Friday , April 19 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Albri’s Food Philippines legal ba ang negosyong alcohol sa Quezon City?!

ANONG petsa na?!

Pero hanggang ngayon, wala pa rin resulta ang imbestigasyon ng Quezon City Fire Division na pinamumunuan ni S/Supt. Manuel M. Manuel alyas Kernel Triple M sa sunog na naganap sa isang warehouse sa Villa Carolina, San Bartolome, Quezon City nitong 23 Nobyembre 2017.

Bakit mahalaga ang resultang ilalabas ng QC Fire Division sa nasa­bing sunog?

Dahil malaking bagay ito upang madetermina kung ang kompanyang Albri’s Food Philippines Inc., ay walang nilalabag na batas sa pagnenegosyo ng iba’t ibang uri ng kemikal na kinabibilangan ng denatured at ethyl alcohol.

At lalo pang nagkakaroon ng ibang ‘hinala’ ang mga residente sa nasabing lugar, dahil nga sa matagal na pananahimik ng kampo ni Kernel Triple M.

Bakit nga ba, Kernel Triple M?!

Magkano ‘este ano ba ang nasa likod ng napakabagal na paglalabas ninyo ng resulta ng imbestigasyon sa pagkasunog ng warehouse ng Albri’s Food Philippines Inc.?

Hanggang ngayon ba’y hindi ninyo matukoy kung anong klaseng alcohol ang pinagmulan ng sunog?! Hindi ba ninyo, matukoy kung imported o local ang alcohol na pinagmulan ng sunog?!

O baka naman kasama sa nasunog ang Official Register Book (ORB) na ininstila ng Large Taxpayers Field Operations Division (LTFOD)?

Mayroon ba?!

Alam kaya nina Kernel Triple M., na sa ORB dapat nakatala ang araw-araw na transaksiyon ng denatured alcohol na idini-deliver sa mga customer o buyer?

Ang duplicate copies ng transcript nito ay isusumite sa Large Taxpayers Performance Mo­nitoring and Programs Division (LTPMPD), bago o sa eksaktong, ika-walong araw ng bawat buwan.

Nalaman kaya ng QC Fire Division na gumagawa ng ulat ang Albri’s sa LTPMPD?

Alam din kaya ni Kernel Triple M, na kapag natuklasan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na hindi gumagawa ng tamang ulat ang Albri’s ay maaari silang bawian ng permit?!

Quezon City Business Permits and Licensing Office chief, Gary Domingo, sir, baka hindi pa nakakarating sa inyong kaalaman ang huling insidente sa Albri’s?!

Baka kung kayo ang susundot dito ay maglabas na ng report si Kernel Triple M kung ano talaga ang dahilan ng sunog…

Pakisudsod na nga, Kyusi BPLO chief, Gary Domingo Sir!

SANDIGANBAYAN
UNFAIR BA KAY
ex-SENATOR
BONG REVILLA?

NAKIKISIMPATIYA tayo ngayon kay dating Senador Bong Revilla na hanggang ngayon ay detenido pa rin sa PNP Custodial Center.

Hindi gaya ng mga dati niyang kakosa na sina Senator Juan Ponce Enrile at ex-senator Jinggoy Estrada na pinayagan ng Sandiganba­yan na magpiyansa kaya ngayon ay naglalamiyerda na sa Hong Kong.

Parang iba ang kumpas ng hustisya kina Tanda at Sexy kaysa kapalaran ni Pogi?!

E pareho naman ang mga kasong kinasasangkutan nila? Ang bilyones na pork barrel na ibinubulsa ni Janet Napoles!

Ganoon ba ‘yun?

Mukhang sa takbo ng mga pangyayari, e doon na naman sa Kampo Crame magpa-Pasko at magba-Bagong Taon ang esposo ni congresswoman Lani Mercado?!

Tsk tsk tsk…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *