Friday , April 26 2024

Alden, mas sikat pa sa mga nakapasok sa Starstruck

091515alden richards
MAGSISIMULA ngayong Lunes, September 7, ang bagong season ng Starstruck. Maglalabanan na naman ang mga kabataang may ambisyong maging mga sikat na artista. Hindi naman natin maikakaila na may sumikat din naman diyan sa Starstruck. Hanggang ngayon sikat pa rin ang kanilang first winner na si Mark Herras, bagamat ang mga sumunod sa kanya ay mukhang palutang-lutang pa rin ang career.

Hindi pa naman masasabing sikat na talaga si Mike Tan. Iyong Aljur Abrenica, nawawala na rin ngayon. IyongMarky Cielo talagang wala na. Iyong Steven Silva rin ano nga ba ang career ngayon? Pero iyong ni-reject ngStarstruck na si Alden Richards, sikat na sikat ngayon.

Hindi mo masasabi talaga kung sino ang sisikat. Kahit na sabihin mong kabilang sa iyong mga hurado ang pinakamagagaling at bumoboto pa rin sa pamamagitan ng text ang publiko, hindi mo masasabi kung sa ganyang contest ay makukuha mo ang right choice. Kasi nga wala namang nakatitiyak ng formula kung  paano mag-build up, at wala rin namang nakatitiyak kung ano ang hitsura dapat ng magiging isang big star.

HATAWAN – Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *