Monday , January 21 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Bahay ng pulis sa Camp Bagong Diwa pinasok ng kawatan
Bahay ng pulis  sa Camp Bagong Diwa pinasok ng kawatan

Bahay ng pulis sa Camp Bagong Diwa pinasok ng kawatan

NABIKTIMA ang isang pulis ng hindi pa kilalang kawatan matapos pasukin ang kanyang tirahan sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Taguig City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si PO3 Roy Guiyab, 32, miyem­bro ng Philippine National Police (PNP) at nakatalaga sa District Investigation and Detective Management Division (DIDMD) ng South­ern Police District (SPD).

Ayon sa ulat ng SPD, 8:15 pm, nang pasukin ng magnanakaw ang bahay ng pulis sa loob ng SPD Quartering, Camp Bagong Diwa, Barangay Lower Bicutan, sa Taguig City.

Nadatnan ng biktima na magulo ang loob ng kanyang unit at nawawala na ang kanyang caliber .9mm pistol Glock 17 Gen 4 na may serial # PNP10184 na nagka­kahalaga ng P16, 659; gin­tong kuwintas na P3,200.00 at P8,000.00 cash na umabot sa kabuuang P27, 859.94.

Patuloy ang isina­saga­wang imbestigasyon ng awtoridad sa naturang insidente.  (JAJA GARCIA)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top