Friday , April 26 2024

5 patay sa buy-bust ops sa Cavite

PATAY ang lima katao sa magkakahiwalay na drug buy-bust operation na ikinasa ng Philippine National Police (PNP) sa Cavite kamakalawa ng gabi at kahapon ng madaling araw.

Unang napatay ng PNP ang suspek na kinilala lamang sa alyas Orly sa Bacoor, Civite.

Sa Rosario, Cavite, itinumba rin ng mga pulis si Jerry Abundo nang manlaban sa arresting PNP officers.

Ang tatlong lalaki sa Trias, Cavite ay napaslang nang manlaban sa mga pulis na magsisilbi sana ng arrest warrant sa suspek na si Evan Sevilla, nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Naaktohan ng mga pulis ang mga suspek na gumagamit ng ilegal na droga sa bahay ni Sevilla.

Agad nagpaputok ang mga suspek nang matunugan ang mga pulis.

Napuruhan ng mga pulis ang target ng operasyon na si Sevilla at dalawang kasamahan.

About Hataw News Team

Check Also

AFP modernization suportado ni Padilla

“MAGIGING maingay kami sa pagsusulong ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP), lalo …

Navotas MOU Makabata Helpline

Navotas lumagda sa MOU para sa Makabata Helpline

NAKIPAGKASUNDO ang pamahalaang lungsod ng Navotas akasama ang Council for the Welfare of Children (CWC) …

Bong Go Rex Gatchalian

DSDW chief sinabon ng senador

TILA NAKATIKIM ng ‘sabong walang banlawan’ si Department of Social Worker and Development (DSWD) Secretary …

UP PGH

Upgrade ng PGH inilatag sa SB 2634

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pag-upgrade ng mga serbisyo at pasilidad ng Philippine …

Laguna Police Best Police Provincial Office Award CALABARZON

Sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan
LAGUNA POLICE PROVINCIAL OFFICE BEST PPO SA CALABARZON

Camp B/Gen. Paciano Rizal, Santa Cruz, Laguna – Muling nakamit ng Laguna Police Provincial Office …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *