Home
 

Search

Site Best Viewed Using

Foxkeh

Sponsors

Login Form




Palpak na naman! 3 bangkay ng hostage victims nabalasa Print E-mail
Written by (Leonard Basilio)   
Friday, 03 September 2010 00:01
HINDI pa man lumalamig ang kontrobersiya sa hostage taking incident na ikinamatay ng walong Hong Kong Chinese nationals, muli na namang natambad sa kapalpakan ang gobyernong Pinoy nang ang tatlong bangkay ng mga biktima ay nagkapalit-palit ng pangalan na kinompirma ng HK government spokesman kahapon.
Isang kaanak ng isang biktima ang nagtungo sa Hong Kong morgue upang kilalanin ang labi ng kanilang mahal sa buhay para matuklasan lang na ang naroroon sa kabaong ay ibang biktima at hindi ang inaasahan  nila.
“Three of the coffins were wrongly labelled,” pahayag ng HK government spokesman.
Ang maling paglalagay ng pangalan ay naganap sa Manila funeral home bago ilipad ang mga bangkay patungo sa southern Chinese city, pahayag ng spokesman, at idinagdag na maaaring nangyari ang pagkakamali nang ilipat ang mga bangkay mula sa ataul patungo sa more elaborate caskets.
 
Binalasang bangkay ‘small matter’– HK Legislator Print E-mail
Written by Hataw tabloid   
Friday, 03 September 2010 00:02
INIHAYAG ng Hong Kong legislator kahapon, ang pagkakapalit-palit ng pangalan ng tatlong biktima ng Manila hostage crisis ay “small matter,” idinagdag na ang independent investigation sa August 23 crisis ang higit na mahalaga sa kanila.
Ayon kay Hong Kong Legislative Council member Emily Lau, ang kanilang nais ay “independent, open, and fair” investigation.
“It seems that things are quite chaotic over there. We think (the coffin mislabeling) is a small matter. What we are concentrating on right now, and in fact as we speak now there is a debate going on in the legislative council on this very subject, and we in Hong Kong are demanding an independent, fair and open investigation, and they must publish the report to give a full account to the international community,” pahayag ni Lau.
 
Armalite rifle shells nasamsam 2 HK probers pinigil sa NAIA Print E-mail
Written by (Jerry Yap)   
Friday, 03 September 2010 00:03
PINIGIL ng mga kagawad ng PNP Aviation Security Group ang dalawang Hong Kong probers nang madiskobre ang mga basyo ng bala ng M16 rifle at kalibre .45 pistol sa loob ng kanilang bagahe.
Si Chief Inspector Li Kwai Wah at ang kanyang kasama ay nakatakda sanang tumulak patu-ngong Hong Kong kahapon lulan ng Cathay Pacific flight CX 900 nang pigilin ng mga awtoridad sa NAIA Terminal 1.
Ayon sa mga pulis ng ASG, nakita ang mga basyo ng bala sa loob ng bagahe ni Li nang dumaan siya sa X-ray machine sa Initial Security check ngunit hinayaan siyang dumaan dahil kasama ang isang kinatawan ng Chinese Embassy, at inakalang idedeklara niya ang basyo ng mga bala bago sumakay sa eroplano.
Ang mga basyo ng bala ay mula sa baril ni hostage taker Chief Insp. Rolando Mendoza na ginamit sa test fire upang suriin sa gagawing ballistic examination ng Hong Kong Police.
Sinabi naman ni NBI Director Magtanggol Gatdula, tumawag sa kanya ang dalawang HK policemen nang pigilin sila ng mga awtoridad sa NAIA upang ipaalam ang kanilang sitwasyon.
Ayon kay Dir. Gatdula, nagkaroon lamang ng kakulangan ng koordinasyon sa pagitan ng Hong Kong Police at ng local authority.
Pinayagan namang makaalis sina Li nang makakuha sila ng clearance mula sa Department of Justice. 
 
Utol ng hostage-taker kinasuhan na Print E-mail
Written by (Leonard Basilio)   
Friday, 03 September 2010 00:04
PORMAL nang binasahan ng sakdal ang kapatid ni slain hostage-taker Rolando Mendoza kahapon sa Manila Regional Trial Court sa kasong disobedience dahil sa pagtawid sa police line habang nagaganap ang August 23 hostage crisis.
Nakita sa footage sa hostage incident habang lumalapit si SPO2 Gregorio Mendoza, tauhan ng Manila Police District traffic bureau, sa Hong Thai Travel bus habang bihag ng kanyang kapatid na si Rolando ang 25 katao.
Si Mendoza ay nakasuot ng plainclothes at may dalang baril nang pigilan ng mga pulis sa paglapit sa bus.
Ipinaliwanag niyang nais lamang niyang kausapin ang kanyang kapatid at nag-alok na tutulong sa negosasyon.
Ang pag-aresto ng mga pulis kay Gregorio ang sinasabing nagbuyo sa hostage-taker na barilin ang mga biktima.
 
Inmates pinahihirapan ng warden sa BJMP-NCR (Paging: Chr) Print E-mail
Written by Jerry Yap   
Friday, 03 September 2010 00:05
DUMARAING ang INMATES under Metro Manila District Jail – Manila Annex dahi sa nararanasan nilang pagmaMALTRATO sa kanilang hanay.
Nagsimula raw ito nang manaksak ang tatlong tao ng Batang City Jail pero ang resulta, ang lahat ng preso ang pinarusahan.
MALUPIT ka raw jail warden Chief Insp. Muñoz…Hindi nila alam kung talagang disiplina ang ipinairal mo dahil nang paglipat-lipatin mo ang mga preso, nangagkawala ang mga GAMIT nila.
Lalo tuloy nag-away-away at nagkagalit-galit ang mga inmate dahil nagka-shuffle-shuffle ang kanilang mga kagamitan.
Pati ‘yung  hindi naman mga kasama sa gulo ay pinaglipat-lipat din niya.
Ang pinakamasama pa umano, pati mga DALAW nila ay INIIPIT na ng mga tao ni WARDEN.
Paging Human Rights Commissioner Etta Rosales, Usec. Coco Quisumbing  and DSWD Secretary Dinky Soliman, pwede bang paki-dalaw n’yo lang po ang INMATES d’yan sa BJMP Manila Annex … grabe na raw po ang sitwasyon nila …
Bukod sa kaguluhan ay napababayaan na rin ang kanilang kalusugan … nagdaan na ang tag-araw at pumasok na rin ang tag-ulan pero hindi man lang nagkaroon ng pagkakataon na ipa-check-up ang mga preso.
Hindi ba pwedeng gawin ng BJMP ‘yan?!
Anak ng patola naman!!!
Read more...