Friday , April 19 2024

Aaron, kapansin-pansin ang galing sa Heneral Luna

091515 AARON
NOONG isang araw, inabot kami ng malakas na ulan sa isang mall. Wala naman kaming mapuntahan, lumapit kami sa sinehan at nagtanong sa takilyera kung anong sinehan ang pinakawalang tao dahil ayaw namin  ng masikip, alam namin unang araw iyon ng palitan ng mga pelikula.

Inirekomenda sa amin ng takilyera iyong Heneral Luna, na ang sabi pa, ”ito na lang po sir, kasi iyan ang pinakawalang pumapasok at saka mura lang ho ang admission niyan P196.” Mukhang tama naman ang sinabi niya dahil wala ngang tao, at nang bilangin namin ang mga nakasabay naming lumabas sa sinehan pagkatapos ng pelikula, 12 lang pala kaming lahat.

Pero nakahihinayang ha, kasi maganda ang pagkakagawa ng pelikula. At maski na sa simula ay inamin niya na iyon ay base sa totoong pangyayari pero may mga bahaging fiction na kailangan nilang gawin para pagandahin ang pelikula, naroroon naman ang mahahalagang data ng buhay ni Heneral Luna.

Makatotohanan ang pagpapakita nila ng makahayop na pagpaslang na ginawa ng mga sundalong taga-Cavite na mga bodyguard ni Emilio Aguinaldo kay Heneral Luna. Kasama na roon ang pagtatanong ng nanay ni Aguinaldo mula sa bintana kung ”nagalaw pa ba iyan.”

Naroroon din ang ‘di gaanong pinahalagahan sa mga tala ng kasaysayang pagtataka ni Tinyente Manuel Quezon ng Tayabas, kung bakit maiiwan ang mga sundalo ni Aguinaldo sa Cabanatuan gayung  paalis siya. Iyon ang medyo fiction, pero makatotohanan na natawa sina General Otis at General Arthur MacArthur dahil sa sinabi nilang ”they killed their best general”.

Pero sa mga artistang kasali sa pelikula, ang nakatawag ng aming pansin ay iyong si Aaron Villaflor. Mahusay ang acting niya sa pelikula bilang isang peryodistang sumusunod sa mga ginagawa ni Heneral Luna. Napansin naming una ang acting niyang si Aaron noong mapanood namin sa big screen ang mga initial episode ng kanyang seryeng All of Me. Sa totoo lang, nakaagaw siya ng atensiyon sa seryeng iyon. Diyan sa Heneral Luna, magaling na naman siya. Pero mabuti sa All of Me, marami ang nakakapanood sa kanya. Roon sa Heneral Luna, siguro ay iilan lang.

ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *