Wednesday , September 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Almar Danguilan (page 10)

Author Archives: Almar Danguilan

Feed Subscription

MMDA rider, 1 pa tiklo sa shabu

NAARESTO ang isang motorcycle rider ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at isa pa sa buy-bust operation ng Quezon City Police District (QCPD) Masambong Police station 2 kahapon ng madaling araw. Sa ulat kay QCPD director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, kinilala ang mga suspek na sina Dexter Lucas, 43, MMDA motorcycle rider, residente ng 77 Santan St., Pinkian, ... Read More »

Pulis sugatan 3 tulak utas sa shootout

DALAWANG hinihinalang drug pusher na kumikilos sa likurang bahagi ng Quezon City Police District (QCPD) General Headquarters sa Camp Gen. Tomas Karingal, ang napatay nang lumaban sa buy-bust operation ng pulisya kahapon ng madaling araw. Sa inisyal na ulat ni Supt. Rogarth Campo, QCPD District Special Operation Unit (DSOU), kinilala ang isa sa dalawang napatay sa alyas na LA, kapwa ... Read More »

2 holdaper, pusher todas sa shootout

DALAWANG hinihinalang holdaper at isang drug pusher ang napatay makaraan makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa magkahiwalay na operasyon kahapon ng madaling araw. Sa ulat kay QCPD District Director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, napatay ang dalawang hindi pa nakikilalang mga holdaper makaraan makipagbarilan sa mga tauhan ng Novaliches Police Station (PS-4) sa pangunguna ... Read More »

2 holdaper/pusher utas sa QC cops

DALAWANG hinihinalang holdaper at drug pusher ang napatay makaraan lumaban sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) Fairview Police Station 5, sa buy bust operation kahapon ng umaga sa nasabing lungsod. Sa ulat kay QCPD director Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, kinilala ang mga napatay na si alyas Roy, no. 6 sa top 10 drug personalities ng ... Read More »

2 drug pusher patay sa drug operation

PATAY ang dalawang hinihinalang drug pusher makaraan lumaban sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa magkahiwalay na buy bust operation sa lungsod, iniulat ng pulis kahapon. Sa ulat ng Batasan Police Station 6, napatay si Renato Tagalan alyas Junjun, residente ng 122 St. Florence St., Brgy. Holy Spirit ng lungsod, makaraan makipagbarilan sa mga pulis dakong 12:30 ... Read More »

2 kelot na walang helmet utas sa pulis

PATAY ang dalawang lalaking hindi pa nakikilala makaraan makipagbarilan sa mga pulis nang sitahin dahil sa hindi pagsusuot ng helmet kahapon ng madaling araw sa Brgy. Sauyo, Quezon City. Sa ulat ng Anti-Carnapping Unit kay QCPD director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T.  Eleazar, inaalam pa ang pagkakilanlan ng dalawang lalaking hinihinalang karnaper. Ayon ulat, dakong 1:30 am naganap ang insidente ... Read More »

QCPD abot sa Aparri

“MULA Aparri hanggang Jolo…Eat Bulaga!” Kung ang number one noon show “Eat Bulaga” ay napapanood mula Aparri hanggang Jolo via satellite, ang ‘kamay’ naman ng Quezon City Police District (QCPD) ay abot hanggang Aparri, Cagayan. Hindi iyan via satellite ha, kundi pisikal na live na abot hanggang Aparri ang galamay ng QCPD na pinamumunuan ni Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T ... Read More »

Krista Miller 2 FHM model, 4 pa tiklo sa drug bust (Celebrity clients sa droga ikinanta)

NAARESTO ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang sexy actress na si Krista Miller at dalawa pang dating modelo ng FHM magazine sa isinagawang magkahiwalay na anti-illegal drugs operation sa Quezon City at Valenzuela City, ayon sa ulat kahapon. Ayon kay QCPD director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, sina Miller o Krystalyn  Engle sa totoong buhay, ... Read More »

QCPD nakadalawa na sa showbiz

HINDI man napiga ng Quezon City Police District (QCPD) ang naarestong si dating sexy star na si Sambrina M., para ikanta kung sino-sino ang mga parokyano niyang artista sa droga, hindi ito kawalan sa pamunuan ng pulisya. Sa halip, pinatunayan pa rin ng QCPD na pinamumunuan ni Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, na malawak ang intelligence network ng pulisya ... Read More »

Top 1 shabu pusher, 26 pa tiklo sa QC

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang top 1 sa drug watchlist ng Masambong Police Station 2 at 26 pang adik sa isinagawang drug bust operation sa Brgy. Sta. Cruz, Quezon City kahapon. Sa ulat kay QCPD director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, kinilala ang nadakip na top 1 shabu pusher na si Monica Delasan, ... Read More »

Pusher utas sa shootout, 2 nakatakas

PATAY ang isang drug pusher habang nakatakas ang dalawa niyang kasamahan makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) Batasan Hills Police Station 6 kahapon ng madaling araw. Ayon sa ulat, ang suspek na si Bunot Panotes ng Phase 3, Lupang Pangako, Brgy. Payatas B ng nasabing lungsod, ay napatay makaraan makipagbarilan sa mga tauhan ng PS ... Read More »

2 pusher utas sa parak

PATAY ang dalawang hinihinalang drug pusher makaraan makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa buy-bust operation kahapon ng madaling araw sa Novaliches ng nasabing lungsod Sa ulat kay QCPD director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T Eleazar, ang mga napatay ay sina ErlindoTorres at Wilfredo Dela Cruz, kapwa residente ng Rockville 1, Brgy. San Bartolome, Novaliches. Ayon ... Read More »

QCPD chief: Laban vs artistang adik/tulak, umpisa na!

LAOS man este, huwag naman laos at sa halip ay sabihin na natin naligaw ng landas ang naarestong si Sabrina M (Karla Salas Palasigui sa totoong pangalan), masasabing malaking dagok na rin ang pagkakahuli ng dating sexy star sa larangan ng showbiz. Kahit na paano, hindi man aktibo ngayon sa showbiz si Sabrina M, siya ay kinikilala pa ring artista ... Read More »

Ex-sexy star tiklo sa anti-drug ops

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang dating bold star noong dekada 90 na si Sabrina M sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Pasong Tamo ng nasabing lungsod kamakalawa ng gabi. Sa pulong balitaan sa QCPD Headquarters sa Kampo Karingal, iniharap ni QCPD director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, sa mga mamamahayag ang dating artistang ... Read More »

4 pulis, 3 sibilyan sugatan sa granada (May kinalaman sa droga)

PITO ang sugatan kabilang ang apat na pulis, makaraan hagisan ng granada habang nagbabantay sa Salaam Mosque Compound, Brgy. Culiat, Quezon City kahapon ng madaling araw. Sa ulat kay Quezon City Police District QCPD) director, Senior Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, kinilala ang mga sugatan na sina PO3 Jaalin Abdurajik,43; PO2 Abdulwarid Julaid,48; SPO1 Romeo Aming, 46; pawang nakatalaga sa Police ... Read More »

QCPD chief: Tuloy ang giyera vs droga

NAKALULUNGKOT ang nangyari sa ilang pulis na tumutulong sa Quezon City Police District (QCPD)sa pagsugpo ng droga sa lungsod partikular na sa Salaam Mosque Compound. Apat na pulis, hindi sila nakatalaga sa QCPD kundi sa Kampo Crame, ang pinag-initan ng pinaniniwalaang sindikato ng droga. Pero mabuti na lamang at walang namatay sa kanila, lamang, malubhang nasugatan makaraang tamaan ng shrapnel ... Read More »

2 patay sa buy-bust sa Alburetum

  PATAY ang isang hinihinalaang drug pusher at ang kanyang kasama makaraan makipagpalitan ng putok sa mga pulis sa buy-bust operation sa Alburetum Forest sa UP Diliman, Quezon City nitong Linggo. Target sa nasabing operasyon si alias Lupa habang tinutukoy pa ang pagkakilanlan ng kanyang kasama. Ayon kay Supt. Wilson Delos Santos, nakatakdang maglunsad ng buy-bust operation ang mga tauhan ... Read More »

3 tulak patay sa drug ops sa kyusi

TATLONG hinihinalang mga drug pusher na sinasabing nanlaban sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD), ang napatay sa isinagawang buy-bust operation kahapon ng madaling araw sa Area 4, Veterans Village, Brgy. Bagong Silangan, Quezon City. Sa ulat kay QCPD director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar mula kay Supt. Lito Patay, hepe ng Batasan Hills Police Station 6, ... Read More »

Ex-GF ng utol ni Bistek nawawala (Mercedes Benz natagpuan)

MAHIGIT isang linggo nang nawawala ang dating live-in partner ni Quezon City Councilor Hero Baustista na si Rio April Santos. Ang ina ni Santos na si Gng. Emiliana Santos, ay humingi ng tulong sa pulisya at kay QC Mayor Herbert Bautista para matagpuan ang anak. Ayon sa ulat, nagtungo si Gng. Santos sa tanggapan ni Q.C. Police District Director Guillermo ... Read More »

2 karnaper tumakas sa checkpoint, utas sa parak

PATAY ang dalawang hindi nakilalang lalaking hinihinalang mga karnaper makaraan makipagpalitan ng putok sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa isang checkpoint kahapon ng madaling araw sa nasabing lungsod. Sa ulat kay QCPD director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, patuloy pang inaalam ng mga tauhan sa Anti-Carnapping at District Special Operation Unit (DSOU) na nagsagawa ng ... Read More »

Be a participant not as a spectator!

NAKIUSAP si Pangulong Duterte na bigyan natin siya ng another (extension of ) six month para sa kanyang pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad partikular ang pagsugpo sa bentahan ng “shabu” sa bansa. Kung susuriin, taliwas ito sa kanyang ipinangako noong nangangampanya siya na sa loob ng tatlo (3) hanggang anim (6) na buwan ay kanyang susugpuin ang kriminalidad sa ... Read More »

Cameraman huli sa shabu

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang dating assistant cameraman ng isang television network makaraan makompiskahan ng shabu na nagkakahalaga ng P70,000 sa checkpoint habang ipinatutupad ang Oplan Sita sa Proj. 6, ng nasabing lungsod. Sa ulat kay QCPD District Director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, kinasuhan ng paglabag sa Section 5 ng RA 9165 (Transporting ... Read More »

Giyera ng AFP vs ASG nagbunga na!

BUNGA nang walang humpay na operasyon ng tropang gobyerno laban sa Abu Sayyaf Group (ASG), pinalaya ng mga terorista ang kanilang bihag na si Norwegian national  Kjartan Sekkingstad nitong nakaraang Biyernes ng gabi sa  Brgy. Buanza sa Indanan, Sulu. Indanan, isang lugar na hindi tinigilang bakbakan ng militar simula nang ipag-utos ni Pangulong Duterte ang pagdurog sa ASG makaraan nilang ... Read More »

2 hi-value target sa droga tiklo sa Taguig – QCPD

ARESTADO ang dalawang ikinokonsiderang high value target sa pagtutulak ng droga sa buy-bust operation ng mga operatiba ng Quezon City Police District at Taguig City Police Station sa parking lot ng Sunshine Mall sa FTI, Taguig City kamakalawa. Sa ulat kay QCPD Director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, kinilala ang mga nadakip na sina Suraida Guiomla alyas Aslia, 38, ... Read More »

7 patay sa buy-bust sa Kyusi

PATAY ang pito katao sa ipinatupad na buy-bust operation ng Quezon City Police District (QCPD) Station 6 kahapon ng madaling araw sa Brgy. Old Balara ng nasabing lungsod. Sa ulat kay QCPD Director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, isa sa mga napatay ay kinilalang si alyas Kuya Boy habang ang iba ay inaalam pa ang pagkakakilanlan. Ayon kay Supt. ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved