinabang sa mga resort sa Bora?

  HALOS isang buwan na rin ang nakalilipas nang talakayin natin ang kalagayan ng nakararaming manggagawa sa Isla ng Boracay na matatagpuan sa Malay, Aklan, kaugnay sa sobrang ‘panggugulang’ sa kanila ng ilang hotel and beach resort pagdating sa pagpapasahod. Paano kasi, karamihan sa mga manggagawa ay hindi pinapasuweldo nang tama bukod sa wala pa silang benepisyo tulad ng SSS, ... Read More »

Operasyon ng QCPD vs ninja cops nakadalawa uli

  WALA na nga bang nalalabing ninja cops? Na-patay na ba silang lahat ‘este naaresto na ba silang mga salot na sumisira sa imahen ng Philippine National Police (PNP)? Hindi pa naman napapatay ‘este nahuhuli ang lahat at sa halip may natitira pa. Nagsipag-lie low sila dahil mainit pa pero may ilang sumisimple pa rin na ang resulta’y paktay sila ... Read More »

Ina, sanggol natagpuang patay sa Kyusi

PALAISIPAN sa Quezon City Police District (QCPD) ang pagkamatay ng isang ina at sanggol, nadatnan ng kanilang padre de familia na wala nang buhay sa loob ng kanilang bahay sa nabanggit na lungsod, kamakalawa ng gabi. Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), ang mag-ina ay kinilalang sina Lea Grace Belga, 25, Honethea, isang buwan gulang, residente sa ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved