Friday , April 26 2024

Amazing: Gumulong na lagare sumalubong sa kotse, driver nakaligtas

 

063015 truck blade accident china

NAKALIGTAS sa tiyak kamatayan ang isang lalaki sa China makaraan salubungin ang minamaneho niyang kotse ng isang higanteng circular saw blade na nahulog mula sa likuran ng isang truck sa Chongqing-Guizhou Expressway, at nahiwa ang kanyang sasakyan.

Sinabi ng lalaking kinilala ng Telegraph bilang si “Mr. Xiang,” nakarinig siya ng lagabog nang ang truck sa opposite lane ay nawala sa kontrol, at nakalas dito ang kargang circular saw blades na 5 feet ang diameter. Isa sa blades ang mabilis na gumulong sa kalsada at sumaluong sa sasakyan ni Xiang.

“I just heard a ‘bang’ and then I saw all the white smoke in front of me,” salaysay ni Xiang sa The Shanghaiist, makaraan ang insidente noong Hunyo 17. “I almost lost control of my car.”

Nahiwa ng nasabing saw blade ang hood ng sasakyan ni Xiang sa lalim na 20 pulgada ngunit napigil ng makina, na halos malapit na sa driver’s seat.

Sinabi ng pulisya sa South China Morning Post, hindi napansin ng driver ng truck ang pagkahulog ng saw blades mula sa kanyang sasakyan na nagdulot ng aksidente.

Masuwerteng hindi nasaktan si Xiang ngunit matinding nabigla sa insidente. (THE HUFFINGTON POST)

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal Oil, Left arm, Left shoulder

Pabalik-balik na frozen shoulder inabsuwelto ng krystall herbal oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Una, magandang …

init Lamig Hi Temp Cold Water

Malamig na tubig hindi ipinapayong inumin sa gitna ng matinding init

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, HANGGANG ngayon po …

Krystall Herbal Oil

Makating butlig sa anit, natuyot at gumaling  sa Krystall Herbal Oil

Dear Sis Fely Guy Ong          Magandang araw po sa inyong lahat.          Ako po …

Puregold GRFSB

Puregold may pasilip sa isang “panalo collab” katambal ang pinakamalaking music artists

MALAKAS ang bulong-bulungan na magkakaroon ng kolaborasyon ang Puregold sa pinakamalalaking  pangalan sa lokal na industriya ng musika. Totoo …

Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Sugat sa paa sanhi ng labis na init sa tricycle pinatuyong Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *