Tuesday , April 23 2024

3 Chinese arestado sa pagdukot sa Taiwanese

ARESTADO ng mga elemento ng Parañaque City Police ang tatlong Chinese national na dumukot, nanakit at ilegal na nagdetine sa isang Taiwanese national sa isang hotel nitong 7 Enero ng madaling-araw dahil sa hindi nabayarang utang.

Iniharap sa media nina Southern Police District (SPD) director, Chief Supt. Tomas Apolinario Jr., at Parañaque City Police chief, Senior Supt. Victor Rosete ang tatlong suspek na sina Zhao Xu, 29; Cai Xing Bao, 29, at Tia Xao Lin, 30, pansamantalang tumutuloy sa Room 202 ng Baymont Suites and Residences sa Airport Rd., Brgy. Baclaran, Parañaque City.

INIHARAP sa media nina Southern Police District chief, Chief Supt. Tomas Apolinario at Parañaque Police chief, Senior Supt. Victor Rosete ang tatlong Chinese national na sina Zhao Xu, 29; Tia Xao Lin, 30, at Cai Xing Bao, 29, mga suspek sa pagdukot sa isang Taiwanese national na si Lat Yun Chun, 38, nasagip sa isinagawang rescue operation ng mga awtoridad sa pangunguna ni Chief Insp. Karlos Lanuza, hepe ng PCP-1 Baclaran, sa Baymont Suites and Residences sa Airport Road ng nabanggit na lungsod nitong Martes. (ERIC JAYSON DREW)

Ayon kay Apolinario, nitong Martes dakong 1:00 pm nang masagip ang biktimang si Lat Yun Chun, 38, pansamantalang nanunuluyan sa Crown Bay Hotel sa Brgy. Tambo ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa imbestigasyon, noong 7 Enero ng madaling-araw, palabas ng Resorts World Manila ang biktima nang dukutin ng mga suspek at dinala sa Baymont Suites and Residences sa nasabing lugar.

Siningil umano ng mga suspek ang biktima ng P100,000 halaga ng utang ngunit P60,000 lamang ang naibayad ni Lat.

Makaraan dukutin, tinawagan ng mga suspek ang pamilya ng biktima at sinabing hawak nila si Lat at kailangan bayaran ang inutang na ginamit sa pagsusugal sa casino.

Dahil dito, napilitan humingi ng ayuda ang pamilya ng biktima  sa tanggapan ng Taiwan Economic and Cultural Office (TECO) na agad humingi ng tulong sa Parañaque City Police.

Agad nagkasa ng rescue operation ang Parañaque Police at nasagip ang biktimang nakakulong sa isang silid ng nabanggit na hotel dakong 1:00 pm nitong Martes. Habang payapang sumuko ang nabanggit na mga suspek.

Ayon sa biktima, hindi niya kilala ang mga suspek at maaaring inutusan sila ng kanyang pinagkakautangan sa casino para siya ay dukutin.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

drugs pot session arrest

4 arestado sa pot-session sa Valenzuela

SWAK sa kulungan ang apat katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot …

arrest prison

Sigang tambay, kulong

‘IBINALIBAG’ sa selda ang 22-anyos tambay makaraang pumalag at ‘magpamalas ng kabangisan’ nang ireklamo ng …

Win Gatchalian

Mas maigting na pakikilahok ng LGUs sa edukasyon isinusulong ni Gatchalian

MULING isinulong ni Senador Win Gatchalian na paigtingin ang pakikilahok ng local government units (LGUs) …

Namatay sa baha sa Dubai
LUBOS NA TULONG MARAPAT IGAWAD SA TATLONG OFWs

KASUNOD ng pagpapaabot ng taos-pusong  pakikiramay sa pagkamatay ng tatlong overseas Filipino workers (OFWs) sa …

Paco Catholic School Fire Sunog

Pagkatapos ng P15-M sunog sa palengke
PACO CATHOLIC SCHOOL NO FACE-TO-FACE CLASSES

INIANUNSIYO ng Paco Catholic School (PCS) ang suspensiyon ng face-to-face classes simula bukas, Martes, 23 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *