Wednesday , April 24 2024

Maayos na lovelife, sagot sa mga sakit ni Kris

MATAGAL nang espekulasyon kung ano nga ba talaga ang iniindang karamdaman (that is, kung mayroon nga) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pilit siyang pinaaamin kung ano ang misteryosong sakit na ‘yon dahil nakasaad umano sa batas na responsibilidad ng Pangulo na ilantad sa taumbayan ang kanyang health condition.

Sa panahon ng kampanya’y maaari pang hindi obligahin ang mga kumakandidato to make any disclosure tungkol sa kalagayan ng kanilang kalusugan.

Kabaligtaran naman ang senaryong ito sa kaso ni Kris Aquino. Walang puwesto si Kris sa pamahalaan (and even during her brother Noynoy’s term ay wala rin), pero siya na mismo ang nag-iingay ng kanyang medical bulletin.

Sa kanyang IG account, pinatulan ni Kris ang isang netizen na nagsabing papansin daw siya makaraang isa-isahin niya ang kanyang mga sakit.

Bukod pala kasi sa chronic spontaneous urticaria na iniinda niya dahilan para mamula’t magkapantal-pantal ang kanyang balat ay mayroon din siyang hypertension, severe migraine, overproduction of thyroid antibodies, at fibromyalgia.

Sa dalawang huling nabanggit, we have yet to know kung ano ang katumbas ng mga ito in layman’s terms.

Pero sa ordinaryong pasyente na limitado ang kaalaman, maliwanag na mga sakit ito. At tanging mga dalubhasa lang ang nakaaalam ng lunas para roon.

For Kris to issue her own medical bulletin ay maiisip mo na daig pa niya si Digong sa pagiging transparent o tapat kaugnay ng kanyang sakit.

Tuloy, nag-advance kami sa pag-iisip that Kris can make a good national leader sa aspeto lang na ito. Wala kasi siyang itinatago sa publiko kompara sa maraming celebrities na magdadalawang-isip na isapubliko ang kanilang karamdaman.

Sa komentong KSP lang si Kris for posting such ay may sagot siya. Ayaw kasi niyang nagiging tampulan siya ng mga malisyosong espekulasyon tungkol sa kung ano ang estado ng kanyang kalusugan.

We all know nga naman kung gaano kalaganap ang mga fake news sa social media. Worse, kung matatandaan n’yo, nabalita pang sumakabilang-buhay si Kris.

Balido ang punto ni Kris. Hayaan n’yo nang siya na mismo ang mag-anunsiyo ng tungkol sa diperensiya ng kanyang pangangatawan kaysa naman imbentuhan ng mga kung ano-anong kuwentong wala naman ni katiting na medical basis.

Matatandaang colon cancer ang ikinasawi ng kanyang inang si dating Pangulong Cory Aquino.

Hangad naming malampasan ni Kris ang mga binanggit niyang sakit. Pero kung kilala nating lahat si Kris, isang maayos na lovelife lang ang gamot sa lahat ng ‘yan.

Kaso, waley. 

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

James Reid

Paghuhubad ni James inaabangan

MATABILni John Fontanilla KINAGILIWAN ng publiko ang naging pahayag ni James Reid na dahil sa sobrang init …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *