Friday , April 26 2024

25 bahay sa Kyusi natupok

NAWALAN ng tirahan ang  25 pamilya makar­aan matupok ang 25 bahay sa Brgy. Kaligayahan sa Quezon City, nitong Sabado.

Sinabi ni FO3 Leo-nathan Tumbaga, arson investigator ng Quezon City Fire Department, dakong 5:05 pm nang magsimula ang apoy at agad itinaas sa unang alarma.

Dahil dikit-dikit ang mga bahay at karamihan ay gawa sa kahoy at yero, agad nilamon ng apoy ang mga katabing bahay at umakyat sa ikalawang alarma bago tuluyang naapula bandang 7:00 ng gabi.

Ayon sa ulat, nagsimula ang apoy sa kusina ng bahay ng isang Marita Ranque bagama’t inaalam pa kung ano mismo ang naging sanhi ng sunog.

Tinayang P150,000 ang halaga ng nasunog na mga ari-arian.

Pansamantalang nanuluyan sa covered court ng barangay ang mga apektadong pa­milya.

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

Sa Bulacan
MWP, LAW BREAKERS ARESTADO, DROGA AT BARIL KOMPISKADO

NAGSAGAWA ang Bulacan police ng sunod-sunod na operasyon na nagresulta sa pagkakakompiska ng ilegal na …

gun ban

Puganteng Chinese arestado sa ilegal na pag-iingat ng baril

INARESTO ng pulisya ang isang Chinese national dahil sa kasong illegal possession of firearms sa …

042424 Hataw Frontpage

Nagprotesta laban sa PUV modernization program
MANIBELA INASUNTO NG QCPD

ni ALMAR DANGUILAN  SINAMPAHAN ng sandamakmak na kaso ng Quezon City Police District (QCPD) ang …

fire dead

Nanay naghanap ng kahoy para panggatong
2 PASLIT NA MAG-UTOL NAABO SA SUMABOG NA TANGKE NG LPG

SILANG, CAVITE — Masusing iniimbestigahan ang pagkamatay sa sunog ng magkapatid na paslit base sa …

Ejay Falcon Alan Peter Pia Cayetano ORIENTAL MINDORO

Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong  
1,650 BENEPISARYO, 50 TESDA SCHOLARS PARA SA ORIENTAL MINDORO

UMABOT sa 1,650 benepisaryo mula sa iba’t ibang sektor at distrito sa Oriental Mindoro ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *