Thursday , April 25 2024
shabu drug arrest

6 tulak timbog sa buy-bust sa Davao

DAVAO CITY – Arestado sa mga pulis ang anim drug suspect sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa siyudad mula Linggo ng hapon hanggang Lunes ng umaga.

Unang inaresto noong Linggo ang tricycle driver na si Kenneth Sumalinog na nabilhan umano ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa mismong bahay niya sa Matina Gravahan.

Naaktohan din umanong gumagamit ng ilegal na droga sa bahay ni Sumalinog sina Norbelt Gregore at Marco Briones Santos, pawang mga tricycle driver, na inaresto ng mga awtoridad.

Aminado ang tatlong suspek na gumagamit sila ng ipinagbabawal na gamot ngunit itinanggi  nilang nagbebenta sila ng ilegal na droga.

Kinagabihan, inaresto ng pulisya si Ansbert Recta, trabahante sa isang sagingan, makaraang mabilhan umano ng mga operatiba ng shabu sa Bunawan.

Bukod sa naibentang droga, may nakuha rin umanong isa pang sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na tatlong gramo at tinatayang P20,000 ang halaga. Madaling araw noong Lunes, inaresto sina Dennis Tagadas Labuendia at Kenneth Dilad nang mabilhan umano ng isang sachet ng shabu at makuhaan ng halos 20 sachet nito.

Tinatayang aabot sa P15,000 ang halaga ng shabu na nakuha mula sa dalawa.

Itinanggi ng mga suspek ang mga akusasyon sa kanila. Ang mga na­aresto ay kina­su­han ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

About hataw tabloid

Check Also

fire dead

Nanay naghanap ng kahoy para panggatong
2 PASLIT NA MAG-UTOL NAABO SA SUMABOG NA TANGKE NG LPG

SILANG, CAVITE — Masusing iniimbestigahan ang pagkamatay sa sunog ng magkapatid na paslit base sa …

Ejay Falcon Alan Peter Pia Cayetano ORIENTAL MINDORO

Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong  
1,650 BENEPISARYO, 50 TESDA SCHOLARS PARA SA ORIENTAL MINDORO

UMABOT sa 1,650 benepisaryo mula sa iba’t ibang sektor at distrito sa Oriental Mindoro ang …

PCMC MRI and CT scan Pia Cayetano Bong Go

Cayetano nanguna sa pasinaya  
STATE-OF-THE-ART MRI, CT SCAN EQUIPMENT, ATBP FACILITIES SA PCMC

PINANGUNAHAN ni Senadora Pia Cayetano ang pagbubukas ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) para sa …

Navoteño solo parents cash subsidy

Navoteño solo parents tumanggap ng buwanang cash subsidy

SINIMULAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga …

drugs pot session arrest

4 arestado sa pot-session sa Valenzuela

SWAK sa kulungan ang apat katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *